Saturday, October 20, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 8

CHAPTER EIGHT

     NAKATITIG  lang si Mino kay Nicole habang panay ang tulo ng luha nito. Nasa soccer field na sila ng mga oras na yun. Hikbi lang ng hikbi si Nicole. Hindi naman malaman ang itsura ni Mino. Ewan nya kung maaawa ba sya o maiinis dito. Sa tuwing na lang kasi mag-kasama sila laging umiiyak si Nicole. Pakiramdam tuloy ni Mino ang sama sama nyang tao.





     "Pwede ba wag ka nang umiyak. Ang pangit mo pag naiyak ka eh."asar ni Mino pero tinitigan lang sya ng masama ni Nicole at nag-patuloy ulit sa pag-iyak. "Tsi! Ginusto mo yan eh! Hahanap ka lang ng boyfriend yung duwag pa! Eh kung yung mga tipo ko bino-boyfriend mo masaya ka sana ngayon."pag-yayabang pa ni Mino sa sarili.





     Hahampasin sana ni Nicole si Mino pero biglang itong yumakap sa kaniya na ikinagulat nya. "Naku! Nan dyan nanaman yung isa pang may gusto sakin! Umarte ka na lang na girlfriend kita! Palapit na sya!"bulong nito sa kaniya.





     "Bitawan mo nga ako! Ano ba!"pumapalag pa si Nicole kaya tuloy hinigpitan ni Mino ang yakap.





     "Wag ka magulo!"saway nito.





     "Mino! Totoo bang may girlfriend ka na?"galit na tanong ng babae nang makalapit sa kanila.





     "Oo. Di pa ba obvious? Yakap ko na nga sya oh!"pilosopong sagot naman ni Mino tapos ay bumitaw sya sa pag-kakayakap kay Nicole pero hinawakan nya ang kamay nito at sabay silang tumayo. "Sya ang girlfriend ko."pakilala nito. Sasabunutan sana ng babae si Nicole, mabuti na lang at mabilis yung nasalag ni Mino. "Ano ka ba? Sasaktan mo girlfriend ko? Pag nalaman ko lang na ginalaw mo sya lagot ka sakin!"sabay walked out silang dalawa. Naiwan namang inis ang babae.





     "Bwisit kang babae ka! May araw ka rin!"banta nya dito.








_______


     SABAY na umalis ng bahay sina Mino at Jisu kinabukasan dahil di-diretso sila sa office ng JYM para pag-usapan ang tungkol sa grupo at para pumirma na rin ng kontrata.





     Walang mapag-lagyan ang ngiti at saya ni JiSu dahil hindi nya aakalain na walang reklamong sumama si Mino at pumayag na maging isa sa bagong grupo ng JYM.





     "Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala na kasama kita ngayon! At magiging isa pa tayong grupo!"saad ni JiSu.





     "Ang A.O mo naman! Ginagawa ko 'to para kay mama! Dahil pangarap nya 'to."wika ni Mino sa mahinang boses.





     "Hindi yan papangarapin ng mama mo kung hindi mo rin pinangarap. Sigurado ako, nasan man sya ngayon masayang masaya sya dahil unti unti mo nang matutupad ang mga pangarap mo."tinapik pa nya ang pinsan sa balikat. Tiningnan lang sya ni Mino saka binaling ang paningin sa bintana ng sasakyan.





     Sa totoo lang excited din sya. Ang swerte nya nga kasi hindi na sya dumaan pa sa masusing audition para lang maging isa sa member ng idol group. Pakiramdam nya ay gina-guide parin sya ng mama nya kahit na wala na ito.








     ILANG saglit pa ay nakarating na sila sa JYM Headquarter. Si SeChang ang sumundo sa kanila sa lobby. Gaya ni JiSu. Tuwang tuwa din ito para kay Mino.





     "Ang saya ko talaga! Excited na ko para sa recording natin!"sabi ni SeChang habang nag-lalakad sila papuntang office ni President Maeng.





     "Ako nga din eh! Teka, kelan ba mag-uumpisa ang recording nating?"tanong ni JiSu.





     "Pag-katapos ng training natin."napaisip pa si SeChang bago sumagot.





     "Ganun ba?"





     Huminto sila sa isang pinto, iyon na siguro ang office ng president. Pag-bukas ni SeChang ay bumungad sa kanila si Yua. Natigilan si Mino may galit at pag-tatanong sa mukha nito. Ganun din si Yua sa kaniya.





     "Anong ginagawa nya dito?"madiin na tanong ni Mino kay SeChang. Nag-aalala namang napatingin si JiSu kay Mino.





     "Isa sya sa member ng group."saad ni SeChang.





     "Hindi na ko sasali."sabay walked out si Mino.





     "Mino!"tawag ni JiSu saka sinundan si Mino. Mabuti na lang at nahawakan nya ang braso nito kaya naman napigilan nya itong lumakad. "Hindi ka na pwedeng umatras!"galit na galit syang nilingon ni Mino.





     "Gusto mong mag-trabaho ako kasama ang anak ng lalaking nag-abanduna sakin at sa nanay ko?! Patayin mo na lang ako! Ni kuko nga lang ng hinayupak na yun ayaw kong makita makasama pa kaya sya!!"maluha luha na ito sa galit.





     "Kapatid mo si Yua?"narinig ni SeChang ang sinabi ni Mino. Sabay na napalingon sina Mino at JiSu sa kaniya.





     "Hoy! Bakit ka ba nakikinig sa usapa namin! Hay! Halika nga dito!"inis na tawag ni JiSu kay SeChang. Parang inusente namang lumapit ito sa kanila.





     "Totoo bang mag-kapatid kayo ni Yua?"ulit ni SeChang sa tanong.





     "Oo na! Totoong mag-kapatid sila sa ama! Kaya ikaw itikom mo yang bibig mo dahil bukod sa pamilya namin ay ikaw lang ang nakakaalam nito! Kaya manahimik ka na lang para sa ikakatahimik na rin ng lahat!"pakiusap ni JiSu.





     Tumango tango si SeChang bago muling nag-salita. "Bumalik na tayo dun. Nag-taka sila kung bakit ka biglang umalis."yaya nito pero tumanggi si Mino.





     "Nag-bago na isip ko. Mag-hanap na lang kayo ng iba."





     "Mino!"galit na sigaw ni JiSu. Nagulat tuloy si SeChang pero inis lang na tumingin si Mino kay JiSu. "Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo kanina?! Ginagawa mo 'to para sa mama mo! Dahil ito ang pangarap nya para sayo! Ano itatapon mo na lang ba yun? Gusto mo bang habang buhay na lang mag-dusa ang nanay mo kahit nasa langit na sya?"pango-ngonsensya nito sa pinsan. Nag-babakasakali syang baka tumalab. At mukhang tumalab naman yun.





     Napaisip kasi si Mino. Napatingin sya kay SeChang, bigla nyang naalala ang effort nito para lang mapasok sya sa grupo na yun. At si JiSu, bigla nyang naalala kung gano ito kasaya ng malamang pumayag syang maging isa sa grupo. At higit sa lahat ang nanay nya. Para 'to sa nanay nya. Naalala din nya ang ipinangako nya na lalampasan nya si Yua at ang ama nito.









     MATAPOS nila pirmahan ang kontrata ay nag-kamayan na sila sa isa't isa. Nang mag-shake hands sila Mino at Yua akala mo ay dudurugin nila ang mga buto nila sa  sa isa't isa. At kung mag-titigan sila kulang na lang ay may lumabas na laser sa mga mata nila.





     Medyo nakakahalata na ang president at si Ms. Cho dahil halos limang segundo na silang nasa ganung posisyon. Kaya naman si JiSu na ang nag-pabitiw sa dalawa. Pilit pa itong ngumiti sa President para lang mabaling ang atensyon nito. Nang mag-bitaw ang dalawa dun lang ulit nag-salita si Ms. Cho.





     "Next week na mag-sisimula ang training nyo. Kaya may panahon pa kayo para mag-lipat ng mga gamit nyo sa dorm nyo."wika nito na talaga namang hindi nagustuhan ni Mino.





     "Ano? Titira ako kasam--"hindi pa man tapos si Mino ay sumingit na si JiSu.





     "Ah---Mino. Ganun talaga pag grupo. Kailangan tumira kayo sa iisang bahay para mas mapadali. Araw araw kasing may training at 24/7 kang may schedule. Tama po ako diba?"explain ni JiSu kahit hindi naman yun ang punto talaga ni Mino.





     "Tama ka Mr. Lee. Kaya dapat mag-kakasama talaga kayo. Bakit? Hindi mo ba gusto yun Mr. Song?"tanong naman ni Ms. Cho kay Mino.





     Sasagot sana si Mino kaso inunahan nanaman sya ni JiSu. "Syempre gustong gusto yun ni Mino! Diba Mino!?"tinitigan lang sya ng masama ni Mino.





     "Good."wika ni Ms. Cho.





     "Okay. Since buo na ang bagong grupo natin. Gusto ko makapag-labas agad sila ng Mini Album nila. Para makapag-debut na sila on stage."singit naman ni President Maeng sa usapan.





      "Yes President."








______


     NAKA-MUSANGOT nanaman si Mino habang nag-lalakad sya sa corridor. Nasa school na sila matapos ang nakakainis na meeting sa JYM.





     "Ano bang yung pinag-kakalat mo na girlfriend mo si Nicole?"napahinto sa pag-lalakad si Mino ng marinig nyang may nag-salita sa likod nya. Pag-lingon nya si Yua pala yun. Wala sya sa mood para sagutin ito kaya naman inismid nya na lang ito. "Kung gusto mo si Nicole! Lumaban ka ng patas! Wag kang duwag!"





     Napangisi si Mino sa narinig at muling nilingon si Yua. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Duwag? Sino ba satin ang may girlfriedn pero hindi kayang aminin sa mga tao ang relasyon nila? Hindi ba kaduwagan yun?"





     Parang napahiya naman si Yua dun. "Wa--wala kang pakialam!"





     "Wag mo rin akong pakialaman!"balik sigaw ni Mino.





     "Tigilan mo na si Nicole!"





     "Titigilan ko sya kung sasabihin mo sa lahat na girlfriend mo sya!"hindi naman nakapag-salita si Yua sa request ni Mino. "Oh, bakit? Hindi mo kaya? Kasi ano? Natatakot ka na baka makasira sya sa career mo?"natawa si Mino. "Mahal mo ba talaga girlfriend mo? O mas mahal mo career mo?"hinintay nyang sumagot si Yua pero natameme na ito. Napailing na lang si Mino. "Tama nga, mas mahal mo ang career mo kesa sa girlfriend mo. Kawawang girlfriend."pang-asar pang ngumisi si Mino. Sa pikon ni Yua ay tinulak nya ito saka sinuntok. Gaganti pa sana si Mino pero biglang sumigaw si Nicole.





     "Yua!"tawag pansin nito. Sabay namang napalingon sina Mino at Yua. Gulat naman ang naging reaksyon ni Yua.





     "Nicole."saad nito.





     Sa halip na si Yua ang lapitan ni Nicole ay kay Mino na nakaupo sa lapag ito dumiretso. Hindi naman makapaniwala si Yua sa nakikita. Inalalayang tumayo ni Nicole si Mino pero nang makatayo ito ay hinawi nito ang kamay ni Nicole na nakahawak sa braso nito. Bago ito umalis ay tinitigan muna nito na may galit si Nicole bago si Yua.









______


     WALANG imik na nakaupo lamang si Nicole sa tabi ni Yua. Naroon sila ngayon sa loob ng kotse si Yua para mag-usap tungkol sa nang-yari kanina.





     "Nicole. Sorry."basag ni Yua sa katahimikan.





     "Tama si Mino. Nakakaawa nga ako dahil hindi man lang ako magawang aminin ng boyfrieng ko sa lahat."





     "Bakit mo ba sinasabi yan? Bakit? Totoo bang may relasyon kayo ni Mino?"





     Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Nicole. "Alam mo sana nga sya na lang naging boyfriend ko eh! Buti pa nga sya inamin nyang girlfriend nya ko sa harapan ng maraming tao kahit na hindi naman totoo. Hindi sya natakot na mag-sinungaling! Ikaw? Totoo naman lahat ng tungkol satin pero ayaw mong aminin! Tama si Mino. Career mo lang ang mahal mo hindi ako! Duwag ka."





     "Hindi na naman mahalaga kung malaman nilang tayo o hindi! Ang importante mahal natin ang isa't isa!"





     "Minsan mahalaga din na i-claim mong pag-aari mo ang isang bagay para hindi sya makuha ng iba!"naluluha ng saad ni Nicole.





     "Anong ibig mong sabihin? Naagaw ka na ba ni Mino sakin? Hu? Sabihin mo!"naiiyak na rin ito.





     "Hindi na mahalaga pa yun. Sana sa susunod matuto kang maging matapang."pag-tatapos ni Nicole sa usapan nila tapos ay bumaba ito ng kotse at lumakad na palayo. Susundan pa sana sya ni Yua kaso may dumating na sasakyan. Napasuntok na lang sya sa upuan.









     Pano kung totoong naagaw na nga ni Mino si Nicole? Ano na ngayong gagawin ni Yua?


4 comments:

  1. YEy iTo na aNg updaTe ng LuVLyf kO,,, hWAhiHi,,, magBbsa muNa aq,,, neXt cOmmnT q aNg paGwaWaLa kO,,, hwaHeheHehe,,,

    ReplyDelete
  2. gRabe hiNdi aKo mkhiNga s soBraNg kiLig,,, taKte kiniLig aq sa siNabi ni miNo duN sa uMpisa,,, eH kUng siA n LnG tLga aNg biNoyfrieNd kO noh,,,

    aT fEeL na feEL ko uNg piNag-aaGawaN aq niNa yuA,,, kaSi nMn yUa iKaw aNg aNg duwaG,,, aNo nga ba aNg mAs mahALaga saYo,,, aKo o yaNg careeR mo,,, taMa si miNo kuNg siA iPagLaLAbaN nia akO,,,

    GrAbe feEL na fEeL ko rin pAti pAgcoMmeNt q,,, hwaHiHi,,,

    ReplyDelete
  3. i like mino! cool ang character niya. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano po name mo .? salamat po sa pag-babasa ..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^