WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KIGNDOM
CHAPTER TWELVE
TEKA--ibig bang sabihin ni Semias hindi namin sila makakasama ni Esras sa pag-punta namin dun sa Nubus Illa dahil may iba silang lakad kasama si Zico at Ruki. At isa pa, dadalhin nila ang Stone of Destiny?
Ano ba talagang nang-yayari? Bakit bigla silang nag-bago ng plano? "Ano ba talagang nang-yari? Bakit hindi na kayo sasama samin? Tsaka bakit dadalhin nyo yung Stone of Destiny? Akala ko ba dapat dalhin ko kay Goddess Danann itong bato?"naguguluhan kong tanong kay Semias.
"Kami na ang mag-dadala kay Goddess Danann ng Stone of Destiny binibini. Sa ngayon sa kanila ka muna sumama dahil mas delikado ang pupuntahan namin kaysa sa lugar na pinag-tataguan ng mga sandata."paliwanag si Semias. Naliwanagan naman ako dun.
Medyo nainis nga lang ako kasi pwede naman palang si Zico na lang ang gumawa nito lahat bakit kailangang idamay pa ko? Nananahimik yung normal kong buhay, nag-kanda leche leche lang simula nung mapunta sakin yung Stone of Destiny tapos malalaman ko pwede naman pala gawin ng iba yung task na sinasabi nila! Pina-O.A lang nila yung sitwasyon eh!
Namatayan pa ako ng mga kaibigan ng dahil lang dito! Badtrip! Nakakasama talaga ng loob!
MASAMA tingin ko habang pinapanood kong lumalakad palayo sina Semias, Esras kasama sina Zico at Ruki. Bigla akong nawala sa mood. Gusto kong manigaw ng kahit sino! Gusto ko mag-wala para ibalik ulit nila ako sa Earth.
Wala akong imik habang nag-lalakad naman kami nila Uisias, Morfesa kasama pa yung ibang pirata. Papunta na kami sa barko nila, magha-hapon na. Dumidilim na nga yung paligid eh. Medyo lumalamig na rin.
Ilang saglit pa, nasa tapat na kami ng barko ng mga pirata. Malaki yung barko. Lahat gawa sa kahoy. Pero yung mga gilid nya napapalibutan ng bakal. Pang pirata talaga yung itsura ng barko.
"Welcome aboard the Krol Morza!"masayang bati ng lalaking may tattoo samin. Nag-taka ko kasi kami kami lang ang mag-kakasama. Akala ko kasamahan nila yung mga piratang nan dun din sa pinanggalingan namin.
Umakyat na kami sa taas. Hindi sya katulad ng mga normal na barko na kapag umakya ka eh yun pa lang yung first floor ng barko. Sa kanila, pag-akyat mo pa lang ay yun na ang pinaka-itaas ng barko.
Sa itaas may mga nakapalibot na malalaking speakers. Tapos may malaking cabin. Yun siguro ang kwarto ng mga kapitan ng barko tulad si Zico. Sa taas ng malaking cabin na yun may parang terrace pa. Nakita ko may malaking telescope dun. Tapos may dalawang malaking flag na nakatayo sa mag-kabilang dulo ng terrace na yun.
Yung isang flag hugis shield sya tapos yung shield na yun nahahati sa apat na box. Dun sa bawat box may nakalagay na ibat ibang klase ng symbols na hindi ko maintindihan kung ano. Yung isa namang flag shield din sya pero iisang symbol lang yung nakalagay. Para syang small letter B na may nakasabit na anchor tapos may cross swords. Pareho lang halos yung kulay na nakapalibot sa dalawang flag. Kulay gold.
Sa medyo kalagitnaan ng barko may malaking parang manibela. Yun siguro yung navigator ng barko. Tapos ang daming tali na nakapalupot at nakalalay dun. Nag-kalat din yung tali dun sa sahig. Sa gitna naman may malaking daanan papunta sa pinaka-ilalim ng barko. Dun siguro yung imbakan nila ng mga kailangan nila sa pag-lalakbay nila. Marami ring barrel sa paligid. Base dun sa mga napapanood kong mga Pirate movies sa mga barrel na yun nilalagay yung mga alak tsaka pag-kain.
Makikita mo rin yung mga nag-lalakihang tela na nasa itaas na bahagi ng barko. Puro puti lang silang lahat pero ang dami dami nila. Naka-pulupot sila ngayon kasi di pa naman sila mag-lalayag. Tapos may isang malaking kanyon na nakalagay dun sa harapan ng barko. Sa gilid nun maraming mga box, dun sa isang naka-bukas may mga parang bilog na itim. Yun na siguro yung bala ng kanyon nila.
Parang bigla kong nakalimutan yung galit ko nung makita ko yung barko nila. Hindi ko maiwasang humanga. Ang ganda kasi. First time kong makakita ng barko ng pirata! Speechless ako!
"Ready na kayo para sa pag-lalayag natin?"sigaw nung lalaking may tattoo. Nakatayo sya ngayon sa terrace ng malaking cabin.
"Aye captain!"balik sigaw naman ng lahat. Tapos sabay pindot nya dun sa maliit na remote na hawak nya. Nagulat ako kasi biglang tumunog yung mga naka-palibot na speaker sa paligid namin.
Hangang hanga talaga ako sa paligid lalo na nung iangat na nila yung anchor. Tapos bumukas na yung malalaking flag na nasa ibabaw ng barko.
Napatakbo ako sa gilid para manuood nung maramdaman kong umaandar na yung barko. Nakita ko kung pano ikut-ikutin ng lalaking naka-three-forth na short yung navigator. Napapangiti ako. Lumapit ako sa kaniya para panoorin ko yung harapan namin. Ang galing! Parang yung paligid yung umiikot hindi kami!
"Ang ganda diba?"biglang sabi nung lalaking naka-three-forth. Tatango tango lang ako sa kaniya. "Ganyan din naramdaman ko nun ng una akong sumakay sa barkong 'to."napalingon ako sa kaniya.
"Talaga?"tanong ko.
Sya naman yung tumango. "Kala ko nung una mga kwento lang sa libro yung mga pirata. Pero nung makilala ko si Zico, dun ko nalaman na totoo pala sila."kwento nya.
"Si Zico?"
"Oo. Sya ang nag-sama sakin dito. Nung una akala ko sa dagat lang ng mundo natin sya nag-lalayag."napakunot nuo ko. Medyo may hindi malinaw sa sinabi nya.
"Sa mundo natin? Anong ibig mong sabihin?"nalilito kong tanong.
"Vulgus ako tulad mo. Nakilala ko si Zico nung minsang mag-punta sila sa Earth. Nakita nya ko nung natutulog sa daan. Nalaman din nyang ulila na ko kaya kinupkop nya ko at sinama dito sa Tir Na Nog. Hindi ako makapaniwala nung una. Hanggang sa masanay na lang ako."
"Totoo ba yang sinasabi mo?"gulat na gulat kong tanong.
"Oo naman! Totoo lahat ng sinasabi nya."singit ni Ren. Nakikinig na pala sya sa likuran namin.
"At hindi lang sya ang Vulgus Blood. Lahat kami, maliban kay Jerim at Zico. Magus Blood na talaga sila."yung lalaki namang nag-bigay sakin ng coke zero yung nag-salita. Nilingon pa nya yung tinawag nyang Jerim na ngayon ay busy na sa pag-babasa. Yun yung lalaking may tattoo.
Hindi na ko mag-tataka kung bakit mga fashionista sila. Mga Vulgus Blood pala sila. Nakakatuwa namang isipin na may mga ordinaryong tao na mas piniling makipag-sapalaran sa mundo na hindi naman nila kinalakihan. At kasama ko nga ang mga taong yun ngayon.
"Alam mo bang parehong Bards Magus sina Jerim at Zico? Meaning, kumukuha sila ng lakas sa pakikinig nila ng Music. Kaya nga puno ng sound system 'tong barko namin. Mas malakas na Music, mas malakas na kapangyarihan. Kaso ang pinag-kaiba nga lang nilang dalawa ay Adept Bards Magus si Zico. Mas malawak at mas maraming alam sa Magic si Zico kesa kay Jerim."mahabang paliwanag naman ng isang lalaki na naka-plain white T-Shirt lang.
"Natuto kaming gumamit ng Magic dahil tinuturuan nila kaming dalawa. Binigyan nga nila kami ng tag-iisang wand pero nakatago ngayon yun kasi nga disabled ang Magic dito. Wala ding kwenta. Kaya nga mga espada hawak namin ngayon."si Ren ulit ang nag-salita. Nakakatuwa naman si Jerim saka Zico.
Marami na kong nalaman sa kanila pero di ko pa alam pangalan ng karamihan sa kanila. "Teka, ano ba mga pangalan nyo?"since friends na kami eh tanong ko na rin mga names nila.
"Kilala mo na ko diba? Ako si Ren, ako ang Master Gunner ng barkong 'to."si Ren na unang nag-salita. Hinugot pa nya yung espada nya sa tagiliran saka tinutok dun sa kanyon. "Ako ang in-charge na humawak dun tuwing may gera." Sumunod naman yung nag-abot ng coke zero sakin.
"Ako si Chris. Boatswain ang duty ko dito. Ako ang nag-che-check ng lagay ng barko. Kung pwede ba syang ilayag o hindi"pakilala nya.
"Ako naman si Kelly. Ako ang in-charge na umayos ng mga sirang parte ng barko. Pero since wala si Ruki, ako na muna ang in-charge sa pag-papaandar ng barko."sabi naman nung lalaking nag-kokontrol sa navigator.
"My name is Gabe. Ako ang Doctor ng barko. Ako ang gumagamot sa kanila kung nasugatan sila sa laban."huling nag-pakilala yung naka-plain white T-Shirt lang.
"At kami ang Pirata sa Karagatan ng Tir Na Nog!"natawa ako kasi sabay sabay pa nilang sinigaw yun. Napaangat tuloy ng ulo si Jerim. Pati sina Morfesa at Uisias na nag-mamasid sa dagat napatingin samin.
"Ano bang ginagawa nyo? Bakit ang ingay nyo?"saway ni Jerim sa kanila.
"Wala naman. Usapang Vulgus lang."lalo akong natawa sa sinabi ni Ren. For the first time naramdaman kong hindi ako O.P. Nakita kong nakangiti si Morfesa sakin. Mukhang natuwa sya dahil kahit pano eh nakahanap ako kapareho ko at makakaintindi sakin. At parang ganun na nga rin ang expression ng mukha ni Uisias.
"Mga Vulgus, may mga sarili talagang mundo."pahabol pang sabi ni Jerim bago sya bumalik sa pakikinig ng Music.
"Eh sya? Anong duty nya dito?"tanong ko sa kanila tungkol kay Jerim. Lahat na kasi sila alam ko na yung duty. Kung si Zico ang captain ano naman ang position nya?
"Si Jerim? Quartermaster o kanang kamay ni Zico. Sya yung nag-che-check kung nasusunod pa yung mga inuutos ni Zico."si Ren na ang nag-paliwanag sakin. Tumango ako saka ako naman ang nag-pakilala sa kanila.
Ako nga pala si Ja---"inunahan na nila ko kahit di pa ko tapos mag-salita.
"Kilala ka na namin."halos sabay pa silang apat. Nagulat ako. Pano naman nila ako nakilala eh ngayon ko lang naman sila nakita.
"Pano nyo ko nakilala?"
"Mahabang kwento. Tsaka baka ibalik kami ni Zico sa pinanggalingan namin pag sinabi namin sayo."natatawang biro ni Gabe na pati ang tatlo ay natawa na rin.
Ang weird ng mga 'to. Para sasabihin lang nila kung pano nila ko nakilala eh. At ano namang kinalaman ni Zico sa tanong na bakit nila ko nakilala? Hay~mga Vulgus. Tama si Jerim, may mga sarili nga kaming mundo minsan.
HALOS wala na kong makita sa paligid. Madilim na kasi at puro dagat na lang yung maaninga mo. Ang lakas lakas ng hangin tapos ang lamig lamig pa. Maliwanag naman sa barko at hanggang ngayon non-stop ang Music. Mostly mga Hip-Hop yung sounds.
Sanay na rin siguro sila sa ganito kalakas na tunog. Tsaka kahit gano pa kalas soundtrip mo dito wala namang magagalit kasi nasa gitna ka ng dagat. Barko mo lang ang nan dito. Kaya malaya kang makinig ng kahit anong music pa yan.
Kaniya kaniya sila ng ginagawa ngayon. Nasa taas kami ng malaking kwarto. Naka-sandal sa gutter ng Terrace si Jerim at nakatayo naman sa tabi nya si Uisias nag-ku-kwentuhan sila ng mga bagay na sila lang nag-kakaintindihan, naka-upo naman sa mahabang katre sina Ren at Chris na kanina pa tawa ng tawa sa kwentuhan nila habang katabi naman nila ang seryosong nag-lalaro ng baraha na sina Gabe at Kelly.
Nanonood ako sa laro nila Gabe pero tumayo ako kasi napansin kong nag-iisa lang si Morfesa habang nakatayo sya sa kabilang dulo ng terrace. Nilapitan ko sya para samahan.
"Kamusta? Nag-iisa ka yata dito."intro ko. Napalingon naman sakin si Morfesa.
"Iniisip ko po kasi ang kalagayan nila Esras at Semias."halata nga ang worries sa mukha ni Morfesa.
"Ganun ba? Wag mo na sila isipin. Siguradong okay lang sila. Wag ka na mag-alala."sinusubukan kong pagaanin ang loob ni Morfesa at mukhang tumalab naman kasi ngumiti sya.
"Salamat, binibini."ngumiti ulit si Morfesa. Nginitian ko rin sya. Ilang segundo kaming natahimik tapos nag-salita ulit si Morfesa. "Binibini, hanggang ngayon ba nalulungkot ka parin sa pag-kawala ng iyong mga kaibigan?"
Hindi agad ako nakasagot. In-exammine ko muna sarili ko kung malungkot parin ba ako o naka-move on na ko. Napabuntong hininga ako. "Di ko alam. Pero pag naalala ko parin yung mga nang-yari sa kanila di ko parin mapigilang umiyak. Masakit parin para sakin yung mga nang-yari. Lalo na yung kay Kei."
"Mas nasaktan po ba kayo sa pag-kawala ni Kei kaysa kay Jeremy."
Opps! Teka---intriga yan Morfesa hu! Pero infairness napaisip ako dun. Kanino nga ba ako mas nasaktan? Sa pag-kamatay ni Jeremy o ni Kei? Kanino nga ba?
Pero bakit ko naman sasagutin yan? Syempre pareho lang sila! Pareho lang akong nasaktan sa kanilang dalawa! Pareho ko silang kaibigan eh! "Pareho lang akong nasaktan syempre."sagot ko pero parang kinakain ko yata yung salita ko. "Nga pala!"pag-iiba ko sa usapan. Dinukot ko sa likuran ng pantalon ko yung wand na galing kay Jeremy. "Tingin mo, bakit may ganito si Jeremy?"
Tiningnan muna ni Morfesa yung wand bago sya sumagot. "Isa lang naman po ang sagot dyan binibini. Siguro ay isa din syang Magus."
"Ibig sabihin Wizard din sya gaya nyo? Magus?"
"Ganun na nga po. Mataas na posisyon ng Magus dahil mataas na klase ng wand ang gamit nya. Makikitang may kulay silver na nakapalibot sa wand. Ibig sabihin lang po nun ay mataas ang kaniyang katungkulan."
"Pano mo naman nasabing Magus sya? At mataas ang position nya?"
"Dahil mga Magus lang ang gumagamit ng wand. At isa pa, bukod sa wand nakakasigurado rin ako na itim na mahika ang ginamit noon ni Jeremy nang makalaban nya si Lycus. Kung hindi ka isang adept o kaya naman ay mataas na uri ng Magus ay hindi mo maisasagawa ng maayos ang itim na mahika. Mapapahamak ka lang. Ang kadalasang may mataas na katungkulan ay yung mga mataas din na uri ng Magus."
Sa mahabang paliwanag ni Morfesa unti unting nabibigyan ng kasagutan yung mga tanong ko.
Kung mataas na uri ng Magus si Jeremy, at black magic ang ginamit nya noon nung mag-duel sila ni Lycus---teka----
Hindi kaya----black magic ang naka-palibot sa Stone of Destiny para ma-protektahan ako. Black Magic din ang dahilan kaya hindi nahawakan ni Lycus ang Stone of Destiny. At sabi ni Morfesa posibleng Black Magic din ang ginamit para mapigilan ang mga humahabol sa amin noon.
Si Jeremy nga kaya yung taong sikreto na pumo-protekta sakin? Pero pano? Nakita ko kung pano sya pinatay ni Lycus. Pero kung sya man, pano at bakit?
. . . to be continued
Thank you for wasting your time reading my story ..!!
Please hold on for the next chapter ..!!
- DaeHyun MAtOki -
WAaaaAaaaah aNg saYa,,, s mGa pirAta xAh nKasaMa,,,, naaALaLa q diN piRaTes of the cArribeAn dtO,,, tApos c caPtain tLgA c jaCk spArrOw, hWahaHaha,,,,
ReplyDelete