Tuesday, October 16, 2012

Dreaming : Chapter 1

Ito ang storya ng isang baliw (not literal) na fan na ipapangalandakan ko sa pangalan na Jen.Aiesha Lee
* * *
>.< Grabe naman ‘tong si Ms. Aiesha. Baliw ka diyan! Parang siya hindi, eh, baliw ka din naman kay Lee Min Ho ‘noh! Parehas lang tayo! Diba nga may two hundred pictures ka sa laptop mo ni Lee Min Ho! Wahaha. Jen
* * *
Shut up! Ang ingay mo! Ipakain kita sa bulldog ko! Aiesha Lee
* * *
Oo na. Ang pikon mo talaga, haha.
(whispered) Let me rephrase what I said earlier, four hundred pictures ‘yon.Jen
* * *
Nadinig ko ‘yon. FYI, five hundred ang sayo, mas lamang ka pa din sakin.Aiesha Lee
* * *
Ang talas talaga ng pandinig kapag si Lee Min Ho ang topic. O sya, baka naiinip na kayo. At baka hindi kami pagtagpuin ng Lee Min Ho ko sa storyang ‘to pag binuking ko pa si Ms. Author. Tsk, kay malas ko naman. At dahil dyan, ito na po ang storya ko. Ng isang baliw na fan na katulad ko. Bow!Jen
^________^

CHAPTER 1
Jen’s POV

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Nakahiga sa kama, habang nakatingala sa langit, este sa kisame, hehe. Para naman kasing langit ‘yong tinitingnan ko, hindi ‘yong kisame, kundi ‘yung sandamukal na mga pictures na dinikit ko sa kisame ng kwarto ko. Alam niyo ba kung kaninong mga pictures? Pictures ni Le Min Ho. Ang kinababaliwan kong sikat na korean actor.



Baliw. That’s what my friends called me everytime I talked about Lee Min Ho, everytime I heard his name, everytime I saw him on you tube, everytime I saw him on his koreanovela on tv, basta, everything that concerns him.





First time ko siyang makita on tv, sa koreanovela niyang Boys over Flowers. And that was in 2007. He played the role of Jun Pyo. Starting that day that I saw him, naging fan na niya ko. Super-duper-uber die hard fan.



You know what was the first thing na napansin ko sa kaniya? HIS SMILE. Gusto ninyo ng sample? Eto.


Nakakainlove naman kasi ‘yong mga ngiti niyang pamatay di ba? And everytime that I saw his smile, napapangiti din ako. ^___^ See?



Pati tong mga pa-cute nyang to, grabe! I’m so…hayy. Napapa-hay na lang ako. At high na high, haha.


At katulad ng sinabi ni Miss Author, may five hundred pictures ako ni Lee Min Ho sa laptop ako. Hindi lang sa laptop ko, kundi pati sa cellphone ko. His my wallpaper and screensaver. At ang room ko, tadtad ng pictures nya.



And whenever na bad mood ako, titingnan ko lang ang pictures niya, I felt okay na. Gano’n lang talaga siguro ang mga baliw na katulad ko, simpleng ngiti lang niya, okay na ang lahat.



Hindi lang naman ang mga ngiti niya ng ang nagustuhan ko, pati ‘yong personality niya. Lahat-lahat. Oo, feeling ko, kilalang-kilala ko na siya. Updated kasi ako sa mga nangyayari sa kaniya.



And to make the long story short, nag-join ako sa Minoz Philippines Fans Club, ang official fan club ni Lee Min Ho dito sa Pilipinas no’ng 2008. Yey!



Napangiti ako. Ang tagal ko na palang member ng Fans Club niya.



Kinuha ko ang picture frame niya sa side table ko. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Makikita na din kita!”



Oo, tama ang sinabi ko. Makikita ko na din siya. Kailan? Tomorrow. Ikakasal na kasi kami. Wahaha. Nah! I’m just kidding. Pupunta siya dito sa Pilipinas para i-meet ang mga fans niya. At ako ‘yon. I mean kami ‘yon. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko ‘yon three weeks ago.



Tumalon ako.



Nagtumbling.



Nagsplit.



Nag-break dance.



Belly Dance.



Nag-gangnam style.



Pati teach me how to doggie, pati yung isa yung mga doggie din. yung ano, yung..



AIESHA: Fresh like doggie yun, shunga!



Oo, tumpak! galing mo tlaga miss, author ^^



Continue…



Bumirit ako ng kanta ni Whitney Houston kasabay sa pagsayaw ng moves ni Micahel Jackson.



Nagpa-handa ng isang litson.



Litsong manok.



Wahaha. Joke lang. Nagtatatalon with matching sigaw lang ako ng malaman kong bibisita siya dito sa Pilipinas for the first time. Sa wakas, makikita ko na din siya ng personal!



“I love you, Lee Min ho!!!” malakas kong sigaw.



Ilang segundo lang ang lumipas, nakadinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. “Jen, ano ba ‘yan! Ang ingay mo! Nababaliw ka naman dyan!” Boses ‘yon ng mudra ko.



Napangiti lang ako. Sanay na ako sa mudra ko, sanay na din siya sakin. Sa mga kabaliwan ko kay Lee Min Ho. Ang sabi nga ni mama, buti nga daw hindi ako natutuluyan. Kulang na lang daw, magsuot ako ng damit ng mga baliw dahil bigla na lang akong napapatili kapag nakikita ko si Lee Min Ho sa tv.



Nang minsang abutan ako ni mudra na nakatulala habang nakangiti at nanonood ng City Hunter, ‘yong latest na show ni Lee Min Ho sa sala.



Alam ninyo ba kung ano ang sinabi niya?



Seryoso niyang sinabi. “Jen, dalhin na kaya kita sa isang Psychiatrist. Ang tagal na niyan, eh, 

baka matuluyan ka na. Nurse ka pa mandin sa isang mental hospital. Baka nahawa ka na sa mga baliw do’n.”



Tinawanan lang niya ang sinabi ng mudra niya. “Seryoso ka, ‘Ma? Alam mo namang pangtanggal ko ng stress si Lee Min Ho, eh. Siguro ‘Ma, baka kapag napangasawa ko siya, do’n lang ako tuluyang mabaliw. Ano kayang magandang gown para sa kasal namin? Hmm..”



“Alam mo ang tawag dyan? Kabaliwan.”



Si mama talaga.



Nadinig kong kumatok uli si mama. “Isa pang sigaw, idederetso na kita sa mental!”



“Sa panaginip na lang po, ‘Ma.” natatawang sagot ko.



“Matulog ka na nga! May date pa kayo ng Lee Min Ho bukas!”



“Kaya ako sa’yo, ‘Ma eh. Goodnight, ‘Ma. Love yow!”



Tiningnan ko uli ang picture frame na hawak ko. Niyakap ko ‘yon. “See you tomorrow, my dear Lee Min Ho.” May ngiti sa labing pinikit ko ang mga mata ko. Sana lang makatulog ako. Dahil sobrang excited na talaga ako. Super-duper-uber excited!




* * *




Halos magkandarapa siya sa pagtakbo palapit sa elevator. Habang hawak ang cp niya at tinetext si Raine, ang bestfriend niya na member din ng fans club ni Lee Min Ho. Hindi tuloy niya napansin ang isang taong palabas ng elevator. Nagkabungguan tuloy sila. Nabitiwan niya ang phone niya at lumagpak sa sahig. Muntik pa siyang sumama sa paglagakpak ng phone niya kundi lang siya naalalayan ng taong bumangga sa kanya.



Napatingala siya sa damuhong bumangga sa kanya. Isang matangkad na lalaki ang tumambad sa kanya. Hanggang balikat ang buhok nito. May bigote ito. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil naka-dark shades ito. May nunal ito sa bandang kaliwa ng mata. Naka-cap din ito.



In short, hindi ko masyadong mabistahan ang  mukha ng lalaki. Hay, hindi ito ang oras para alamin ko ang itsura niya. Nagmamadali ako.



“Bya ne yo.” wika ng lalaki, bago siya bitawan.



Kumunot ang noo niya. Koreano pala ‘to? Nakakaintindi siya ng Korean pero kaunti lang.



“I said I’m sorry.” pagta-translate ng lalaki.



“I know. And it’s not okay. Paano ba naman nakashades ka, panong hindi mo makikita ang dinadaanan mo. Mag-iingat ka kasi.” Wala akong pake kung hindi nito maintindihan ang sinabi ko. Nakakainis naman kasi, kung kailan nagmamadal babanggain pa ako. Badtrip pa ko ngayon tapos dumagdag pa ‘tong lalaking ‘to.



Tiningnan niya ang ayos nito. “Saka bakit ganyan ang ayos mo? Nadapa ka ba? At mataas ang araw dito sa loob ng hotel at kuntodo shades at cap ka pa?”



“I’m sorry, okay. I have to go.” Iyon lang at nagmamadali nang umalis ang lalaki habang lumilinga. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niyang matino.



Anong problema no’n? Naintindihan ba no’n ang sinabi ko? Hay, bahala nga siya. Mukha pa siyang ewan sa itsura niya. Naka-fade jeans kasi ito na butas-butas tapos naka white t-shirt lang. Buti pinapasok ‘yon dito sa hotel na ‘to. Sanay palang mag-english, nag-korean pa. Hmp! Kakainis!
Pero infairness, ang bango niya. Saka masyado siyang matangkad.



Teka, nagmamadali nga pala siya. Pinulot niya ang phone niya at nagmamadaling pumasok sa isang elevator na kakabukas pa lang.




* * *





“Nakakainis!” Binuksan niya ang kotse niya at padabog na pumasok sa loob. Confirm! Hindi tuloy ang pakikipagkita ni Lee Min Ho sa kanila ngayong araw. Sa isang araw pa daw. Kinansel kanina. Nasa byahe siya kanina ng magtext si Raine, hindi daw tuloy.



Akala ko naman, pinagtitripan lang ako no’n. Totoo pala. Ang aga ko pa namang gumising. Todo handa ever pa ko, tapos hindi ko pa siya makikita? Hay naku!



“Pero teka, bakit ba ako maiinis eh makikita ko naman siya sa susunod na araw?” She sighed. “Excited lang talaga ko. Excited na excited. Nag-gown pa man din ako, tapos wala din. Nagpa-parlor pa naman ako tapos ngayon? Nganga!” Hehe, joke lang.



Pinaandar niya ang kotse at nag-isip kung sa’n siya pupunta ngayong araw. Wala ang mudra at pudra niya sa bahay, umalis ang mga ito kasama ang bunso niyang kapatid. Sunday ngayon. Nag-bonding ang mga ito. Dapat kasama ako sa kanila kung nalaman ko lang ng maaga na hindi matutuloy ang... Napabuntong-hininga siya.



Ayoko nga munang isipin ‘yon. Ang dapat kong isipin ay kung sa’n ako pupunta ngayon. Hmm… Isip-isip, Jen. Think! Ah! Alam ko na!






* * *






“San kaya ako sasakay?” Nandito siya ngayon sa Enchanted Kingdom. With her self, soul and body. In short, ako lang mag-isa. Trip ko, eh. Bakit ba? Hehe.



Nakatayo siya sa gitna habang nag-iisip kung anong sasakyan niyang rides. Space Shuttle na muna kaya ang sakyan ko? Oo nga. Yun muna. Wahehe. Masaya ‘to!



Hahakbang na sana siya papunta do’n ng may bumangga sa likod niya. Na naman?! Kung kanina, hindi siya natumba, ngayon naman tuluyan na siyang napasalampak sa semento. Buti nga hindi una ang fes niyang maganda.



“Aray naman!! Wala ka bang mata?!” inis na wika niya, sabay tingala sa damuho o damuhang bumangga sa kanya. Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ‘to?!



Kumunot ang noo niya ng makilala ang bumangga sa kanya. “Ikaw na naman! Teka sinusundan mo ba ko?!” Ito yung lalaking bumangga kanina sa kaniya sa hotel. Gano’n pa din ang itsura nito. Suot pa din nga nito ang shades nito. Weirdo! Bumaba na ang araw, sumikat na ang buwan, nakashades pa din.



“Ikaw yung babae sa hotel kanina, right?” tanong ng lalaki. Mukhang nakilala din siya dito.
Kumunot ang noo niya. Sanay magtagalog ang koreanong ‘to? Medyo may punto nga lang.



“Oo, ako nga. At wala ka bang balak na tulungan akong tumayo?”



“What?”



“Ako na nga lang.” Siya na ang tumulong sa sarili niyang tumayo dahil mukhang lutang ang kausap niya. Pinagpag niya ang dumi sa pants niya.



“Are you okay?” tanong ng lalaki.



“Mukha ba akong okay? Two times mo na akong binangga! Okay ba ‘yon?”



“I’m sorry.”



“Sorry your face!”



Napatingin ang lalaki sa paligid nila. Pa’no ba naman napalakas ang boses niya. Napailing ang lalaki. Nagulat na lang siya ng walang paalam na hawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila palayo sa mga tao.



Nagpapalag siya. “Hey! Ano ba!” Pero hindi siya nito binitawan. Hanggang sa makarating sila sa may ferris wheel. Deretso itong sumakay do’n at syempre kasama siya dahil hawak pa din nito ang kamay niya. Himala, walang pila ang ferris wheel.



( A/N : haha, I can’t remember the name of that ferris wheel sa enchanted. Wheel of something eh, wheel of fate? Ah, basta, hehe, yun na ‘yon )



Umandar agad ang ferris wheel pagkasakay na pagkasakay nila. Mukhang sila nga lang ang nakasakay, eh. Magkaharapan silang nakaupo.



Sumiksik siya sa isang tabi. “Ikaw na lalaki ka! Siguro sinusundan mo ako ‘noh? Why are you here? Stalker ba kita ha?”



Napamaang siya ng tumawa ito. “I’m here to enjoy. Ano bang dapat gawin dito? Mamalengke? And why should I follow you?”





To be continue...


[Disclaimer: Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. Credit goes to the owner/s of the original photo/s used.]




3 comments:

  1. EH cNo ba nMaNg hindi mbBaLiw kEi LeE miNho,,, saMa aq kEi jEn,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    update mo pa po ate please..

    ReplyDelete
  3. u'll never know.. maybe one day you'll meet him accidentally.. face to face..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^