WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
CHAPTER TEN
NAGULAT ako sa naabutan namin sa bayan. Ang gulo gulo ng mga tao. Kahit saan ka lumingon may mga sugatan at nag-papatayan. Hindi ko alam kung anong nang-yayari sa lugar na 'to. Nakita ko lumapit si Semias sa isang lalaki na sugatan. Hinatak nya sa kwelyo yung lalaki at galit syang nag-tanong.
"Sabihin mo! Anong nang-yayari dito?"galit ang mukha ni Semias.
"Simula ng mamatay si Goddess Danann at ang mga Prinsepe at Prinsesa at mawalan ng kakayahan ang mga mamamayan gumawa ng mahika ay nag-kagulo na ang mga taga-pamahala kung kaninong kaharian ang karapatdapat na mamahala sa buong Tir Na Nog ."natatakot namang sagot nung lalaking kwenelyuhan ni Semias.
"Sabihin mo! Sino ang nag-pasimuno ng awayang ito?!"sunod na tanong ni Semias.
"Ang mga taga-pamahala din ng bawat kaharian!"
Lalong kumulubot ang nuo ni Semias sa galit, pati na rin yung tatlong Druids. "Alam na ba 'to ng mga Punong Ministro?"
Takot na umiling ang lalaki. "Hindi! Hindi nila alam. Lalo na si Ministro Cian! Walang nangahas na mag-sabi sa mga Punong Ministro dahil natatakot sila sa banta ng mga taga-pamahala!"mangiyak ngiyak na ang lalaki. Pano naman kasi hawak parin ni Semias yung kwelyo nya. Tapos galit na galit pa mukha ni Semias. Parang gusto nyang saksakin yung lalaki.
"Banta? Anong banta?"si Uisias naman ang nag-tanong.
"Papatayin ang sino mang mangahas na mag-sumbong sa Punong Ministro."mas lalong nahalata ang takot sa mukha ng lalaki.
Halos hindi naman makapaniwala ang apat na Druids. Hindi sila makapaniwala na nang-yayari sa kaharian nila ang ganitong bagay. Kahit ako hindi makapaniwala na may ganitong kaguluhan sa Tir Na Nog. Inaasahan ko pa naman na peaceful sa lugar na 'to dahil Kingdom nga. Yun pala puro riot lang maabutan ko.
Sa puntong yun ay binitawan na Semias ang lalaki. Galit na galit talaga sya. Nang-gagalaiti sya sa galit. Kung gumagana nga lang ang Magic nila kanina pa deadbol yung mga epal.
Napalingon ako ng marinig ko na bumuntong hininga si Esras. Kita ko sa mukha nyang worry din sya. "Okay ka lang ba?"tanong ko sa kaniya.
"Nag-aalala kasi ako sa Kaharian na pinag-sisilbihan ko. Baka nag-kakagulo din doon ngayon."sabi ni Esras habang nakatingala sya sa langit.
Hindi ko ma-gets, ilang kaharian ba meron dito sa Tir Na Nog. "Uhm. . . Esras, hindi ko kasi ma-gets. Anong kaharian na pinag-sisilbihan mo? Ilang kaharian ba meron dito sa Tir Na Nog? Ang akala ko kasi Yung Tir Na Nog lang yung kaharian nyo?"
Ngumiti si Esras sa napaka-cute nyang smile bago sya sumagot sa tanong ko. "Isa ang Tir Na Nog sa kaharian ng apat na dimensyon. Kaya nasa unang dimensyon ang Tir Na Nog, dahil ang kaharian na ito ang may pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihan sa apat. Sa loob ng Tir Na Nog may apat ding kaharian. Kami ang pumo-protekta sa bawat kaharian na iyon. Ako ang pumo-protekta sa Kaharian ng Gorias. Si Semias naman ang pumo-protekta sa Kaharian na ito ng Murias, si Morfesa sa kaharian ng Falias at si Uisias naman ang sa Findias. At sa bawat kaharian na yun ay may mga naka-talakang Prinsesa at Prinsepe na kailangan din naming protektahan."
Kahit di ko masyado ma-gets naintindihan ko naman kung gano kayaman ang kaharian na 'to. Kasi bukod sa kaharian na nga sya itself eh may apat pa palang kaharian na nakatayo sa loob nya. Sobrang yaman talaga ng kaharian na ito kung iisipin mo.
"Semias! Kailangan nating puntahan ang mga taga-pamahala para ipaalam sa kanila na buhay tayo. Para matigil na rin ang kahibangan na ito."sabi ni Morfesa sa seryoso nyang mukha.
"Baliwala din kahit sabihin pa natin sa kanilang buhay tayo. Namatay na ang mga Prinsesa at hindi na natin alam kung nasaan ang isang Prinsepeng umalis noon. At wala sa atin ang mga sandata natin. Lalo lang silang mag-mamatigas."hindi pumayag si Semias sa idea na naisip ni Morfesa.
"Tama si Semias. Ang mabuting gawin natin ngayon ay hanapin ang piratang sinasabi ni Stella. Kailangan natin sya para makuha ang mga sandata."suggestion naman ni Uisias.
Tiningnan ko ulit si Esras para mag-tanong ulit. "Sino yung sinasabi nilang taga-pamahala? Patay na yung mga Prinsesa at Prinsepe na sinasabi mo kanina?"tanong ko. Umiling si Esras.
"Sila ang mga Ministro ng apat na Kaharian ng Tir Na Nog. Pinatay naman ni Lycus ang dalawang Prinsesa ng tumistigo sila sa pag-patay kay Prinsepe Arke at pag-gamit ng itim na mahika kay Goddess Danann, dahilan kung bakit sya walang buhay ngayon."paliwanag ni Esras. At dahil sa sagot na yun mas lalong nadagdagan ang tanong ko.
"Sino si Prinsepe Arke?"
"Sya ang nakatakda sanang maging Hari ng Tir Na Nog. Asawa sya ni Goddess Danann. Sya ang panganay na kapatid ni Haring Brai."buti na lang hindi mahirap kausap 'tong si Esras. Kasi sinasagot nya lahat ng tanong ko eh.
"Haring Brai?"kunot nuo kong ulit sa pangalan na yun.
"Oo. Haring Brai. Sya ang Hari sa pangalawang Dimensyon. Ang Kaharian ng Ablach."sabi ni Esras. Napaisip ako. Hari ng Ikalawang Dimensyon? Hindi kaya si---
"Si Doctor Park ba yung sinasabi mo?"hula ko.
"Oo sya nga. Sya ang bunsong kapatid ni Prinsepe Arke."
Kagulat gulat naman yung sinabi ni Esras. May kapatid pala si Doctor Park. At Brai pala ang pangalan nya hindi Brian. Pero mag-katunog na rin yun. Infairness naman hu! Interesting ang katauhan ni Doctor Park. Royal Blood talaga si Doctor Park. Halata naman sa itsura nya eh. Marami pa sana akong itatanong kaso may umepal.
Sabay sabay kaming napalingon ng may isang lalaking dumating. Sumisigaw sya habang natakbo. "Mag-sipag-handa kayo! Nariyan na ang mga kalaban! Humanda na kayo!"
Nataranta na lahat pati ako. May kalaban daw na padating eh! Anong gagawin ko? Ito na ba yung sinasabi ni Stella na kailangan kong makipag-laban? Pano ko gagawin yun? Wala akong alam sa labanan. Hala! Lagot na!
Nakita ko sina Semias at Uisias inagaw nila yung mga espada nung mga lalaki. Tapos hinatak ako ni Esras para ilapit kay Morfesa. "Lumayo na kayo dito. Mag-kita na lang tayo sa susunod na kaharian."sabi ni Esras. Hinatak na ko ni Morfesa palayo, pero nilingon ko pa sila.
Nakikipag-laban sa sila ngayon sa mga kaaway. Ang galing nila makipag-espadahan. May paikot ikot pa si Uisias habang sinasalag nya yung espada ng kalaban. Patalon namang sinipa ni Semias yung isang kalaban tapos ginilitan nya sa leeg yung isa pang kalaban. Nakipag-salagan naman si Esras sa kalaban nya, tapos umikot pailalim si Esras para mahiwa nya sa tyan yung kalaban nya.
Ang galing nila sa pakikipag-laban. Para silang yung napapanood ko sa mga Historic Movie. Yung mga sinaunang fighting scene na mga espada lang yung gamit sa pakikipag-laban. Ang galing! Pakiramdam ko nasa Past life ako ng Acient Greek ngayon!
TAKBO lang kami ng takbo ni Morfesa. Habang yung mga tao nag-kakagulo din. Malayo na kami sa tatlong Druids. Huminto kami ni Morfesa at binitawan nya ko. Ang gulo ng paligid. Hindi alam ng mga tao kung saan sila mag-tatago para hindi lang sila mapatay. May mga nag-iiyakan, naawa ako sa mga bata kasi takot na takot sila. Walang ibang magawa sa kanila yung nanay nila kundi yakapin sila. Bigla ko tuloy na-miss yung mama at papa ko.
"Binibini! Abutin mo ang kamay ko!"tawag sakin ni Morfesa. Pag-lingon ko sa kaniya nakasakay na sya sa kabayo. May naka-sabit na ring espada sa tagiliran nya. Hindi ko alam kung saan nya nakuha yung mga yun. Nakatingala lang ako sa kaniya. Bigla kasi ako na-speechless eh. Sorry naman. "Tayo na!"tawag nya ulit sakin. Saka lang ako natauhan.
"Hu? Ah--Oo!"inabot ko yung kamay nya tapos hinatak nya ko paakyat ng kabayo. Ngayon dalawa na kami ang nakasakay sa kabayo. Ang taas pala ng height ng kabayo? Parang bigla akong natakot.
"Kumapit ka ng mabuti!"sabi ni Morfesa. Kahit hindi nya na sabihin kakapit talaga ko. Ayaw ko mag-kabali-bali buto ko pag nalag-lag ako no!
Maliad-liad ako nung paikutin nya yung kabayo. Lalo akong napakapit ng mahigpit sa bewang ni Morfesa. Tapos ilang minuto lang mabilis na kaming tumatakbo sa kabayo. Pero nung palabas na kami ng bayan nagulat ako--hindi natakot ako kasi katakot takot na kabayong may mga sakay na ewan kung sino sila ang humahabol samin!
"Sino yung humahabol satin?"takot kong tanong kay Morfesa.
"Mga kalaban sila. Kumapit ka lang ng mahigpit, binibini."
Kalaban? Isang batalyon ang humahabol samin! Kakayanin kaya naming dalawa 'to? Siguradong katapusan na namin kung maabutan kami ng mga 'to! Patay na talaga!
Nilingon ko sila, Diyos ko po LORD! Ilang pulgada na lang ang layo nila samin! Kinilabutan pa ko nung mag-labas ng matulis na espada yung nasa likuran namin! Isang tuhugan lang nito sakin siguradong patay ako!
"Bilisan mo pa Morfesa! Maabutan na nila tayo! Patay tayo nito! Bilis!"natataranta kong sigaw kay Morfesa.
"Huminahon ka lang binibini!"mukhang pati si Morfesa natataranta na rin. Hindi sa humahabol samin kundi sa sigaw ko. Nilingon ko ulit yung humahabol sa amin. Abot kamay na nya kami. Nakita kong tutuhugin na nya talaga ako.
"Jesus! Bilisan mo! Matutuhog na nya ako! Bilis!!"nag-wawala na ko sa takot pero nagulat ako nung biglang natumba yung tutuhog sana sakin.
Napakunot yung nuo ko habang pinapanood ko kung pano sila nag-tutumbahan. Para silang bumabangga sa pader. Parang biglang nag-karoon ng imaginary na harang kaya hindi na sila makasunod samin ni Morfesa. Lahat sila hindi na makatwid dun sa imaginary na harang.
INABOT na kami ng gabi sa daan. Sabi ni Morfesa sa Kaharian daw ng Falias ang punta namin. Pero mukhang malayo pa yun kasi nasa gubat parin kami.
Napilitan na lang kaming huminto, masyado na kasing dilikado kung mag-papatuloy kami sa pag-lalakbay namin. Hanggang ngayon nasa isip ko parin yung nang-yari kanina sa mga humahabol samin. Nilingon ko si Morfesa, halatang may gumugulo din sa isip nya.
"Anong iniisip mo?"tanong ko. Napatingin sya sakin na naka-kunot ang nuo.
"Yung nang-yari kanina. Habang hinahabol tayo ng mga kalaban. Palaisipan sa akin kung sino at kung paano sila napigilan."mukhang palaaisipan nga sa kaniya kasi nakakunot na nuo niya eh. Pati ako napakunot na nuo.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kaniya.
"Kung ginamitan ng mahika ang pag-pigil sa mga humahabol sa atin kanina paano at sino ang gumawa nito? Nasisigurado kong napakalakas at napakatalino nyang Magus, natitiyak kong gumamit sya ng napakalakas na itim na mahika para lang magawa yun."nalilitong sabi ni Morfesa.
"Akala ko ba hindi pwede gumamit ng magic dito?"
"Oo. Kahit sino hindi makakagamit hanggat hindi nananatiling walang buhay si Goddess Danann, Kahit ang isang Adept Magus pa. Maliban na lang kung... "napaisip pa sya bago sya nag-patuloy sa sinasabi nya. "Isa syang Fola Gorm."
"Fola Gorm? Ano yun?"
"Uri iyon ng Magus na kayang gawin lahat. Purong dugo ng Magus ang dumadaloy dugo nya. Sya ang pinaka-makapangyarihan sa buong kalawakan."parang bigla nanaman akong nalito sa sinasabi ni Morfesa. May hindi malinaw sa sinabi nya.
"Purong dugo ng Magus? Teka--hindi kita maintindihan."napapailing pa ko habang sinasabi ko yun. Ramdam na ramdam ko na yung kulubot sa nuo ko dahil sa pag-kalito ko.
"Iyon ang tawag kung ikaw ay galing sa angkan ng Thaumaturgist o klase ng Magus na kayang gawin ang lahat, lahat. At ang naalala kong nag-iisang Fola Gorm ay ang kauna-unahang hari ng Tir Na Nog. Pero, matagal na syang patay at wala akong natatandaan o naririnig na kwento na nag-karoon sya ng asawa o kahit ng anak man lang. Kaya pala-isipan sa akin ang lahat."
"Kung ganun may limitasyon lang pala ang kaya nyong gawin?"tumango si Morfesa.
"Kahit si Goddess Danann ay may hangganan ang kakayahan. Hindi katulad ng Fola Gorm na walang hanggan ang kakayahan."
Alam mo sa totoo lang, ngayon ko lang napatunayan. Sobrang lawak talaga ng mundo ng Fantasy. Maraming bagay na bago mo maintindihan ay kailangan mo pang ipa-ilaborate sa kausap mo. Parang ito ngayon. Maraming klase pala ng mga Wizard. Ang alam ko kasi pag Wizard, wizard ka lang. Yun pala may mga classifications and everything pa yan. Siguro ang hirap mabuhay sa ganitong mundo. komplikado kasi masyado.
Napabuntong hininga na lang ako saka nag-tanong ulit. "May idea ka ba kung sino gumawa nun? Tsaka pano nya ginawa yun? At bakit nya ginawa yun?"napailing si Morfesa.
"Wala akong ideya kung sino ang gumawa noon pero isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon."lumingon sya sakin. "Ginawa nya iyon para ma-protektahan ka binibini."
Protektahan ako? Nino? Biglang pumasok sa isip ko yung black magic daw na naka-palibot sa Stone of Destiny na suot ko. "Teka--di kaya yung nag-lagay ng black magic sa Stone of Destiny at yung nag-ligtas satin kanina iisang lang?"hula ko na sinangayunan naman ni Morfesa.
"Iyon din ang iniisip ko binibini. Kung sino man sya nasisigurado kong mahalaga ka sa kaniya."ngumti pa si Morfesa.
Kinilig naman ako bigla dun. Sino ba yung nilalang na yun? Knight and Shinning Armor ko? Nahihiwagaan ako sa taong yun. Kung sino man sya sana naman mag-pakilala sya sakin. ^__^
KAILANGAN muna naming mag-pahinga ni Morfesa dahil sabi nya mahaba-haba pa daw ang lalakbayin naming dalawa. Pero di pa ko inaantok, malamig kasi tsaka paulit ulit sa isip ko yung mga nang-yari sa buong mag-hapon. Nakaka-stress. Ang daming mga bagay hindi kapanipaniwalang nang-yari. At may mga tanong parin sakin na hindi masagot sagot.
"Morfesa--gising ka pa ba?"tawag ko sa katabi kong si Morfesa.
"Gising pa ako binibini. Hindi ka ba makatulog? May mga gumugulo ba sa isip mo?"mahinahong tanong ni Morfesa.
"Nag-aalala kasi ako sa tatlong druids na naiwan."
"H'wag mo silang isipin. Nakakasigurado naman akong makakaligtas sila doon."
Humiga ako ng patihaya, gumaya din si Morfesa. Pareho na kaming nakatingala sa langit ngayon. Wala akong idea kung anong oras na. Pero pansin ko yung buwan medyo nawawala na yung pagka-orange nya.
"Yung buwan, medyo nawawala na yung pagka-orange nya."sabi ko.
"Patapos na kasi ang huling araw ng Luteus Mond. Mabuti na lang at nababalutan ng kapang-yarihan ni Goddess Danann ang Tir Na Nog, dahil kung hindi kanina pa tayo nilusob ni Lycus."
Buti na lang. Hanggang ngayon may phobia parin ako sa halimaw na yun. Masamang masama ang loob ko dun kasi sya ang pumatay kay Jeremy.
"Eh diba may Fairy Rath? Pwedeng pwede syang dumaan dun papunta dito diba? Tulad nung ginawa natin."sabi ko nung bigla kong maisip yun.
"Hindi nya magagawa yun."napalingon ako kay Morfesa. "Dahil kayang malaman ng Porte de Fee ang aura ni Lycus. At pag-nangyari yun isusuka lang sya nito pabalik."
"Ganun ba?"bumuntong hininga ako. Napatingin ulit ako sa buwan. "Bakit ba orange ang buwan pag tumingin ka sa langit pero pag makikita mo yung reflection nya sa tubig kulay silver? Ano ba yung Luteus Mond?"nakakapag-taka lang kasi talaga.
"Mahabang kwento binibini. Kaya kung ako sa iyo mas mabuti pang mag-pahinga na lang kayo. Maaga pa tayo bukas."sabi nya. Tumango na lang ako. Hindi ko na sya pinilit pang sabihin sakin ang dahilan ng Luteus Mond. Isa pa mukhang pagod na rin si Morfesa.
"Tama ka nga. Sige, goodnight."
Pinikit ko na lang yung mata ko. Usually dilim una mong makikita pag pumikit ka pero nung pumikit ako si Kei una kong nakita. Tumagilid ako kasi naramdaman ko parang tutulo na yung luha ko. Tumulo nga. Dumilat ulit ako, ganito pala pakiramdam ng nangu-ngulila sa-----sa kaibigan. Kaw naman. Nami-miss ko talaga si Kei---syempre si Jeremy din.
Nasan man sila ngayon sigurado ako masaya na sila. Wala na silang aalalalhanin pang problema. Wala ng gulo gaya nitong napasukan ko ngayon. Hindi na sila makikipag-sapalaran pa sa mga kung anong nilalang.
Pero kung nasan man silang dalawa ngayon, sana lang i-guide nila ako. Kami, na maging ligtas kami dito sa adventure namin.
. . . to be continued
Thank you for wasting your time reading my story ..!!
Please hold on for the next chapter ..!!
- DaeHyun MAtOki -
GrAbe kinAiLngAn q mtigiL s pgBbasa kniNa daHiL nAgexAm p pEro hindi q pLLamaPsin ang mAgcoMment dtO,,, aNg tGaL q kyA inAabangAn tO noh,,,,
ReplyDeletegrAbe naGkkguLo na s mGa kaHariAn,,, taMa cLa kuNg guMgaNa Lng sNa mAgic nLa nuN, maTagaL ng tEpoK ang mGa kLabaN,,,,
ReplyDeleteto bE coNtinued....
at duGong buGhaw c dR pArK,,,, hAri aNg kaPatid niA eEe,,,,,
ReplyDelete