CHAPTER THREE
Bigla tuloy pinag-sisihan ni Mariel ang mga ginawa nya. Naging childish lang sya kaya nya naisip at nagawa ang mga bagay na yun. Ngayon tuloy ay gusto nyang bumalik sa matanda para bawiin ang hiniling nya dito.
Paliko na sana ang sasakyan nya sa U-turn para balikan nga ang matanda ng may bigla na lang truck na sumalubong sa kaniya. Sa sobrang bilis ng andar ng truck at sa biglaang pag-liko ni Mariel ay hindi na nila naiwasan ang isat-isa kaya naman nag-kabanggaan sila.
Sa lakas ng salpok ay napataob ang sasakyan ni Mariel ganun din ang truck na nakabangga sa kaniya.
Sa mga minuto na yun walang ibang maramdaman si Mariel kundi ang sakit sa bandang ulo nya. Masakit ang katawan nya, wala na sya halos makita dahil sa fluid na umaagos mula sa ulo nya pababa sa mata nya. Hanggang sa tuluyan na syang nawalan ng malay.
_______
NAPATAYO sa kinauupuan ang mommy ni Mariel ng makatanggap sya ng tawag mual sa hospital. Nasabi sa tawag na naaksidente ang anak nya at kasalukuyang nasa Emergency Room.
"Si--sige po. Salamat. Papunta na ko dyan."nauutal sa nerbyos na saad ng mommy ni Mariel. Nang ibabanito ang cellphone ay agad nitong tinawagan si Arden upang ipaalam dito ang nang-yari sa kasintahan.
PAREHO tumatakbo sina Arden at ang mommy ni Mariel ng makarating sila sa Emergency Room ng Hospital na pinag-suguran kay Mariel. Isa isa nilang tinitingnan ang bawat pasesyete na naroon hanggang sa makita nila ang walang malay at duguang si Mariel.
"Mariel!"naiiyak na nilapitan ni Arden ito saka niyakap. Napasapo naman sa bibig si Annita ng makita ang kaawa awang itsura ng anak. Ilang saglit pa ay lumapit na sa kanila ang Doctor.
"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? Kailangan po syang ma-operahan sa lalong madaling panahon dahil sa Internal Hemorrhage. Kung hindi natin maagapan agad yun baka ikamatay ng pasyente."
"Doc, please gawin nyo po lahat mailigtas lang sya."nag-mamakaawa naman wika ni Arden sa Doctor ng lapitan nya ito. Dahil sa pag-kakayakap nya kay Mariel ay puro dugo na rin ang suot nyang damit.
"Gagawin po namin ang makakaya namin. Paki-pirmahan na lang po ang consent paper."
Maya-maya pa ay sinimulan na ang operasyon ni Mariel. Dinala sya sa OR habang sina Arden at Annita naman ay hindi mag-kanda ugaga sa kahihintay sa labas ng operating room. Panay ang dasal ni Annita samantalang panay naman ang lakad ni Arden.
Hindi ito mapakali. Kitang kita ang takot sa mukha nito dahil ano mang oras ay pu-pwedeng mawala sa kaniya si Mariel at yun ang hinding hindi nya makakaya. Mahal na mahal nya si Mariel, ito lang ang buhay nya. Kung mawawala pa ito hindi nya na alam kung ano pang gagawin nya.
Mahigit tatlong oras na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas ang doktor. Masyado ng nag-aalala sina Annita at Arden lalo pa ng biglang lumabas ang isang nag-mamadaling Nurse. Sinalubong ito ni Arden ngunit hindi sya nito pinsin. Sa pag-balik nito ay dala-dala na nito ang Defibrillator saka muling pumasok sa loob ng OR.
"Diyos ko po!"napatayo si Annita at napalapit kay Arden. Niyakap naman sya nito at sabay silang pumasok sa loob.
Doon ay nakita nilang kinukuryente na ang katawan ni Mariel gamit ang Defibrillator dahil hindi nagpu-pump ng dugo ang puso nito. Humahagulgul na sa pag-iyak si Annita habang si Arden ay panay na rin ang tulo ng luha.
"Mariel!"tawag ng kaniyang mommy.
"Hindi pwede. Please, lumaban ka!"wika naman ni Arden.
Ilang beses inulit ulit ang proseso ng Defibrillator kay Mariel, muling bumalik sa normal ang lahat makalipas ang ilang segudo. Muling pinalabas sina Arden at Annita at matapos nga ang mahigit dalawang oras pang operasyon ay lumabas na ang doktor. Sinalubong siya sila Arden at Annita.
"Doc, kamusta po ang lagay nya?"alalang tanong ni Annita. Inalis ng Doctor ang mask sa bibig nya bago nag-salita.
"Okay na po ang pasyente. Ligtas na sya. Sa ngayon imo-monitor na lang namin sya kung may mga pag-babago sa Vita Signs nya."paliwanag ng Doctor.
Para namang nabunutan ng tinik ang dalawa ng marinig ang magandang balita na iyon. Sa waka ay nailigtas din ang buhay ni Mariel. Ang kaninang takot ni Arden ay parang bulang biglang nawala.
_______
NAKA-NGITING pinag-mamasdan ni Jared ang asawa nya habang hawak nya ang kamay nito. Naaalala nya kasi ang unang araw na makilala nya si Angela, galit na galit sya dito. Kulang na lang nga ay isumpa niya ito. Pero ngayon hindi nya aakalain na ang babaeng ito pala ang magiging ina ng anak nya. Napailing tuloy sya ng wala sa oras.
Sa ganung akto sya naabutan ni Irene at Jiro. "Aba, kuya Jared. Mukhang masaya ka yata?"pansin ni Irene sa nakangting mukha ni Jared.
Tumayo si Jared saka sinalubong ang anak nya. Kinarga nya ito at hinalikan sa pisngi. "Masaya lang ako. Pakiramdam ko kasi malapit ng gumising si Angela."
"Talaga po papa? Malapit ng gumising si Mama?"excited na tanong ni Jiro ng marinig nya ang sinabi ng ama.
"Oo. Kaya dapat nan dito ka sa araw na gumising ang mama mo."kinurot pa sa pisngi ni Jared si Jiro na ikinatawa naman ni Jiro.
"Opo papa."
"Dapat mo ring galingan sa school Jiro para naman may maipakita kang awards sa mama mo pag-gising nya."singit naman ni Irene.
"Syempre naman po Tita Irene! Mag-kakaroon ako ng maraming maraming medals para lang gumising si mama. Miss na miss ko na kasi talaga sya."na-nguso pa si Jiro ng sabihin iyon. Halatang nami-miss na nga nito ang ina. Kaya naman niyakap sya ni Jared ng mahigpit.
"Hayaan mo. Malapit na magising si mama. At pag nagising sya. Ipapasyal natin sya sa beach. Diba gustong gusto mo sa beach? Pupunta tayo dun."
Agad naman napalitan ng excitement ang mukha ni Jiro sa sinabi ni Jared. "Wow! Promise yan papa hu!"
Natawa na lang si Jared sa anak. "Oo. Promise."kinurot pa nya ang ilong nito.
"Naku! Ikaw talagang bata ka!"maging si Irene ay natuwa sa pamangkin.
AFTER 3 DAYS:
MAS pilinili na lang ni Jared na sa ospital mag-celebrate ng birth day nya, wala din naman syang panahon pa para mag-handa at mag-imbita dahil busy sya sa pag-babanatay kay Angela.
Nilutuan na lang sya ng handa ng mga magulang ni Angela at dinala sa ospital. Masaya nilang pinag-sasaluhan ang pansit, spaghetti, salad at ang paboritong chocolate cake ni Jiro. Walang humpay ang tawanan nila ng biglang mag-salita si Jiro.
"Mama."saad nito habang nakatingin sa ina. Lahat sila ay napalingon din kay Angela.
Mabilis na lumapit si Jared kay Angela ng makita nyang unti unti nitong idinidilat ang mga mata. Hinawakan nya ang kamay nito at hindi na nya napigilan pang umiyak.
"Doc! Doc! Nagising na po si Ate!"madali namang tinawag ni Angela ang Doctor. Napayakap naman sa isa't isa ang magulang ni Angela sa tuwa dahil sa wakas ay nagising na rin ang mahal nilang anak.
Bumaha ng luha sa loob ng kwarto dahil sa pag-gising ni Angela.
________
NAPATAYO si Arden sa kinauupuan nya sa gilid ng kama ni Mariel nga maramdaman nyang gumalaw ang mga kamay nito habang hawak nya.
"Mariel!"agad nyang sabi. Marahang dumilat ang mga mata ni Mariel at si Arden ang una nyang tiningnan. Sinalubong nya ng ngiti si Mariel pero wala man lang reaksyon ang mukha nito. "Sandali lang tatawagin ko lang ang doctor."madaling lumabas si Arden para tawagin ang doctor.
Walang mapag-lagyan ang kasiyahan nya. Sa wakas nag-kamalay na rin si Mariel. Ilang araw na kasi nyang iniinda ang takot na baka hindi na magising pa si ito pero talagang masaya syang makitang gising na ito.
At ngayon ngang may malay na ito. Sisiguraduhin ni Arden na hindi na nya hahayaang lumayo pa ito sa kaniya.
oH yeh naGisiNg n cLa pRehO,,, sYang tO be cOntiNued,,, gUstO n sBihiN uNg nExt,,,
ReplyDeletekkbitin much nga!! hwaaah ano n nangyri s knila!!
ReplyDelete