Monday, November 5, 2012

Kissing Bandit : Chapter 27

CHAPTER 27
(ATASHA ORELLANA POV)



Kinaladkad nga ako ni Ate Ganda para isama sa pupuntahan niya. Hindi niya lang ako pinapansin sa tanong ko kung sino ba yung kausap niya, anong problema at bakit kailangan pati ako kasama!!!



“Hello… nandito na kami. Saan ka?” Seryoso mukha niya habang kausap yung mystery caller. “Nasa B.A.L. ka? Sige, palapit na kami jan.”



“Teka nga Laris!!! Bakit ba kailangan mo pa akong isama kasi!!!”



“Malalaman mo mamaya, basta maghanda ka na lang.”



“Paano ako maghahanda? Hindi ko nga alam kung anong nangyayari!!!” At medyo kinakabahan na ako. “Hoy Laris, baka naman sindikato yang kausap mo at ako ipambayad mo ha!!! Wag mo akong idamay sa gulo mo.”



“Tingin mo naman tatanggapin ng sindikato ang tulad mo?”



“So sa sindikato nga?”



“Hindi at ang corny ng iniisip mo!!! Yan ang nagagawa ng pagbabasa mo sa blog ni Ruijin eh, kung anu-ano na lang naiimagine mo.”



“Eh ano ngang gagawin!!!” Hindi na ako nasagot pa ni Laris kasi nakarating na kami sa isang café. “Boo Amore Lair.” Teka, nabasa ko na itong café na ito sa isa sa mga stories ni AegyoDayDreamer!!! Yung secret date spot nina Ishy at Riley sa kwentong Boyfriend in Disguise!!! I can’t believe it, ito nga yun!!!



Magwawala pa sana ako sa sobrang saya kaso may kung anong sapi yata si Laris, bigla na lang nakipagholding-hands saakin!!! “Ano yan… bitawan mo nga ako!!!”



“I told you, tonight is the night, Hot Pink. We’ll show someone that we’re in a relationship.”



“WHAT!!! Teka… si Zack ba nasa loob? Waaaah Laris!!! Hindi pa ako handa na malaman niya!!!”



“It’s not Zack. But it’s someone influential enough na pwedeng makatulong saatin in the future.”



Pumasok kami sa Boo Amore ng magkaholding-hands at doon nasalubong namin si…


“Laris!!!”



“Asher… ano, nahanap mo na si Cecily?”



“Hindi pa…” Tapos napatingin siya saakin. “And she’s…”



“She's the one I'm telling you...” Bumitaw siya sa kamay ko para lang akbayan ako. “Siya ang girlfriend ko.” Eh…? Nakakailang at ang awkward ng eksena. Wala nga akong nagawa kundi ngumiti na lang. “And make sure this will remain a secret kundi lagot ka saakin Asher!”



“Is that true? Girlfriend ka nga ba niya at hindi basta Prospect lang?”



“Ah… oo…” Teka, sino nga bang Asher ‘to? Pamilyar ang gwapo niyang mukha. Isip-isip Atasha, sino ba ang lalaking ito… “Teka… ikaw ba si Asher Carillo? Yung #10 sa TMU Diary?”



“Oo, ako nga yun.”



Waaaaaaaaah!!! Alam mo yung saka lang nagsink-in yung kilig sa katawan ko!!! Magwawala pa sana ako kaso may kung anong pwersa kay Laris na parang sinasabing mag-behave ako. “Anyway, tell me what happen first. Paano nawala si Cecily.”



Naupo ako sa isang upuan at pinabayaan ko silang mag-usap. At syempre, nakatitig ako sa kagwapuhan nitong si Asher… pero wait!!! Si Cecily yung pinag-uusapan nila diba? Siya yung cute girl na nakasama sa listahan ni TMU_Admin noon bilang possible Prospect daw ni Kissing Bandit.


“Sabi yun ng kaibigan niya sa dorm na tinutuluyan niya ngayon. Simula pa daw kaninang umaga eh wala na si Silly. I tried finding her at school pero hindi ko siya nakita. Sabi ng mga ka-blockmates niya, hindi rin siya pumasok.” Magkaanu-ano kaya sila ni Cecily? Bakit ganun na lang siya mag-alala para sa babaeng yun? “I’m really worried about her. Hindi niya ginagawa ito. Akala ko nga magkasama kayo, I thought that you’re just pretending na hindi siya ang Prospect mo.”



“Well now you know that truth. Una, hindi nga si Cecily ang Prospect ko. Pangalawa, wala akong Prospect. At pangatlo, dahil girlfriend ang meron ako ngayon.”



 “At pang-apat, you’re keeping it a secret.”



“Exactly.” Pagkasabi niya nun, napatingin sila saakin pareho! Yup, that’s me! The girlfriend of Laris Howfer… but a fake one! “Okay, so now why are we here?”


“Because of TMU_Admin. She posted about an hour ago that Silly was last seen here and she’s with a mystery guy.”



“And you thought that was me.”



“Oo… kaya tinawagan kita agad.”



“Well then let’s not waste time. Baka nasa paligid pa rin si Cecily. We should start looking for her.” Tapos tinawag niya ako. “Hot Pink!”



“You call your girlfriend Hot Pink?”



“Endearment ko sa kanya.” Ang sarap niyang batukan, promise!!! Endearment niya mukha niya!!! Eh naalala niyo ba niya ako binansagang ‘Hot Pink’? Dahil sa suot kong bra noon! Manyakis lang talaga siya!!! “Maghiwa-hiwalay na tayo.”















Naghiwa-hiwalay na kami para hanapin si Cecily, pero saang lupalop ba namin talaga siya mahahanap? “Laris, pwedeng magtanong? Si Asher. Bakit ganun siya kay Cecily?”



“Ex-girlfriend niya, but he’s in love with her. And they basically grew up together.”



“Ow… eh bakit kailangan mo siyang tulungan?”



“Ewan ko nga rin eh. Pero kaibigan ko sila pareho. At dahil nawawala si Cecily, hindi ko siya pwedeng pabayaan.”



“Ang sweet mo rin sa mga babae noh?”



“Bakit selos ka?”



“Asa ka boy!” Hinampas ko nga likod niya pero lapakels lang siya. “Eh paano natin hahanapin si Cecily?”



“Idilat mo yang mga mata mo. Alangan namang nakapikit, paano mo siya makikita!”



“Wala ka talagang matinong pwedeng sabihin noh?”



Tinawanan naman niya ako ng pang-asar. “Basta babaeng mukhang bata, maputi, long curly hair at mukhang ball-jointed doll ang mukha.”



“Alam ko kung anong itchura ni Cecily!!! Nakita ko na siya sa list ni TMU_Admin noon diba?” At grabe, signature na yata ni Cecily na matawag na mukhang bata na may ball-jointed doll face. “Ang malaking question ay paano natin siya mahahanap eh sa laki ba naman ng lugar na ito at sa dami ng taong pakalat-kalat ngayon sa daan! At hindi rin tayo sigurado kung nandito pa siya o baka nakaalis na.”



“Let’s just hope we find her here.”



Inisa-isa namin bawat stalls, restaurants, boutiques at kung anu-ano pang commercial stands dito. Nakakapagod nga at nararamdaman ko na yung gutom. “Laris… pwede bang bumili tayo kahit maiinom lang. Kanina pa ako nauuhaw eh.”



“Sige, magtake-out ka na lang ng drinks dun.” Tinuro niya saakin yung isang open bistro na nilagpasan namin kanina. “Papasukin ko muna itong store dito, baka nandun siya. Magkita na lang tayo ulit dito.”



Tumango ako at naghiwalay na kami. Pagpasok ko dun sa bistro, halos puno ng mga customers na nagdi-dinner na. Takam na takam nga ako sa mga kinakain nila pero dahil kukulangin pera ko ng pambili ng pagkain, inuminin lang talaga mabibili ko.



Ang nakakabwiset jan, may pila bago maka-order! Nakng!!! Kung kelan uhaw na uhaw na ako eh. Maya-maya lang din, may napansin akong babae na nasa bandang harap ng pila. Nakuha na niya yung order niya at mukhang paalis na. Nakatitig ako sa kanya and she looks familiar… so familiar na parang siya yung hinahanap naming babae.



“Ce… Cecily…?”



Napatingin siya saakin at nagtataka. “Kilala mo ako?”



“Ikaw nga yung Cecily!!! Yung si Silly!!!”



Tumango siya… “Oo… bakit? Kilala ba kita?”



“Hinahanap ka namin. Hinahanap ka ni Asher.”



“Si Asher…” Medyo humina ang boses niya at parang napasimangot.



Hindi na ako bumili ng tubig at hinila ko na si Cecily palabas ng bistro. Agad kong pinuntahan yung store na pinasukan kanina ni Laris at nung magkita-kita na kami.



“Laris…? You're with Laris?”



“Cecily…” Napanganga lang si Laris nang makita ko na si Cecily. “What happen to your hair!!!”



Yan din sana ang gusto kong i-react kanina kaso hindi naman kami close ng babaeng ‘to eh. Pero diba, long curly hair ang hairstyle ni Cecily? Ngayon, sobrang ikli na!!!















Agad na tinext ni Laris si Asher para ipaalam sa kanya na nakita na namin si Cecily. Grabe yung reaction ni Asher nung makita niyang nagpagupit ng ganung kaikli si Cecily. Ang bigat siguro ng problema nila kaya sila nagkakaganyan.



Pumasok kami ulit dun sa bistro na pinanggalingan namin at pinabayaan naming mag-usap yung dalawa. Na-pwesto naman kami ni Laris sa may kabilang table. At hindi naman sa sinasadya kong pakinggan sila, pero naririnig ko yung boses ni Asher, he sound desperate... and jealous. Yung kasamang lalaki ni Cecily kanina, mukhang yun yung pinagseselosan niya!



“Tingin mo magkakaayos sila?”



“Kung aayusin ni Asher ang panunuyo niya kay Cecily, pwede. Mabait si Cecily, patatawarin niya kahit pa gaano kalaki ang kasalanan sa kanya ng isang tao.”



“Ibig sabihin magkakabalikan sila.”



“That’s a different thing. Sa ngayon just by looking at them, I see no possibility na magkakabalikan sila.”



“Ang sama mo. Negative ka naman masyado sa lovelife ng iba.”



“I’m just telling the truth. Impossible pa talaga na magkabalikan sila after all the stupid things Asher did. Cecily needs time and space... and to add to that, there's someone else in the picture kaya siya confused ngayon.”



“You mean may other guy na nagugustuhan si Cecily... yung mystery guy na kasama niya kanina. Grabe lang ang kwento nila ha! Nakaka-intriga! So you know a lot about them.”



“I know a lot about relationships.”



We watch them talk at ilang sandali pa, parang nagkaliwanagan at nagkapatawaran na. Ngumiti na kasi si Cecily at ni-hug siya ni Asher. Kahit na hindi romantic hug yun, at least nagkaayos na sila.



Nag-smile na saakin si Laris at in-offer ulit ang kamay niya para magholding-hands kami. Kailangan pa naming ituloy ang show naming dalawa eh. Lumapit na kami kina Asher at Cecily, “Siguro, pwede na kaming umalis. Ihahatid ko pa ‘to eh.”



Tumayo naman sila pareho. “Ah, thank you nga pala. Pasensya na rin sa abala.”



“Okay lang.”



“Wait… so kayo ba talaga for real?”


“For real. At wag na wag mong ipagkakalat ‘to. Ayokong may manggugulo sa babaeng mahal ko.” He said referring to me as ‘babaeng mahal daw niya.’ Talaga lang ha!



“Ano nga palang pangalan mo?”



“Siya si Hot Pink.”



“Don’t call her that! Ako lang pwedeng tumawag sa kanya ng ganyan.”



“Hindi ko alam na possessive boyfriend ka pala.”



“Baka ibig mong sabihin, possessed boyfriend.” Natawa kaming tatlo pero nanlisik yung mata ni Laris nung titigan niya ako.



“Aww ang cute talaga ng girlfriend ko~ kasing cute lang ni Hen Lin!!!” Sabay pisil sa pisngi ko! At as in sobrang sakit ng pisil na yun!!!



Binalya ko na lang yung tagiliran niya at hinimas-himas ang pisngi. Ang sakit nun, shet!!! “Ako nga pala si Atasha Orellana.” We had a late introduction. Pero kahit sandali at sobrang bilis lang, tingin ko eh magiging mabuting kaibigan ko ang dalawang ‘to.



After that nauna na rin kaming umalis ni Laris. At sinigurado namin na malayo na kami kina Asher at Cecily bago kami nagbitaw sa pagkakaholding-hands.















Hindi muna kami umuwi ni Laris. Rush hour daw kasi, mahirap ang sakayan. Kaya naman libut-libot muna kami sa lugar. Wala naman kaso saakin kasi maganda dito, may pasyalan malapit sa bay.


At sa tinagal-tagal ko dito sa Manila, ngayon lang talaga ako nakapasyal sa gabi. Maganda pala dito. Dun kasi sa probinsya namin, pumasyal ka lang sa gabi eh tatakutin ka pang may aswang na nakasunod sayo.



“Laris, nauuhaw na ako…”



“Hindi ka pa ba nakainom kanina?”



“Hindi. Hinila ko agad si Cecily nung makita ko siya eh.”



“Eh nung kaninang bumalik tayo sa bistro, bakit hindi ka pa bumili?”



“Nakalimutan ko. At tsaka… pinanood ko sina Asher at Cecily kaya panandalian kong nakalimutan yung uhaw ko.”



“Ayan yung bay, inom ka na jan.”



“Eh kung lunurin kaya kita jan!”


Nakakagagu talaga siya kahit kelan. Kaso ewan, bigla kaming natawa ng sabay. “Sige na, bili ka na dun. Bilhan mo rin ako ha.”



“Ikaw yung lalaki, ikaw bumili!”



“Ikaw mukhang lalaki, ikaw bumili!”



That’s it! Hindi na nakakatawa yun! Hinubad ko sapatos ko at binato ko sa kanya. Nakailag naman siya kaya naman hinubad ko na din yung isa ko pang sapatos and this time, inayos ko ang puntirya ko sa pagmumukha niya.



*sapul~*



“Aray!!! Anak ng!!!”



“Hwahahahaha!!! Sapul ka ngayon! Hwahahahaha!!!”



“Ah ganun…” Pinulot niya yung dalawang sapatos ko at akma niyang itatapon sana dun sa bay!!!



“OY WAG!!! Ito naman nakikipagbiruan lang tapos pikon pala!”



“Ikaw nga ‘tong nauna eh!”



“Ako na bibili ng inumin natin, amin na yang sapatos ko!”



“Eh di bumili ka na, saka ko ibibigay sapatos mo.”



“Bibili ako ng naka-paa lang?”



“Naka-medyas ka, tanga! Dalian mo bago mo pa makitang nagsu-swimming ‘tong sapatos mo.”



Kapag namatay siya at napunta sa impyerno, sisiguraduhin kong nakasunod ako sa kanya para ako mismo tutusta sa halang niyang kaluluwa.



Nagsuot ako ng cap (yung free cap na nakuha namin noon) para itago ang mukha ko sa kahihiyan. Natuloy kasi ako sa tindahan ng naka-paa este naka-medyas pala. Yan tuloy, pinagtitinginan ako ng mga tao.



Parang feeling ko nga sinusundan nila ako para picturan. Ganun ba talaga ka-weird ang itchura ko? Nagtaka ka pa, eh naka-medyas ka nga lang!



Nakabili na ako ng inumin. Yung saakin juice, yung kay Laris tubig lang ang dinampot ko. Hwahaha!!! Parang nakaganti na rin ako sa kanya kahit papaano! Pagkalabas ko ng tindahan, nagmadali rin akong tumawid dun sa kalsada. Hay naku, feeling ko hanggang ngayon sinusundan pa rin nila ako ng tingin! Kaso biglang… “Oy ano ba!!!”



Shet! Akala ko holdaper yung humablot saakin. Si Laris lang pala!!! “May mga nakasunod sayo. Saatin.”



“ANO!” Napalingon ako pero umakbay saakin si Laris at pinayuko ako. Tinanggal pa niya yung suot niyang jacket at itinakip pa sa ulo ko.



“Takbo!!!” At tumakbo nga kami.



Confirmed na may nakasunod at hinahabol kami ngayon! And not just one, ang dami nila!!! Naglabasan sila galing sa iba’t ibang direksyon!!!



Magkahawak kami ulit ng kamay ni Laris habang hila-hila niya ako. Ang bilis ng takbo niya, parang anytime masusubsob na ako! Pero binilisan ko lang rin ang takbo ko at tulad ng sabi niya, wag akong lilingon para hindi mahagip ng camera ang mukha ko.



Nakarating kami sa isang eskinita at, “Naligaw na yata natin sila.”



Hingal na hingal kami pareho. “Ang sakit ng paa ko…” Mantakin mong ilang kilometro yata ang tinakbo namin nang naka-medyas lang ako. “Nagkasugat yata talampakan ko eh~ huhuhuhuhu!!!”



Parang naawa naman saakin si Laris at tinignan niya ang paa ko. Pagkatanggal niya sa suot kong medyas, nakatapak pala ako ng bubog kaya may dugo. “Tubig ba yung binili mong inumin?”



“Oo, heto… sayo yan…”



Tinignan naman yung saakin. “At sayo, juice?”



“Aarte ka pa!”



Umiling lang siya at binuksan na yung tubig. Ibinuhos niya yung tlaman para linisin ang sugat ko at gamit ang sarili niyang panyo, tinalian niya yung sugat. “Pag-uwi natin sa dorm, saka na natin lagyan ng alcohol yan.”



Napag-usapan namin yung tungkol dun sa nag-ala-paparazzi kanina. Siguro nakita nilang may kasama si Laris na babae kaya naman sinundan nila kami… “Tingin mo nakakuha sila ng pictures ko.”



“I’m not really sure...” Waaah!!! Bakit naman sumama pa ang gulo hanggang dito! “Sorry din.”



“Ha?” Nabigla naman ako sa biglang sinabi niya.



“Sorry nagkasugat ka.”


“Ah…” Kasalanan naman din talaga niya! Hindi ako magkakasugat kahit pa nakatapak ako ng bubog kung may suot lang sana akong sapatos ngayon! Pero dahil sa simpleng sorry niya… “Okay lang. Malayo sa bituka.”



Natahimik ulit kami.



A.



W.



K.



W



A.



R.



D.



Ibinalik ko na yung jacket niya. Pagkasuot niya ulit sa jacket niya, parang may naisip siyang something at inilabas agad ang phone niya. “We should check TMU Diary!”



“Oo nga!!!” Buti na lang pwede siyang mag-net sa phone niya at dali-dali siyang nag-online kung may related post na ba tungkol sa nangyari ngayong gabi… and there really is!!!



Medyo nakahinga lang kami ng malalim dahil dun sa mga pictures na nakapost, mukha lang ni Laris ang malinaw! Yung mukha ko dun, puro malalabo!



But then among all those posts na tungkol sa nahuli nilang may kasamang babae si KB ngayon, mukhang magiging trending ang update ni #1. May mas intriguing post si TMU_Admin, and that person really is a wicked source!



“Kissing Bandit on a Date”

Few people are now showing photo evidences that they saw Kissing Bandit with a girl earlier tonight, and they seemed to have a little KB-Prospect bonding. Holding hands, walking side by side and stuff! Bad news is she is all blurry on those pictures! Good news is I got this one for you.

@Kissing Bandit, I already know who she is. Mind you I actually got clearer pictures of her. Yet I’m giving you the privilege to introduce her to us… but only within this week. If not, then I'll do what I have to do and reveal her true identity to everyone!



 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 27


16 comments:

  1. Taray!! BUmabnding si Laris at Atasha!!

    Miss ko na si Zac kko!T^T

    ReplyDelete
    Replies
    1. OHHHHH EMMMM GIIIIII!!!!!!!!!!!!!!

      noon, si asher ung confused,ngayon si silly nman.. sunod sunod lang??hehemei new guy!!!.. super excited na talaga ako sa girlfriend complex.. what in the world is happening?? sayang nman ng hair ni silly.. she's sooo cutee!!

      ang cute talaga nila pag nag-aasaran.. yung totoo,mei special feelings ka na laris kei atasha noh? dont lie to me!! yes or no!! hahah.. i thought may buhat scene,wala pala.. hahah..

      the admin was so evil!! haha.. feel ko siyang awayin eh.. hahah

      super excited for the next UD!!!

      Delete
  2. Bakit! Bakit nagpagupit si Silly? Move on ang peg niya? Basha lang kaya nagpagupit? At sino ba yang mystery guy niya kasama niya! NO! Sana magkabalikan na sila! Tsk. Ano naman kaya kasi 'yang ginawa ni Asher at naging super bigat ng kasalanan niya kay Silly? //Waah, Ate Aegyo, Super excited na ako sa GF Complex.

    Tsk tsk. Lagot sila kay Mary, ah este kay Admin! Grabe namang makapan-blackmail yang admin na yan! Ba't may ultimatum? Ano kayang gagawin ni Laris?
    //Akala ko naman ay bubuhatin ni Laris si Atasha dahil nabubog 'yung paa niya. >__< Ikaw kasi Papa Laris eh! Ang loko-loko mo! Pinaglakad mo si Atasha ng naka-medyas at tumakbo pa rin ng naka-medyas! //Pero.. Kunsabagay. Si Atasha rin naman ang may kasalanan eh. Ahaha!
    Ang balimbing ko lang! Euhaha!!

    Mas lalo akong nae-excited para sa next chapter! >__<
    PS. Buti na lang ay wala ang Sweet Love dito sa chapter na 'to! Maaadik na naman ako eh!

    ReplyDelete
  3. OMG! Ang sweet sweet naman ni Laris! Kaya love na love ko yan kahit uber sungit eh! Mwahahaha. Possessive boyfriend daw sabi ni papa Asher! Ayieh! Ayieh! Gusto niya siya lang tatawag kay Atasha na Hot Pink! Mwahahaha. Nikikilig ako ng bongga! <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh!!!! endearment nga nia daw ang hot pink! ke-sweet lng eeeh! ahahahhahaha!!!!!

      Delete
  4. aNg cuTe ni cEciLy kHit maiKSi na buHok,,, aT siNo kYa Ung myStery gUy na dHiLaN ng pAgkacoNfuSe niA??? kSaLanaN nMn kAsi ni asHer kUng bKit nAgKagaNun cLa,,, sgUro naMbabaE xAh kaYa aNg bigAt ng pRobLem nLa at nPagod na si siLLy,,,

    ReplyDelete
  5. ANg coMmnt q nMn pRa sa LariSha saNa maiPaaLam na s LhaT na mag-0n siLa kHit kUnwari Lng uN,,, guSto q mLamaN uNg reActiOn ng LhaT at LaLo n c zaCk,,,

    aT xeMpre guStO ko n mAs LaLo na cLaNg mgiNg swEet,,, pLagi nMn ksi cLng naGbbaraHan eE,,, aNg kuLit Lng,,,

    ReplyDelete
  6. ~angel is luv~

    akala ko may moment na bubuhatin na ni laris si atasha. pero kilig pa din kahit wala! hahaha!!! and yes i can also feel it, mari-reveal na ang relationship nila!

    ReplyDelete
  7. What?? Marirevel na sila na?
    Kahit ang evil ni Admin gusto ko ung plan nia.
    Gusto ko malaman ng lahat na sila na kahit fake lang yun.
    I want to see Zack's reaction.
    Ang ung fans ni Laris, what will they do?
    Excited na ako.

    Great update Miss Aegydaydreamer.

    ReplyDelete
    Replies

    1. ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶……..
      ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´¶¶……
      ´´´´´´¶¶¶¶¶´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶¶……….
      ´´´´´¶´´´´´¶´´´´¶¶´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´¶¶…………..
      ´´´´´¶´´´´´¶´´´¶¶´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…..
      ´´´´´¶´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶…..
      ´´´´´´¶´´´¶´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
      ´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
      ´´´¶´´´´´´´´´´´´¶´¶¶´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
      ´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
      ´¶¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…
      ´¶´´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´¶¶….
      ´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶…..
      ´´¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
      ´´¶¶´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
      ´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶…..
      ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶…….

      Delete
  8. oh lalal~laa~lala
    ang ganda ahahahha
    update update po
    ang cute ^_^

    im1nlovwithyou124

    ReplyDelete
  9. i really want to know who is admin. i think she's a SHE, 'coz she's so much like gossip girl. and i like her clever schemes! sana mareveal na sina laris at atasha.

    ReplyDelete
  10. wwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh....................kakakilig, naku pag ikaw Laris nainlove kay Atasya siya naman paglingkuran mo, tuloy nasugatan siya kasalanan mo...peo kinilig ako sa sorry mo...hehehehe

    ReplyDelete
  11. anong nangyari kina silly at asher! hwaaaa!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^