CHAPTER 27
(ATASHA
ORELLANA POV)
Kinaladkad nga ako ni Ate
Ganda para isama sa pupuntahan niya. Hindi niya lang ako pinapansin sa tanong ko
kung sino ba yung kausap niya, anong problema at bakit kailangan pati ako
kasama!!!
“Hello…
nandito na kami. Saan ka?” Seryoso mukha niya habang kausap yung
mystery caller. “Nasa B.A.L. ka? Sige,
palapit na kami jan.”
“Teka
nga Laris!!! Bakit ba kailangan mo pa akong isama kasi!!!”
“Malalaman
mo mamaya, basta maghanda ka na lang.”
“Paano ako maghahanda? Hindi ko nga alam kung anong nangyayari!!!” At
medyo kinakabahan na ako. “Hoy Laris,
baka naman sindikato yang kausap mo at ako ipambayad mo ha!!! Wag mo akong
idamay sa gulo mo.”
“Tingin
mo naman tatanggapin ng sindikato ang tulad mo?”
“So
sa sindikato nga?”
“Hindi at ang corny ng iniisip mo!!! Yan ang nagagawa ng pagbabasa mo sa blog ni
Ruijin eh, kung anu-ano na lang naiimagine mo.”
“Eh
ano ngang gagawin!!!” Hindi na ako nasagot pa ni
Laris kasi nakarating na kami sa isang café. “Boo Amore Lair.” Teka, nabasa ko na itong café na ito sa isa sa
mga stories ni AegyoDayDreamer!!! Yung secret date spot nina Ishy at Riley sa
kwentong Boyfriend in Disguise!!! I can’t believe it, ito nga yun!!!
Magwawala pa sana ako sa
sobrang saya kaso may kung anong sapi yata si Laris, bigla na lang nakipagholding-hands
saakin!!! “Ano yan… bitawan mo nga
ako!!!”
“I
told you, tonight is the night, Hot Pink. We’ll show someone that we’re in a
relationship.”
“WHAT!!!
Teka… si Zack ba nasa loob? Waaaah Laris!!! Hindi pa ako handa na malaman
niya!!!”
“It’s
not Zack. But it’s someone influential enough na pwedeng makatulong saatin in
the future.”
Pumasok kami sa Boo Amore ng
magkaholding-hands at doon nasalubong namin si…
“Laris!!!”
“Asher…
ano, nahanap mo na si Cecily?”
“Hindi
pa…”
Tapos napatingin siya saakin. “And
she’s…”
“She's the one I'm telling you...” Bumitaw siya sa kamay ko para lang akbayan
ako. “Siya ang girlfriend ko.” Eh…?
Nakakailang at ang awkward ng eksena. Wala nga akong nagawa kundi ngumiti na
lang. “And make sure this will remain a
secret kundi lagot ka saakin Asher!”
“Is
that true? Girlfriend ka nga ba niya at hindi basta Prospect lang?”
“Ah…
oo…” Teka, sino nga bang Asher
‘to? Pamilyar ang gwapo niyang mukha. Isip-isip Atasha, sino ba ang lalaking
ito… “Teka… ikaw ba si Asher Carillo?
Yung #10 sa TMU Diary?”
“Oo,
ako nga yun.”
Waaaaaaaaah!!! Alam mo yung
saka lang nagsink-in yung kilig sa katawan ko!!! Magwawala pa sana ako kaso may
kung anong pwersa kay Laris na parang sinasabing mag-behave ako. “Anyway,
tell me what happen first. Paano nawala si Cecily.”
Naupo ako sa isang upuan at
pinabayaan ko silang mag-usap. At syempre, nakatitig ako sa kagwapuhan nitong
si Asher… pero wait!!! Si Cecily yung pinag-uusapan nila diba? Siya yung cute
girl na nakasama sa listahan ni TMU_Admin noon bilang possible Prospect daw ni
Kissing Bandit.
“Sabi yun ng
kaibigan niya sa dorm na tinutuluyan niya ngayon. Simula pa daw kaninang umaga
eh wala na si Silly. I tried finding her at school pero hindi ko siya nakita.
Sabi ng mga ka-blockmates niya, hindi rin siya pumasok.”
Magkaanu-ano kaya sila ni Cecily? Bakit ganun na lang siya mag-alala para sa
babaeng yun? “I’m really worried about
her. Hindi niya ginagawa ito. Akala ko nga magkasama kayo, I thought that you’re just pretending na
hindi siya ang Prospect mo.”
“Well
now you know that truth. Una, hindi nga si Cecily ang Prospect ko. Pangalawa,
wala akong Prospect. At pangatlo, dahil girlfriend ang meron ako ngayon.”
“At pang-apat, you’re keeping it a secret.”
“Exactly.”
Pagkasabi
niya nun, napatingin sila saakin pareho! Yup, that’s me! The girlfriend of
Laris Howfer… but a fake one! “Okay, so
now why are we here?”
“Because
of TMU_Admin. She posted about an hour ago that Silly was last seen here and she’s
with a mystery guy.”
“And
you thought that was me.”
“Oo…
kaya tinawagan kita agad.”
“Well
then let’s not waste time. Baka nasa paligid pa rin si Cecily. We should start looking
for her.” Tapos tinawag niya ako. “Hot Pink!”
“You
call your girlfriend Hot Pink?”
“Endearment
ko sa kanya.” Ang sarap niyang batukan, promise!!!
Endearment niya mukha niya!!! Eh naalala niyo ba niya ako binansagang ‘Hot Pink’? Dahil sa suot kong bra noon!
Manyakis lang talaga siya!!! “Maghiwa-hiwalay na tayo.”
Naghiwa-hiwalay na kami para
hanapin si Cecily, pero saang lupalop ba namin talaga siya mahahanap? “Laris, pwedeng magtanong? Si
Asher. Bakit ganun siya kay Cecily?”
“Ex-girlfriend niya, but he’s
in love with her. And they basically grew up together.”
“Ow…
eh bakit kailangan mo siyang tulungan?”
“Ewan
ko nga rin eh. Pero kaibigan ko sila pareho. At dahil nawawala si Cecily, hindi
ko siya pwedeng pabayaan.”
“Ang
sweet mo rin sa mga babae noh?”
“Bakit
selos ka?”
“Asa
ka boy!” Hinampas ko nga likod niya pero lapakels lang siya. “Eh paano natin hahanapin si Cecily?”
“Idilat
mo yang mga mata mo. Alangan namang nakapikit, paano mo siya makikita!”
“Wala
ka talagang matinong pwedeng sabihin noh?”
Tinawanan naman niya ako ng
pang-asar. “Basta babaeng mukhang bata,
maputi, long curly hair at mukhang ball-jointed doll ang mukha.”
“Alam
ko kung anong itchura ni Cecily!!! Nakita ko na siya sa list ni TMU_Admin noon
diba?” At grabe, signature na yata ni Cecily na matawag
na mukhang bata na may ball-jointed doll face. “Ang malaking question ay paano natin siya mahahanap eh sa laki ba
naman ng lugar na ito at sa dami ng taong pakalat-kalat ngayon sa daan! At
hindi rin tayo sigurado kung nandito pa siya o baka nakaalis na.”
“Let’s
just hope we find her here.”
Inisa-isa namin bawat
stalls, restaurants, boutiques at kung anu-ano pang commercial stands dito.
Nakakapagod nga at nararamdaman ko na yung gutom. “Laris…
pwede bang bumili tayo kahit maiinom lang. Kanina pa ako nauuhaw eh.”
“Sige,
magtake-out ka na lang ng drinks dun.” Tinuro niya saakin yung
isang open bistro na nilagpasan namin kanina. “Papasukin ko muna itong store dito, baka nandun siya. Magkita na lang
tayo ulit dito.”
Tumango ako at naghiwalay na
kami. Pagpasok ko dun sa bistro, halos puno ng mga customers na nagdi-dinner
na. Takam na takam nga ako sa mga kinakain nila pero dahil kukulangin pera ko
ng pambili ng pagkain, inuminin lang talaga mabibili ko.
Ang nakakabwiset jan, may
pila bago maka-order! Nakng!!! Kung kelan uhaw na uhaw na ako eh. Maya-maya lang din, may
napansin akong babae na nasa bandang harap ng pila. Nakuha na niya yung order
niya at mukhang paalis na. Nakatitig ako sa kanya and she looks familiar… so
familiar na parang siya yung hinahanap naming babae.
“Ce…
Cecily…?”
Napatingin siya saakin at
nagtataka. “Kilala mo ako?”
“Ikaw
nga yung Cecily!!! Yung si Silly!!!”
Tumango siya… “Oo… bakit? Kilala ba kita?”
“Hinahanap
ka namin. Hinahanap ka ni Asher.”
“Si
Asher…” Medyo humina ang boses niya at parang napasimangot.
Hindi na ako bumili ng tubig
at hinila ko na si Cecily palabas ng bistro. Agad kong pinuntahan yung store na
pinasukan kanina ni Laris at nung magkita-kita na kami.
“Laris…? You're with Laris?”
“Cecily…”
Napanganga lang si Laris nang makita ko na si Cecily. “What happen to your hair!!!”
Yan din sana ang gusto kong
i-react kanina kaso hindi naman kami close ng babaeng ‘to eh. Pero diba, long
curly hair ang hairstyle ni Cecily? Ngayon, sobrang ikli na!!!
Agad na tinext ni Laris si
Asher para ipaalam sa kanya na nakita na namin si Cecily. Grabe yung reaction
ni Asher nung makita niyang nagpagupit ng ganung kaikli si Cecily. Ang bigat
siguro ng problema nila kaya sila nagkakaganyan.
Pumasok kami ulit dun sa
bistro na pinanggalingan namin at pinabayaan naming mag-usap yung dalawa. Na-pwesto naman kami ni Laris sa may kabilang table. At hindi naman sa sinasadya kong pakinggan sila, pero naririnig ko yung boses ni Asher, he sound desperate... and jealous. Yung kasamang lalaki ni Cecily kanina, mukhang yun yung pinagseselosan niya!
“Tingin mo magkakaayos sila?”
“Tingin mo magkakaayos sila?”
“Kung
aayusin ni Asher ang panunuyo niya kay Cecily, pwede. Mabait si Cecily,
patatawarin niya kahit pa gaano kalaki ang kasalanan sa kanya ng isang tao.”
“Ibig
sabihin magkakabalikan sila.”
“That’s
a different thing. Sa ngayon just by looking at them, I see no possibility na magkakabalikan sila.”
“Ang
sama mo. Negative ka naman masyado sa lovelife ng iba.”
“I’m
just telling the truth. Impossible pa talaga na magkabalikan sila after all the
stupid things Asher did. Cecily needs time and space... and to add to that, there's someone else in the picture kaya siya confused ngayon.”
“You mean may other guy na nagugustuhan si Cecily... yung mystery guy na kasama niya kanina.” Grabe lang ang kwento nila ha! Nakaka-intriga! “So
you know a lot about them.”
“I
know a lot about relationships.”
We watch them talk at ilang
sandali pa, parang nagkaliwanagan at nagkapatawaran na. Ngumiti na kasi si Cecily at ni-hug siya
ni Asher. Kahit na hindi romantic hug yun, at least nagkaayos na sila.
Nag-smile na saakin si Laris
at in-offer ulit ang kamay niya para magholding-hands kami. Kailangan pa naming
ituloy ang show naming dalawa eh. Lumapit na kami kina Asher at Cecily, “Siguro, pwede na kaming umalis. Ihahatid
ko pa ‘to eh.”
Tumayo naman sila pareho. “Ah, thank you nga pala. Pasensya na rin sa
abala.”
“Okay
lang.”
“Wait…
so kayo ba talaga for real?”
“For
real. At wag na wag mong ipagkakalat ‘to. Ayokong may manggugulo sa babaeng
mahal ko.” He said referring to me as ‘babaeng mahal daw niya.’
Talaga lang ha!
“Ano
nga palang pangalan mo?”
“Siya
si Hot Pink.”
“Don’t
call her that! Ako lang pwedeng tumawag sa kanya ng ganyan.”
“Hindi
ko alam na possessive boyfriend ka pala.”
“Baka
ibig mong sabihin, possessed boyfriend.” Natawa kaming tatlo pero
nanlisik yung mata ni Laris nung titigan niya ako.
“Aww
ang cute talaga ng girlfriend ko~ kasing cute lang ni Hen Lin!!!”
Sabay pisil sa pisngi ko! At as in sobrang sakit ng pisil na yun!!!
Binalya ko na lang yung
tagiliran niya at hinimas-himas ang pisngi. Ang sakit nun, shet!!! “Ako nga pala si Atasha Orellana.” We
had a late introduction. Pero kahit sandali at sobrang bilis lang, tingin ko eh
magiging mabuting kaibigan ko ang dalawang ‘to.
After that nauna na rin
kaming umalis ni Laris. At sinigurado namin na malayo na kami kina Asher at
Cecily bago kami nagbitaw sa pagkakaholding-hands.
Hindi muna kami umuwi ni
Laris. Rush hour daw kasi, mahirap ang sakayan. Kaya naman libut-libot muna
kami sa lugar. Wala naman kaso saakin kasi maganda dito, may pasyalan malapit
sa bay.
At sa tinagal-tagal ko dito
sa Manila, ngayon lang talaga ako nakapasyal sa gabi. Maganda pala dito. Dun
kasi sa probinsya namin, pumasyal ka lang sa gabi eh tatakutin ka pang may aswang
na nakasunod sayo.
“Laris,
nauuhaw na ako…”
“Hindi
ka pa ba nakainom kanina?”
“Hindi.
Hinila ko agad si Cecily nung makita ko siya eh.”
“Eh
nung kaninang bumalik tayo sa bistro, bakit hindi ka pa bumili?”
“Nakalimutan
ko. At tsaka… pinanood ko sina Asher at Cecily kaya panandalian kong
nakalimutan yung uhaw ko.”
“Ayan
yung bay, inom ka na jan.”
“Eh
kung lunurin kaya kita jan!”
Nakakagagu talaga siya kahit
kelan. Kaso ewan, bigla kaming natawa ng sabay. “Sige na, bili ka na dun. Bilhan mo rin ako ha.”
“Ikaw
yung lalaki, ikaw bumili!”
“Ikaw
mukhang lalaki, ikaw bumili!”
That’s it! Hindi na
nakakatawa yun! Hinubad ko sapatos ko at binato ko sa kanya. Nakailag naman siya
kaya naman hinubad ko na din yung isa ko pang sapatos and this time, inayos ko
ang puntirya ko sa pagmumukha niya.
*sapul~*
“Aray!!! Anak
ng!!!”
“Hwahahahaha!!!
Sapul ka ngayon! Hwahahahaha!!!”
“Ah
ganun…” Pinulot niya yung dalawang sapatos ko at akma niyang
itatapon sana dun sa bay!!!
“OY
WAG!!! Ito naman nakikipagbiruan lang tapos pikon pala!”
“Ikaw
nga ‘tong nauna eh!”
“Ako
na bibili ng inumin natin, amin na yang sapatos ko!”
“Eh
di bumili ka na, saka ko ibibigay sapatos mo.”
“Bibili
ako ng naka-paa lang?”
“Naka-medyas
ka, tanga! Dalian mo bago mo pa makitang nagsu-swimming ‘tong sapatos mo.”
Kapag namatay siya at
napunta sa impyerno, sisiguraduhin kong nakasunod ako sa kanya para ako mismo
tutusta sa halang niyang kaluluwa.
Nagsuot ako ng cap (yung free cap na nakuha namin noon)
para itago ang mukha ko sa kahihiyan. Natuloy kasi ako sa tindahan ng naka-paa
este naka-medyas pala. Yan tuloy, pinagtitinginan ako ng mga tao.
Parang feeling ko nga
sinusundan nila ako para picturan. Ganun ba talaga ka-weird ang itchura ko? Nagtaka
ka pa, eh naka-medyas ka nga lang!
Nakabili na ako ng inumin.
Yung saakin juice, yung kay Laris tubig lang ang dinampot ko. Hwahaha!!! Parang
nakaganti na rin ako sa kanya kahit papaano! Pagkalabas ko ng tindahan,
nagmadali rin akong tumawid dun sa kalsada. Hay naku, feeling ko hanggang
ngayon sinusundan pa rin nila ako ng tingin! Kaso biglang… “Oy ano ba!!!”
Shet! Akala ko holdaper yung
humablot saakin. Si Laris lang pala!!! “May mga nakasunod sayo. Saatin.”
“ANO!”
Napalingon ako pero umakbay saakin si Laris at pinayuko ako. Tinanggal pa niya
yung suot niyang jacket at itinakip pa sa ulo ko.
“Takbo!!!”
At
tumakbo nga kami.
Confirmed na may nakasunod
at hinahabol kami ngayon! And not just one, ang dami nila!!! Naglabasan sila galing sa
iba’t ibang direksyon!!!
Magkahawak kami ulit ng
kamay ni Laris habang hila-hila niya ako. Ang bilis ng takbo niya, parang
anytime masusubsob na ako! Pero binilisan ko lang rin ang takbo ko at tulad ng
sabi niya, wag akong lilingon para hindi mahagip ng camera ang mukha ko.
Nakarating kami sa isang
eskinita at, “Naligaw na yata natin
sila.”
Hingal na hingal kami pareho. “Ang sakit ng paa ko…” Mantakin
mong ilang kilometro yata ang tinakbo namin nang naka-medyas lang ako. “Nagkasugat
yata talampakan ko eh~ huhuhuhuhu!!!”
Parang naawa naman saakin si
Laris at tinignan niya ang paa ko. Pagkatanggal niya sa suot kong medyas,
nakatapak pala ako ng bubog kaya may dugo. “Tubig
ba yung binili mong inumin?”
“Oo, heto…
sayo yan…”
Tinignan naman yung saakin. “At sayo, juice?”
“Aarte
ka pa!”
Umiling lang siya at
binuksan na yung tubig. Ibinuhos niya yung tlaman para linisin ang sugat ko at gamit
ang sarili niyang panyo, tinalian niya yung sugat. “Pag-uwi natin sa dorm, saka na natin lagyan ng alcohol yan.”
Napag-usapan namin yung tungkol dun sa nag-ala-paparazzi kanina. Siguro nakita nilang may kasama si
Laris na babae kaya naman sinundan nila kami… “Tingin mo nakakuha sila ng pictures ko.”
“I’m
not really sure...” Waaah!!! Bakit naman sumama pa ang gulo hanggang dito! “Sorry din.”
“Ha?”
Nabigla
naman ako sa biglang sinabi niya.
“Sorry
nagkasugat ka.”
“Ah…”
Kasalanan naman din talaga niya! Hindi ako magkakasugat kahit pa nakatapak ako
ng bubog kung may suot lang sana akong sapatos ngayon! Pero dahil sa simpleng
sorry niya… “Okay lang. Malayo sa
bituka.”
Natahimik ulit kami.
A.
W.
K.
W
A.
R.
D.
Ibinalik ko na yung jacket
niya. Pagkasuot niya ulit sa jacket niya, parang may naisip siyang something at
inilabas agad ang phone niya. “We should check TMU
Diary!”
“Oo
nga!!!” Buti na lang pwede siyang
mag-net sa phone niya at dali-dali siyang nag-online kung may related post na
ba tungkol sa nangyari ngayong gabi… and there really is!!!
Medyo nakahinga lang kami ng
malalim dahil dun sa mga pictures na nakapost, mukha lang ni Laris ang malinaw!
Yung mukha ko dun, puro malalabo!
But then among all those posts na tungkol sa nahuli nilang may kasamang babae si KB ngayon, mukhang magiging trending ang update ni #1. May mas intriguing post si TMU_Admin, and that
person really is a wicked source!
“Kissing
Bandit on a Date”
Few people are now showing photo evidences that they saw Kissing Bandit with a girl earlier tonight, and they seemed to have a little KB-Prospect bonding. Holding hands, walking side by side and stuff! Bad news is she is all blurry on those pictures! Good news is I got this one for you.
@Kissing
Bandit, I already know who she is. Mind you I actually got
clearer pictures of her. Yet I’m giving you the privilege to introduce her to us…
but only within this week. If not, then I'll do what I have to do and reveal her true identity to everyone!
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
End of Chapter 27
Taray!! BUmabnding si Laris at Atasha!!
ReplyDeleteMiss ko na si Zac kko!T^T
OHHHHH EMMMM GIIIIII!!!!!!!!!!!!!!
Deletenoon, si asher ung confused,ngayon si silly nman.. sunod sunod lang??hehemei new guy!!!.. super excited na talaga ako sa girlfriend complex.. what in the world is happening?? sayang nman ng hair ni silly.. she's sooo cutee!!
ang cute talaga nila pag nag-aasaran.. yung totoo,mei special feelings ka na laris kei atasha noh? dont lie to me!! yes or no!! hahah.. i thought may buhat scene,wala pala.. hahah..
the admin was so evil!! haha.. feel ko siyang awayin eh.. hahah
super excited for the next UD!!!
Bakit! Bakit nagpagupit si Silly? Move on ang peg niya? Basha lang kaya nagpagupit? At sino ba yang mystery guy niya kasama niya! NO! Sana magkabalikan na sila! Tsk. Ano naman kaya kasi 'yang ginawa ni Asher at naging super bigat ng kasalanan niya kay Silly? //Waah, Ate Aegyo, Super excited na ako sa GF Complex.
ReplyDeleteTsk tsk. Lagot sila kay Mary, ah este kay Admin! Grabe namang makapan-blackmail yang admin na yan! Ba't may ultimatum? Ano kayang gagawin ni Laris?
//Akala ko naman ay bubuhatin ni Laris si Atasha dahil nabubog 'yung paa niya. >__< Ikaw kasi Papa Laris eh! Ang loko-loko mo! Pinaglakad mo si Atasha ng naka-medyas at tumakbo pa rin ng naka-medyas! //Pero.. Kunsabagay. Si Atasha rin naman ang may kasalanan eh. Ahaha!
Ang balimbing ko lang! Euhaha!!
Mas lalo akong nae-excited para sa next chapter! >__<
PS. Buti na lang ay wala ang Sweet Love dito sa chapter na 'to! Maaadik na naman ako eh!
OMG! Ang sweet sweet naman ni Laris! Kaya love na love ko yan kahit uber sungit eh! Mwahahaha. Possessive boyfriend daw sabi ni papa Asher! Ayieh! Ayieh! Gusto niya siya lang tatawag kay Atasha na Hot Pink! Mwahahaha. Nikikilig ako ng bongga! <3
ReplyDeleteuu nga eh!!!! endearment nga nia daw ang hot pink! ke-sweet lng eeeh! ahahahhahaha!!!!!
DeleteaNg cuTe ni cEciLy kHit maiKSi na buHok,,, aT siNo kYa Ung myStery gUy na dHiLaN ng pAgkacoNfuSe niA??? kSaLanaN nMn kAsi ni asHer kUng bKit nAgKagaNun cLa,,, sgUro naMbabaE xAh kaYa aNg bigAt ng pRobLem nLa at nPagod na si siLLy,,,
ReplyDeleteANg coMmnt q nMn pRa sa LariSha saNa maiPaaLam na s LhaT na mag-0n siLa kHit kUnwari Lng uN,,, guSto q mLamaN uNg reActiOn ng LhaT at LaLo n c zaCk,,,
ReplyDeleteaT xeMpre guStO ko n mAs LaLo na cLaNg mgiNg swEet,,, pLagi nMn ksi cLng naGbbaraHan eE,,, aNg kuLit Lng,,,
~angel is luv~
ReplyDeleteakala ko may moment na bubuhatin na ni laris si atasha. pero kilig pa din kahit wala! hahaha!!! and yes i can also feel it, mari-reveal na ang relationship nila!
What?? Marirevel na sila na?
ReplyDeleteKahit ang evil ni Admin gusto ko ung plan nia.
Gusto ko malaman ng lahat na sila na kahit fake lang yun.
I want to see Zack's reaction.
Ang ung fans ni Laris, what will they do?
Excited na ako.
Great update Miss Aegydaydreamer.
Delete´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶……..
´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´¶¶……
´´´´´´¶¶¶¶¶´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶¶……….
´´´´´¶´´´´´¶´´´´¶¶´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´¶¶…………..
´´´´´¶´´´´´¶´´´¶¶´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…..
´´´´´¶´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶…..
´´´´´´¶´´´¶´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
´´´¶´´´´´´´´´´´´¶´¶¶´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
´¶¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…
´¶´´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´¶¶….
´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶…..
´´¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
´´¶¶´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶…..
´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶…….
oh lalal~laa~lala
ReplyDeleteang ganda ahahahha
update update po
ang cute ^_^
im1nlovwithyou124
i really want to know who is admin. i think she's a SHE, 'coz she's so much like gossip girl. and i like her clever schemes! sana mareveal na sina laris at atasha.
ReplyDeletewwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh....................kakakilig, naku pag ikaw Laris nainlove kay Atasya siya naman paglingkuran mo, tuloy nasugatan siya kasalanan mo...peo kinilig ako sa sorry mo...hehehehe
ReplyDeleteUpdate na po :))
ReplyDeleteCHAPTER 28 PLEEEEEAAAAAASE :))
ReplyDeleteanong nangyari kina silly at asher! hwaaaa!!
ReplyDelete