CHAPTER FOUR
HINIHINTAY ni Jared na mag-salita si Angela habang nakatitig sya dito na punong puno ng saya. Sa wakas ay nag-kamalay na ang kaniyang asawa matapos ang mahabang panahon na pag-hinintay.
"Ate!"umiiyak paring sabi ni Irene. Lumapit si Jiro kay Angela at niyakap nya ito ng mahigpit.
"Mama!"sabi nya sa ina. Nanatiling walang reaksyon si Angela. Nakatingin lang ito sa batang nakayakap dito tapos ay isa isa nyang nilingon ang mga taong nasa loob ng kwarto. Sumilay ang pag-kalito sa mukha nya. Bagay na agad namang napansin ni Jared.
"Angela, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"alalang tanong ni Jared. Umiling si Angela, ilang segundo pa bago sya nag-salita.
"Sino kayo?"saad nya sa nalilito nyang boses. Lahat sila ay nabigla sa sinabi nya. Napakunot ang nuo ni Jared.
"Ako si Jared. Ako ang asawa mo."pakilala nya sa sarili.
"A--asawa?"kwestyonableng saad ni Angela.
"Oo. Sya naman ang anak mo, si Jiro."sunod na pakilala ni Jared.
"Ate, ako si Irene. Kapatid mo. Sina mama at papa nan dito din! Ano ka ba!"medyo iritang wika ni Irene sa kapatid.
Ilang segundo ulit bago muling nag-salita si Angela. "Wala akong maalala."sabi nya sabay iwas ng tingin sa kanila. Wala ng nasabi pa sina Jared kundi ang mag-taka dahil sa kakaibang kinikilos ni Angela. Masaya nga sila dahil nag-kamalay na ito pero ang problema nga lang ay hindi sila nito maalala.
++++++++++
HALOS hindi makapaniwala si Arden sa sinabi ng Doctor tungkol sa pag-gising ni Mariel at wala itong maalala.
"Maaring grabe ang tinamong trauma ng aksidente sa ulo nya kaya sya nag-su-suffer ng Amnesia ngayon. Ang maari na lang nating gawin ay ang hayaan muna sya. Wag natin syang piliting maalala kung sino ba talaga sya dahil makakasama lang ito sa kaniya. Sa ngayon ang mahala ay ang tuluyan nyang pag-galing."explain ng Doctor kay Arden. Tumango lang sya. Masakit man para sa kaniya ang nang-yari sa kasintahan, pero wala naman syang magagawa. Sabi nga ng Doctor, masamang pilitin si Mariel na maalala ang lahat. All he can do right now is take care of her. Kahit pa masakit dahil hindi sya nito maalala.
Bumalik sya sa kwarto ni Mariel na kahit masamang balita ang dala ay pinilit parin nyang ngumiti. Naabutan nyang gising si Mariel habang binibigyan ito ng pag-kain ng ina. Mabilis na tumayo ang mama ni Mariel ng makita si Arden. Sinalubong nya ito para kamustahin ang sinabi ng doctor.
Bumuntong hininga muna si Arden saka inakay nya ito palayo kay Mariel at doon nya sinabi ang masamang balita. Wala ng nasabi pa ang ginang kundi ang mapaiyak. Tumalikod ito kay Mariel upang hindi mahalata ang pag-iyak nito pero hindi parin iyon nakaligtas kay Mariel.
"Okay lang ba sya?"alalang tanong ni Mariel. Nakangiting lumapit sa kaniya si Arden.
Sa halip na sagutin nya ang tanong nito ay iniba nya ang usapan. "Kumain ka na, para mabilis kang lumakas."sabi nito sabay bigay ng piraso ng apple sa kaniya. kinuha naman iyon ni Mariel at kinain.
"Totoo bang fiance kita?"hindi agad naka-pagsalita si Arden. Hindi na nakayanan ng kaniyang ina ang mga nang-yayari kaya lumabas na lang ito ng kwarto. Sinundan sya ng tingin ni Mariel, ngumiti si Arden bago sumagot.
"Oo naman."matipid nyang sagot.
Tiningnan ni Mariel ang mga daliri nya. "Pero bakit wala akong suot na engagement ring? Nasaan yung engagement rin ko?"
Doon lang napansin ni Arden na hindi nga suot ni Mariel ang engagement ring nila. Napaisip tuloy sya na baka inalis ito ni Mariel noong araw na tanggihan nya ang propsal nito. Nakaramdam sya ng kaunting lungkot dahil sa naisip nyang yun. Ngumiti parin sya ng pilit kahit na nasasaktan sya.
"Baka naiwala mo lang noong araw na madisgrasya ka."dahilan nya na lang.
"Siguro nga. Pasensya ka na. Hindi yata ako naging mabuting fiance sayo."
Ikinagulat ni Arden ang sunod na sinabi ni Mariel. Ito kasi ang kauna-unahang pag-kakataon na humingi ng tawad sa kaniya si Mariel tungkol sa kakulangan nga nito bilang isang girlfriend sa kaniya. At inaamin nya natuwa sya sa narinig nyang iyon.
"Hi--hindi. Wala kang dapat na ihingi ng paumanhin sakin. Hindi naman sinasadyang nawala ang sing sing. Kaya wag ka na mag-alala."saad ni Arden na may saya sa tono ng boses.
"Kahit na. Alam ko importante sayo ang sing sing na yun. Dahil sa kapabayaan ko kaya nawala. Sorry talaga."
"Kalimutan mo na yun."hinawakan nya ang kamay ni Mariel ng mahigpit. "Ang mahalaga ngayon ligtas ka at may malay. Iyon ang mahalaga sakin ngayon."tapos ay hinawi nya ang hibla ng buhok na nakakalat sa mukha ni Mariel.
Selfish man sya pero mas gugustuhin nya na lang na ganun si Mariel dahil kahit paano ay nararamdaman nyang mahalaga sya dito kesa noon na parang halos baliwala lang sya dito. Unfair man ito para sa mga magulang ni Mariel pero hinihiling na lang ni Arden na wag na bumalik pa ang alaala ni Mariel dahil alam nya na sa oras na bumalik ito ay mauulit nanaman ang pang-yayari kung paano sya tinanggihan nito sa kasal.
++++++++++
NAPASAPO na lang sa nuo si Irene habang nakikig sya sa explanation ng doctor. Habang si Jared ay tango lang ang isinasagot sa bawat sabihin nito.
"Hay! Grabe! Hindi ako makapaniwala na nag-ka-amnesia si ate dahil lang sa aksedente na yun! Ibig sabihin nun hindi na nya tayo maalala? Ako? Si Jiro? Ni hindi na rin nya maaalala na ikaw ang asawa nya na mahal na mahal nya? Hay! Sumasakit lang ulo ko!"napapailing na lang sya ng matapos nilang marinig ang dahilan kung bakit walang maalala si Angela. Naroon na sila ngayon sa labas ng kwarto ni Angela.
"Ibig sabihin din ba noon hindi nya na maalala na kami ang mga magulang nya?"sabi ng ina nila.
"Ganun na nga po."malungkot pero hindi pinapahalata ni Jared ang nararamdaman nya ngayon. Hindi nya kasi alam kung anong gagawin nya. Pakiramdam nya kasi ay simula ito ng panibagong buhay nila. Pakiramdam din nya ibang Angela ang kaharap nya ngayon, hindi ang Angela na malambing at palangiti.
Hindi sin nya alam kung paano nya ie-explain sa anak ang nang-yari sa ina nito. Hindi nya alam kung paano sasabihin dito sa simpleng salita na maiintindihan nito. Sa totoo lang hindi nya alam kung paano mag-sisimula.
Pag-pasok nya sa loob ay naabutan nyang nakatitig si Angela sa nag-lalalrong si Jiro sa tabi nito. Nabaling lang ang atensyon nito ng lumapit si Jared. Walang ka-rea-reaksyon ang mukha nito, pinilit na ngumiti ni Jared bago nag-salita.
"Sabi ng doctor magiging okay na daw ang lagay mo. Yun nga lang dahil sa matinding nang-yari sayo noon, hindi mo maalala ang mga nakaraan mo. Pero wag ka mag-alala, sabi ng doctor pwede pa naman daw maibalik ang alala mo. Dahan dahanin lang daw."hindi alam ni Jared kung bakit sya nine-nerbyos habang sinasabi nya iyon kay Angela.
"May Amnesia ako?"prangakang tanong ni Angela na ikinagulat ni Jared. Hindi naman kasi ganun makipag-usap sa kaniya si Angela. Noong hindi pa ito naaksidente ay napaka-sweet nito pero bakit ngayon parang nakakatakot ito?
"O--oo. May Amnesia ka nga."nauutal nyang sagot. Napabuntong hininga si Angela sabay iwas ng tingin sa kaniya. "O--okay ka lang ba?"
"Naiinis ako! Wala akong maalala! Ni hindi ko maalala na may asawa't anak ako! Ni hindi ko alam kung anong pangalan mo!"halata nga ang inis sa tono ng boses nito. Bagay na lalong ikinabahala ni Jared. Marahan syang lumapit kay Angela. Gusto nya itong yakapin pero natatakot sya na baka bigla na lang sya nitong suntukin.
"Hindi na naman mahala kung naaalala mo man ang pangalan ko. O kung asawa mo nga ako. Ang mahalaga sakin ngayon ay gising ka na. Pwede naman tayong mag-simula ulit eh."
Nilingon sya ni Angela, "Pano?"tanong nito. Ngumiti si Jared at maingat na hinawakan ang kamay nya.
"Ang una mong dapat gawin ay mag-pagaling. Saka na natin isipin kung paano tayo mag-sisimula ulit."lumapit sa kanila si Jared at sabay silang niyakap nito.
"Ang saya saya ko talaga! Mama, papa!"wika ni Jiro.
Pinag-masdan ni Jared ang reaksyon ni Angela, sa una ay nagulat pa ito pero ilang saglit lang ay unti unti na rin itong napangiti dahil sa ginawa ni Jiro. Napangiti na rin doon si Jared.
Hindi man alam ni Jared ang gagawin sa mga susunod na araw, pero ang nasisiguro nya lang ay mas do-doblehin nya ang pag-aalaga at pag-mamahal sa asawa. Dahil kahit nawala man ang alaala nito ay maswerte parin syang nabigyan ng pangalawang buhay ang kaniyang asawa.
. . . to be continued
>>> CHAPTER 5 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^