WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
CHAPTER ELEVEN
INIWAN lang namin sa gubat yung kabayo na ginamit namin. Nag-lakad lang kami ni Morfesa nung papasok na kami sa sinasabi nya ngang bayan ng Kaharian ng Filias. Ito daw ang kaharian na pinu-protektahan ni Morfesa.
Medyo maayos pa yung mga tao, pero mukhang dinaanan na rin ng gera yung lugar. Makikita mo kasi yung mga bahay sira sira. Tapos may mga flag na punit punit at may sunog. Ang dudungis na rin ng ibang mga tao. May mga sugatan may iba naman hindi.
Maalikabok kahit saan. Nagiging pulbos na nga sa mukha namin yung alikabok pag humangin eh. Sobrang init. Mainit pa sa earth! Parang El Nino dito sa Tir Na Nog! Tagaktak na nga pawis ko eh. Tapos alam mo yung tipo na kapag pinunasan ko ng kamay ko yung pawis ko kulay putik na. Yuck! Uhaw na uhaw at gutom na gutom pa ko! Badtrip namang adventure 'to! Walang ka-excite-excitement!
"Morfesa, hindi pa ba tayo kakain? Gutom na gutom na ko. Kagabi pa tayo di nakain eh. Baka naman may naipit kang Skyflakes dyan."specific talaga ang request ko? Sabi kasi sa commercial sa Earth kahit anong pangarap maabot mo basta kasama mo yun.
"Anong Skyflakes binibini?"natawa naman ako sa kwestyonableng mukha ni Morfesa. Hindi nga pala uso ang Skyflakes sa kanila. Ano bang pag-kain uso sa lugar nila? Di ko alam eh.
"Ah--biskwit. Kung meron kang biskwit dyan."biskwit na lang sabi ko. Leyman's Term kung baga sa Medical Field.
"Iyon po ba? Wala po tayong makakainan sa lugar na ito dahil sarado ang lahat ng tindahan."pag-karinig ko nun parang nawalan na ko ng pag-asa sa buhay. Hindi ako mamatay sa gera, sa gutom ako mamamatay. "Pero--."naging bright ulit mukha ko nung sabihin nyang pero. "May narinig ako na may namamahagi daw ng pag-kain doon banda. Kailangan mo nga lang pumila para makakain."
"Ano pang hinihintay natin? Tara na! Pumila na tayo!"hinatak ko si Morfesa. Talo talo na 'to! Mag-kamatayan na basta ang mahalaga makakuha kami ng pag-kain ni Morfesa.
Pag-dating namin dun grabe! Box office yung pila! Parang showing ng No Other Woman at The Mistress yung pila ng mga tao! Nakita ko may iba pa na nag-tatakbuhan! Nakitakbo na rin ako! Kailangan kong makaabot sa qouta nila! Mahirap na baka maubusan! Makikipag-siksikan ako kahit anong mang-yari!
Nag-tutulakan pa kami sa pila. Samot sari na naamoy ko pero wala na kong pake! Gutom ako eh! Kahit kasing baho pa ng Septik Tank amoy mo gigitgitin parin kita! Kahit kasing lagkit ka pa ng biko babanggain parin kita!
"Binibini! Mag-iinbgat po kayo!"sabi sakin ni Morfesa habang nakikigitgit din sya.
"Wag mo ko isipin! Basta kailangan nating makapila! Dead or Alive!"sigaw ko sa kaniya.
Pero malulupit 'tong mga kagitgitan ko eh! Talagang nanunulak talaga sila! Kung may pinaka-patay gutom pa sa pinaka patay gutom--kami na yun! Tinutulak ko sila, tinutulak din nila ako. Walang hiya! Natumba tuloy ako! Busit 'tong mga 'to!
Buti na lang may nakasalo sakin, pag-lingon ko si Uisias na pala yun. Kasama nya sina Esras at Semias. "Ayos ka lang ba binibini?"tanong nya. Tumango ako, tapos tumayo. Dun lang ako binitawan ni Uisias. Parang bigla na tuloy akong nahiya makipag-siksikan sa mga naka-pila.
"Anong nang-yayari? Bakit napaka-haba ng pila dito?"tinitingnan pa ni Semias yung nag-kakagulong pila habang tinatanong nya yun. Medyo bossy mag-salita si Semias. Tsaka napansin ko sya yung laging concern sa bawat nang-yayari.
"Pumipila sila para sa pag-kain. Wala na kasing bukas na bilihan at nag-susuplay na lang ang taga-pamahala ng kapiranggot na pag-kain sa kanila upang may makain."paliwanag ni Morfesa.
"Kung ganun nakikipag-siksikan kayo para makakuha ng pag-kain?"tumingin sakin si Esras. Napangiti ako ng pilit. Nakaka-hiya ba yung ginawa ko? Pasensya, gutom lang talaga ko. Wild talaga ako pag gutom. Ngumiti si Esras tapos hinatak nya ko. "Halika, may dala kaming pag-kain."
Natigilan ako nung mapahawak ako sa dibdib ko. Nakapa ko kasi na wala na yung Stone of Destiny."Teka--yung Stone of Destiny! Nawawala yung Stone of Destiny!"natatarata kong sabi sa kanila. Pati sya nataranta na rin.
"Ano?!"gulat na sigaw ni Esras.
Natataranta akong nag-hanap sa paligid. Baka nahulog ko yun nung nakikipag-siksikan ako. Patay gutom kasi eh! Yan tuloy! Nahulog ko yung Stone of Destiny! Kinakabahan na ko! Lagot na kung hindi ko makita yun!
Nag-paikot ikot ako sa paligid, naka-hinga ako ng maluwang nung makita ko sya sa lapag. Dadamputin ko na sana sya pero nagulat ako ng may naunang dumapot. Napaangat ako ng tingin.
Bumulaga sakin yung isang lalaki na naka-dreadlocks. Trendy ang porma nya. Skinny Jeans, White T-shirt. Vans pa tatak! Skate shoes pa sya at vans din ang tatak! May writs watch syang itim sa kaliwang kamay at boler naman na itim sa kanan. Fashionista 'tong tao na 'to. Pero meron syang nakasabit na espada sa tagiliran nya.
Wala syang double eyelid, cute nga ng mukha nya eh. Ang astig ng mukha. Hawak hawak nya yung Stone of Destiny. As in yung bato! Nakunot pa nuo nya na parang kinu-confirm nyang yun ba talaga yung bato? Sabi nun ni Doctor Park, hindi Haring Brai pala, na wala daw ibang pwedeng humawak ng Stone of Destiny kundi ako at si Lycus. Pag-hinawakan daw yun ng iba mapapahamak sila.
Eh bakit nahahawakan ng lalaking 'to yung bato ngayon? Baka naman joke joke lang yung sinabi ni Doctor Park.
"Binibini!"napalingon ako sa likod nung tawagin ako ni Morfesa. Nagulat si Morfesa ng makita nyang hawak ng lalaking naka-dreadlocks yung Stone of Destiny. Mabilis nyang nilabas yung dala nyang espada tapos tinutok nya sa lalaki. "Sino ka? Ibalik mo sa binibini ang Stone of Destiny."
Nakatitig lang yung lalaki kay Morfesa, mabilis namang lumapit si Semias para pigilan yung pag-tutuk ni Morfesa ng espada dun sa lalaking naka-dreadlocks. Nagulat kami nung mag-bigay galang sina Semias at Usias dun sa lalaki.
"Ipag-paumanhin nyo sya. Hindi lang po nya kayo kilala."magalang na pag-sorry ni Semias.
Napa-kunot nuo ko, pati ni Morfesa. Bakit ang galang ng dalawa sa lalaking 'to? Lumapit ako kay Esras para mag-tanong. "Sino sya?"bulong ko.
"Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala. Marahil isa syang mataas na uri ng opisyal sa Ministro ng Magus at Praecantrix."sagot naman ni Esras sakin.
Nakatingin lang yung lalaking naka-dreadlocks kay Semias tapos binaling nya tingin nya sakin. Napapakunot din yung nuo nya, parang minumukhaan nya ko. Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Nagulat ako nung bigla din syang nagulat habang naka-tingin sya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?! Ikaw yung--ikaw yung--"sabi sakin nung naka-dreadloks, hindi ko alam kung ano yung hindi nya masabi-sabi sakin. Ako yung ano? Habang sinasabi nya kasi yun iniisip nya muna kung ako nga ba talaga yun eh.
"Zico! Tara na! Nakakuha na kami ng pag-kain! Lesgo!"tawag nung isa pang lalaki, may kasama syang maliit na lalaki din. Nilingon namin sila. San ba galing 'tong mga 'to? Trendy kung manamit eh! Kung mag-salita hindi katulad kanila Morfesa na malalim.
"Ilang beses ko bang sinabi na Captain Zico ang dapat na itawag mo sakin?! Wala kang galang sa kapitan mo!"sigaw nya dun sa tumawag sa kaniya. Napakamot na lang tuloy sa ulo yung lalaki. Galit syang tumingin sakin, galit syang sumigaw "Bakit nasayo 'to!"sasagot sana ko kaso in-snob nya ko. Mag-wo-walked out na sana sya kaso pinigilan sya ni Semias.
"Sandali, Pr--."di pa man tapos si Semias ay inunahan na syang mag-salita nung Zico.
"Captain Zico. Yun ang tawag sakin. Wala ng iba pa."maangas na sabi ni Zico. Napayuko si Semias.
"Ca--captain Zi-co."halos kainin ni Semias yung sinasabi nya. Hindi ko alam kung bakit sya naiilang na tawaging Captain Zico si Zico? Captain? Di kaya sila na yung hinahanap naming mga Pirata?
"Kung may sasabihin ka sabihin mo na. Nag-mamadali kami ng mga kasama ko."halata nga sa boses ni Zico na nag-mamadali sya.
"Sino sila?"tanong nung maliit na lalaki. Naka-suot sya nung katulad ng salamin ni Laurence. At may espada ding nakasabit sa sa tagiliran nya.
"Wag ka nang mag-tanong!"inis na siniko ni Zico yung nag-tanong.
"Teka! Namumukhaan ko kayo! Kayo yung apat na Druids diba? Buhay pa pala kayo? Kala ko namatay na kayo kasama ng mga Prinsesa at Prinsepe eh!"singit naman ng isang lalaki na may hawak ng pag-kain. Halos kahawig nya si Zico ang pinag-kaiba nga lang yung style ng buhok nya. Short hair lang sya na naka-one side yung bangs. Blond ba. Fashionista talagha sila! Pare-pareho silang may mga espadang nakasabit sa tagiliran.
"Ano bang pinag-sasabi mo?! Hindi kami mamamatay hanggat hindi nasisira ang Sto--"mabilis na sumingit si Zico sa sasabihin ni Esras, kaya hindi na natuloy ni Esras sasabihin nya.
"Wag na nga muna kayo umepal!"naiinis nyang saway sa dalawa. "Ikaw! Ano bang sasabihin mo!"si Semias naman ang binalingan nya.
"Kailangan namin ng tulong nyo Pr--Captain Zico. Kung maari sana ay tulungan mo kaming madala sa Nubus Illa."diretsuhang sabi ni Semias. Hindi naman naka-sagot agad si Zico--Captain Zico pala. Ilang segundo nyang tinitigan si Semias.
"Nubus Illa? Nag-bibiro ka ba? Delikado kaya papunta dun! Walang pirata na sumubok pumunta sa pusod ng dagat, sa Nubus Illa pa kaya? Hello??"nag-salita ulit yung lalaking napag-kamalang mga patay na sila. Pati expression nya pang Earth talaga eh. Di kaya galing talaga sa Earth 'tong mga 'to?
"Oo nga. Tama si Ren. Mag-hanap na lang kayo ng ibang pirata na tutulong sa inyo. Marami pa naman dyan. Hindi lang kami. Nag-kataon lang na kami ang pinaka-sikat."pag-yayabang naman ng maliit na lalaki.
"Nakikiusap kami, Captain Zico! Ikaw na lang ang nakikita naming pag-asa. Kailangan naming makuha ang apat sa sandata upang maibalik na sa ayos ang lahat at maibalik na rin ang pag-gamit ng mahika sa Tir Na Nog."nag-mamakaawa na si Semias. Kulang na nga lang lumuhod sya eh.
"Kayo pala ang may kasalanan kung bakit hindi namin magamit ang kapangyarihan namin! Bagot na bagot na kami! Hindi na kami maka-punta sa Earth dahil disabled ang Magic namin!"natawa naman ako sa 'disabled' na sinabi nung Ren. Hanep sa mga banat 'tong mga pirata na 'to ah! Sila ang mga pirata na hindi oldschool ang dating. "Hindi magamit ni Ruki yung chant nya para makapunta kami sa Eath dahil naka-block kami! Kayo pala!"comedy naman sila. Ang cute!
"Hindi naman namin ginusto ang nang-yari! Kagagawan lahat ito ni Lycus! Kaya sya ang sisihin nyo!"galit na sigaw ni Morfesa kay Ren dahil sa reklamo nya.
"Ang sungit mo naman!"nakangusong sabi ni Ruki kay Morfesa.
"Tama na."saway ni Zico nang marindi sya sa bangayan. Seryoso na ang mukha nya sa mga oras na 'to. "Kayo, alam nyo ba talaga ginagawa nyo?"galit nyang tanong samin.
"A--ano po?"kwestyonableng sagot ni Semias.
"Sumunod kayo sakin!"pag-sabi nya nun nauna na syang lumakad.
"Sumunod daw kayo!"ulit naman ni Ren sabay sunod din silang dalawa ni Ruki kay Zico. Nag-sisunuran na rin kaming lima. Sabi sumunod daw kami eh.
SA parang Bar ng mga cowboy kami dinala ni Zico at ng dalawa nyang kasama na sina Ren at Ruki. Maraming tao sa loob, mga nag-iinuman silang lahat. Wala na silang paki-alam sa pag-pasok namin.
"Sino sila?"tanong ko sa katabi kong si Ruki.
"Mga pirata din sila gaya namin."sagot ni Ruki.
Kaya naman pala kasi nakasuot sila ng pang-piratang damit, alam mo yung parang basahan na pinag-tagpi tagpi. Yun yung itsura ng mga damit nila. Para silang hindi naligo ng ilang taon kasi ang dudumi ng mukha nila. Partida, sa dagat na sila nakatira half of their lives pero mukha parin silang mga gusgusin. Hindi naman sa nang-lalait ako pero kasi ibang iba sila kay Zico, Ruki at Ren.
Ang linis linis kasi nitong tatlo, Fashionista pa. Samantalang sila parang dinampot lang kung saan.
Sinundan lang namin si Zico hanggang sa umakyat kami sa taas. Sa second floor apat lang ang nandun, sampu na kasama kami. Sinalubong nila Zico, Ruki at Ren. Mga pareho din nila ng ayos. Pare-pareho din siguro sila ng edad. Mga nasa twenty pataas. Isa isa pa silang nakipag-apir sa tatlo. Alam mo yung apir ng barkadahan na nag-babanggaan pa sila ng mga balikat nila.
"Yo!"sabi pa nung isang naka-three-forth lang na short, naka-polo shirt na kulay navy blue, tapos pang-ilalim nya yung T-shirt na white. Naka-skate shoes din sya tulad kay Zico, tulad nilang lahat.
Ngayon ko lang napansin na nag-lalaro pala sila ng billiard. Kakaiba! Nasan na ba ko? Pakiramdam ko nasa Earth parin ako dahil sa mga piratang 'to!
Napaangat yung mukha ng isa pang lalaking nakasalampak sa lamesa ng billiard nang makita nya kami. Titira na sana sya sa billiard pero napansin nya nga kami. Tumaas yung kilay nya. Tumayo sya ng diretso habang patayo din nyang hawak yung tako. Napansin kong may tattoo sya sa gilid ng kanang wrist nya. Di ko nga lang maintindihan kung ano yun.
Yung pormahan nila yung mga pang-rock star yung dating. Parang bitin na T-shirt, skinny jeans, silver belt. Simple pero may dating. Sunod talaga sa uso. Kaya nga nakakatuwang makakita ang tulad nila sa lugar na old school.
"Sino naman sila?"maangas na tanong nung lalaking may tattoo. Sinagot sya ni Zico pero pabulong lang na silang lang dalawa ang nakakarinig. Pag-tapos ng bulong na yun sumeryoso ang mukha nung lalaking may tattoo.
Lumingon si Zico kay Ruki, may sinabi din sya na sila lang ang nakakarinig. Ang lakas kasi ng music nila. Dun ko nga lang napansin na Korean Song yung pinapatugtog nila eh. Familliar sakin yung kanta. Nag-guest na kasi sila dati sa show ni ShinDong. Diba nga naunood ako ng shows ni ShinDong? Tell Them yung title ng song, Block B naman yung kumanta. Tama ako! ^__^ Maka-KPOP pala 'tong mga pirata na 'to eh!
mm
Pumasok si Zico sa isang kwarto sabay lapit naman samin ni Ruki. "Gusto makausap ni Zico yung apat na Druids. Hindi ka kasama. Hintayin mo na lang sila dito sa labas."
"Okay."sagot ko.
"Ayos ka lang dito, binibini?"alalang tanong ni Morfesa. Tumango naman ako.
"Don't worry. She'll be fine with us. We'll take care of her. You can go now."sagot naman ni Ruki. English speaking din pala 'tong mga pirata na 'to! Ewan ko kung naintindihan ni Morfesa yun, pero tinitigan nya ng masama si Ruki bago sumunod dun sa tatlong druids.
Di ko alam kung anong pag-uusapan nila dun. Confidencial ba masayado na kailangan silang lima lang ang nakaka-alam kaya pinaiwan nila ko dito sa labas? Nai-intirga tuloy ako. Tungkol kaya saan pag-uusapan nila?
"Tara, upo ka muna."yaya sakin ni Ruki. Pinaupo nya ko sa upuan sa tapat ng billiard. Kumuha sya ng isang can ng COLT 45, binuksan nya yun. Kala ko sya iinom pero inalok nya sakin. "Heto, inom ka muna!"napailing na lang ako.
Di naman ako tumador. Grabe naman 'tong si Ruki! "Di ako naimon."sabi ko na lang sa kaniya. Nalipat yung tingin ko nang may biglang umupo sa kabilang tabi ko.
Naka-suot sya ng black na sumbrero, naka-hoody jacket sya na kulay brown tapos close yung harap. Ngumiti sya sakin nung may inabot syang can ng COKE ZERO!! Pano nag-karon ng coke zero at colt 45 dito???
"Ito na lang inumin mo."alok nya. Sasagot pa sana ako kaso lang biglang tumunog yung tyan ko. Sabay sabay silang napalingon sakin. Pati yung mga nag-lalaro ng Billiard napahinto dahil sa tunog ng tyan ko. Sobrang lakas ba? O.A hu!
Napahiya ako kasi bigla silang nag-tawanan. Napayuko na lang tuloy ako. "Di ka pa yata nakain eh."sabi nung isang naka-three-forth short.
"Oo nga. Nakita ko sila kanina. Nakikipag-gitgitan din sila dun sa pila para maka-kuha ng pag-kain."singit ni Ren habang tumitira sya sa billiard.
Naka-ngiting napailing yung lalaking may tattoo. Lumakad sya dun sa parang counter. May kinuha syang sandwhich at inabot nya sakin. "Kumain ka. Baka kasi may magalit. Sabihin pinapabayaan ka namin."nag-tawanan pa sila.
Inabot ko yung sandwhich, pero lumutang isip ko dun sa sinabi nung lalaking may tattoo. Ano daw? Baka may magalit dahil baka may mag-sabi na pinapabayaan nila ako? Sino naman yun? Nilingon ko yung dalawang katabi ko.
"Anong sinasabi nya?"tanong ko sa kanila.
Uminom muna ng Colt 45 si Ruki bago sya sumagot. "Wala yun. Wag mo na pansinin. Kumain ka na lang."
"Oo nga. Kumain ka na lang."nakangiti pa yung katabi ko nung sabihin nya yun.
Maya maya pa lumabas na sina Semias kasama nila si Zico. Tinawag ni Zico si Ruki habang seryoso naman ang mga mukha ng apat na druids ng lumapit sila sakin.
Hindi ko alam kung ano yung mga pinag-usapan nila pero isa lang alam ko. Mukhang seryoso yun na hindi pwede baliwalain.
. . . to be continued
Thank you for wasting your time reading my story ..!!
Please hold on for the next chapter ..!!
- DaeHyun MAtOki -
JAy nMan naSa tiR na nOg k Na sKyFLakEs priN ang hAnaP mO,,, hwaHahaHahaahahaha,,,, aNg kuLit nMan tLga,,, yAn tuLoy nWLa mo pa uNg stOne of deStiny,,,, buti n LnG nKuha ni cAptaiN zicO,,, hWaheHe naiimaGine uNg drEadLoks niA,,, yuN kSi uNg LgiNg piNapaNsin eE,,,
ReplyDeletenice po!!
ReplyDelete