Saturday, October 20, 2012

Witchcraft and Wizardry: Chapter 8

WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM 

CHAPTER EIGHT


     WALA akong ibang marinig kundi hagulgul ng mga tao. Ito rin ang unang pag-kakataon na nakita kong umiyak si Jin at Laurence. Halos mapaupo na ang mama ni Jeremy sa lupa dahil sa kakaiyak habang inaalalayan sya ng asawa nya. Nan dito din ang mga magulang ni Kei, dahil sa ilang araw ng pag-kawala ni Kei unti unti na rin silang nawawalan ng pag-asa.





     Sina mama at papa pati na ang mga taong nag-mamahal kay Jeremy. Lahat sila nan dito ngayon para ihatid si Jeremy sa huli nyang hantungan. 





     "Jay, pag namatay ako gusto ko naka-pula ka. Tapos tumatawa ka ng malakas. Tapos gusto kong kantahin mo yung kanta ng Low Shoulder na Through the Trees."





     Hindi ko na rin napigilang mapaiyak ng maalala ko nung sabihin sakin ni Jeremy yan noon. Tinawana ko lang sya, binatukan ko pa nga sya eh. Sinabi ko masamang damo sya, sila nila Laurence, Jin, at Kei. Hindi sila madaling mamatay kasi masamang damo sila.






     Pero heto sa harapan ko ngayon si Jeremy, hindi na humihinga. Ang daya nya! Sabi nya sakin hindi nya kami iiwan ni Laurence eh! Bakit sya nakahiga dyan ngayon?





     "Jeremy! Hoy! Muntungek ka naman eh! Bumangon ka nga dyan! Sabi mo di mo kami iiwan diba? Daya mo naman eh!"sabi ko sa kaniya habang umiiyak. Hindi na ko makahinga sa pag-iyak ko lalo na ng patugtugin na yung kantang ni-request nya habang binababa sya sa hukay.


[Click nyo lang kung gusto nyo pakinggan .. bawal umiyak hu .?! hehe ..]




     Napahagulgul na rin ako sa iyak, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nang-yayari lahat 'to. Ayaw kong isipin na si Jeremy ang nan dun sa loob ng kabaong. Parang gusto kong isipin na isa lang 'tong bangungot, na hindi totoo lahat.





     "Jeremy!"tawag ni Laurence. Pero kahit anong tawag pa gawin nya hindi na sya maririnig pa ni Jeremy. Wala na si Jeremy. Masakit tanggapin pero yun ang totoo. Wala na sya.











__________


     WALA akong gana habang nag-lalakad ako pauwi samin. Hindi ko na nga napansin pang namatay yung poste ng ilaw nung dumaan ako dahil lumilipad ang utak ko. Sobrang stress na ko sa mga nang-yayari. Ramdam na ramdam ko na yung pagod, physical man o emotional.





     Hanggang sa mga oras na yun hindi ko paring mapigilang umiyak pag naalala ko si Jeremy. Para akong sira sa daan. Panay lang ang punas ko sa luha ko.





     "Bibini. Wag ka nang umiyak."napahinto ako ng marinig ko ang isa sa druids na si Esras. Galit ko syang nilingon. Kasama nya yung tatlo pang druids.





     Sa totoo lang masamang masa loob ko ngayon. Dahil bukod sa pag-kamatay ni Jeremy na sinabayan pa na hindi namin nahanap si Kei ay pinag-sinungalingan ko rin yung pag-kamatay ni Jeremy.





     "Wag akong malungkot?! Nawawala parin si Kei hanggang ngayon! Namatayan ako ng kaibigan at nag-sininungaling ako na nabagok ang ulo nya habang nag-hahanap kay Kei kaya sya namatay tapos sasabihin mo na wag ako malungkot?!"sumisigaw na ko habang umiiyak. Nakita ko, nagulat sila sakin at natakot lalo na si Esras.





     "Pa--paumanhin."sabi nya sakin, pero mainit talaga ulo ko ngayon.





     "Sorry?! Akala ko ba mga wizard kayo?! Akala ko ba magaling kayo sa magic?! Bakit wala man lang kayong nagawa nung papatayin na sya ng bwisit na demonyong yun! Kung totoong may mga magic kayo bakit hindi nyo kayang buhayin si Jeremy?! Bakit hindi nyo mahanap si Kei?! Mga sinungaling kayo! Lahat kayo!"





     "Hayaan mo muna kaming mag-paliwanag binibini."si Morfesa naman ang nag-salita.





     "Ano nanaman sasabihin nyo? Puro kasinungalingan? Ito?"hinubad ko yung suot kong kwintas na pinagsasabitan ng Stone of Destiny. "Ito ang may kasalanan ng lahat eh!"tapos hinagis ko yung bato. Badtrip na ko eh. "Tigilan nyo na ko! Tama na 'tong kalokohan na 'to!"pag-sabi ko nun aalis na sana ko kaso biglang nag-salita si Uisias.





     "Hindi kami makakagawa ng magic hanggat wala samin ang mga sandata namin."sumigaw sya para marinig ko. Napahinto tuloy ako at napalingon ulit sa kanila. Nag-continue lang sa pag-sasalita si Uisias. "Nang ikulong kami ni Lycus sa Favaer kinuha nya ang mga sandata namin. At hanggang ngayon hindi namin alam kung saan nya ito inilagay o itinago."napakunot ang nuo ka sa kanila. "Hanggang sa mga oras na 'to wala kaming maipapakitang kapangyarihan sayo hanggat wala sa amin ang mga iyon. Kaya sana maintindihan mo kung bakit wala kaming nagawa nung mga panahong sumugod si Lycus."mahinahon na ang boses ni Uisias ngayon. Halata sa mukha nya na parang nag-mamakaawa syang paniwalaan ko sya.





     Pero ewan ko! Magulo talaga utak ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pagod na pagod ako ngayon. Maraming tanong sa isip ko. Parang gusto ko ng matulog para bukas pag gising ko wala na lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng pahinga, ng oras, ng panahon para makapag-isip.





     Hindi na ko nag-salita, tinalikuran ko na lang sila. Susundan pa sana ako ni Esras pero nakita ko na pinigilan sya ni Semias. Narinig ko rin yung sinabi niya kay Esras. "Hayaan na muna natin sya. Kailangan nyang makapag-pahinga at makapag-isip."





     Diretso lang ako sa kwarto ng makarating ako sa bahay. Hindi na nag-tanong pa sakin sina mama at papa dahil alam nilang stress ako buong mag-hapon. Binagsak ko yung katawan ko sa kama. Pinikit ko ng mariin yung mga mata ko. Ilang segundo lang naramdaman ko nanaman na tumulo luha ko. 





     Sana makatulog na ko. Para bukas pag-gising ko tapos na 'to lahat...









________


     TATLONG araw matapos yung libing ni Jeremy, nakatanggap ako ng balita tungkol kay Kei nung tawagan ako ni Laurence. Parang guguho mundo ko nung sabihin nyang patay na rin si Kei.





     Nakita na daw ang katawan nya. Wala nang buhay. Nang matanggap ko yung balita na yun hindi na ko lumabas ng kwarto.Ni hindi na nga ko pumunta sa libing ni Kei. Hindi ko na kasi kayang makita na may isa nanaman sa kaibigan ko na nakahiga sa kabaong.





     Sobrang depress na ko. Pakiramdam ko para na kong mababaliw sa mga nang-yayari. Ito ba talaga yung fate ko? Umabot na rin ako sa punto na kwini-kwestyon ko si LORD. Alam kong mali pero bakit? Bakit ganito yung mga nang-yayari?





    DALAWANG araw na ang lumipas pero hindi parin ako lumalabas ng bahay. Dinadalaw ako nila Jin at Laurence pero hindi ako nag-papakita. Hinahanap na rin ako ni Doctor Park kanila mama.





     Ayaw ko na lumabas ng bahay. Natatakot na kong dumikit kahit sino man sa mga taong mahalaga sakin dahil naiisip ko baka magaya din sila sa nang-yari kay Kei at Jeremy. Pakiramdam ko kasi isinumpa ako dahil sa sobrang pang-lalait ko noon sa mga kwentong Wizards. At kung sino mang madikitan ko mamamatay. Kung ganun lang din, mas mabuti pang mag-kulong na lang ako sa kwarto ko.





     "Jay, anak. Nan dito ang mama ni Keiigo. Gusto ko daw nya makaausap bago man lang sila umalis pabalik sa Japan."tawag ni mama sakin nung buksan nya yung pinto ng kwarto ko. Nagulat ako, kasi bakit naman ako kakausapin ng mama ni Kei? Anong meron?





      Pag baba ko, nan dun nga yung mama ni Kei. Hanggang ngayon halata parin sa kaniya yung lungkot dahil sa pag-kamatay ng kaisa isa nyang anak. Pinilit kong ngumit sa kaniya kahit na alam ko namang hindi pa rin ako nakaka-get over sa lahat.





     Umupo ako sa sofa na nasa tapat ng mama ni Kei. Nginitian din ako ng pilit ni tita. Tapos nag-umpisang tumulo yung luha nya. "Tita, wag na po kayo umiyak."sabi ko sa kaniya.





     "Pasensya ka na. Pag naalala ko kasi yung mukha ni Kei hindi ko talaga maiwasang mapaiyak. Lalo na kapag masaya syang nag-kukwento sakin tungkol sayo."





    Sakin?? "A--ano pong ibig nyong sabihin tita?"pero hindi sumagot si Tita. May inabot lang sya saking box na kasing laki ng shoe box. Nag-tataka ko namang tinanggap yun.






     "Babalik na kami sa Japan ngayon. Dumaan lang ako dito para ibigay sayo ang mga gamit na yan. Tingin ko sayo ko dapat iiwan ang mga yan."ngumiti ulit si Tita bago sya tumayo. Napatayo na rin ako kasi mukhang aalis na si Tita. "Jay. Maraming salamat sa lahat."hindi ko alam kung para saan yung pasasalamat ni Tita sakin.





     Nag-beso sya sakin tapos lumakad na rin sya palabas. Hinatid ko sya hanggang pinto habang hawak ko ang box na binigay nya sakin. Nang makaalis na sya ay bumalik ulit ako sa kwarto ko. Dun ko na rin binuksan yung box.





     Naupo ako sa sahig habang hawak yung bukas na box. Una kong nakita yung isang MP4. Naalala ko yun, yun kasi ang madalas na pinakikinggan ni Kei sa school lalo na pag bord sya. Tapos may papel na nakatupi at mga pictures na mag-kasama kaming dalawa, picture nya at naming lima nila Jeremy, Laurence, Jin at sya. Kinuha ko yung papel na nakatupi. Binuksan ko, tatlong words lang yung nakasulat pero hindi ko naiwasang mapaiyak.





     "Sira ka talaga!"sigaw ko sa picture nya na nan dun sa box habang umiiyak. "Mas lalo lang akong nahihirapang tanggapin na wala ka na. Bakit ka ba ganito?"naninikip nanaman yung dibdib ko.





     Tinupi ko ulit yung papel tapos binuksan ko yung MP4 para pakinggan yung music. Isang kanta lang yung nasa playlist. Habang pinapakinggan ko yun panay tulo ng luha ko. Hanggang sa napaduko na lang ako sa mga tuhod ko.


[click nyo lang yan para marinig nyo yung laman ng MP4 ni Kei..]






     Buong mag-hapon kong inulit ulit yung kanta sa MP4 ni Kei habang paulit ulit ko ring binabasa yung sulat nya sakin. Hanggang sa nakatulog na lang ako.








______


     NAKA-UPO kaming dalawa ni Kei sa bench. Dun sa tapat ng ilog malapit sa school kung san kami unang nag-kita. Tawa sya ng tawa kasi naaalala nya yung mga panahon na nakilala ko sya dun din mismo sa lugar na yun.





     Nakakaurat yung tawa nya kaya bintukan ko sya para manahimik sya. "Aray! Masakit yun ah! Kung ikaw kaya batukan ko!"inis nyang sabi sakin pero in-snob ko lang sya. "Jay!"tawag nya sakin. Lumingon naman ako. Ang sira ulo bigla ba naman akong pinitik sa nuo!





     "Aray!"napahawak ako sa nuo ko. Feeling ko namumula sya dahil sa lakas ng pitik ni Kei. Kainis natawa pa sya. Susuntukin ko sana sya kaso nahawakan nya kamay ko. Tapos tumitig sya sakin, yung mukha nya unti unti naging seryoso. Nailang tuloy ako kaya hinawi ko yung kamay ko saka umiwas ako ng tingin sa kaniya.





     Narinig ko tumawa sya ng mahina. "Hindi ka ba nag-tataka kung bakit nang-yayari ang mga bagay na 'to sa buhay mo?"bigla nyang tanong.





     Napanga-nga ako, para kasing ang layo ng tanong nya. Di ko ma-gets. "Hu?"kunot nuo kong tanong sa kaniya. Ngumiti bago nag-salita ulit nung tumingin sya sakin.





     "Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao may dahilan. Para malaman mo ang dahilan kailangan mong alamin ang pang-yayari. Ang buhay ng tao parang logic, dami pasikot sikot, nakakalito. Pero once na napag-isipan mo ng maayos magiging malinaw sayo lahat."





     Umiiral nanaman pagiging Aristotle ni Kei. Pag inaatake sya ng pagka-Aristotle nya wala kang maiintindihan sa mga sinasabi nya. Tulad ngayon. May pa-logic logic pang nalalaman.





     "Ewan ko sayo Keiigo. Ikaw lang naman ang logical mag-isip. Idadamay mo pa yung buhay. Ang buhay ng tao hindi na kailangang pag-isipan. Kung ano yung gusto mong gawin gawin mo. Maiksi lang buhay, isa pa wala ka nang oras para mamili pa ng mga bagay na dumarating sayo. 70-80 years lang ang itatagal ng buhay mo. Maswerte na yung aabot ng 90. Para sakin maiksi lang yun. Lalo na kung limitado lang ang katawan mo sa pag-gawa ng mga gusto mo."





     "40 mahina na health ng iba kaya hindi na nila nagagawa mga bagay na gusto nila. Kaya kung ano yung lumapit sayo na opportunity wag mo nang pag-isipan. Kunin mo na agad. Malay mo yun naman pala yung itinakda sayo, pero dahil sa ayaw mo at mapili ka hindi mo malaman kung ano ang nag-hihintay sayo sa dulo. Ang ikot ng opportunity parang total eclipse, every 360 years lang. Kung ganun ikot ng opportunity hindi ka talaga aabutan dahil 80 years lang ang itatagal ng buhay mo. Malas mo kung hindi ka pa umabot dun. Kaya hindi mo na dapat pag-isipan pa."





     Ang haba ng paliwanag ko. Pero yan talaga ang pananaw ko sabuhay. Kanya kanya lang naman tayo ng pananaw eh. Free country naman tayo. Pwede nating sabihin kahit anong gusto nating sabihin at gawin ang kahit anong gustuhin natin.





     Natawa ulit si Kei. "Talata? Yun naman pala eh! Ikaw na mismo nag-sabi. Grab lang ng grab! Eh di wag ka na mag-isip! Wag ka na mag-mukmok! Gawin mo na kung ano yung dapat mong gawin. Malay mo yun naman pala yung nakatakda sayo!"





     "Ano?"ang layo ng presensya ni Kei. Ang lalayo kasi ng mga sagot nya eh. Muntungek lang talaga! Hirap kausap ng utak Aristotle!





     Binatukan nya ko. "Engot mo talaga! Gumising ka nga!"pakiramdam ko umakyat yung dugo ko sa ulo ko dahil sa galit. Ang lakas kasi ng batok nya.





     "Sira ulo ka talaga!"gaganti pa sana ako kaso lang bigla syang tumakbo. Hinabol ko sya habang sya naman tawa lang ng tawa.









     MARAHAN kong dinilat mata ko. Dilim yung unang sumalubong sakin. Saglit kong inalala yung nang-yari. Gumalaw ako kaya natanggal yung headset na nasa tenga ko. Napansin ko rin na naka-higa pala ako sa sahig.





     Naka-tulog pala ako habang nakikinig ng MP4 ni Kei. Naupo ako at kinuha ko yung cellphone ko para tingnan yung oras. Pasado alas dose na pala ng gabi. Ang haba ng tulog ko. Tumayo ako para buksan yung ilaw, sumalubong sa kama ko si Javin. Mukhang kanina nya pa ko pinanunood habang natutulog ako sa lapag.





     Nilapitan ko sya, natigilan ako nung makita ko ulit yung sulat ni Kei. Dinampot ko yun tapos naupo ako sa kama. Bumalik sa alaala ko yung napanaginipan ko. Weird lang kasi parang nakikipag-usap sya sa panagnip ko. Parang alam nya kung ano yung nang-yayari sakin. Habang pinagninilaynilayan ko yung mga sinabi nya dun ko lang naisip na tama sya.





     May dahilan nga lahat kung bakit nang-yayari 'to. Sa ngayon hindi ko alam kung ano pero para malaman ko kailangan kong i-grab ang opportunity na lumapit dahil hindi ko malalamn kung iyon nga ba talaga ang itinakda sakin o hindi. Although hindi ko naman matatawag na opportunity yung pagiging Satori ko kailangan ko paring gumising! Sobrang dami kong tanong at para masagot lahat yun kailangan kong harapain ang mga mang-yayari.










     Kailangan kong alamin ang dahilan kung bakit nang-yayari 'to lahat...







. . . to be continued




2 comments:

  1. aTe kHit aNong saBihiN mOng waG uMiyaK pa riN aKo,,, huMaguLgoL na nga aKo daHiL nMataY si JeReMy taPos paTi pa paLa si kEi,,, hwaAaah naiYak tLga aq sa cHaPter na tO,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^