* AUTHOR's NOTE : May mga BBC ba dito o Block B fans .?? Please .. suportahan nyo sila .. grabe kasi kinakaharap nila ngayon and lets hope na sana hindi sila ma-disband .. TT.TT Ayako mawala mga PIRATA ko .. :c kaya please BBC .. Block B needs your support guys .. :>
here .. yung apat gumagawa na ng AEGYO para suportahan nyo yung BLOCK B .. :D di ba kayo naku-kyutan sa kanila .?? :c
Keiigo Tezuka |
Jeremy Williams |
Jin Michael |
Laurence Norwood |
this chapter is dedicated to BLOCK B .. sana maging ok na lahat at sana makahanap sila ng new home nila ..
* wala muna cover ng W&W ngayon hu .?? laki ng nasakop ng notes ko ee .. hehe .. sorry hu .?? ngayon lang naman ee ..
********
CHAPTER FIFTEEN
NAGISING ako dahil sa lakas ng alon. Pakiramdam ko para akong masusuka. Dahan dahan kong minulat mata ko, parang umiikot palikid ko dahil sa hilo. Napa-lingon ako sa kana ko ng may bumagsak na kung anong mga gamit sa ibabaw ng cabinet. Unti unti nag-gagalawan yung mga gamit.
Pinilit kong tumayo kahit na nahihilo ako. Napapapikit na lang yung isang mata ko dahil nga umiikot palikid ko. Low Blood pa naman ako, mabilis babaliktad simura ko pag ganito at baka di pa man ako makaabot sa pinto eh mahihimatay na ko.
Hilong hilo talaga ako, matutumba na sana ako buti na lang pumasok si Jerim at nasalo nya ko. Bumagsak ako sa mga braso nya. Para akong sabog, ni hindi ko maayos pananalita ko.
"Ano nang-yayari sayo?"tanong nya sakin. Hindi ako makapag-salita ng maayos. Tapos binuhat nya ko palabas ng cabin. Sumalubong samin sina Uisias saka Morfesa. Pati na rin yung ilang mga Vulgus Pirates.
"Binibini ayos ka lang ba?"tanong din ni Uisias.
Si Jerim naman ang tinanong ni Morfesa. "Ano nang-yari sa kaniya?"alam kong nag-aalala sila. Halata kasi sa mga boses nila. Hindi sya sinagot ni Jerim. Umakayat kami sa ibabaw ng cabin at inihiga ako ni Jerim sa katre. Lumapit si Gabe para kamustahin ang lagay ko kasi nga sya ang doctor sa barko na 'to.
"Nahihilo lang sya dahil sa lakas ng alon ngayon."habang sinasabi yun ni Gabe may kakaiba akong nararamdaman sa tiyan ko. Parang may kumukulong asido na hindi ko maintindihan. Tapos yung asido na yung dahan dahan syang umaakyat pataas sa lalamunan ko hanggang sa naduduwal na ko. "Kelly! Kumuha ka ng planggana o kahit na anong pwede ipang-salo sa suka nya!"
"Hu---Ah---Oo."nauutal pang sagot ni Kelly tapos narinig ko syang tumakbo pababa. Pero mukhang di na sya aabot dahil......
"Eww!"narinig kong sigaw ni Ren. At ~ at ~
"Anak ka ng Dalampasigan! Naman!"dalampasigan talaga? Dalampasigan? English nun Beach diba?
Buti na lang tinagalog nya. Pangit kasi pakinggan kung English. Anyways, parang nag-echo yung sigaw ni Jerim sa sobrang lakas. Wala na akong nagawa kundi ang mapangiti ng pilit sa kaniya. Baka sakaling maawa pa sya at hindi nya ko itapon sa dagat.
Hindi ko naman kasalanan kung nasukahan ko sya. Nasa harapan ko kaya sya. Alam nya namang nahihilo ako at pwede akong masuka anytime nandun pa sya sa harapan ko naka-balandra! Yan tuloy sya ang nakasalo ng asido sa katawan ko. Yuck! Asim pa naman ng amoy nun! Nakakamatay!
"Jerim!"huli na ng dumating si Kelly. Nakasuka na ko. Kita ko expression ng mukha nya. Gulat na gulat sya habang hawak nya sa kaliwang kamay nya yung plangganang dala nya.
Inis na lumapit sa kanya si Jerim tapos inagaw ni Jerim yung plangganang hawak ni Kelly. Akala ko ihahampas nya sa ulo ko yun eh pero nagulat kaming lahat kasi tinapon nya yun sa dagat.
"Hoy! Ano ka ba! Sayang yun! Wala ka nang mahahanap na ganun sa Earth!"sigaw naman ni Kelly sa kaniya. Pero wala nang pumansin sa kanilang dalawa kasi back to normal na ulit ang lahat. Habang si Morfesa, Uisias at Gabe naman ang umaasikaso sakin.
Binigyan ako ni Gabe ng parang Ointment pero di sya amoy mansanilya. Mabango sya, parang lavender. Pag-kaamoy ko nun instant wala agad yung hilo ko. Magic!
"Binibini, ayos na ba ang pakiramdam mo?"alalang tanong ni Uisias sakin. Nilingon ko sya saka ngumiti.
"Oo. Okay na ko. Salamt Gabe hu?"sabi ko din kay Gabe. Ngumiti si Gabe bago sya nag-salita.
"Pag-pasensyahan mo na. Maalon talaga kasi malapit na tayo sa Nubus Illa."nilingon nya yung bandang kanang nya para ituro sakin ang isang bagay. Sinundan ko sya ng tingin.
Bumulaga sakin yung parang madilim na parte ng dagat. Ang dilim dilim talaga sa part na yun. Alam mo yung tipo na parang nababalutan ng itim na ulap kapag may bagyo. Ganun sya. Parang may bagyo sa bandang yun ng dagat. At kund hindi ako nag-kakamali ipo-ipo yung umiikot ikot sa parte na yun. Ang galing nga eh, dun lang sya naikot-ikot. Hindi sya naalis.
"Yan na ba yung Nubus Illa?"habang sinasabi ko yun kinikilabutan ako. Kasi first time kong makakita ng mga ganun. "Dyan? Sa ipo-ipo na yan?"
"Hindi."napalingon ako sa kaniya. Medyo naka-hinga ako ng maluwang. Kala ko dun yung distenasyon namin--- "Pero dyan tayo dadaan para makarating tayo sa Nubus Illa."
Halos mabulunan ako sa karugtong ng sinabi ni Gabe. Hindi agad ako nakakurap. Parang nag-glue yung paningin ko sa kaniya. Alam mo yung expression ng mga taong nag-lalaro ng poker?
"Sigurado ka ba?"tanong ko sa kaniya. Baka naman kasi nag-bibiro lang sya. Dyan kami dadaan papunta sa Nubus Illa? Bigla ko tuloy naalala yung sabi sakin ni Semias bago sila umalis papunta kay Goddess Danann.
Hindi daw ako pwede sumama kasi dilekado yung pupuntahan nila. Eh mukhang mas delikado pa 'tong tinatahak namin kesa sa lakad nila ng kapitan ng barko na 'to eh! Tingin mo ba mabubuhya kami kapag dumaan kami sa nag-wawalang ipo-ipo na yan? Baka nga kahit kuto ko hindi makakaligtas dyan eh! Kung meron man akong kuto.
Kaya pala yun ang sabi ni BAP noon, na wala pang kahit na sino ang nakabalik ng buhay galing Nubus Illa. Pano? Papungta ka pa lang deadbol ka na eh. Ni hindi mo pa nga naabot yung tuktok durog durog na katawan mo. Talagang hindi ka na makakabalik ng buhay!
Parang gusto ko uling masuka nung tumango tango sakin si Gabe. Nginitian nya ko tapos lumayas na sya sa harapan ko. Naiwang blangko isip ko. "Binibini, natatakot po ba kayo?"biglang singit ni Morfesa.
Kahit hindi na ko mag-salita, alam kong halata sa mukha ko na takot ako. Marami pa kong pangarap no! Ayaw kong matapos lang sa ganito buhay ko! Ni hindi man lang ako nakapag-silbi sa sarili kong mundo. Puro kahihiyan nga lang yata nagawa ko dun eh! At kung mamamatay man ako syempre dun na sa mundo ko! Walang aasikaso sa katawan ko dito, at least sa Earth, nandun sina mama at papa. Makakapunta pa sina Jin at Laurence sa libing ko! Eh dito?
Hay! Diyos ko! Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko? Kasi naman! Hay naku! Para akong mababaliw!
"H'wag ho kayong mag-alala. Wala pong mang-yayari sa ating masama sa pag-tawid natin dyan. Ang inaalala ko lang ay kung naroon na tayo sa Nubus Illa"sabi naman ni Uisias. Hindi na lang ako umimik.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.
"Sa isla kasi na yang ikinukulong ang iba't ibang klase ng mga nilalang sa mundo ng Praecantrix at Magus. Bukod pa doon ay may mga naninirahan na talaga diyang mga nilalang na walang katumbas ang lakas at hindi mo iisiping nabubuhay sa mundong ito."
Okay, kahit di na ko mag-tanong alam ko na. Sila ang nilalang na kikitil sa buhay ko at tatapos sa mga pangarap ko. Okay, naintindihan ko na. Tinatanggap ko na ang kamatayan ko. Hanggang dito na lang ang kwento ko. Sana dumating yung araw na may maka-diskubre ng kahanga hanga kong kwento at isulat nya sa libro. Magiging sikat ang pangalan kong Jaydee Ryan Maundrell at mapapanood ang kwento ko sa big screen.
Yan lang naman ang huling habilin ko bago ako mawala sa universe. Sige Uisias, pwede ka nang umalis sa harapan ko. Maraming salamat sa pananakot mo, hindi kita makakalimuntan.
Naupo na lang ako sa isang tabi matapos ng usapan namin ni Uisias. Parang nawalan na ko ng pag-asa sa buhay. Panay na lang bugtong hininga ko nang bigla akong may maalala. Bakit parang wala dito yung bubwit? Saang lupalop ng barko nanaman kaya sumiksik yun?
"Jay!"napalingon ako sa likuran ko ng may maliit na boses na tumawag sakin. Speaking of the fairy. San naman kaya galing ang bubwit na 'to at ngayon ko lang nakita.
Pasimple kong nilingon sina Uisias saka Morfesa. Nakatayo na sila ngayon sa dulong parte ng barko. Tuma-Titanic sila, umaala-Jack and Rose. Nilingon ko ulit si Elleune para tanungin sa pabulong kong boses. "San ka galing? Alam mo ba kung ano nang-yari sakin?"
Parang nag-alanagn si Elleune sa sasabihin nya. "Ba--bakit kelangan ko pang sabihin sayo kung saan ako galing? Tsaka malay ko ba kung ano nang-yayari sayo?"
Taray talaga nitong fairy na 'to. "Tatanong lang eh!"napalakas yung sigaw ko kaya tuloy napalingon sakin sina Jack and Rose ... I mean Uisias and Morfesa. Sinisira ko yung moment nilang dalawa. Napangiti na lang ako ng pilit.
"Sinong kausap mo diya Binibini?"takang tanong ni Morfesa. Nailang tuloy akong sumagot.
"Hu?---Ah---wala. Kinakausap ko lang sarili ko."pero mukhang di naniwala si Morfesa. Kaya tumayo na lang ako para lumapit sa kanila. Makiki-Titanic na rin ako. Grabe yung lakas ng hangin. Kung buto't balat lang katawan mo siguradong malayo na narating mo dahil madadala ka talaga ng hangin sa lakas.
Sumunod sakin si Elleune, habang ako naman pinagitnaan ko sina Morfesa at Uisias. Epal ako eh, kaya gumitna ako. Bumuntong hininga ako bago ako nag-salita. "Gano ba talaga kaimportante sa inyo yung sandata na ninyo?"
Parang wala ako sa isip ng tanungin ko yan. Ewan ko, bigla na lang lumabas sa bibig ko yan eh. Naranasan mo na yung feeling na bigla kang may sasabihin pero parang wala naman dun yung presensya mo sa sinasabi mo? Tapos minsan nakatulala ka pa habang sinasabi mo yun. Parang wala yung kamalayan mo sa katawan mo.
Magigising ka lang bigla sinasagot na pala ng kasama mo yung hindi mo namalayang sinabi mo. Ikaw naman mapapatanong ka kung ano nga ba yung sinabi mo. Ang wirdo no? Nawi-wirduhan ako sa ganun. Bakit kaya may ganung kamalayan ng tao?
"Mahalaga binibini, sobrang halaga ng mga ito lalong lalo na sa apat na kaharian."sagot ni Uisias. Napakunot nuo ko, kasi medyo malabo parin para sakin.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko ulit kay Uisias, napalingon ako kay Morfesa ng sya naman ang mag-salita.
"Ang mga sandata kasi na ito ang nag-sisilbing proteksyon ng bawat kaharian laban sa panganib at itim na mahika. Ito rin ang pomo-protekta sa bawat Prinsepe at Prinsesa ng kaharian."sabi ni Morfesa.
Tumango-tango naman ako. "Ano ba talagang nang-yari sa mga Prinsesa at Prinsepe ng Tir Na Nog?"sunod kong tanong. This time nasa wisyo na naman ako. Na-curious kasi ako sa sinabi nila.
Ilang segundo pa bago nakasagot ang dalawa, sa huli si Morfesa ulit ang sumagot. "Mahabang kwento binibini."
Gano ba kahaba at hindi nila makagawang i-summarized na lang? Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Lycus. Wala lang na isip ko lang sya. Nasan na kaya yun ngayon? Kamusta na kaya sya? Naaalala nya kaya ako? Malamang naalala nya ko, eh gusto nya nga ko patayin diba?
Ano kaya problema nun no? Laki ng sapak sa jutak. Di ko naman sya inaano. Hindi ko naman kasalanan kung naitakda man akong Satoori at hindi ko pinangarap maging ganun. Kung hindi lang kasi dahil sa pag-mamahal ko sa kapwa ko tao hindi ako sasama dito. Kasi nga diba balak ni Lycus kuntsabahin yung mga tao para gawing Magus at pag-ipu-ipunin ang lakas nila para masira ang harang sa Tir Na Nog at makapasok sya para angkinin ang mundo na 'to.
Pero alam mo, ang totoo kaya ako sumama dito kasi gusto ko naman bigyan ng hustisya yung pag-kamatay nila Kei at Jeremy. Gusto kong maiayos na lahat, bumalik na sa dati. Kasi alam mo na-realized ko kahit naman anong tanggi ko o takasan ko man 'to hindi na rin naman mababago yung tadhana eh.
Kahit san man ako pumunta ngayon. Kahit saang dimensyon man o kahit saang mundo man. Kung ito naman talaga ang nakatadhana sakin wala na kong magagawa. Hindi ko na 'to matatakasan. Ang nakakalungkot lang, tadhana rin na mawalan ako ng dalawang mahalagang kaibigan.
Naalala ko yung motto ng pamilya ni Sam Witwicky sa palabas na Transformers The Movie. Sabi nya dun habang tinatakas nya yung Allsparks sa mga Decepticons "No sacrifice, no victory" Agree naman ako dun. Pero sana naman wala ng mag-buwis buhay pa. Tama na yung dalawa ang namatay.
Yun lang talaga ang hiling ko ngayon --------- wala ng malagutan pa ng hininga kahit sino man sa amin.
"Jay, alammo na ba yung tungkol sa kayamanan ng apat na kaharian ng Tir Na Nog?"
Bigla akong natauhan nung marinig ko si Elluene. Doon ko lang napansin na nakatulala pala ako. Feel na feel ko pa yung hanging humahampas sa mukha ko habang lumilipad-lipad buhok ko eh. Muntungek lang.
"Hu?"
Kunot nuong tanong ko kay Elleune. Narinig ko yung kayamanan pero di ko masyado naintindihan.
Anong kayamanang pinag-sasabi ng fairy na 'to----???
. . . to be continued
Sa aegyo pa lang ng apat dun sa taas, nabusog na ako..Hehe.. Nice din po ang story! Keep it up!!
ReplyDeletesUportdO ktA jaN atEy!!!! at sLaMat po s updAte ni0,,,,
ReplyDeleteay nku jaydee... kung anu-ano ang pumpsok s imaginations nia! hahahahhahaahhaa!!!! at gus2 nia tlgang maging sikat at mpanood s big screen! lol!!!
ReplyDeleteOw yes! May update na!. :) :)
ReplyDelete