Thursday, September 20, 2012

Tale Of The Body Thief: Chapter 1


CHAPTER ONE


     Galit na binuksan ni Mariel ang pinto ng kwarto nya habang galit ding nakasunod sa likuran nya ang mommy nyang si Annita. Napasapo sya sa nuo at padabog na inihagis ang bag nya sa kama.




     "Hindi mo man lang inisip yung ginawa mo! Bakit mo tinanggihan ang proposal ni Arden sayo!? Akala ko ba nag-mamahalan kayong dalawa?! E bakit hindi mo tinanggap ang sing sing? At ginawa mo pa yun mismo sa harapan ng mga magulang nya!"galit na sigaw ng mommy nya.




     "Mahal ko si Arden! Pero hindi pa ko handang mag-pakasal! Hindi ko pa kayang mag-patali! Ma! Ilang beses ko bang uulitin yun?! Hindi naman po siguro mahirap intindihin yun eh!"halos iiyak na ito habang sinasabi yun.




     Ang mommy nya naman ang napasapo sa nuo. "Hay! Diyos ko! Kung nabubuhay lang ang papa mo! Siguradong hindi ka mag-kakaganyan!"




     "Pwede ba ma! Wag nyo nang sisihin ang pag-kawala ni papa! Sarili ko 'tong desisyon! Kung hindi kayang mag-hintay sakin ni Arden bahala sya! Sa ngayon! Ayaw ko muna!"naupo si Mariel sa kama at napabuntong hininga.




     "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! Mariel! Twenty Six ka na! Pero yang pag-iisip mo masahol pa sa isang seventeen years old! Bahala ka!"sinundan lang ng tingin ni Mariel ang inang lumabas.




     Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nya. Text iyon galing kay Arden. Napakunot ang nuo nya ng mabasang nasa labas pala si Arden at gusto syang makausap nito. 




     Ilang segundo syang nag-isip pag-kuway lumabas din sya sa kwarto nya para puntahan si Arden. Sa salas ay nasalubong nya ang mommy nya.




     "Oh! At saan ka pa pupunta? Gabi na lalabas ka pa?"saway nito sa anak.




     "Diyan lang po!"tuloy tuloy lang ito sa pag-labas. Ni hindi man lang nito nilingon ang ina.




      "Mariel!"tawag nito pero tuluyan ng lumabas si Mariel. "Ano na bang gagawin ko sa batang yun! Manuel! Bakit ba kasi ang aga mong nawala?"muli syang napasapo sa ulo na akala mo ay nahihilo. Takot tuloy syang nilapitan ng katulong upang alamin kung okay ba sya.




     "Ay! Mam! Okay lang po ba kayon?"saad nito.



_____




     Naabutan ni Mariel na nakasandal si Arden sa kotse nito habang hawak nito ang sing sing na tinanggihan nya kani-kanina lang. Nakaramdam naman bigla ng awa si Mariel pero anong magagawa nya? Hindi pa talaga sya handang mag-pakasal. 




     Dahil alam nya kung gaano kabigat na responsibilidad ang kahaharapin nya once na tinanggap nya ang proposal ni Arden Yoon. Mahal nya si Arden, ang totoo nga limang taon na silang mag-kasintahan. 




     Ang dahilan lang talaga ng hindi nya pag-oo ay takot sya sa responsibilidad. Hindi nya alam kung paano nya iha-handle ang mga posibleng mang-yari pag-dumating na sa puntong tulad ng pag-ka-karon nila ng anak. 




     Inaamin nya, wala syang alam sa buhay. Kahit pag-luluto nga ay hindi nya alam. Paano pa ang pag-aalaga ng bata? Lumaki kasi si Mariel Choi na laging may nakaalalay na katulong sa kaniya. Kung hindi man ay ang ama at ina nya ang nag-sisilbi sa kaniya. Tinuring sya ng mga ito na parang isang prinsesa. Iyon ang nakasanayang buhay niya.




     Kaya hindi na sya mag-tataka kung bakit takot syang humarap sa kahit anong responsibilidad na dumarating dahil hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Hanggat pwedeng iwasan ay iiwasan nya ito. At yun nga ang ginawa nya ng mag-propose si Arden sa kaniya.













     AGAD na itinago ni Arden ang sing sing ng mapansin nya si Mariel. At kahit hirap syang ngumiti dahil sa mga nang-yari ay pinilit parin nya. "Mariel."sabi nya. Hindi man lang nag-react si Mariel sa halip ay lumapit ito sa kaniya. "Wag ka mag-alala, pumunta lang ako dito para kamustahin ka. Baka kasi nag-away kayo ni tita dahil sa nang-yari kanina."agad nitong dipensa ng makita nyang seryoso ang mukha ni Mariel.




     "Okay lang ako. Ikaw nga dapat ang kamustahin ko. Pasen-"hindi pa man sya tapos ay nag-salita na si Arden. Ayaw nang marinig pa nito kung ano man ang dahilan ng pag-tanggi ni Mariel. Dahil natatakot ito na baka mas masakit pa ang malaman sa kaniya.




     "Okay lang ako. Hindi mo na rin kailangang humingi ng pasensya. Naiintindihan kita."pilit parin ang tawa nito. Tinitigan lang sya ni Mariel.




     "Kung nalulungkot ka sa nang-yari hindi mo naman kailangang itago sa harapan ko. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi kita pag-tatawanan. Alam ko kung gano kasakit sayo ang hindi ko pag-tanggap sa proposal mo, pero--"pinutol muli ni Arden ang dapat sana ay sasabihin ni Mariel.




     "Okay lang talaga ako. Sabi ko naman sayo naiintindihan kita. Siguro nga hindi ka pa talaga handa. Yun naman talaga ang dahilan diba? Ayaw kong isipin na ang dahilan ay hindi mo na ako mahal dahil alam kong hindi mang-yayari yun. Wag kang mag-alala. Kaya ko namang mag-hintay hanggang sa dumating yung araw na handa ka na. Na kaya mo nang tanggapin ang proposal ko. Sa ngayon bibigyan muna kita ng space para maka-pag-isip ka. Baka kasi nasasakal ka na sakin."pilit na itinatago ni Arden ang sakit na nararamdaman nya pero hindi na kayang itago pa iyon ng boses nya dahil garalgal na ito. Halatang kanina pa nito gustong maiyak. 




     Hindi agad nakapag-salita si Mariel. Nakatitig lang ito sa nang-gigilid na luha ni Arden. Ngayon lang kasi nya nakitang nasasaktan ito. 





     "Oh sige! Mag-pahinga ka na. Wag ka na mag-alala kanila mama at papa. Ako nang bahalang mag-explain sa kanila. Sige na pumasok ka na."kumaway saglit si Arden saka pumasok sa kotse nya at umalis. Sinundan lang sya ng tingin ni Mariel.













      Hindi pa man nakakalayo ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Arden. Napa-kagat na lang sya sa daliri nya para mapigilan ang pag-luha nya pero sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman nya ngayon ay walang kahit anong makakapigil sa pag-hagulgul nya.




     Dahil sa panay na pag-tulo ng luha nya ay minabuti nya munang huminto sa gilid ng kalsada ng makalayo sya, hindi kasi sya makapag-concentrate sa pag-da-drive. Sa mga sandali kasing yun ay parang tinu-torture ang puso nya sa sobrang sakit. Hindi na nya alam kung anong gagawin nya. Isinubsub nya na lang ang mukha nya sa manubela.












     NAPABUNTONG hininga si Mariel ng hindi na nya matanaw ang sasakyan ni Arden. "Sorry Arden."bulong nya sa hangin.  "Bakit ba kasi kailangang pag-daanan ng tao ang mga ganitong bagay? Buti pa ang mga bata walang problema! Sana habang buhay na lang akong bata para wala ng ganito."muli syang bumuntong hininga at saka pumasok na sa loob.





_____



     BAGO lumabas ng kwarto ang doktor ay tinawag muna nito si Jared na nakatayo sa tabi ni Angela. "Mr. Kim, pwede sumunod ka sakin."wika nito bago nag-patiunang lumabas ng kwarto. Nilingon muna ni Jared si Angela at nginitian bago sumunod sa doktor.




     "Magandang balita. Bumubuti na ang lagay ng asawa mo. At malaki ang posibilidad na magising sya ano mang araw."balita ng doktor. Hindi naman mapigilang mapangiti ng husto ni Jared sa narinig.




    "Talaga ho? Salamat dok!"masayang saad nito. Tumango naman ang doktor.




     "Sa ngayon wag na lang muna kayong aalis sa tabi nya para anytime na gumising sya ay naroon kayo."payo ng doktor.




     "Yes dok! Salamat po ulit!"















     SA PAG-BALIK ni Jared si Jiro agad ang sumalubong sa kaniya. "Papa!"tawag nya dito at yumakap pa ito sa kaniya. Naroon din si Irene, bunsong kapatid ni Angela. Masayang kinarga ni Jared ang anim na taon nyang anak na lalaki at masayang lumapit sa asawa nyang parang himbing lang na natutulog sa kama.




     "Oh! Kuya Jared! San ka ba galing?"tanong ni Irene.




     "Kinausap ko yung doktor."




     "Ano daw sabi?"




     Masayang lumapit si Jared kay Angela tapos ay inilapag nya sa gilid ng kama ang buhat nyang si Jiro. Hinawakan nya ang kamay ni Angela na may nakasuot na wedding ring nila saka sya ngumiti. "Jiro, sabi ng doktor malapit na daw magising ang mama mo."balita nya na ikinatuwa hindi lamang ni Jiro kundi maging ni Irene.




     "Wow! Talaga kuya? Ang saya saya naman!"kulang na lang ay tumalon sa tuwa si Irene.




     "Magigising na si mama? Yehey! May mag-luluto na ulit sa akin ng masarap na chocolate cake!"sabi naman ni Jiro.




     "Tama ka Jiro. Maipag-luluto ka na rin ni mama ng chocolate cake."sakay naman ni Jared sa sinabi ng anak.


     

     MAG-IISANG buwan na kasing comatose si Angela simula ng maaksidente sya ng hindi sinasadyang mabundol ng truck ang kotseng sinasakyan nya. Sabi ng doktor ay napuruhan daw ang ulo nya kaya iyon ang naging dahilan ng comatose nya. 




     Kaya nga ganun na lang ang saya ni Jared ng sabihin ng doktor na magigising na si Angela anytime. Sa totoo lang miss na miss nya na ang asawa nya. Lalo na ang pag-luluto nito na para kay Jared ay pinaka-masarap na sa buong mundo.




     Sa edad na eighteen ay nabuntis na si Angela ni Jared. Pero dahil pag-mamahal ni Jared kay Angela ay pinanagutan nya ito at niyayang mag-pakasal. Sa una ay tutol pa ang mga magulang ni Angela dahil nga sa mga mura nilang edad. Nineteen lamang kasi noon si Jared. Pero wala na rin naman silang nagawa sa huli. Nakita na rin naman nilang mahal nga talaga ni Jared si Angela.




     Hindi naman naging negative ang resulta ng maagang pag-papakasal nila at maagang pag-bubuntis nia Angela. Mas lalo pa ngang nag-sumikap si Jared at ngayon nga ay isa na sila sa may malaking Poultry sa probinsya nila. Ginamit ni Jared ang perang naiwan ng mga namatay nyang magulang noong labing dalawang taon sya dahil sa mag-kaparehong sakit sa puso. Ang Poultry nila ang pangunahing pinag-kukunan ng ilan sa malalaking kumpanya ngayon.















     NAGULAT si Irene ng bigla na lang dumating ang mama at papa nya. "Oh! Ma! Pa! Bakit ang bilis nyo?"kunot nuong tanong ni Irene.




     "Tinawagan kami ni Jared na magigisng na nga daw si Angela kaya pumunta agad kami ni Renato dito."paliwanag ng mama nya.




     "Oo nga anak. Excited kasi 'tong si Rosa at syempre pati na rin ako kaya iniwan muna namin saglit ang Restaurant at nag-punta dito!"masayang saad ng papa ni Irene. Ang mag-asawa namang ito ang namamalakad ng Restaurant na itinayo ni Jared para lamang sa kanila.




     "O.A nyo naman! Hindi pa naman daw sigurado kung kelan. Basta ang sabi lang ay magigising sya anytime."wika ni Irene. First Year College naman si Irene, scholar sya sa isang kilalang University kaya naman hindi na gumagastos ng malaki ang mga magulang nya sa kaniya. Nag-bibigay na lang ang mga ito ng allowance.




     "Hay! Wala naman nakakaalam kung kelan! Malay mo ngayon sya magising! Mabuti na yung naan dito kami!"tapos ay nilapitan ni Rosa ang anak nyang si Angela. Kasunod ang asawa nya. Nakangiti naman silang binati ni Jared.




     "Ma, pa."wika ni Jared.




     "Oh Jared! Naku! Naan dito pala ang apo kong si Jiro! Halika nga dito sa lola mo! Para pag nagising ang mama mo ay makikita nyang mag-kasama tayo!"lumapit si Jiro kay Rosa at yumakap ito sa bewang nya. "Manang mana ka talaga ng kalambingan sa mama mo."




     "Tama po kayo."mabilis namang sang-ayon ni Jared sa kaniyang pangalawang ina.




     "Jared, pasensya ka na hu? Mukhang wala ka nang pahinga kakabantay kay Angela."pag-kuway saad ni Renato.




     "Naku! Wala po yun. Basta kay Angela hindi po ako
mapapagod."sinulyapan pa ni Jared ang asawa.




     "Sa mukha ni Kuya Jared. Mukhang miss na miss na nya si Ate Angela."biro pa ni Irene na ikinatawa nila.




     "Sino ba namang hindi makaka-miss sa asawa nyang halos mag-iisang buwan na nyang hindi nakakatabi sa kama?"nag-kailangan ng tawa sina Jared maging sina Irene at ang papa nya dahil sa sinabi ni Rosa.




     "Ano ka ba! Katabi mo pa si Jiro!"nahihiyang sita ni Renato sa asawa nya na ikinatawa naman ni Jared.




     "Bakit? Totoo naman."giit pa ni Rosa.




     "Si mama talaga!"saway naman ni Irene. Natatawa lang si Jared, nilingon nya ang asawa. Muli nyang hinawakan ang kamay nitong may wedding ring nila at masayang bumuntong hininga.




     Hindi na sya makapag-hintay na magising si Angela at muli nyang marinig na tawagin sya nitong "Honey."






. . . to be continue




3 comments:

  1. prang familiar ung title sken... prng nrinig o nbsa q n. ahiihhhihihii!! peo intersting itong story 1st chptr p lng..!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa kwento po ni Anne rice .. ung kwento ni Lestat .. hehe ..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^