Saturday, December 29, 2012

Tale of the Body Thief: Chapter 5



CHAPTER FIVE




     MAINGAT na inalalayan ni Arden si Mariel ng makababa sila sa kotse. Nakalabas na kasi sa hospital si Mariel at ngayon nga ay nasa bahay na sila.




     "Welcome hope anak."sabi ng kaniyang ina ng salubungin sya nito. Ngumiti naman si Mariel sa ina.




     "Salamat po."pag-pasok sa loob ay inilibot ni Mariel ang paningin sa paligid. Halata sa mukha nya na hindi sya pamilyar sa paligid. Makikitang pilit nyang inaalala at bawat parte nito pero wala talaga syang maalala. Napainto sya ng may makita syang malaking picture ng isang may edad na lalaki na nakasabit sa ding ding. "Sino sya?"tanong nya kay Arden.




     "Sya ang papa mo anak. Bata ka pa lang ng mamatay sya. Naalala mo ba?"ang ina na nya ang sumagot ng tanong. Napakunot ang nuo ni Mariel, pilit nyang inaalala ang ama pero talagang blangko ang isip nya.




     "Ah--Tita, mas okay siguro kung pag-pahingahin na muna natin si Mariel. Kasi mukhang pagod na sya eh."suhestyon naman ni Arden kasi pansin nya na mukhang nasi-stress na si Mariel kakapilit ng nakaraan nito which is not good sabi nga ng doktor. Naintindihan naman iyon ng ina ni Mariel kaya pumayag na rin ito.




     Inihatid ni Arden si Mariel sa kwarto nito, hanggang doon ay kwestyonable parin ang mukha ni Mariel. Pinahiga na lang muna sya ni Arden sa kama. "Mag-pahinga ka na lang muna. Wag ka na muna mag-isip ng mga nakaraan mo. Ang mahalaga ay yung ngayon. Mag-pahinga ka na hu?"wika nya dito.




     Sumunod naman sa kaniya si Mariel na walang reklamo. Nang kumutan nya ito at akma na sana syang lalabas ay mabilis syang hinawakan ni Mariel sa kamay. Napalingon tuloy sya ulit dito.




     "Uuwi ka na ba sa inyo?"parang bata nitong tanong. Hindi naman malaman ni Arden kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Yun ang kauna-unahang nakita nyang parang batang paslit si Mariel. Parang nalusaw ang puso nya in an instance. Naupo sya ulit sa tabi nito.




     "Gusto mo bang tabihan muna kita?"




     "Pwede bang dito ka lang muna hanggang sa makatulog ako?"pakiusap nito na hindi naman matanggihan ni Arden. Hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay nito habang si Mariel naman ay marahang ipinikit ang mga mata nya. At makalipas nga ang ilang minuto ay nakatulog na ito.









++++++++++


     PANAY naman ang talon ni Jiro habang hawak nya ang kamay ni Angela at Jared. Nag-lalakad na sila ngayon papasok sa loob ng bahay nila. Excited ito sa muling pag-babalik ng kaniyang ina. Gaya ni Jared, wala ding mapag-lagyan ang saya na nadarama nito.




     "Jiro, wag ka masyadong malikot. Kagagaling lang ng mama mo sa hospital."saway naman ni Irene sa pamangkin. Si Irene na lang ang sumamang mag-hatid kanila Jared at Angela dahil bumalik na sa restaurant ang mga magulang nila.




     "Opo, tita Irene!"huminto sa pag-lalakad si Jiro tapos ay hinarap nya ang parang wala parin sa katinuan na si Angela. "Mama! Pwede mo ba akong i-bake ng chocolate cake ngayon? Na-miss ko kasi yung chocolate cake mo eh!"hindi naman nakasagot si Angela. Parang gusto nyang sabihin na wala syang alam ganung bagay. Matagal na hinintay ni Jiro ang sagot nya pero kurap lang ng mata ang sinagot ni Angela.




     "Ah-- Jiro, wag mo muna kulitin ang mama mo sa ganyan hu? Pag-pahingahin mo muna sya. Bibilhan na lang kita ng chocolate cake kung gusto mo nun. Tara!"hinatak na lang ni Irene ang pamangkin sabay sinensyasan nya si Jared na pag-pahingahin na lang muna si Angela. Alam ni Irene na masama pang ipilit kay Angela na maalala ang nakaraan. At isa pa stress pa ito galing sa hospital.




     "Pero mas gusto ko yung chocolate cake ni mama eh!"reklamo naman ni Jiro. Narinig iyon ni Angela kaya naman napalingon sya sa anak na ngayon ay nag-mamatol na.




     "Pag-pasensyahan mo na yung bata. Ganyan talaga yan. Spoiled kasi sayo yan."natigilan saglit si Jared ng lingunin sya ni Angela na may hindi mabasang expression. "Mabuti pa siguro mag-pahinga ka na lang muna."bigla tuloy nakaramdam ng ilang si Jared. Yun ang kauna-unahang nakaramdam sya ng ilang sa asawa.




     Inakay nya ito papasok sa loob ng bahay hanggang sa kwarton nila. Sa pag-pasok pa lang ay wedding picture na agad nila ang bumulaga kay Angela. Hindi nya maiwasang mapahanga dahil nakikita nya ang sarili nya doon, nakasuot ng wedding dress habang masaya na nakahawak sa kamay ng asawa nyang si Jared. Nilapitan nya ang picture na iyon at halos hindi nya maialis ang paningin nya.




     "Isa yan sa paborito kong picture mo. Ang ganda ganda mo kasi dyan."sabi ni Jared. Nilingon sya ni Angela.




     "Ako ba talaga yan?"parang di makapaniwalang tanong ni Angela kay Jared. Natawa naman si Jared. Lumapit sya dito, hinawakan nya ang kamay ni Angela upang ipakita dito ang sing sing na suot nito.




     "Oo, ikaw nga talaga yan."sabi nya.




     "Gano ba tayo kasaya noon ng ikasal tayo?"




     Binalikan muna ni Jared yung araw na yun bago sya nag-salita. "Masaya, masayang masaya. Walang katumbas. Lalo na yung mga panahon na ipanganak mo si Jiro."nakangiting kwento ni Jared. Tumalikod sa kaniya si Angela, kaya tuloy napakunot sya ng nuo.




     "Bakit ba wala akong maalala kahit na isa man lang dun?"galit nyang tanong. Sa punto na lang yun sya nayakap muli ni Jared matapos ang mahabang panahon na nawalan ito ng malay.




     Sobrang na-miss nya talaga ang asawa. Sabik na sabik syang mayakap ito gaya ng ngayon. Masayang masaya sya kahit na hindi man nito maalala ang nakaraan. Para sa kaniya hindi na mahalaga pa iyon. Basta buhay ang asawa nya at nayayakap nya ng gaya ngayon ayos na sya doon.









++++++++++


     NAABUTAN ni Mariel na nag-luluto sa kusina ang kaniyang ina kinabukasan. Nagula sya dahil alas sais pa lang ay gising na ito para mag-luto ng almusal.




     "Oh~anak, gising ka na pala? Tamang tama, luto na yung almusal. Halika, kumain ka na."yaya nito sa anak tapos ay inilapag nito ang platong may itlog sa lamesa.




     "Ang aga nyo naman po yatang nagising?"takang tanong ni Mariel.




     Kahit nalulungkot ay pinilipt paring ngumiti ng kaniyang ina. "Ganitong oras talaga ako nagigisng para ipag-luto ka ng almusal."saad nito.




     Natigilan naman saglit si Mariel sa narinig. "Ga--ganun ho ba?"nautal tuloy sya ng salita. Tumango naman ang kaniyang ina.




     "Kumain ka na. Kung ayaw mo naman okay lang."




     Ililigpit pa sana ng kaniyang ina ang inihain pero pinigilan sya ni Mariel. "Teka sandali. Bakit nyo naman po nasabi na ayaw ko? Kakain po ako, gumising kayo ng maaga para lang maluto ang mga iyan. Mabuti pa, sumabay na lang po kayo sakin. Maupo na po kayo."ngayon ay si Mariel naman ang nag-yaya sa ina nya. Napansin ni Mariel na tumulo ang mga luha ng kaniyang ina. Bagay na ikinabahala ni Mariel. "Bakit ho kayo umiiyak? May nasabi ho ba akong mali?"




     Umiling ang kanyang ina bago sumagot. "Nang hindi pa nawawala ang alaala mo ayaw na ayaw mo ng mga niluluto ko tuwing umaga. Kaya mas pinipili mo na lang na kumain sa labas kesa kainin ang mga niluto ko. Kaya nga hindi ko maiwasang mapaiyak ngayon."




     Nalungkot naman si Mariel sa klase ng ugali meron sya noon. At she really feel sorry for her mum. Hinawakan nya ang kamay ng ina para i-comfort ito. "Mas hihilingin ko na lang na wag na bumalik pa ang alaala ko kung ganun lang din naman pala kasama ang ugali ko noon."wika ni Mariel. Napangiti naman doon ang kaniyang ina. "Pasensya na po kayo sa inasal ko noon."dugtong pa nito.




     Lalo namang napaluha ang kaniyang ina dahil doon. Masaya sya kahit paano ay naramdaman nya ang pag-mamahal ng kanyang anak na matagal din nyang hinanaphanap.




     Alam nyang mali, pero nag-papasalamat na rin sya dahil nang-yari ang mga ito.





to be continued  . . .





2 comments:

  1. Nice story! Keep on updating please!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow!! thank you .. update ko po para sayo .. ^____^

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^