Ito ang storya ng isang baliw (not literal) na fan na
ipapangalandakan ko sa pangalan na Jen.
– Aiesha
Lee
*
* *
>.< Grabe naman ‘tong si Ms. Aiesha. Baliw ka diyan!
Parang siya hindi, eh, baliw ka din naman kay Lee Min Ho ‘noh! Parehas lang
tayo! Diba nga may two hundred pictures ka sa laptop mo ni Lee Min Ho! Wahaha.
– Jen
*
* *
Shut up! Ang ingay mo! Ipakain kita sa bulldog ko! –
Aiesha
Lee
*
* *
Oo na. Ang pikon mo talaga, haha.
(whispered) Let me rephrase what I said earlier, four hundred
pictures ‘yon. – Jen
*
* *
Nadinig ko ‘yon. FYI, five hundred ang sayo, mas lamang ka pa
din sakin. – Aiesha Lee
*
* *
Ang talas talaga ng pandinig kapag si Lee Min Ho ang topic. O
sya, baka naiinip na kayo. At baka hindi kami pagtagpuin ng Lee Min Ho ko sa
storyang ‘to pag binuking ko pa si Ms. Author. Tsk, kay malas ko naman. At
dahil dyan, ito na po ang storya ko. Ng isang baliw na fan na katulad ko. Bow!
– Jen
^________^
CHAPTER 1
Jen’s POV
Nandito ako ngayon sa
kuwarto ko. Nakahiga sa kama, habang nakatingala sa langit, este sa kisame,
hehe. Para naman kasing langit ‘yong tinitingnan ko, hindi ‘yong kisame, kundi
‘yung sandamukal na mga pictures na dinikit ko sa kisame ng kwarto ko. Alam niyo
ba kung kaninong mga pictures? Pictures ni Le Min Ho. Ang kinababaliwan kong
sikat na korean actor.
Baliw. That’s what my
friends called me everytime I talked about Lee Min Ho, everytime I heard his
name, everytime I saw him on you tube, everytime I saw him on his koreanovela
on tv, basta, everything that concerns him.
First time ko siyang
makita on tv, sa koreanovela niyang Boys over Flowers. And that was in 2007. He
played the role of Jun Pyo. Starting that day that I saw him, naging fan na
niya ko. Super-duper-uber die hard fan.
Nakakainlove naman kasi
‘yong mga ngiti niyang pamatay di ba? And everytime that I saw his smile,
napapangiti din ako. ^___^ See?
At katulad ng sinabi ni
Miss Author, may five hundred pictures ako ni Lee Min Ho sa laptop ako. Hindi
lang sa laptop ko, kundi pati sa cellphone ko. His my wallpaper and screensaver.
At ang room ko, tadtad ng pictures nya.
And whenever na bad mood
ako, titingnan ko lang ang pictures niya, I felt okay na. Gano’n lang talaga
siguro ang mga baliw na katulad ko, simpleng ngiti lang niya, okay na ang
lahat.
Hindi lang naman ang mga
ngiti niya ng ang nagustuhan ko, pati ‘yong personality niya. Lahat-lahat. Oo,
feeling ko, kilalang-kilala ko na siya. Updated kasi ako sa mga nangyayari sa
kaniya.
And to make the long
story short, nag-join ako sa Minoz Philippines Fans Club, ang official fan club
ni Lee Min Ho dito sa Pilipinas no’ng 2008. Yey!
Napangiti ako. Ang tagal
ko na palang member ng Fans Club niya.
Kinuha ko ang picture
frame niya sa side table ko. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Makikita na
din kita!”
Oo, tama ang sinabi ko.
Makikita ko na din siya. Kailan? Tomorrow. Ikakasal na kasi kami. Wahaha. Nah!
I’m just kidding. Pupunta siya dito sa Pilipinas para i-meet ang mga fans niya.
At ako ‘yon. I mean kami ‘yon. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko ‘yon three weeks
ago.
Tumalon ako.
Nagtumbling.
Nagsplit.
Nag-break dance.
Belly Dance.
Nag-gangnam style.
Pati teach me how to
doggie, pati yung isa yung mga doggie din. yung ano, yung..
AIESHA: Fresh like doggie yun,
shunga!
Oo, tumpak! galing mo
tlaga miss, author ^^
Continue…
Bumirit ako ng kanta ni
Whitney Houston kasabay sa pagsayaw ng moves ni Micahel Jackson.
Nagpa-handa ng isang
litson.
Litsong manok.
Wahaha. Joke lang.
Nagtatatalon with matching sigaw lang ako ng malaman kong bibisita siya dito sa
Pilipinas for the first time. Sa wakas, makikita ko na din siya ng personal!
“I love you, Lee Min ho!!!”
malakas kong sigaw.
Ilang segundo lang ang
lumipas, nakadinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. “Jen, ano ba
‘yan! Ang ingay mo! Nababaliw ka naman dyan!” Boses ‘yon ng mudra
ko.
Napangiti lang ako.
Sanay na ako sa mudra ko, sanay na din siya sakin. Sa mga kabaliwan ko kay Lee
Min Ho. Ang sabi nga ni mama, buti nga daw hindi ako natutuluyan. Kulang na
lang daw, magsuot ako ng damit ng mga baliw dahil bigla na lang akong
napapatili kapag nakikita ko si Lee Min Ho sa tv.
Nang minsang abutan ako
ni mudra na nakatulala habang nakangiti at nanonood ng City Hunter, ‘yong
latest na show ni Lee Min Ho sa sala.
Alam ninyo ba kung ano
ang sinabi niya?
Seryoso
niyang sinabi. “Jen,
dalhin na kaya kita sa isang Psychiatrist. Ang tagal na niyan, eh,
baka
matuluyan ka na. Nurse ka pa mandin sa isang mental hospital. Baka nahawa ka na
sa mga baliw do’n.”
Tinawanan
lang niya ang sinabi ng mudra niya. “Seryoso ka, ‘Ma? Alam mo namang pangtanggal ko ng stress
si Lee Min Ho, eh. Siguro ‘Ma, baka kapag napangasawa ko siya, do’n lang ako
tuluyang mabaliw. Ano kayang magandang gown para sa kasal namin? Hmm..”
“Alam mo ang tawag dyan? Kabaliwan.”
Si mama talaga.
Nadinig kong kumatok uli
si mama. “Isa
pang sigaw, idederetso na kita sa mental!”
“Sa panaginip na lang po, ‘Ma.” natatawang
sagot ko.
“Matulog ka na nga! May date pa kayo
ng Lee Min Ho bukas!”
“Kaya ako sa’yo, ‘Ma eh.
Goodnight, ‘Ma. Love yow!”
Tiningnan ko uli ang
picture frame na hawak ko. Niyakap ko ‘yon. “See you tomorrow, my dear Lee Min Ho.” May
ngiti sa labing pinikit ko ang mga mata ko. Sana lang makatulog ako. Dahil
sobrang excited na talaga ako. Super-duper-uber excited!
* * *
Halos magkandarapa siya
sa pagtakbo palapit sa elevator. Habang hawak ang cp niya at tinetext si Raine,
ang bestfriend niya na member din ng fans club ni Lee Min Ho. Hindi tuloy niya
napansin ang isang taong palabas ng elevator. Nagkabungguan tuloy sila.
Nabitiwan niya ang phone niya at lumagpak sa sahig. Muntik pa siyang sumama sa
paglagakpak ng phone niya kundi lang siya naalalayan ng taong bumangga sa kanya.
Napatingala siya sa
damuhong bumangga sa kanya. Isang matangkad na lalaki ang tumambad sa kanya. Hanggang
balikat ang buhok nito. May bigote ito. Hindi niya makita ang mga mata nito
dahil naka-dark shades ito. May nunal ito sa bandang kaliwa ng mata. Naka-cap
din ito.
In
short, hindi ko masyadong mabistahan ang
mukha ng lalaki. Hay, hindi ito ang oras para alamin ko ang itsura niya.
Nagmamadali ako.
“Bya ne yo.”
wika ng lalaki, bago siya bitawan.
Kumunot ang noo niya. Koreano pala ‘to? Nakakaintindi siya ng
Korean pero kaunti lang.
“I said
I’m sorry.” pagta-translate ng lalaki.
“I know. And it’s not okay. Paano
ba naman nakashades ka, panong hindi mo makikita ang dinadaanan mo. Mag-iingat
ka kasi.” Wala akong pake kung hindi nito maintindihan ang sinabi ko. Nakakainis
naman kasi, kung kailan nagmamadal babanggain pa ako. Badtrip pa ko ngayon
tapos dumagdag pa ‘tong lalaking ‘to.
Tiningnan niya ang ayos
nito. “Saka
bakit ganyan ang ayos mo? Nadapa ka ba? At mataas ang araw dito sa loob ng
hotel at kuntodo shades at cap ka pa?”
“I’m sorry, okay. I have to go.” Iyon lang at nagmamadali nang
umalis ang lalaki habang lumilinga. Hindi man lang nito sinagot ang tanong
niyang matino.
Anong
problema no’n? Naintindihan ba no’n ang sinabi ko? Hay, bahala nga siya. Mukha
pa siyang ewan sa itsura niya. Naka-fade jeans kasi ito na butas-butas tapos
naka white t-shirt lang. Buti pinapasok ‘yon dito sa hotel na ‘to. Sanay palang
mag-english, nag-korean pa. Hmp! Kakainis!
Pero
infairness, ang bango niya. Saka masyado siyang matangkad.
Teka, nagmamadali nga
pala siya. Pinulot niya ang phone niya at nagmamadaling pumasok sa isang
elevator na kakabukas pa lang.
* * *
“Nakakainis!”
Binuksan niya ang kotse niya at padabog na pumasok sa loob. Confirm! Hindi
tuloy ang pakikipagkita ni Lee Min Ho sa kanila ngayong araw. Sa isang araw pa
daw. Kinansel kanina. Nasa byahe siya kanina ng magtext si Raine, hindi daw
tuloy.
Akala
ko naman, pinagtitripan lang ako no’n. Totoo pala. Ang aga ko pa namang
gumising. Todo handa ever pa ko, tapos hindi ko pa siya makikita? Hay naku!
“Pero teka, bakit ba ako maiinis
eh makikita ko naman siya sa susunod na araw?”
She sighed. “Excited
lang talaga ko. Excited na excited. Nag-gown pa man din ako, tapos wala din.
Nagpa-parlor pa naman ako tapos ngayon? Nganga!” Hehe, joke lang.
Pinaandar niya ang kotse
at nag-isip kung sa’n siya pupunta ngayong araw. Wala ang mudra at pudra niya
sa bahay, umalis ang mga ito kasama ang bunso niyang kapatid. Sunday ngayon.
Nag-bonding ang mga ito. Dapat kasama ako
sa kanila kung nalaman ko lang ng maaga na hindi matutuloy ang... Napabuntong-hininga
siya.
Ayoko
nga munang isipin ‘yon. Ang dapat kong isipin ay kung sa’n ako pupunta ngayon.
Hmm… Isip-isip, Jen. Think! Ah! Alam ko na!
* * *
“San kaya ako sasakay?”
Nandito siya ngayon sa Enchanted Kingdom. With her self, soul and body. In short, ako lang mag-isa. Trip ko, eh.
Bakit ba? Hehe.
Nakatayo siya sa gitna
habang nag-iisip kung anong sasakyan niyang rides. Space Shuttle na muna kaya ang sakyan ko? Oo nga. Yun muna. Wahehe.
Masaya ‘to!
Hahakbang na sana siya
papunta do’n ng may bumangga sa likod niya. Na naman?! Kung kanina, hindi siya
natumba, ngayon naman tuluyan na siyang napasalampak sa semento. Buti nga hindi
una ang fes niyang maganda.
“Aray naman!! Wala ka bang mata?!”
inis na wika niya, sabay tingala sa damuho o damuhang bumangga sa kanya. Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ‘to?!
Kumunot ang noo niya ng
makilala ang bumangga sa kanya. “Ikaw na naman! Teka sinusundan mo ba ko?!” Ito
yung lalaking bumangga kanina sa kaniya sa hotel. Gano’n pa din ang itsura
nito. Suot pa din nga nito ang shades nito. Weirdo! Bumaba na ang araw, sumikat
na ang buwan, nakashades pa din.
“Ikaw yung babae sa hotel kanina,
right?” tanong ng lalaki. Mukhang nakilala din
siya dito.
Kumunot ang noo niya. Sanay magtagalog ang koreanong ‘to? Medyo
may punto nga lang.
“Oo, ako nga. At wala ka bang
balak na tulungan akong tumayo?”
“What?”
“Ako na nga lang.”
Siya na ang tumulong sa sarili niyang tumayo dahil mukhang lutang ang kausap
niya. Pinagpag niya ang dumi sa pants niya.
“Are you okay?”
tanong ng lalaki.
“Mukha ba akong okay? Two times mo
na akong binangga! Okay ba ‘yon?”
“I’m sorry.”
“Sorry your face!”
Napatingin ang lalaki sa
paligid nila. Pa’no ba naman napalakas ang boses niya. Napailing ang lalaki.
Nagulat na lang siya ng walang paalam na hawakan ng lalaki ang kamay niya at
hinila palayo sa mga tao.
Nagpapalag siya. “Hey! Ano ba!”
Pero hindi siya nito binitawan. Hanggang sa makarating sila sa may ferris
wheel. Deretso itong sumakay do’n at syempre kasama siya dahil hawak pa din
nito ang kamay niya. Himala, walang pila
ang ferris wheel.
( A/N : haha, I can’t remember the name of that ferris wheel sa
enchanted. Wheel of something eh, wheel of fate? Ah, basta, hehe, yun na ‘yon )
Umandar agad ang ferris
wheel pagkasakay na pagkasakay nila. Mukhang sila nga lang ang nakasakay, eh.
Magkaharapan silang nakaupo.
Sumiksik siya sa isang
tabi. “Ikaw na lalaki ka! Siguro sinusundan mo ako ‘noh? Why
are you here? Stalker ba kita ha?”
Napamaang siya ng tumawa
ito. “I’m
here to enjoy. Ano bang dapat gawin dito? Mamalengke? And why should I follow
you?”
To be continue...
[Disclaimer: Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. Credit goes to the owner/s of the original photo/s used.]
EH cNo ba nMaNg hindi mbBaLiw kEi LeE miNho,,, saMa aq kEi jEn,,, hwAheHe,,,
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeleteupdate mo pa po ate please..
u'll never know.. maybe one day you'll meet him accidentally.. face to face..
ReplyDelete