Tuesday, November 6, 2012

Following Your Heart : Chapter 6

CHAPTER 6

( Shanea’s POV )

“Wow! Ang ganda talaga dito sa tabing dagat kapag umaga. Parang ang sarap tuloy mag-swimming.” Pagkatapos nilang kumain, sa tabing-dagat sila dumeretso ni Jed. Hinubad niya ang flat sandals niya at nagtatakbo sa buhanginan.


“Shanea, wag ka ngang magtatatakbo!”


Nakangiting nilingon niya ito. Nakaupo ito sa puno ng buko na nakatumba. “Gayahin mo na lang ako.” Sabay takbo uli. Tawa siya ng tawa habang tumatakbo. Para nga siayng si Sisa. Basta, masaya lang siya ngayon. Sobrang saya. At iyon ang kinatatakutan niya, baka kasi may kapalit ang sayang nararamdaman niya ngayon.


Huminto lang siya ng mapagod. Nilingon niya si Jed na nakatingin sa dagat. Ano kayang iniisip niya? O mas tamang sabihing sino? Hindi kaya si…


Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Paupo na siya sa tabi nito ng pigilan siya nito. Hinubad nito ang jacket nito at nilatag sa uupuan niya. At walang kibong tumingin uli sa dagat.


Napangiti siya ng umupo. Simpleng sweet talaga ang Jed ko... “Anong iniisip mo, Jed?” Ako ba? Wahehe.


Nilingon siya nito sabay iling. Binalik uli nito ang tingin sa dagat.


Sabi ko nga, hindi ako… Tumingin din siya sa dagat habang pasimpleng tinitingnan si Jed. Ang lapit-lapit ko nga sa’yo pero parang ang layo mo naman sakin. Hanggang kailan kaya tayo ganito? Hanggang kailan ko itatago yung feelings ko? Hanggang kailan—


 [] ‘Kailan...kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin, di mo pa din pansin...
Kailan...kailan mo ba mapapansin ang aking lihim...’ []


Alam ninyo ba kung ano ‘yon? Ring tone ko ‘yon. Kinuha niya ang phone sa pouch niya. Epal na ringtone na ‘yan, tamang-tama sa pagda-drama ko. Mapalitan na nga. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay kinansel niya agad. Si Aeroll. Aasarin lang siya nito.


“Is that your voice?”


Nilingon niya si Jed. “Yap. Ang ganda ng boses ko noh?” Napagtripan lang niyang i-record yon at gawing ringtone. Panakot ng daga. Wahehe.


“Hindi.”


 “Sabi ko nga.” Di bale ng pangit ang boses ko, maganda naman ako. Wahaha. Tsk, hindi kaya ako tamaan ng kidlat nito.


“Jed.”


“Shanea.”


Nagkatinginan pa sila dahil sabay pa silang nagsalita.


“Ikaw na.”


“Guys first.”


“Ladies first.”


“Uso na ang guys first.” Saka wala naman siyang sasabihin. Mangungulit lang siya.


Tumingin ito sa dagat bago nagsalita. “I’m going to America. For Good.”


Bigla siyang napalingon dito. Yung lingong parang iikot ang ulo niya sa pagkabigla at gulat sa sinabi nito. “W-wha…w-what?!” tanong niya.


“With dad and mom.”


“B-but…w-why?”


“Matagal na naming balak mag-migrate. Supposed to be, dapat after graduation. Ayoko lang.”


“P-pero bakit…b-bakit n-ngayon? K-kailan k-a b-babalik?”


Hindi ito sumagot.


Napahawak siya sa dibdib niya. “J-jed...ayoko...” Nangingilid na ang mga luha niya. Na ilang segundo na lang babagsak na.


Dahan-dahan siyang nilingon nito. “Shanea...”


 Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Yumuko siya.


“Shanea.” Hanggang sa maramdaman niyang nakapaloob na siya sa mga bisig nito.


“B-bakit kailangan mo pang umalis? Paano na ko? Wala na kong susundan? Dito ka na lang, Jed…” parang batang sabi niya.


“Hindi pwede. You have your own life, Shanea. I have my own. Hindi pwedeng lagi kang nakasunod sakin.”


Pero na sayo ang puso ko, Jed...


Pinilit niya ang sarili niyang kumalas sa yakap nito. Dahil kung magtatagal pa sila sa ayos nila, baka masabi na niya ang feelings niya. Ayaw niya. Hindi pwede. Masasaktan lang siya. Alam niyang masasaktan lang siya. Kaya bakit pa niya ipipilit ang isang bagay kung alam naman niyan sakit lang ang makukuha mo. Dahil alam niya. Alam na alam niya kung bakit naisipan na ni Jed na tuluyan ng tumira sa America.


“Mag-iingat ka na lang...” Pinahid niya ang mga luha niya. ”Aalis na ko, Jed. Baka hinahanap na ko sa bahay.”


Kumunot ang noo nito. “Okay ka lang ba?”


Mukha ba kong okay, Jed? Parang sasabog na ang puso ko kung alam mo lang.


Tumayo na siya at humakbang palayo dito. Pilit siyang ngumiti. “Tatawag ka sakin, okay?”


“I’ll try.”


“Okay na ‘yon kesa sa sagot na hindi. Hihintayin ko ang tawag mo. Saka nga pala, size seven ang size ng paa ko. Padalhan mo ko ng rubbershoes at sandals, yung flat ha. Alam mo namang ayoko ng high-heels, natitipalok ako. Saka nga pala, ikamusta mo ko sa mga kano do’n. Sige, aalis na ko.” Tumalikod na siya.


“Shanea.”


Nilingon niya ito na nakangiti. “Bakit?” Please, sabihin mong hindi ka na aalis...


Parang may gusto itong sabihin base na din sa expression ng mukha nito. O baka, naghahalucinate lang siya. “Mag-iingat ka lagi.”


Nakangiting tumango siya. “Ako pa. Hindi mo ba ako ihahatid? Syempre joke lang ‘yon. Aalis na ko.” Kasabay ng pagtalikod niya, bumagsak na naman ang mga luha niya. Sige na, Jed… Sundan mo naman ako, kahit ngayon lang...


Pero ang layo na ng nalalakad niya. Mga limampung hakbang na. Wala pa ding Jed na sumunod sa kaniya. Napahawak siya sa dibdib niya, sabay lingon sa pinag-iwanan niya kay Jed. Siya pa din, Jed. Si Sofia pa din. Nasa kaniya pa din ang puso mo...



- F L A S H  B A C K -

Last day of class na. Last day na din ng highschool days niya. Dahil bukas, ga-graduate na siya. Yehey! College na ko, parehas na kami ng Jed ko. Nakangiting pinuntahan niya ito sa hintayan nila. Sabay silang umuwi. Ngayon. Napilitan lang itong hintayin siya dahil gagabihin na siya ng uwi. Last day na ng graduation practice nila ngayon.


Same school sila. May elementary, highschool at college ang school nila. Hiwa-hiwalay lang ng building. Ang saya noh? Kasi lagi kaming magkasama ng Jed ko kahit highschool pa lang ako at college na siya. Pero syempre, next school year, college na din ako. Wahehe. At ang course na kukunin ko ay Business Ad para parehas kami ni Jed ko.


Natanaw niya itong nakaupo sa bench sa ilalim ng punong mangga. Mukhang may sinusulat ito sa notebook nito.


“Jed!!” malakas na tawag niya.


Napalingon ito sa kaniya. Tumayo agad ito at lumapit sa kaniya. Hindi nito napansin ang papel na nahulog sa notebook nito.


“Bakit ang tagal mo? Kanina pa ko naghihintay dito.”


Hindi niya ito sinagot dahil pinulot niya ang papel na nahulog nito.


Putol ang nakasulat. Pero sapat na yon para makaramdam siya ng pagtusok ng kung ano sa puso niya.  Mahal na mahal niya talaga si Sofia. Handa siyang maghintay para kay Sofia. Parang tinutusok ang puso niya sa nabasa niya.


“Akin na nga ‘yan.” Nawala ang papel sa kamay niya. Pag-lingon niya, hawak na ni Jed ‘yon.


“Si Sofia pa din ba?”


Kumunot ang noo nito. “What?”


“Yang si S, si Sofia ‘yan diba?”


Tiningnan nito ang papel na hawak nito. Matagal bago ito sumagot, pero hindi naman nito sinagot ang tanong niya. “Gabi na, umuwi na tayo.” Iyon lang at tumalikod na ito.


Napasunod na lang siya dito. Hanggang kailan ako susunod ng ganito sa’yo, Jed? At hanggang kailan ka maghihintay kay Sofia? Four years na simula ng iwan ka niya, Jed. Paano kung hindi siya dumating? Handa ka bang sumunod sa kaniya? Paano na ko? Paano na ang puso ko? Kung mangyari man ang araw na ‘yon, pwede bang bawiin ko muna sayo ang puso kong tuluyan ng nahulog sayo bago mo ko iwan?


“Shanea. Paki-bilis naman.”


Nakangiting binilisan niya ang lakad niya. Siyete! Ang hirap talagang ngumiti pag nasasaktan ka na. Sabagay sanay na ko. Sanay na kong masaktan. Simula ng mawala sina mama at papa nung bata pa ko, sinanay ko na ang sarili kong normal lang ang masaktan. Dinadaan ko na lang sa ngiti. Ang sabi kasi noon ni mamita, wag daw akong malulungkot, kasi may pamilya pa daw na magmamahal sakin. Sila ‘yon.


Pero masakit, eh. Masakit kapag nalaman mong may nag-mamay-ari na ng puso ng taong mahal mo, maski nung mga panahong hindi ka pa nahuhulog sa kaniya. At matagal ko ng alam ‘yon.

- E N D  O F  F L A S H B A C K -



Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya habang nakatingin sa gawi ni Jed. Likod na lang niya ang nakikita nito. “Alam kong kaya ka pupunta sa America dahil kay Sofia... Ikaw na mismo ang susunod sa kaniya... Ang swerte ni Sofia. Sana ako na lang siya... Sana ako na lang...” Napaiyak na siya ng tuluyan.


“Kasa...kasalanan ko naman, eh... H-hinayaan kong mahulog ang puso ko sa’yo... Ikaw naman kasi, bakit hinayaan mo kong sumunod ng sumunod sa’yo... Masyado kong naging kampante na nandyan ka lang...na hindi mo ko iiwan... Tapos ngayon...ngayon...aalis ka na...iiwan mo na ko... You were just like papa and mama...iniwan nila ko dati... Pero ang masakit, alam kong sa umpisa pa lang...mangyayari na ‘to.”


Hindi siya yung pangkaraniwang bata na panay ang sunod sa parents niya. Kahit umalis ang mga ito, hindi siya ngumangawa pag hindi siya sinasama. Kaya ng mangyari ang insidenteng ‘yon na ikinamatay ng parents niya. Tumimo sa isip niya na simula ng araw na ‘yon, lagi niyang susundan ang mga mahal niya just to make sure na hindi siya iiwan ng mga ito. Natatakot na siyang iwan pa siya. Mas lalo ngayon. Si Jed pa.


“Yan tuloy...nasasaktan ako ng ganito...” Pinunasan niya ang sipon niyang tutulo na, sabay singhot.


“I-ito na ba ang panahon para...tumigil na ko sa pagsunod sayo? Kung sasabihin ko...bang mahal kita, may magbabago ba?” Huminga siya ng malalim. “Mahal na mahal kita, Jed... Ikaw lang... Pero ang sakit...ang sakit-sakit...” Dahil parang tinutusok ang puso niya ng mga sandaling ‘yon. At para pang slow motion na tinutusok ang puso niya kaya ramdam na ramdam niya ang sakit. “A-ang sakit...sakit...” Tinakpan niya ang bibig niya para pigilan ang hagulgol niya.


“K-kaya nga kukunin ko na ang puso ko mula sayo, Jed... Sumusuko na kasi ko...kahit hindi ko pa sinubukang lumaban... Alam ko naman kasing talo na ko sa simula pa lang... Goodbye, Jed...” Humakbang na siya palayo. Palayo kay Jed. Palayo sa puso nitong buong buhay niyang sinusundan.


* * *

[Disclaimer: Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. Credit goes to the owner/s of the original photo/s used.]

5 comments:

  1. SHet nMaN jEd!!! SofiA padiN,,, di haMak nMn na mas maGanda c shaNea,,, hWahuHu,,, naLuLungkOt aq pRa kei shAnea,,,

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    what is happening!!! no!!! shane and jed forever!!! epal kasi si jed, maka-sofia e!!!

    ReplyDelete
  3. kwawa nmn si shanea!!!! nkkhurt itong chapter n 2 ha!!!!!

    ReplyDelete
  4. ano pang hinihintay natin guys, sugudin na natin si JED!!!
    ibitin ng patiwarik ang mokong!

    ReplyDelete
  5. nakakaiyak nman to.. F na F ko talaga!! hahaha.. resbakan na yang si jed!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^