Friday, October 19, 2012

Dreaming : Chapter 2

CHAPTER 2
Jen’s POV



Napamaang na lang siya. Hindi sa sinabi nito. Kundi sa tawa nito. Para kasing familiar sa kanya ang tawa nito, eh. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig.


“Anong tinatawa mo dyan?” inis na tanong niya.


“Wala naman. Ngayon lang kasi ako…”


“Ngayon lang ano?”


Tumikhim ito ng malakas. “Never mind. By the way, ang ganda pala dito sa bansa ninyo.”


Kumunot ang noo niya. “First time mong pumunta dito?”


“Yap.” Tumanaw ito sa bintana.


“Diba koreano ka, bakit sanay kang mag tagalog?” tanong niya.


Napatingin ito sa kaniya. “How did you know that I’m a korean?”


“Yung sinabi mo kanina na bya ne yo.”


“You know how to speak our language?”


“No. Nakakaintindi lang ako ng mga simple korean. Eh, ikaw? San ka natutong mag-tagalog? May lahi ka bang Filipino?”


“Reporter ka ba?”


“What?”


“Wala. Yung cook namin sa Korea ang nagturo sakin.”


“Nasan na yung mga kasama mo? Ikaw lang ang nandito sa Pilipinas?”


“May kasama ko.”


“Asan sila?”


“Reporter ka siguro noh?”


“Hindi ako reporter. Nurse ako okay.”


“Nurse ka?”


“Sinabi ko na, kailangan ko pa bang ulitin?”


Napailing na lang ito at hindi na sumagot. Sakto naman na nasa taas na ang kinalalagyan nila. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Pinagpawisan siya ng malapot. Napatingin siya sa bintana.


“Oh my God!” Napahawak siya sa upuan niya at napapikit. Bakit ganito ‘yong pakiramdam ko? Hindi naman ako takot sa heights, ah. Pero bakit ngayon nakakaramdam ako ng takot?


“Hey are you okay?” tanong ng lalaki.


Tumango lang siya kahit gusto ng bumaligtad ng sikmura niya.


“I think you’re not.” wika ng lalaki. Naramdaman niyang nasa tabi na niya ito. “Are you afraid of heights?” tanong nito.


“N-no!” sigaw niya.


“You don’t need to shout, okay!” Hinawakan nito ang kamay niya. “You’re shivering. Ngayon mo sabihing hindi ka natatakot.”


“O-oo na!” Bakit ba kasi ako natatakot ng ganito? Inuulit ko, hindi ako takot sa heights. Kaya hindi ko ma-gets kung bakit takot na takot ako ngayon.


“Jeez! Ngayon lang may sumigaw sakin ng ganito.” bulong ng lalaki. Hanggang sa maramdaman niyang nakasandal na siya sa dibdib nito.


“Hindi ako nananatsing, I’m just trying to comfort you.”


Gusto ko sanang pumalag kaya lang…ang bango talaga niya, eh.


Hanggang sa mag-umpisa itong kumanta. Ang takot na nararamdaman niya ay unti-unti niyang nakakalimutan. Dahil nakatuon ang pansin niya sa kinakanta ng lalaki. Alam ninyo ba kung anong kinakanta niya? My Everything ang title pero korean ‘yon. Alam ninyo ba kung sino ang kumanta no’n? Ang mahal kong si Lee Min Ho. At bakit gano’n? Bakit parang magkaboses sila? Lalo na ngayong nakapikit siya, feeling niya si Lee Min Ho talaga ang kumakanta. Jeez! Naaaning na naman ako!


“Alam mo may ka-boses ka. Alam mo kung sino?”


Napahinto ito sa pagkanta. “Pa’no ko malalaman kung hindi mo sasabihin?”


“For sure kilala mo siya, sikat siya sa Korea.”


“S-sino?”


“Si Lee Min Ho. Kanta niya yang kinakanta mo, eh.”


Sunod-sunod na napaubo ang lalaki.


Napadilat siya at tiningala ito. “Okay ka lang?”


“O-oo.”


“Akala ko naman—” Natutop niya ang bibig niya. Naramdaman niyang tila hinahalukay ang sikmura niya.


“Don’t tell me?”


Tumango siya. Oo, nasusuka ako.


Napalayo ito sa kaniya. “Huwag mo kong susukahan.”




* * *





Nagpunas siya ng bibig niya. Nakakainis naman. Bakit ba ako nagsuka? Hindi naman ako hiluhin? Ang weird. Lumabas na siya ng comfort room. Kaya laking gulat niya ng makitang nasa labas ang lalaki kanina na tila iniintay siya.


Stalker ko ba ‘to at sunod ng sunod sakin? Pinagmasdan niya ito. Siguro kung gugupitan ang buhok nito at ahitan ang mustache nito, okay ito. Okay naman ito ngayon kaya lang naman kasi, yung ayos nito para itong ewan, nakashades pa. Gabi na. Pinagtitinginan tuloy ito ng mga tao.
 

Napansin siguro nito na may nakatingin dito kaya napalingon ito sa gawi niya. Napaderetso ito ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader. Lumapit ito sa kaniya.


“Are you okay?” tanong nito.


“Yah. And why are you still here?”


Hindi ito nakasagot. Kaya tinalikuran na lang niya ito. Sasakay pa siya sa space shuttle.


“Hey! Miss!” Napahinto siya ng tawagin siya nito.


Nilingon niya ito. “Why?”


Napakamot ito ng ulo. “Ano kasi…I’m not familiar with this place. Can I go with you?”


Napahalukipkip siya. “Magsabi ka nga ng totoo. Stalker ba kita?”


“Of course not! Ako? Stalker? Sa gwapo kong ‘to?”


Gwapo? Eh, hindi nga niya mabistahan ang itsura nito. “Eh, bakit kasi hindi ka nagpasama sa mga 
kasama mo?”


“Gusto ko lang mapag-isa. Sawa na kong laging may nakasunod sakin. May driver naman akong kasama, iniwan ko lang sa parking lot.”


“Nakasunod sa’yo? Ano sila, bodyguard mo?”


“Sort of.”                                                                                                                                           


“Wow. Sosyal ka pala. May pa-body-bodyguard ka pang nalalaman dyan. Ano ka, artista? Anak ng presidente?”


“Kung ayaw mong maniwala, fine. So, can I go with you?”


“Diba sabi mo gusto mong mapag-isa? Bakit sasama ka pa sakin?”


“What I mean sa gusto kong mapag-isa, ayoko muna silang kasama. Hindi ka kasali sa kanila.”


“Ang gulo ng sagot mo.” Pinagmasdan niya uli ang lalaki. “Hmm…Mukha ka namang mabait. At baka sabihin mong ang sama ng mga Pilipino. Mabait kami, lalo na ako. Tara!” Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Naglakad na siya papunta ng space shuttle.


 “Hey! Wait!” Humabol ito sa kaniya. “Jeez! Ngayon lang ako naghabol ng ganito.” nadinig pa niyang wika ng lalaki. Hindi na lang niya ito pinansin.




* * *




Ang dami nilang sinakyan na rides ng lalaki. Halos lahat ata. Para nga itong batang ngayon lang nakalabas ng lungga. Ngayon naman, nag-aaya itong bumili ng ice cream.


“O sige. Basta libre mo ko.”


“Oo ba, Tara!” Nauna na itong naglakad sa kaniya ng bigla itong mapahinto at nilingon siya. Mabilis itong lumapit sa kaniya. At hinawakan ang kamay niya. “Ang sabi ko tara na.” nakangiting wika nito. 
Nagpatangay na lang siya dito.


Kanina pa niya napapansin. Yung mga ngiti nitong lalaking ‘to. Parang nakita na niya, eh. Sa totoo lang, parang araw-araw niyang nakikita ang mga ngiti nito. Saan ba? Saan nga ba niya nakita?


“Oh.”


Napakurap siya. May inabot itong ice cream sa kaniya. Kinuha niya ‘yon.


“Go ma wo.” nakangiting wika niya.


( A/N : Go ma wo – Thanks )


Nginitian lang siya nito. Umupo sila sa malapit na bench.


“Alam mo yang ngiti mo nakita ko na.” Inalala niya kung saan. Ng may isang image na pumasok sa isip niya. “Oo. Magkahawig kayo ng ngiti ni Lee Min Ho.”


Napaubo na naman ito. “N-ni ano? Ni Lee Min Ho?”


“Yap.” Sumubo siya sa cup ng ice cream niya.


“Fan ka ba niya?”


Lumapad ang ngiti niya. “Die hard fan kamo. Nabalitaan mo ba? Dapat ngayon siya makikipagmeet sa Minoz Fans Club dito sa Pilipinas, hindi nga lang natuloy.”


“Ah, o-oo. I heard about it.”


Napanguso siya. “Kakainis naman kasi. Gusto ko na siyang makita in person tapos nabulilyaso pa. Pero okay lang, sa susunod na araw makikita ko na siya.”


“Paano ka ba niya naging fan?”


“Kasi ganito ‘yon…” Kinuwento niya dito ang kinuwento ko din sa inyo kanina. Nakikinig lang ito habang kumakain ng ice cream.


“Kaya nga gustong-gusto ko na siyang makita. Kahit sa malapitan lang, okay na sakin. Gusto ko lang mag-thank you kasi naging inspiration ko sya sa pag-aaral ko dati, Kahit naman until now, inspiration ko pa din siya lalo na’t kapag stress ako sa trabaho ko.” wika niya pagkatapos magkwento.


“Don’t worry. Hindi mo lang siya makikita sa malapitan, mayayakap mo pa siya. At mahahalikan.” wika nito.


Napalingon tuloy siya dito. Tinabig niya ito ng bahagya. “Grabe ka naman. Sobra na yong yakap at halik. Pero magdilang-anghel ka sana.” natatawang wika niya.


Sumubo ito ng ice cream nito bago nagsalita. “That’s a promise.”


Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Promise? Pero hindi na niya napagtuunan ng pansin ang sinabi nito dahil naagaw ng pansin niya ang mukha nito.


“Alam mo kung tatanggalin lang natin yang shades mo at yang bigote mo…” Hindi niya namalayang napaangat na ang kamay niya palapit sa bibig ng lalaki. “…pwede mong maging kahawig si—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bumgsak ang ice cream na hawak ni Lee Min Ho sa damit nito.


Agad niyang kinuha ang panyo niya sa bulsa niya at pinahidan ang damit nito. “Okay ka lang?” tanong niya. “Sayang tuloy ‘yong ice cream.”


“Yong ice cream talaga ang pinanghinayangan mo noh?” natatawang wika nito. “Ako na.” Kinuha nito ang panyong hawak niya at ito na mismo ang nagpunas sa damit nito.


“May sinabi ba kong mali? Para kasing nagulat ka kaya nabitiwan mo ‘yang ice cream, eh.”


“Wala. Nadulas lang sa kamay ko.” Nang makadinig siya nang nag-ri-ring na phone. Hindi niya ringtone ‘yon. Kaya malamang sa lalaki ‘yon. Oo, sa lalaki nga dahil kinuha nito ang phone nito sa bulsa nito.


“Hello.” bati nito sa kausap nito. Matagal bago ito nagsalita uli. Hindi na niya maintindihan ang sinabi nito dahil malalim ang korean na ginamit nito. Mga simple words lang naman ang alam niya. Then he hanged up the phone.


“I have to go.” nakangiting wika nito.


“Gano’n ba?” Bakit parang nalungkot pa siya? Pinilit niyang ngumiti. “Ingat ka.”


Tumayo na ito. Tumayo na din siya.


“I had a lot of fun here. Mukhang mapapadalas ang pagpunta ko dito sa bansa niyo pag hindi hectic ang sched ko.”


Basta ba hindi na ako ang tour guide mo.” biro niya.


“Edi hindi na ako pupunta dito kung hindi lang din ikaw ang magiging tour guide ko.”


“Hah?” Seryoso ba ‘to?


Ginulo nito ng bahagya ang buhok niya. “Kam sa hab ni da.”


( A/N : Kam sa hab ni da – Thank you )
“Your welcome.”


Humakbang na ito paatras. Pero hindi pa din ito tumatalikod sa kaniya. Mukhang may gusto pa itong sabihin. Napakamot ito ng ulo.


“May sasabihin ka pa?”


“Na neun ye pu da. Inside and out. Mag-ingat ka pauwi.” Iyon lang at tuluyan na itong tumalikod sa 
kaniya.


“What did he said? Na nun ye pu da?” Kinuha niya ang phone niya at tinayp ang salitang sinabi ng lalaki. Titingnan niya sa internet ang transalation no’n.


Teka! wait! Nilingon niya ang lalaki. Hindi na niya ito matanaw. “Sayang. Hindi ko man lang nalaman ang name niya, maski ako, hindi man lang niya nalaman ang pagkaganda-ganda kong pangalan. Ang lagay eh kanina pa kami magkasama.”


Humakbang na siya palapit sa space shuttle. Sasakay pa siya ng isa bago umuwi. Wahehe. 



To be continue...
 

5 comments:

  1. you're not alone miss author. marami talaga kaming nababaliw kay lee min ho hahaha!!! i love this story. parang nakikita ko rin ang sarili ko kay jen.

    ReplyDelete
  2. i łovë ýøů jūnpýő.. hâhą aňģ gäłìņğ nîa mągťagäłôg.. Ü

    ReplyDelete
  3. ang CUTE!!! i really wish na sana mei kasama din akong someone like him when im jz alone sa amusement park.. hahah.. nangangarap na rin eh..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^