Wednesday, November 21, 2012

Witchcraft and Wizardry: Chapter 14


WITCHCRAFT AND WIZARDRY:
THE TREASURES OF 4 KINGDOM

CHAPTER FOURTEEN



     PARA kaming mga basang sisiw habang pababa kami sa barko. Bitbit ng mga pirata yung mga espada nila. Napilitan kaming dumungka muna sa isang isla kasi nasiraan yung barko namin dahil sa ginawa ng halimaw na yun! Kainis!






     "Ano ba kasing ginawa mo? Bakit hinamon mo pa sya? Alam mo namang mahirap mag mano mano sa pag-aayos ng sirang barko kung walang magic!"galit na tanong ni Kelly kay Jerim. Nasa baba na kami ng barko nun. Buti na lang may malapit na isla dito kung hindi lumubog na yung barko namin! Ito kasing si Jerim eh! "Lagot tayo nito kay Zico!"






     "Wag nyo na nga ko sisihin! Malay ko ba na pauulanan tayo ng kanyon ng amoy talangka na yun! Badtrip naman!"napapakamot na lang sa ulo si Jerim pag napapatingin sya sa malaking sira ng barko.






     "Ano na ngayong gagawin natin?"problemadong tanong ni Kelly. 






     Lumapit sakin si Uisias nang mapansin nyang giniginaw na ko. Basang basa kasi kami dahil sa mga nag-talsikang mga tubig ng gerahin kami. Tapos ang lakas lakas pa ng hangin sa lugar na pinag-daungan namin. Ewan ko kung bakit.






     "Gamitin mo muna ito binibini para hindi ka ginawin."pinahiram sakin ni Uisias yung kapa nya. First time kong makita yung suot nya. Pang kabalyero yung damit nya. Parang yung mga damit ng mga tao sa 300. Pero wala syang mga suot na sheild tulad sa kanila. As in yung damit lang.






     "Salamat."sabi ko. Binalot ko sa sarili ko yung kapa. Ang warm nya sa katawan. Unti unti ng nawawala yung ginaw ko. Nakita ko si Morfesa inililibot nya yung paningin nya sa paligid. Parang may pinapakiramdaman sya. "Morfesa, okay ka lang ba?"tanong ko sa kaniya.






     "Naka-pagtataka po kasi ang sobrang lakas ng hangin sa lugar na 'to. Halos hindi na natin marinig ang isa't isa sa lakas."






     Oo nga, nakakabingi yung hangin. Para na nga akong liliparin dahil sa lakas eh. Bakit nga kaya?






     "Ibig sabihin lang nun malapit na dito ang Nubus Illa."singit ni Gabe sa usapan namin ni Morfesa. Napalingon kami ng mag-salita rin si Jerim.






     "Sino ba kasi yung taong octopus na yun kanina?"tanong ko kay Gabe.






     "B.A.P."simpleng sagot na na kina-kunot ng nuo ko.






     "B.A.P?"ulit ko sa sinabi nya. Tumango naman sya.






     "Uhmm. Best Absolute Perfect, yan tawag nya sa sarili nya kaya B.A.P. Pero Zunji talaga pangalan nya. Nakatatandang kapatid sya ni Zico. At isa din syang Adept Bards Pirate."nagulat ako sa sinabi nya. Kapatid yun ni Zico?






     "Weh? Di nga? Bat ganun tsura nya?"duda pa ko.





     "Oo, mag-kapatid talaga sila. Nag-kaganyan lang sya dahil nung nag-away sila ni Zico di sinasadyang sabihin ni Zico na maging Octopus sana ulo nya. Naging octopus nga sya pero di na sya nakabalik sa dati kasi yun din yung mga araw na biglang na-disabled yung magic dito sa Tir Na Nog ng maging octopus na yung ulo ni Zunji. Kaya hanaggang ngayon dala dala nya yung sumpa ni Zico. Pero ni minsan hindi nya sinisi si Zico kung bakit sya nag-kaganun. Pasaway lang talaga 'tong si Zico. Pero all in all nag-mamahalan talaga silang mag-kapatid."kwento ni Gabe. Nag-mamahalan pa sila sa lagay na yun hu? Halos sirain na ni B.A.P yung barko namin. At in fairness astig ng pangalan nya hu! Kakaiba talaga mga pirata dito! Wala akong masabi!







     "Buti pa mangahoy na lang muna tayo para may magamit tayong pang-tapal dyan sa nasira. Bilisan na lang natin bago pa tayo abutan ng gabi!"naringi kong sabi ni Jerim. "Uisias, samahan mo kami tutal mukhang malakas ka naman at lalaki ka! Ikaw na lang Ren ang maiwan para samahan yung mga babae."






     "Okay!"masayang sabi ni Ren. Walang imik namang sumunod sa kanila si Uisias at sabay sabay silang pumasok sa loob ng gubat.






     Ang ganda nung isla, white sand tapos  ang linaw linaw ng tubig. Maraming puno sa paligid na hindi ko alam kung ano. May isang puno dun na ang taas taas nya tapos ang laki ng katawan nya. Ang dami nyang ugat ugat na naka-usli, tapos may mga baging na nakalaylay. Parang yung baging na sinasakyan ni Tarzan kapag nag-lilibot sya sa gubat.






     Halatang sobrang tanda na ng puno kasi dry na yung balat nya. Nung hawakan ko sobrang gaspang na rin nya. "Kawawa ka naman. Parang di ka na nadidiligan."sabi ko dun sa puno. Kausapin daw ba yung puno?






     Naupo ako dun sa malaking ugat na naka-usli sa lupa. Napabuntong hininga pa ko. Ewan ko, affected ako masyado sa pag-ka-dry ng puno na 'to kaya nag-da-drama ako ngayon. Pinapanood ko sina Ren at Morfesa na nangu-nguha ng mga bunga sa puno. Si Ren ang taga akyat si Morfesa naman ang taga salo ng mga bunga na hinuhulog ni Ren.






     "Sarap naman ng ganitong buhay. Paupo upo ka na lang. Kamust ba kaya sina Laurence at Jin? Miss ko na sila."nalulungkot kong tanong sa sarili ko. Bakit naisipan ko mag-drama ngayon? "Kung hindi kaya ako yung tinakdang Satori di siguro mag-kakaganito."






     "Hindi ka naman kasing ganda tulad ng inaasahan ko!."






     Napakapit ako sa inuupuan ko ng may marinig akong kakaibang boses. Alam mo yung boses na parang sobrang liit! Parang boses ng batang babae na naipit, basta ang liit lang! Ayaw kong lumingo kasi galing sa likuran ko yung boses eh! Baka mamaya kung ano makita ko sa likuran ko!






     "Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sumunod sa utos nya!"nag-salita sya ulit. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong tawagin sina Morfesa at Ren pero di ako maka-pagsalita.






     "Si--sino ka?"tense kong tanong.






     "Maari kang lumingon para malaman mo kung sino ako!"sabi nya sa mataray nyang boses. Dahan dahan naman akong lumingon na may takot sa mukha. Sa una pumikit ako pero dahan dahan ko ding dinilat mata ko.






    Bumulaga sakni yung maliit na nilalang. Siguro kasing liit lang sya ng middle finger ko. Naka-suot sya ng dahon na damit, para nga syang suman dahil dun eh. Ang haba haba ng buhok nya na straight at ang itim itim pa. May mga pakpak syang transparent maliit at kumikinang kinang pa. Ang liit liit ng mukha nya. Ang cute cute nya.






     "Ako si Eluene. Isa akong fairy. Inatasan ako upang bantayan ka!"pakilala nya sakin sabay snob. Taray ng fairy na 'to hu! 






     "Te--teka, ano yung sabi mo?"kung tama ang narinig ko sabi nyang may nag-utos sa kaniya para bantayan ako?? Sino??






     "Kung hindi lang dahil sa kaniya hindi ako mag-sasayang ng aking oras para lang sa iyo!"sabi nya.






     "Ano ba sinasabi mo hu? "medyo inrita ko ng tanong.

     "Kung alam mo lamang ang lahat! Hindi ka hinirang ng Stone of Destiny bilang isang Satori---."napakagat sya sa labi nya tapos hindi na nya tinapos pa yung sinasabi nya. Bitin na nga yung height nya bitin pa pati mga sinsasabi nya!






     "Anong ibig mong sabihin?"kunot nuo kong tanong.






     "Bakit ba ang dami mong tanong? Kung nais mong malaman kung sino sya ipag-patuloy mo lang ang iyong pag-lalakbay! Nasa huli ang lahat ng kasagutan!"talaga naman! Napakasungit ng bubwit na 'to! Que liit liit! Tatanong lang eh!






     "Binibini! Sinong kausap nyo dyan?"tawag ni Morfesa sakin. Punong puno ng pag-kalito yung mukha ko ng lingunin ko sya.





     "Hindi nya ko nakikita. Nag-papakita lang ang mga Fairy na gaya ko sa mga taong nais naming pakitaan! Kaya napaka-swerte mo dahil naka-kita ka ng isang napaka-ganda at napaka-perpektong fairy gaya ko!"






     AIGOO ..!!! Hindi lang masungit ang fairy na 'to mayabang pa! Deadma na lang ako sa kaniya, tumayo ako sa kinauupuan ko para lumapit kay Morfesa. Nakasunod sakin yung fairy. Para syang bangaw na lumilipadlipad sa tenga ko! Kulang na lang gumawa sya ng ingay na ZZZZZZZZZZZZZZZZ ..!!

     "Marami ba---"






     Di na natuloy yung sasabihin ko nung makita kong nag-tatakbuhan pabalik sina Jerim habang nakikipag-salitan sila ng espada sa mga kakaiba ding nilalang. Mga isda sila na may paa ng TAO????? 

     "Ano yan?!"napasigaw na ko sa gulat. Ang dami kasi nila! Natataranta na ko. Anong gagawin ko??? Hinugot ni Morfesa yung espada nya tapos dinampot naman ni Ren yung dalawang espada na nasa lapag.






     "Mga Class A creature sila! Peixe tawag sa kanila."cool na cool pa si Ren habang pinapaliwanag nya yung mga sumusugod samin. "Jay!"biglang hinagis nya sakin nung isa. Natataranta ko namang sinalo.






     "Ano gagawin ko dito??"automatic kong sinalag yung espada ng isang taong isda nung sugurin nya ko. Napaupo pa ko sa lapag, nabitawan ko yung espada ko. Napapikit na lang ako, katapusan ko na 'to! Napadilat ulit ako nung marinig kong may sumalag sa espada.






     Si Uisias yun. Nasalag nya yung espada nung taong isda, buong lakas nyang tinulak yung taong isda. Tumilapon yung isda, pag tumba nung taong isda tinuhod na sya ni Uisias, deadbol yung taong isda. Mabilis na lumapit sakin si Uisias.






     "Binibini, ayos lang ba kayo?"alalang tanong ni Uisias. Parang pakiramdam ko nawalan ako ng dugo. Tumango lang ako kay Uisias. Tinulungan nya kong tumayo, dinampot nya rin yung espada ko at inabot nya sakin. "H'wag lang po kayong lalayo sa akin. Gamitin nyo ito para ma-protektahan ang sarili nyo."






     "Okay."sagot ko. 






     Hindi ko alam kung pano gumamit ng espada basta ang alam ko lang eh iwagayway 'tong espada. May lumapit uling Peixe sakin. Nasasalag ko naman yung espada, Pero ang baho ng amoy ng taong isda na 'to! Parang nabubulok na isda! Hay!!!! Bakit ba may mga ganitong nilalang dito???? Mababaliw na ko!!!






     Natumba ulit ako dahil sa lakas ng kalaban ko. At worst tumalsik nanaman yung espada ko sa malayo! Hinanap ko si Uisias, malayo din sya sakin. Nakatalikod pa. Busy silang lahat sa pakikipag-laban! Walang tutulong sakin!! Nakatitig na lang ako sa dulong espada nung Peixe.






     Natigilan ako nung bigla na lang syang nahati sa dalawa. Para akong lalagutan ng hininga. Sinundan ko sya ng tingin nung bumagsak sya. Grabe! Nangi-nginig yung buong katawan ko sa takot! Buti na lang niligtas ako ni Jerim pero mukhang masama pa yata sa loob nyang gawin yun kasi nakatingin sya sakin  ng masama.




     "Anak ka pa naman ni---"natigilan sya saglit tapos napailing. Hinatak nya yung kamay ko para tulungan akong itayo. Tapos nun iniwan na nya ko para makipag-laban ulit dun sa mga wirdong nilalang.






     "Anong sinasabi nya? Anak ako ni?"tanong ko sa sarili ko habang nakakunot yung nuo ko.






     "Syempre anak ka ng iyong ama't ina! Hay! Sino pa ba ang mga magulang mo?"biglang singit ni bubwit. Napatingi ako sa kanya. 






     "Alam ko! Ikaw hu! Bakit ang sungit mo sakin?"






     "Dahil naiinis ako sayo!"






     "Ano?! Hay! Talaga naman!"halos di ako makapaniwala sa sinasabi ng fairy na 'to! Fairy yata ng mga demonyo 'to eh! "Naiinis ka pala sakin bakit ka pa sunod ng sunod? Bumalik ka na nga dun sa amo mo! Mukhang pareho yata kayong masama ang ugali eh!"






     "H'wag mong sasabihan ng masama ang amo ko! Hindi mo alam kung anong sakripisyo ang ginagawa nya para lang sa iyo!"






     "Ano?!"umaakyat na sa ulo ko yung dugo ko! Feeling ko high blood na ko!






     Pipitikin ko na sana ang bubwit na 'to kaso bigla akong tinawag ni Ren. "Jay! Sino kausap mo dyan?"pag lingon ko kay Ren dun ko lang napansin na tapos na pala sila sa pakikipag-laban. Naiilang akong napailing sa kaniya.






     "Hu? Ah--wala."napansin ko rin ang sugat sa kanang braso ni Ren. Bigla akong natakot kasi dumudugo sya. "May sugat ka Ren!"nilapitan ko si Ren sakto lang na bumagsak sya sakin. Nang-hihina na sya dahil sa sugat nya. Pareho kaming napaupo sa buhangin. Mabilis namang lumapit sa amin ang lahat. 






     "Ren! Ayos ka lang ba?"alalang tanong ni Jerim.






    Nakita kong may dinapot si Uisias na isang espada ng mga Peixe, tiningnan nyang mabuti yung matulis na part nung espada ng mga halimaw. "May lason ng Oconitum ang dulo ng kanilang espada. Uri ng nakakalason na halaman."






     "Kailangan natin syang madala sa barko para mabigyan agad ng gamot!"sabi naman ni Gabe. Mabilis na binuhat ni Jerim si Ren para dalhin sa barko.











     ILANG saglit pa ay nasa barko na kami. Inumpisahan na ni Gabe na gamutin ang sugat ni Ren. Naawa ako kay Ren kasi panay sigaw nya dahil siguro sa sakit. Hindi ako halos makatingin ng diretso sa kaniya kasi namimilipit sya. Hindi pa sya kaagad agad mabibigyan ng gamot dahil ginagawa pa ni Gabe yun.






     "Gabe! Bilisan mo!"sigaw ni Jerim. Para syang tatay na nag-aalala ng husto sa anak nya.






     "Ahhh!!! Ahhhhh!!!"nag-pagulong gulong si Ren sa sahig habang hawak nya yung braso nyang may sugat, nangingibabaw sa kabuuan ng barko yung boses nya. Inuumpog nya yung ulo nya sa sahig. Hinawakan na nga lang sya nila Uisias saka Jerim baka kasi masugatan din yung ulo nya sa kakaumpog nya. Hindi na namin alam kung anong gagawin namin. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.






     Ilang saglit pa natapos na ni Gabe yung gamot. Lumapit sya kay Ren para ipainom yung liquid na nag-iiba iba yung kulay. Naalala ko nung nasugatan din ako dahil sa Lamia ganun din yung pinainom sakin ni Doctor Park. Antidote yun para sa lason.




     Dahan dahang pinainom ni Gabe yung antidote. Nag-wawala parin si Ren pero ilang segundo lang ay unti unti na rin syang kumalma. Hanggang sa nakatulog na sya. Nakahinga na ng maluwang ang lahat lalo na si Jerim. Binuhat nya si Ren tapos dinala nya sa loob ng cabin. Para talaga syang tatay kung umakto. Siguro dahil yun naman talaga ang turing nila ni Zico kanila Ren.




     Tingin ko nga kung namatay si Ren---hindi naman sa pag-aano--pero pag namatay isa man sa Vulgus na inalagaan nila ni Zico, masisiraan siguro ng ulo 'tong si Jerim? :D Halos mabaliw na kasi sya kanina eh! Thank GOD dahil okay na si Ren ngayon. Dahil din sa tulong ni Gabe.









     NAG-LALAYAG na kami ngayon. Naayos na kasi yung sira ng barko. Mag-isa ako ngayon sa itaas ng cabin. Wala lang trip kong mag-isa. Ang lakas lakas ng hangin, medyo nakakahilo nga kasi yung barko namin gumigewang gewang kasi. Nag-papahinga ang mga pirata ngayon. Si Jerim naman nakabantay kay Ren. Sina Morfesa at Uisias naman nasa ibaba. Ewan kung anong ginagawa nila.




     Nasa isip ko parin yung nang-yari kay Ren kanina. Nakakatakot kasi, kala ko nga babawian na sya ng buhay eh. Grabe naman yung lason ng halaman na yun! Malupit pa yung epekto kesa sa lason ng Lamia. Buti na lang Lamia lang yung nakalason sakin. Feeling ko kasi kung yung halaman na yun yung nakalason sakin di ako tatagal!




     "Bakit ka nag-iisa dito?"biglang singit ni Eleune. Ang masungit at mayabang na fairy.




     "Wala, naisip ko lang yung nang-yari kay Ren kanina."diretsong sabi ko sa kaniya pero di na ko nag-aksaya ng segundong lingunin sya pero lumipat sya sa harapan ko. Ayaw ko nga makita pag-mumukha nya kahit maganda pa sya eh, lumipat pa talaga sa harapan ko! Papansin!




     "Hindi ordinaryo ang lason sa halaman na iyon! Kaya nitong patayin ang isang batalyon ng tao sa iisang iglap lang kung madadampian ka ng likido nito sa kantawan. Mararamdaman mo na parang hinihiwa ang pag-katao mo ng isang napakatalim na bagay. Mararamdaman mo yun sa buong katawan mo! Parang bibiakin nya ang ulo mo at parang nilalagare ang mga buto mo. At gugustuhin mo na lang mamatay kaysa maramdaman mo ang mga bagay na iyon!"umaaksyon pa sya habang sinasabi nya sakin yun. Feeling nya maa-amuse ako sa kaniya? Duh?! Pero nakakatakot yung kwento nya! Lalo tuloy akong naawa kay Ren, well at least okay na sya ngayon.




     "Bakit ba may mga ganung klase ng creature dito sa lugar nyo, wala naman silang ginawa kundi manakit?"tanong ko. Humalukipkip si Eleune, habang bumubukas sara yung transparent nyang pakpak.




     "Hindi ko alam. Bakit sa mundo mo? May surot, wala naman silang ginawa kundi ang manira ng mga bahay."sarap pitikin ng fairy na 'to eh! Layo ng sagot sa tanong ko! Pake ba ng surot sa mga creature dito?




     "Ano ba yang mga Class A, Class A na creature na yan?"sunod kong tanong. Sana naman matinong sagot makuha ko.




     "Class A, sila ang mga klase ng creature na makikita mo lang kung saan at kayang talunin ng kahit sinong Magus o Praecantrix man yan. Ang mga Class Z, sila ang klase ng mga creature na bihira mo lang makita at tanging ang adept lang ang may kakayahang makakatalo sa kanila. At higit sa lahat ang Class U creatures, wala pang nakaligtas na Magus o Praecantrix  sa mga creatures na yun, kahit na isa ka pang Adept! Sila ang nag-hahari sa lahat ng klase ng nilalang sa mundo ng mga Magus at Praecantrix! Malakas sila kaysa sa inaasahan mo! "tumataas taas pa kila nya habang sinasagot nya tanong ko.




     "Marami bang klase ng mga Magus? Kasi may naririnig akong Bards, Adept at kung ano ano pa!"






     "Kung bibilangin ang klase ng Magus, marami sila. Ang sinasabi mong Adept ay isang Level ng pagiging isang klase ng Magus mo. Ang Bards naman ay isang klase ng Magus. Halimbawa, si Jerim ay isang klase ng Bards Magus. Ninanais nyang mas lumakas at lumawak ang kaniyang kaalaman bilang isang Bards, kailangang nyang mag-sanay. Sa unang level ng pag-sasanay ang itatawag sa iyo ay Elsokent,  Adjutrix naman kung nasa ikalawang antas ka na ng pag-sasanay. At Vortex Adept o Adpet ang tawag kung nakumpleto mo na ang tatlong antas ng pag-sasanay."






     "Ahh~"sabi ko na lang kahit na parang wala akong maintindihan sa mga sinabi ni Eleune.




     "Naintindihan mo ba talaga ang mga sinabi ko sa iyo?"paninigurado nya. Mabilis akong tumango kasi ayaw ko ipa-explain nya ulit sakin yung Bards and Adept thing!




     "Ay! Oo naman!"exaggerated ko pang sagot. Duda lang syang napatingin sakin. "Oh bakit?"sabi ko na lang sa galit kong boses at mukha para matakot sya at di na sya mag-tanong pa. In-snob nya na lang ako at lumipad sya kung saan. Natawa na lang tuloy ako sa kaniya.














     HAY~~~ it was really a scary, long day! Sarap mag-unat!!!









. . . to be continued






Thank you for wasting your time reading my story ..!!
Please hold on for the next chapter ..!!




- DaeHyun MAtOki -







4 comments:

  1. NaKita q n uNg tAoNg oCtoPus n c B.A.P. dUn s phoTos kNina,,,, hwAhehEhe,,, aNg scAry ngA pEro aNg kuLit,,,,

    ReplyDelete
  2. Kakatakot yung lason.
    Buti nakaligtas si Ren.
    Kasi baka daw mabaliw si Jerim kapag nabawasan ang Vulgus ee.
    Yung pangalan pala, naiisip ko parang sa aso.
    Kidding aside, nice update.

    ReplyDelete
  3. taong octopus pala si BAP dito. haha!!

    ReplyDelete

  4. ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶……..
    ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´¶¶……
    ´´´´´´¶¶¶¶¶´´´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶¶……….
    ´´´´´¶´´´´´¶´´´´¶¶´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´¶¶…………..
    ´´´´´¶´´´´´¶´´´¶¶´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…..
    ´´´´´¶´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶…..
    ´´´´´´¶´´´¶´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´´¶´´´´´´´´´´´´¶´¶¶´´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
    ´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶´´´´´¶¶….
    ´¶¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´¶¶´´´´´´´´¶¶´´´´´´´¶¶…
    ´¶´´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´¶¶….
    ´¶¶´´´´´´´´´´´´´´¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶…..
    ´´¶´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´¶¶´´´´´´´´´´´¶´´¶¶´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶….
    ´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶´´´´´¶¶´´´´´´´´´´´´¶¶…..
    ´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´´¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶…….

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^