WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
CHAPTER THIRTEEN
NAGISING ako sa amoy ng pag-kain. Dahan dahan akong dumilat. Napabalikwas ako nung maalala kong nasa barko pala ako at nasa gitna kami ng karagatan. Nasa loob ako ng cabin, talagang malaki pala sa loob. Hindi ko kasi napansin kagabi dahil medyo madilim tasaka inaantok na rin ako nung pumasok ako dito.
Parang Studio type ng Condo yung Style nya. Pero medyo malaki lang 'to. Mga antique yung mga gamit. Kinusot kusot ko yung mata ko tapos nag-unat ako, saka ko lang napansin yung suot ko. Naka-puti akong pantulog. Yung bistida na pantulog. Alam mo yung suot ni Wendy nung tumakas sila ni Peter Pan papuntang Neverland. Ganun yung suot ko ngayon.
Di ko na rin naalalang ito pala suot ko kasi antok at pagod na talaga ako kagabi. Nilibot ko ulit paningin ko sa paligid. May malaking study table sa kanan ko. Nilapitan ko yun. Ang daming nakapatong na mga mapa at kung ano ano pang mga papeles.
May ibat-ibang klase din ng compas. May tatlong klase pa ng Quill pen na naka-lublob dun sa ink. Parang yun yung gamit ni Rizal nung isulat nya yung Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
May malaking bookshelf naman malapit sa pintuan. Mukhang puro luma na rin yung mga libro na nakalagay dun. May mini bar din sa loob. Tapos may mga damit na naka-sampay dun sa gilid malapit sa kama. At may malaking baul. May malaki ding Wardrobe malapit sa Mini Bar. Siguro dun nakalagay yung mga damit nila.
Kahit maraming gamit sa loob ang organized parin nyang tingnan. Di ko akalain malinis din pala ang mga pirata na 'to kasi wala kang mahahawakan o malalanghap man lang na alikabok. Dun sa study table may picture frame na naka-tumba. Kinuha ko sya tapos itinayo ko ulit.
Picture ng isang babae. Cute sya in fairness. Lalabas na sana ako pero parang pamilyar sakin yung babaeng nasa picture. Binalikan ko ulit para ma-confirm. Nang-laki mata ko kasi ako yung nasa picture! Halos wala akong kurap kurap, nakatitig lang ako dun sa picture.
"Ako 'to ah! Bakit---Anong---"hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nabigla kasi ako. Bakit may picture ko sa barko ng mga pirata??
Mabilis akong lumabas sa kwarto. Unang sumalubong sakin ang nag-haharutang sina Ren at Kelly. Nag-hahabulan silang dalawa. Nakihabol din ako kasi gusto ko sila tanungin.
"Ren! Ren! Sandali lang!"tawag ko kay Ren. Napahinto sa pag-haharutan yung dalawa.
"Oh! Jay! Bakit?"sagot nya tapos umakbay sya kay Kelly.
"Ang ganda mo dyan sa suot mong pantulog Jay ah."puri naman ni Kelly. Pero wala sa utak ko makinig sa mga puri ngayon.
"Bakit may picture ko sa loob ng kwarto?"diretso kong tanong. Natigilan silang dalawa, di ko alam kung natatawa ba sila o ano. "Ano? Bakit may picture ko dun?"ulit ko.
"Kay Jerim mo na lang itanong. Sya ang nakaka-alam."turo ni Ren saka nag-takbuhan ulit sila ni Kelly. Hahabulin ko pa sana sila kaso sumulpot naman 'tong si Gabe.
"Morning Jay! Kain kana! Alam mo bang nag-luto si Uisias ng pag-kain. Na-miss ko na nga rin kumain ng pag-kain sa Earth eh! Medyo kakaiba kasi mga pag-kain dito. Simula kasi nung ma-disabled yung pag-gamit ng Magic dito sa Tir Na Nog di na kami naka-punta sa Earth. . ."ang daming sinabi ni Gabe.
"Gabe, alam mo ba kung bakit may picture ko sa cabin ng captain nyo?"pero nang tanungin ko yan hindi sya naka-pagsalita. Napa-kagat sya sa labi sabay turo kay Jerim.
"Kay Jerim mo na lang tanong yan."tulad nila Kelly at Ren nilayasan din ako ni Gabe.
Kaya naisipan ko na lang na dumiretso na kay Jerim. Nakakailang lang kasi eh. Para kasing ang sungit nya at ang hirap nyang i-approach. Nakatayo ngayon si Jerim sa tapat ng malaking Telescope, di ko alam kung anong sinisilip nya dun. Umakyat ako sa taas. Bago ako lumapit sa kaniya huminga muna ako ng malalim. Kaya lang lalapit pa lang ako hinatak na ko ni Morfesa.
"Binibini, kumain na tayo! Sigurado akong magugustuhan mo yung niluto ni Uisias!"lumapit na kami sa mahabang katre kung saan dun nakahain yung mga niluto ni Uisias.
Tama nga, mga pag-kain nga talaga yung nakahain. Lahat paborito ko! White Spaghetti, Adobong baboy! Sinigang na baboy! May inihaw na bangus pa! At ang daming daming kanin!!!
"Wow!"sigaw ko. Hindi ko na kasi napigilan sarili ko. Umupo agad ako sa katre. "Niluto mo ba lahat 'to Uisias?!"di ako makapaniwala!
"Oo binibini."sagot nya na may kasamang ngiti.
"Ang galing mo naman!"puri ko sa kaniya.
"Jay, may chocolate cake pa! Tingnan mo!"pinakita sakin ni Chris. Oo nga, chocolate nga yun, malaking chocolate cake na hugis puso.
"Pano ka naman naka-gawa nyan Uisias? May oven ba dito?"kwestyonable kong tanong.
"Syempre naman! Kumpleto kaya kami ng gamit sa kusina! Kaya kahit ano pwede mo gawin!"si Ren na ang sumagot ng tanong ko para kay Uisias. Tumawa na lang ako at inumpisahan ko nang kumuha ng kanin ng abutan ako ni Gabe ng plato.
Napatingin ulit ako sa hugis pusong chocolate cake. Tiningnan ko rin ulit yung mga nakahain na pag-kain. Lahat paborito ko. Napakunot yung nuo ko. Nag-kataon lang ba lahat?
Naalala ko, binigyan ako ni Jeremy ng chocolate cake na hugis puso. At ang tanging nakakaalam lang ng mga paburito kong pagkain walang iba kundi si Laurence at Jeremy dahil sila ang lagi kong kasama kumain. Napatingin ako kay Uisias, mabilis nyang iniwas yung tingin nya nung mahuli ko sya.
Bigla tuloy ako nang-hinala. Di kaya----na-reincarnate sa kaniya si Jeremy??? O baka naman sya si Jeremy??? Nag-paretoke lang sya???
Tama! Kasi nung una kong makilala si Jeremy, tulad din sya ni Uisias. Tahimik na parang walang pakialam sa mundo! Parehong pareho sila! Magaling din kasi mag-luto si Jeremy! Dalawa lang yan, na-reincarnate sa kanya si Jeremy o kaya naman-----sya si Jeremy.
MATAPOS kumain nilapitan ko si Uisias. May mga uusisain lang akong mga bagay bagay.
"Uisias, pwede ba tayong mag-usap?"
"Ano po yung pag-uusapan natin Binibini?"
"Pano ka natuto na mag-luto ng mga yun kanina?"
Ngumiti muna si Uisias bago sya nag-salita, humarap pa sya sa dagat. "Tiruno sa akin ng isang kaibigan."
Kaibigan? Di kaya si Jeremy yung kaibigan na tinutukoy nya? "Sinong kaibigan naman yun? Taga saan? Magus din ba? O isang----vulgus?"
Napalingon sya sakin. "Isa syang Magus, pero nanirahan sya sa mundo ng mga Vulgus ng matagal na panahon."
Isang Magus na nanirahan sa mundo namin ng mahabang panahon? Naalala ko yung sinabi ni Morfesa kagabi, "Isa syang Magus, Magus lang ang gumagamit ng wand binibini."
Kung ganun si Jeremy nga ang kaibigan nyang yun, last question. "Yung kaibigan mo ba na yun, buhay pa o----patay na?"
Ilang segundo pa lumipas bago sumagot si Uisias, "Buhay pa sya hanggang ngayon."
Buhay pa? Eh patay na si Jeremy. Hay~ano bang iniisip ko? Bakit ba ko nag-iisip ng mga ganitong bagay? Pinag-hihinalaan ko pang si Uisias si Jeremy. Nag-kataon lang siguro talagang pareho sila ng personality ni Jeremy. At nag-kataon lang din siguro na pareho ni Jeremy yung kaibigan ni Uisias.
"Bakit bigla ho kayong naging interesado sa kaibigan ko binibini?"
"Hu---ah---wala naman. Akala ko kasi---."sya na tumuloy ng dapat sana sasabihin ko.
"Akala nyo si Jeremy ang kaibigan ko?"
"Ah---Oo."
"Patay na po si Jeremy, buhay parin ang kaibigan ko hanggang ngayon. Siguradong malulungkot sya kung malaman nyang napag-kamalan mo syang ibang tao, binibini."natatawa pa nyang biro.
"Ganun ba? Sorry naman! Kala ko lang talaga si Jeremy yun. Kala ko nga na-reincarnate sayo si Jeremy kasi lahat ng niluto mo paborito ko, alam kasi ni Jeremy lahat yun. Tapos nag-bake ka pa ng chocolate cake na hugis puso. Naalala ko kasing binigyan ako ni Jeremy nun dati. Kaya yun."nahihiya kong explain kay Uisias.
"Hindi naman po ibig sabihin na may nag-luto ng mga paborito mo at nag-bigay ng chocolate cake sayo ay si Jeremy na iyon. Baka naman po may iba pang tao na mas nakakaalam ng mga bagay na gusto nyo."sabi nya. Napaisip ako. Tama nga naman sya.
Hindi lang naman si Jeremy ang kilala ko sa mundo. Teka---bakit si Jeremy na ang topic? Patay na si Jeremy binubuhay ko pa. Pasensya na Jeremy, sige you may rest in peace now together with Keiigo.
Nilingon ko yung mga pirata, enjoy nanaman sila sa mga buhay nila habang nakikinig ng Music. Nakita ko mag-isa si Jerim habang naka-silip sya sa Telescope. Oo nga pala! May itatanong pa nga pala ako sa kaniya! Yung picture ni mama!
"Sandali lang hu?"paalam ko kay Uisias tapos mabilis akong lumapit kay Jerim. Nakahawak yung kamay nyang may tattoo sa telescope. Kanina pa syang umaga silip ng silip dun. Ano kayang meron? "Ah---Jerim!"ilang kong tawag.
Napahinto sya sa ginagawa nya tapos lumingon sya sakin sa bossy nyang tingin. "May kailangan ka ba sakin?"sungit hu!
"Oo. May itatanong lang sana ako."
"Ano yun?"
"Bakit-----"
Di ko na natuloy yung tanong ko ng may biglang lumitaw na malaking barko sa tabi ng barko namin. Galing sya sa ilalim ng dagat. Napakapit ako sa braso ni Jerim nung biglang umalog yung barko namin. Napalingon sya sakin saglit.
"Zico!!!!!!!!"sigaw ng hindi ko maintindihan yung itsura ng nasa harapan namin. Korteng tao sya pero yung ulo nya pang-octopus! Nakakatakot sya! Pero yung mga kasama nya naman mga normal yung itsura. Sya lang hindi.
"Grabe! Sa susunod nga lumitaw kayo ng sampung pulgada sa barko namin! Lagi nyong nababasa yung sahig namin eh!"reklamo ni Ren. Ni hndi man lang sya natakot sa nilalang na 'to.
"Wala akong pake sa nararamdaman mo! May mop naman kayo diba?"sabi ng halimaw, nilibot libot nya yung paningin nya sa paligid na parang may hinahanap sya.
"Oh bakit? Hinahanap mo si Zico? Wala, busy sya ngayon."masungit na sabi ni Jerim.
"Parati na lang busy!"napatingin sya sakin. "Sino yan? Chiks mo nanaman?"natawa naman ako sa sinabi ng halimaw na 'to. Chiks talaga? Di ba pwedeng kaibigan muna?
"Ano?! Kelan mo naman ako nakitang nag-dala ng babae dito?!"hala na-high blood na si Jerim.
"Malay ko?! Hindi ko naman kayo nakakasabay sa pag-lalayag ko! Pero chiks mo sya? Ganda hu!"
Inis na hinawi ni Jerim yung pag-kakakapit ko sa braso nya. Pero natatawa ko sa usapan nilang dalawa. Ang casual kasi ng dating. Parang tropa lang sila.
"Tumigil ka nga! Ano bang kelangan mo hu!"
Sumeryso bigla yung mukha nung halimaw. "Sabihin mo kay Zico ibalik nya sakin yung compas na ninenok nya sa barko ko! Kung hindi tutuluyan ko na talaga sya!"galit na sabi nung halimaw.
"Hindi nya ninenok yun. Sa kaniya talaga yun!"sigaw naman ni Kelly.
"Manahimik ka nga! Di kita kausap!"asar talo si Kelly sa kaniya eh. Nakakaaliw sila panoorin.
"Next time ka na bumalik pag nan dito na si Zico. Busy sya ngayon! At may pupuntahan pa kami!"kumukunot na nuo ni Jerim sa kaniya.
"San naman kayo pupunta?"
"Sa Nubus Illa."casual na sagot ni Jerim. Natawa naman ng pag-kalakas lakas yung halimaw, gumaya din yung mga kasamahan nya.
"Nag-papatawa ka ba? Pag pumunta kayo dun siguradong deadbol na kayo pag-balik."di ko alam kung nag-papaalala lang sya o nananakot sya samin.
"Di pa pinapanganak ang tatalo sa mga piratang gaya namin! Kahit ikaw di mo kami kayang talunin!"pag-yayabang ni Jerim na mukhang ikina-galit ng halimaw.
"Hinahamon mo ba ako? Walang ibang pirata na mag-hahari dito sa karagatan ng Tir Na Nog kundi ako lang!"
"Oh sige ikaw na. Ikaw na hari, ikaw na pirata."
Pinipigilan kong matawa, mga punch line ni Jerim parang ewan lang. Tablado yung halimaw sa kaniya eh..
"Talaga! Ako na!"
Kaya lang mukhang di maganda naging resulta ng pananabla ni Jerim, kasi biglang may nag-labasang kanyon sa gilid ng barko nung halimaw.
"We're dead!"narinig kong sabi ni Gabe.
"Anong ginawa mo? Ginalit mo lang sya!"bulong ko kay Jerim, di na nakasagot pa si Jerim, kasunod nun pinaputukan na kami ng kanyon.
Hay~ano na bang mang-yayari sa buhay namin nito?? Di ko akalain na ganito kakukulit ang mga Piratang nakasama ko! OH MY GOD!!!!!!
. . . to be continued
Thank you for wasting your time reading my story ..!!
Please hold on for the next chapter ..!!
- DaeHyun MAtOki -
MAy piCture ni jAy s kwaRto ni jErim,,,, hWahhhhhHhh,,,, aTey nMaN maGktuNog aNg jeRemy at jErim noH,,,, iiSa LnG sLa prOmisE,,,, i beLiEve i bELiEve i beLiEVe,,,,,,,
ReplyDeletenag-paretoke si i jeremy kaya naging kamukha sya ni jERIM??? hihihi .. jerim .. jeremy .. mag-katunog nga no??i ..? hihihih
Delete