Sunday, October 21, 2012

Witchcraft and Wizardry: Chapter 9

WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KINGDOM

CHAPTER NINE

     HINDI makabasag pinggan ang katahimikan sa tent ni Sidh. Hating gabi na pero nan dun ako kaharap ang apat na Druids, si Doctor Park at si Sidh nga. Ewan ko, basta dinala na lang ako ng mga paa ko dito. At hindi ko alam kung bakit kahit hating gabi na nasa labas pa rin ako.





     Matapos ko mapanaginipan si Kei parang gusto ko na agad alamin kung bakit nang-yayari sakin ang mga bagay na 'to. Na kung iku-kwento mo sa mga normal na tao siguradong hindi nila paniniwalaan. Siguradong marami ding mamumuong tanong sa isip nila. Tulad ko ngayon.





     "Gusto kong malinawan sa lahat ng nang-yayari. Ano ba talaga ako? Sino ba talaga kayo? Anong kinalaman ko sa inyo? At bakit kailangang mang-yari ang mga ganitong bagay? Si Jeremy, si Kei."sunod sunod kong tanong. Naalala ko rin yung iniligtas ako ni Jeremy kay Lycus. Kung hindi ako nag-kakamali may hawak syang wand nun. Pero pano sya nag-karoon nun? Anong klaseng tao ba si Jeremy? Isa din ba syang wizard? "Si Jeremy, bakit sya nakagawa ng magic laban kay Lycus?"





     "Sinabi ko na Jay, ikaw ang nakatakdang mag-ligtas sa First Dimension. Ang Tir Na Nog. Ikaw ang tinadhana ng Stone of Destiny. Sila ang apat na Keepers ng Tir Na Nog. Sila ang tutulong sayo sa misyon na dapat mong gawin. Pero para matulungan ka nila kailangan munang hanapin ang apat na sandata na itinago ni Lycus. Hindi sila makaka-gawa ng magic kapag wala ang mga iyo. Yun din ang dahilan kung bakit hindi maka-gawa ng magic ang magus sa Tir Na Nog. Kung ang Stone of Destiny ang nag-bibigay buhay sa Tir Na Nog ang mga sandata naman nila ang nag-bibigay buhay sa apat na maliliit na kaharian nito."






     "At yung tungkol kay Jeremy, hindi ko maipapaliwanag yun Jay. Dahil hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung sino ang nag-lagay ng itim na mahika sa Stone of Destiny at ano ang dahilan nya para pigilan ang kapangyarihan ng bato."sabi sakin ni Doctor Park. Isa isa kong tiningnan ang apat na Druids. Halata na rin sa mukha nila ang worries. Maliban kay Uisias na hindi mo mabasa kung anong iniisip o nararamdaman. Poker Face kasi sya.





    "Dahil napakalakas din ng itim na mahikang bumabalot sa Stone of Destiny. At kapag hindi mo ito kayang kontrolin ay ikaw ang ko-kontrolin nito. Maari kang pumailalim sa kapangyarihan nito at makagawa ka ng mga bagay na ikamamatay mo."si Morfesa na ang sumagot ng tanong ni Doctor Park tungkol sa Stone of Destiny.





     "Ibig sabihin may taong sadyang nag-lagay ng itim na mahika sa Stone of Destiny para protektahan si Jay? Sino naman iyon?"napaisip si Esras sa sarili nyang tanong.





     Pero kahit ako napaisip sa sinabi nyang yun. Sino kaya yung taong sinusubukan akong protektahan? Ewan ko pero bigla akong napatingin kay Uisias, napatingin din sya sakin. Napansin kong parang bigla syang nailang kaya iniwas nya agad yung tingin nya. Napakunot na lang nuo ko sa kaniya.





     "Kung may tao mang gustong promotekta sa kaniya malamang ang taong yun ay marunong gumamit ng itim na mahika. Pero sino nga ba talaga sya?"si Semias naman ang nag-salita. Napapaisip  din ito sa misteryosong taong gustong protektahan ako.





     "Kaya pala hindi ito nahawakan ni Lycus ng balak nya itong kuhain kay Jay. Black Magic lang ang pangontra sa taong gumagamit din ng Black Magic. Matalino ang taong yun."napapahawak pa si Doctor Park sa baba nya. Lahat na halos sila nag-salita maliban kay Uisias na kanina pa tahimik sa sulok. Nakikinig lang sya sa usapan namin.





     "Hindi na iyan ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay malaman nyo kung saan itinago ni Lycus ang apat na sandata. Kailangan nating makausap si Stella para ituro nya sa atin kung saan."pag-iiba naman ni Sidh sa usapan na sinang-ayunan naman nilang lahat.





     "Pero kamakaylan lang nag-paalam sakin si Stella na kailangan nyang umalis dahil may mahalaga syang dapat gawin. Hindi ko alam kng kailang sya babalik."nang sabihin yun ni Doctor Park parang biglang nawalan ng pag-asa ang apat na Druids.





     "Hindi natin malalaman ang gagawin kung wala sya. Sya na lang ang makakatulong satin."desperadong sabi ni Esras.





     Napabuntong hininga na lang ako. Kung kelan naman kasi ready na ko saka naman mag-kakaron ng problema. "Bakit kailangang mang-yari pa 'to?"sabi ko na lang sa kanila.






     "Kailangang mang-yari ang mga ito dahil ito ang nakasulat sa kapalaran mo Jay."napalingon kaming lahat ng may mag-salita galing sa likuran ko.





     Napakunot ang nuo ko. Parang pamilyar sakin ang babaeng pumasok. Iniisip ko kung saan ko sya unang nakita. Nung maalala ko ngumiti sya sakin at marahan syang lumapit.





     "Ikaw yung---"sya yung babae noon na nang-hula sakin nung una kaming pumunta dito sa Underground Market kasama sina Laurence, Jin, Jeremy at Kei. Hinulaan nya ko at nang-yayari na nga yun ngayon.





     "Stella!"halos sabay sabay silang lahat. Lumapit sakin yung tinawag nilang Stella tapos hinawakan nya yung kamay ko.





     "Ito ang nakasulat sa palad mo. Dapat mong pag-daanan ang lahat ng ito. Kailangang mong mag-pakatatag. Malalampasan mo rin ang lahat ng ito. At asahan mong sa dulo ay matatagpuan mo ang tunay na kasiyahan. Malalaman mo ang kasagutan sa lahat ng tanong kapag binuksan mo ang bawat pahina ng librong binabasa mo."nakatitig sya sa mga mata ko habang sinasabi nya yun. Ramdam kong sincere naman sya. Binitawan nya ang mga kamay ko at lumapit sya dun sa malaking bilog na ginamit naming way para makarating kami agad sa Camp Site. Lahat na kami ngayon nakaharap sa kaniya.





     "Stella, mabuti na lang at dumating ka! Kailangan namin ng tulong mo! Kailangan naming mahanap ang apat na sandata ng apat na Kaharian. Hindi namin alam kung saan ito itinago ni Lycus."agad na tanong ni Esras, nilingon naman sya ni Stella.





     "Hindi madaling makita ang apat na sandata. Kailangan mong suungin ang karagantan paakyat sa kalangitan. At sa dulo nun ay puro panganib ang naka-abang."nakita kong lahat sila napaisip sa mga sinabi ni Stella. mapapa-isip ka naman kasi talaga! Karagatan paakyat sa langit??? Ano yun????





     "Nubus Illa."napalingon naman kami ngayon kay Uisias. Ano daw? Nubus Illa?





     "Tama! Ang Nubus Illa! Isang isla sa kalangitan. Nasa pusod  ng dagat ang daan nun at kinakailangan mong tawirin ang ipo-ipo sa dagat para lang maka-akyat ka dun!"sabi naman ni Esras.





     Sumingit naman si Semias. "Doon kinukulong ang halo halong mga Creatures. Mapa-class A man o class Z na nahuhuli sa Tir Na Nog."





     "Kung ganun sa Nubus Illa itinago ni Lycus ang mga sandata namin? Mautak talaga sya. Alam nyang hindi namin kayang lumaban kaya dun nya itinago ang mga sandata."muhing muhi naman si Morfesa nang banggitin nya si Lycus.





     Nakikinig lang ako sa kanila. Di ko naman kasi maintindihan mga pinag-sasabi nila. Ang hirap nila sakyan.





     "Kinakailangan nilang bumalik sa Tir Na Nog para makarating doon."si Doctor Park naman ang nag-salita.





     "Ganun na nga."sagot naman ni Stella.





     Kaya lang may mga bagay parin sa isip ko na hindi malinaw. "Pero, gusto kong malaman kung ano ba talaga yung dapat kong gawin? Sabi nyo ako yung Satori. Warrior. Ibig bang sabihin makikipag-laban ako sa mga kung anong elemento? Ano ba talagang dapat kong gawin?"labo talaga kasi eh.





     "Oo Jay. Kailangan mong makipag-laban para ma-protektahan ang Stone of Destiny hanggang sa madala mo sya sa Tomb ni Goddess Danann. Ikaw ang muling bubuhay sa kaniya kaya kailangan mong protektahan ang bato sa mga kaaway. Lalong lao na kay Lycus."paliwanag ni Stella.





     "Bakit ako pa ang kailangang mag-dala sa tomb? Di ba pwedeng sila na lang? Total naman napakawalan ko na sila. Pwede na silang bumalik sa pinanggalingan nila."sabi ko naman. Tama naman ako diba? Bakit kailangang isama pa nila ako? Pwede namang sila ang gumawa nun.





     "Walang ibang pwedeng humawak ng Stone of Destiny kundi ang taong naitakda. Hindi ito pwedeng hawakan ng kahit sino dahil maari nila itong ikamatay. Ikaw lang ang pwedeng humawak nito hanggang sa huli Jay maliban kay Lycus."





     "Tinapon ko na yung Stone of Destiny."naalala ko kasi na tinapon ko nga yun nung ma-badtrip ako.





     Pero nagulat ako nung biglang may inabot na maliit na box si Uisias sakin. Kunot nuo ko namang kinuha sa kaniya yun tapos binuksan ko. Nasa loob yung Stone of Destiny. Napatingin ako kay Uisias, poker face parin sya. Hirap basahin ng mukha nya.





     "Mabuti na lang at ginawa mong pendant ang Stone of Destiny. Natakot talaga kami kasi baka hindi namin mahawakan pero dahil sa tali nakuha ni Uisias ang Stone of Destiny at itinago nya."masayang sabi ni Morfesa sakin. Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sa bato. Ang ganda talaga nya kahit na may mix na sya ng itim na kulay. Naggo-glow parin sya.





     "Stella, pwede mo bang sabihin samin kung sino ang taong nag-lagay ng itim na mahika sa Stone of Destiny para protektahan si Jay?"biglang singit na tanong ni Semias.





     Hindi agad sumagot si Stella, napansin kong napalingon sya saglit kay Uisias. Tiningnan ko si Uisias pero gaya kanina umiwas din ito ng tingin. Parang may tinatago ang druids na 'to na hindi ko mawari kung ano. Baka sya yung nag-lagay ng black magic dito sa Stone of Destiny?





     "Magaling at mukhang bihasa na ang taong nag-lagay ng itim na mahika na yan sa Stone of Destiny. Dahil hindi man lang ito nag-iwan ng pala-tandaan kung sino sya."seryoso ang mukha ni Stella, pero halatang desperado rin itong malaman kung sino ba talaga ang nag-lagay ng black magic. "Wag nyo na isipin ang bagay na yan. Malaki naman ang naitulong ng taong yan para hindi mapahamak si Jay. Marahil alam nyang hindi kayang ma-kontrol ni Jay ang lakas ng Stone of Destiny kaya bago pa man ito makita ni Jay ay nalagyan na nya ito ng itim na mahika."dugtong pa ni Stella.





     "Tama si Stella. Ang importante makuha natin ang mga sandata natin. Sabihin mo kung anong dapat namin gawin para makapunta kami sa Nubus Illa, Stella."buti pa 'tong si Esras parang laging walang problema. Lagi lang kasi nakangiti mga mata nya. Yan yung mga tipo na masarap kasama. Bigla ko tulo naalama sina Jeremy at Kei. 





     "Kailangan nyong hanapin ang Piratang si Thomas D'Arcy at ang anim pang mga kasamahan nitong pirata. Sila ang tutulong para madala kayo sa pusod ng karagatan ng Tir Na Nog."payo ni Stella. Hanep! Makakakita ako ng totoong pirata kung nag-kataon! Bigla akong na-excite! Sa movie ko lang naman kasi napapanood yung mga pira-pirata na yan!





     "Saan naman namin sila matatagpuan?"tanong ni Semias.





     "Kailangan nyong libutin ang apat na kaharian ng Tir Na Nog para mahanap sila. Gala ang grupo nila, hinda lamang dagat ang nilalakbay nila kundi bumababa din sila sa lupa para makakuha ng mga panga-ngailangan nila sa mahabang pag-lalakbay sa dagat."cool naman talaga! Papa-autograph talaga ako pag nakita ko 'tong mga pirata na 'to in person!





     "Kung ganun. Tara na!"kumilos na si Semias ng sabihin nya yun.





     "Sandali, hindi kayo pwedeng pumunta sa Nubus Illa hanggat wala kayong sandata. Dalhin nyo 'to."inabot ni Sidh ang maliit na garapon kay Uisias. May kulay violet na buhangin sa loob. Hindi ko alam kung ano yun. "Pag dumating na kayo sa Nubus Illa, buksan nyo lang ang garapon na yan para sumingaw. Makakatulong yan para panandaliang maging maamo ang kahit ano mang creature na naroon. Pero sabi ko nga mabilis lang ang talab nya. Isang oras lang, tingin ko sapat na yun para mahanap nyo ang apat na sandata."humahanga naman ako sa mga magic potions ni Sidh. Kakaiba talaga eh!





     "Maraming salamat."sabi ni Uisias. For the third time narinig ko syang nag-salita.





    Lumapit naman sakin si Doctor Park at may inabot din sya. "Jay, dalhin mo 'to."inabot nya yung wand na ginamit ni Jeremy nung makipag-laban sya kay Lycus. Kinuha ko yung wand. Para lang syang maliit na branch ng puno. Alam mo yung maliit na sanga ng puno na medyo dry na? Ganun yung itsura nya. "Kahit na hindi kayo makakagamit ng magic sa Tir Na Nog alam kong makakatulong yan sa mga darating na araw. Kaya itago mo. Kaibigan mo naman si Jeremy."





     "Salamat."ready na lahat pero bigla kong nalala sina mama at papa. Siguradong mag-aalala yung mga yun pag bigla na lang akong nawala. "Sandali, pano yung mga magulang ko? Ano sasabihin ko sa kanila? Hindi ako pwede umalis na hindi ako nag-papaalam sa kanila."





     Ngumiti si Morfesa bago sya nag-salita. "Wala kang dapat ipag-alala ang katumbas ng isang araw dito sa mundo ng mga vulgus  ay katumbas na ng isang taon sa apat na dimensyon."





     Nakaka-bilib pero kahit na, hahanapin pa rin nila ako kahit oras lang o minuto akong mawawala. "Kailangan kong mag-iwan ng note sa kanila. Ayaw kong mag-alala sila sakin."pilit ko sa kanila. Pumayag din naman sila. 





     Sinamahan ako ni Esras pabalik sa bahay. Pero hindi na kami sumakay ng kung anong trasportasyon. Dahil dumaan na lang kami dun sa parang kumunoy na bilog. Wala pang ilang segundo nasa bahay na kami.





     Hinahabol ko hininga ko ng bumagsak kami ni Esras sa kama ko. "Ano bang tawag sa parang kumunoy na yun? Parang papatayin ako nun eh!"humihingal kong tanong. Natawa naman si Esras.





     "Porte de Fee o Gates of Fairy ang tawag dun. Ganun talaga ang pakiramdam kung ngayon mo lang iyon naranasan. Pero pag nasanay ka na. Hindi mo na mararamdaman kung ano man ang nararamdaman mo ngayon."as usual, masaya sya habang nag-e-explain. Smiling eyes talaga si Esras.





     "Ganun ba yun? Kakaiba talaga mundo nyo no? Dami kong narirnig na mga wirdong salita."sabi ko sa kaniya habang kumukuha ako ng papel para sulatan ko para kanila mama. Pag-tapos kong mag-sulat kinuha ko yung cellphone ko para mag-text kanila Jin at Laurence. 





     Kinuha ko rin yung MP4 ni Kei pati yung sulat at yung pictures. Hindi ko na sinama si Javin kasi baka mapahamak lang sya. Hinalikan ko na lang si Javin bago kami tuluyang umalis ni Esras. Yung Porte de Fee din yung dinaanan namin dahil dala ni Esras yung buhanging sinasaboy para lumubog sya.





     Kung lumulubog kami sa sahig ng kwarto, paangat naman ang balik namin papunta sa tent ni Sidh. This time hindi na kami bumagsak sa kung saan. Automatic na nakatayo na kami dun sa Porte de Fee nang bumalik kami.





     "Handa na kami."sabi ni Semias. Tapos nag-lapitan na rin sila sa Porte de Fee. Mukhang dun nanaman kami dadaan. Hay! Naku naman! Nakaka-tatlong daan na ko dun. Feeling ko mapupunit na balat ko kaka-hatak ng Porte de Fee sa katawan ko. Pakiramdam ko masusuka na talaga ako nito. Promise!





     "Tandaan nyo, ngayon ang huling araw ng Luteus Mond. Walang dudang mas malakas ang kapang-yarihan ni Lycus. Hindi man sya makapasok sa Tir Na Nog ngayon at hindi man nito mahawakan ang Stone of Destiny maari parin itong maka-isip ng paraan. Tuso si Lycus kaya dapat parin kayong mag-ingat."





     "Binabalaan ko kayo. Sa oras na mahawakan nyo ang mga sandata, babalik sa ayos ang lahat pero marami kayong kakaharapin na panganib."matapos ang mahabang sabi ni Stella tumingin sya sakin. "Jay, lakasan mo ang loob mo. Kailangan mo 'tong gawin hindi lang para sa Tir Na Nog kundi maging sa mga kapwa mo vulgus. Mag-iingat kayo sa inyong pag-lalakbay."





     "Mag-ingat ka Jay."ngumiti pa si Doctor Park nung sabihin nya yun. Hay~ mami-miss ko yung ngiti nyang yun.





     Tapos nun ginawa na ni Sidh yung seremonya. Nag-saboy nanaman sya ng buhangin at unti unti nanaman kaming lumulubog sa Porte de Fee. Hinahatak nanaman yung katawan ko. Masakit ulo ko, at talagang nasusuka na ko! Hindi pa ko makahinga! Mamamatay na yata ako!









     Pag-pagsak namin sa lupa diretso suka ako. Sabi ko na eh! Masusuka na talaga ako!





     "Ayos ka lang ba binibini?"alalang lumapit sakin si Morfesa para alamin nya lagay ko. Tumango lang ako kahit parang may butterfly na umiikot sa tyan ko.





     Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa Tir Na Nog na ba kami? Umaga sa lugar nila. Puro bundok yung nakikita ko tapos dry na lupa. Maalikabok pa! Dahan dahan akong tumayo. Napansin ko na mukhang hindi natutuwa ang apat na Druids sa nakikita nila sa paligid.





     Hindi mo naman kasi masasabi na Kingdom yung lugar kasi dry yung paligid. Ang init init pa! 





     "Anong nang-yari?!"mangiyak ngiyak na tanong ni Esras sa sarili nya. Ano nga ba talagang nang-yayari??





     Lahat kami napa-upo ng may marinig kaming sumabog. Pag-lingon namin sa likuran namin may makapal na usok na lumitaw. Tumakbo sila Uisias, Esras at Semias palapit dun sa bangin para alamin ang nang-yayari. Pati kami ni Morfesa ay sumunod.





     Kinilabutan ako sa nakita ko sa ilalim ng bangin. Para na kasing impyerno yung ibaba dahil sa mga naususnog na gubat. Nilalamon ng apoy ang kabuuhan ng gubat sa ilalim. Tapos may mga sumunod pang pag-sabog.





     "Hindi maari 'to!"sabi ni Semias sa galit na boses.





















     Anong nang-yayari? Gulo na nga sa earth pag-dating pa dito sa Tir Na Nog gulo parin?? OH MY GOD!!!!







. . . to be continued





1 comment:

  1. MKakaYa mu LhaT yAn jAy,,, kaYang kaYa mu si LyCus,,, aT exciTed aq nsa tir na nOg na siLa,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^