Tuesday, September 11, 2012

Kissing Bandit : Chapter 23

CHAPTER 23
(LARIS HOWFER POV)



Epal talaga yung promdi na yun! Akala niya siguro hindi ko malalaman na lumabas siya kasama si Zack. At kaya pala hindi na pumasok yung kaibigan ko na yun, nag-cutting class lang para makipag-date!



Ang malala pa jan, ginamit agad ni Hot Pink yung natutunan niyang flying kiss mula saakin! Lintek na yan, pasaway talaga!



Hindi umaayon ang lahat sa plano ko… bahala nga ang Hot Pink na yun! Siya rin naman mas mahihirapan na talagang makuha si Zack! Kaso kapag hindi naman kami nagtagumpay, mapapahiya ako bilang Kissing Bandit! Bad trip! Hindi na ako dapat pumayag na tanggapin yun bilang Prospect eh!



Mas okay pa nga na si Cecily na lang yung naging Prospect ko. Bukod sa cute na, mukhang masunurin pa. Si Cecily yung last girl na pinaghihinalaan ni TMU_Admin na posibleng prospect ko.



Bakit nga ba siya nasama sa list? Eh kasi maraming chismoso at chismosa na nagkalat ng balita nung minsang natulungan ko siya sa isang bagay. Long story, tinatamad akong magkwento!



“Hoy Laris!” Napalingon naman ako sa boses na tumawag saakin. At nalaman kong siya pala si…



“Hoy Asher! Yow~” Si Asher Carillo. Mas matanda saakin yan ng isang taon. Third year na siya pero naging mag-classmate kami sa isang subject noon. “Napadpad ka dito?”


Ka-tropa ko rin yan. Bakit? Kasi si Asher ay pang #10 sa Most Influential Personality dito sa TMU. Nung mag-college siya dito, sumikat agad. Pero hindi niya kayang tapatan ang kagwapuhan ko dahil since highschool ako nag-aaral dito sa TMU at pang #2 pa ako! Hwahahahahaha!!!


“Ano yung balitang si Silly daw ang Prospect mo?” Silly? Ahh, si Cecily pala yun! Nickname niya yun eh. Pero hanggang ngayon nagtataka ako bakit ‘Silly’ ang nickname ni Cecily. “Totoo ba yun Laris?”


At hindi niyo lang naitatanong ha, pero yang si Asher at Cecily ay may relation. Kaso, nag-break nga lang! Wag niyong itanong saakin kung bakit! Hindi ko alam ang buong kwento!



“Alam mo ‘pre, hindi ka dapat saakin nagtatanong. Kay Cecily ka mismo lumapit!”



“Tsk! Kilala kita Laris! Alam ko kung bakit ka binansagang Kissing Bandit dahil taga-salo ka ng mga babaeng broken-hearted.”



“Alam mo naman pala yung tungkol sa pagiging Kissing Bandit ko, dapat alam mo rin na hindi na ako applicable para kay Cecily. Eh diba, ikaw na first kiss niya? Hindi na ako tatalab dun!”



Napa-isip bigla si Asher. “Oo nga noh… eh sino nga ba kasing Prospect mo at nang hindi na madamay pa sa issue si Silly ko!”



“Sekretong malupet yun, ‘pre!” Big deal na talaga para sa lahat ang tungkol sa Prospect ko. Iba na talaga kapag sikat! Tsk~ “At kesa kung ano pa atupagin mo, ayusin mo na lang yung sainyo ni Cecily. Mahal ka pa nun…”



Bigla namang napabuntong-hininga ang kumag. “Wala ka bang maipapayo saakin? Tulungan mo naman ako.”



“Ito lang masasabi ko… wag ka na kasing gago.” Bigla niya akong tinignan ng masama. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. “Kasi kahit mahal ka pa nun, pwede yun magbago.”



Napaisip siya ulit. Iba na talaga kapag gwapo at sikat na, tapos ubod pa ng talino! Kapag pina-ikli, iba na talaga kapag si Laris Howfer ka. Tama naman ako diba? Lahat ng tao, kahit madalas ay martir, hindi posibleng magising sa katotohanan lalo na kapag sobra nang nasasaktan.



Pero sa gitna ng pag-iisip ni Asher at pagpapayo ko sa kanya, “Ash!!! Kanina pa kita hinahanap!” Dumating naman bigla ang kaibigan niya. “Oy Laris, ikaw pala! Kamusta!”



“Ito, mas magandang lalaki pa rin ako sayo Hadwin!”



“Mukha mo!”



“Gwapo nga.”



Bigla niya akong sinapak sa braso pero ginantihan ko siya sa sikmura niya. Natawa na lang kami, puro kaululan lang kasi kapag nagkikita kami ng ungas na ‘to. Pero kahit ganyan yan, ka-tropa pa rin.


Yan nga pala si Hadwin Alvarez, ka-batch ni Asher. Sikat din yan! Kahit kasi playboy siya, pang #11 naman siya sa TMU. Ang galing noh? Tropa kami ng mga sikat!


“May party sa bahay nila Merrick, sumama ka na rin.”



“Bakit? Nandun ba si Gwynne? Yung kapatid mo?”



“LUL!” Madalas ko lang pagtripan ‘tong mokong na ‘to. Masyado kasing over-protective sa kapatid niya. Sister complex daw tawag sa ganun eh. Eh kung sa bagay, ikaw ba naman magkaroon ng kapatid na mala-anghel sa kagandahan at kabaitan, hindi mo iingatan?


Si Gwynne Alvarez, freshman pa lang kaya konti pa lang talaga nakakakilala sa kanya. Pero kapag tumagal pa siya dito, paniguradong pasok siya sa TOP list ng TMU.



Lalo pa at graduating na sina Vincent (#4) at Ruijin (#5). Yung mga iiwanan nilang spot as Most Influential na nag-aaral dito sa TMU, io-occupy ng mga newcomers na may potential… at syempre yung may maraming followers!



“Wag na nga, hindi ka naman talaga invited.”



“Sinong may sabi? In-invite din ako ni Merrick noh!” Si Merrick, kaibigan din nila na naging kaibigan ko na lang rin dito sa TMU. “May kailangan lang akong parusahan ngayon kaya pass na muna ako jan sa party niyo...”



“Ganun ba? O paano ‘pre, mauna na lang kami ha!”



“Oo nga. Pinagtitinginan na rin tayo, agaw-eksena na masyado kapag nagsama-sama tayong mga gwapo!”



“Saakin lang at kay Asher yan nakatingin. Hahahaha!!! Sige! Ingat na lang sila sayo Hadwin! Ahahaha!!!”



“Pakyu!”



“At Ash, yung tungkol sa inyo ni Cecily, ayusin mo na agad. Marami nang nakapalibot sa kanya.”



“Yun na nga eh, gagawin ko yun. Salamat Laris, maasahan ka talaga! Next time na kita kukulitin tungkol jan sa Prospect mo.”



Umalis na sila… at ako rin kelangan ko nang umuwi. May naisip na rin akong ipapataw na parusa kay Hot Pink eh.















(ATASHA ORELLANA POV)



Tama! Papatayin ko na lang yung ilaw at hindi mag-iingay dito sa loob ng kwarto ko para isipin ni ET na wala ako o kaya tulog na o kaya nabiktima na ng pasok-kwarto gang at ngayon ay isang malamig nang bangkay.



Powtek, kinakabahan lang ako sa naging banta niya, nagiging morbid na ang pag-iisip ko. Waaaahhh!!! Maglalandi-landi ako tapos hindi ko rin naman pala kayang panindigan! Hwahuhuhuhuhu~ basta, kunwari wala ako dito sa loob.



Maya-maya, narinig kong may yabag ng paa at mukhang tumigil siya sa harap ng kwarto ko. Jusmio, malamang si Ate Ganda na yun!



“Tao po!” *katok katok* “Tao po!”



Aba naman! Iniba pa niya boses niya! Akala niya siguro hindi ko pinaghandaan ‘to! Sige lang Atasha, magkunwari ka lang na wala ka dito.



“Tao po! Ma’am Atasha Orellana!” May pa-ma’am-ma’am ka pang nalalaman jan! Pero teka, for the first time binanggit niya ang pangalan ko! It’s a miracle!!! “Tao po! Ma’am Atasha Orellana, may package po kayo!”



Package mo mukha mo Laris!!! Kahit pa ibahin mo boses mo at tawagin mo ako sa pangalan ko at sabihin mong may package ako, HINDI AKO LALABAS!!! Bahala ka jan!



“Powtek, wala yatang tao dito.” Oh kitam mo, lalabas na tunay na boses niyan oh. Manloloko pa siya ha!



“Kuya ano po yan?” Yown! Yun na yung boses ni Laris!



“Ah, package po para kay Atasha Orellana.” Ano yun? Bakit kinakausap niya sarili niya?



“Bakit, wala po ba sa loob?” *tok tok tok!* “Hoy Hot Pink!!! May malaking package ka dito!”



“Kanina ko pa nga po yan kinakatok, mukhang walang tao.”



Teka…? Baliw na ba si Laris? Nagjo-joke lang yan! Iisang tao lang yan!!! Wala siyang ibang kausap! Wala siyang ibang kausap! Wala siyang ibang kausap!



“Kanino po ba galing yan?”



“Mula po kina Thadeo & Sharon Orellana.” Teka lang ulit!!! Tatay at nanay ko yun ha! Paano niya nalaman yung pangalan ng mga magulang ko? “Sir, pwede po ba kayo na lang mag-receive nito?”



“Ipa-receive niyo na lang sa landlady namin dun sa lobby. Si Aling Mangkay po.”



“Eh hindi niya rin po tinanggap dahil nandito naman daw po yung may-ari. Kaso ayan nga, mukhang wala rin naman.”



“Ganun ba… sige na nga. Amin na…”



“TEKA LANG KUYA!!!” Kakaiba na yun eh! Baka may package nga sina mama saakin! At pag-open ko nga ng pinto, gulat na gulat yung itchura nina kuya delivery boy at Laris!!! At uwaaaaaaaaaaah!!! May package nga!!! “Ako po si Atasha Orellana!”



“Ma’am naman, kanina pa ako kumakatok, akala ko walang tao.”



“Ah… eh… natutulog po kasi ako.”



Yung tingin ni Laris, halatang alam niya kung ano yung pinaggagawa ko. Nagmake-face pa. “Aha! Yun pala yun… natutulog daw?” Che!


Ipinasok na ni kuya delivery boy yung malaking box tapos umalis na rin. Pero hindi ako naiwang mag-isa dito sa loob ng kwarto ko. “Hoy, anong ginagawa mo at nakaupo ka pa jan sa kama ko! Lumayas ka sa kwarto ko!!!”



“Akala mo siguro kanina, ako yung nagta-tao po noh?”



“Hindi noh! Natutulog talaga ako!”



“Eh bakit ayos na ayos itong kama mo? Hindi halatang tinulugan.”



“Kasi… sa… sa sahig ako nakatulog!”



“Oh pwedeng nagtatago ka dahil alam mong may kasalanan ka!”



Walakompake kung alam niya na yung nga ang ginagawa ko!!! “Lumayas ka na nga! Kung paparusahan mo ako, BUKAS NA!!!”



“Ayoko nga.” At tumayo siya at may dinukot na something sa bulsa niya. At… at may hawak siyang swiss knife!!! Oh no!!! Sasaksakin ba niya ako?



“Oy, La… Laris… masama yang iniisip mo ha!!! Delikado yang hawak mo!!!”



“Wag kang mag-alala, matalas naman ang patalim nito!”



“Uwaaaaaaaaah!!!” Sasaksakin nga niya ako!!! Help! Help!!! Sabay luhod, “Kung ano man yung kasalanan ko sayo, hindi mo naman kailangan na patayin ako agad! Ang OA mo naman!!! Thou shall not kill Laris!!! Thou shall kill!!!”



“TIMANG!” At binuksan niya lang yung box. “Buksan na natin ‘tong package mo. Ang laking box, mukhang maraming laman!”



“Eh…?” Abnoy ko rin, akala ko sasaksakin na niya ako! “Bakit ikaw ang magbubukas niyan! Package mo ba yan!!! Echosero ka ha!”



“Uy may kalan! Tsaka kawala at kaldero!”



Walangya talaga ‘tong lalaking ‘to! Alam niyo yung salitang TIMONGOLOID? Yung pinagsamang timang at mongoloid na nilikha ni Ruijin sa kwentong ‘My Nephew-in-Law’. Best example rin si Laris as timongoloid eh! Pahiram lang Eli ha!



“Ano ba!!! Bakit nauuna ka pa sa padala ng mga magulang ko!”



“Puro gamit pang-kusina ‘to ha. Ayos! Pwede na akong magpaluto sayo nito.”



“Nakikinig ka ba? Layas ka nga jan!!!” Pero hindi pa rin siya lumayas! Naki-epal talaga sa padala ng mga magulang ko.



Puro mga gamit nga sa kusina yung nasa package dahil nasabi ko kina Mama noon na ang hirap kung wala kang gamit panluto. Lagi akong tag-gutom. Bukod doon, may mga pack pa ng pagkain silang ipinadala. Madami nga eh! Pero ang nakakainis jan, yung sampung balot ng dried mangos ko, pinag-interesan ni Laris!



“Tag-limang balot tayo ha. Favorite ko ‘to, alam mo ba yun?”



“Kapal ng mukha mo! Close na ba tayo!”



“Hoy baka nakakalimutan mo, malaki utang na loob mo saakin.”



“Psh~ oh sige! Pero isang balot lang sayo!”



“Lima na!” At pinasok niya agad sa bag niya yung dried mangoes! Magnanakaw!!!



“Oh siya, sige na! Naki-epal ka na, naka-dekwat ka pa ng dried mangoes, pwede ka nang lumayas!”



“Try mo na rin yung bago mong kalan. Tamang-tama nagugutom na ako.” Tapos inabot niya yung isang instant noodles na kasama sa padala. “Yan, mukhang masarap yan!”



“Ikaw…”



“Dalian mo!” Sabay at biglang nag-pout siya sa harap ko. “Tandaan mo, may kasalanan ka pa saakin. Gusto mo singilin kita agad?”



“Sabi ko nga magluluto na ako. Sit back and relax ka lang jan ha.”


Goodness gracious!!! Lord, kung good boy po sa mga mata niyo itong si Laris, sana pakikuha na po siya.















“Patay-gutom ka ba?”



“Gutom lang…” Hindi eh! Patay-gutom talaga! Siya halos nakaubos ng limang instant noodles na niluto ko! Pero sige lang, tiis-tiis ako! Para naman kapag busog na siya, makalimutan niyang may kasalanan pa ako sa kanya.



After naming kumain… “Ahh, ang sarap! Busug na busog ako! Buksan mo yung dried mango para dessert.”



“Aba, kinuha mo na nga yung limang balot tapos yung saakin pa papatusin mo! Pakapalan na talaga ng mukha ‘to!”



“Nung pinilit mo akong gawin kang prospect ko, di hamak naman na mas makapal ang mukha mo. At ano pa ba inaarte-arte mo jan, eh TAYO nga diba?”



Paduguin ko nguso niya eh! Sayang yung kissable lips! Pero, ibinigay ko na rin sa kanya yung gusto niyang dried mango. Kung sabagay, sawa na kaya ako sa pagkain na ‘to! Dun pa lang sa probinsya namin, purgang-purga na ako sa pagkain na ‘to.



“So… ano nang plano?”



“Hmmm… teka…” Concentrate sa pagkain ha! Bakit ba ang mga lalaki, masisiba kung kumain! Nagtaka ka pa! Eh si Zack nga, malala pa! “Ahh! Yown! Bago ko makalimutan… yung parusa mo nga pala.”



“Parusa? Anong parusa? Wala akong ginagawang masama ha!”



“Wag kang magamne-amnesia jan! Tutuluyan kita!” Akala ko pa naman ligtas na ako! Ahuhuhuhuhu~ “Diba sabi ko, now that you’re my Prospect, you shouldn’t flirt with anyone else especially with Zack. Ano bang utak meron ka? Gusto mo bang makuha si Zack o hindi?”


“Gusto…”



“Pwes, ako susundin mo. Ngayon pa lang, dapat paunti-unti ka nang dumidistansya sa kanya. It’s part of the plan!”



“Oo na! Hindi na mauulit.”



“Talagang hindi. Dahil kapag umulit ka pa, then let’s call this off!” Hwaw! Matapos ko siyang busugin ngayong gabi, nananakot pa siya! “Now for your punishment, bumunot ka dito.”



Naglabas siya ng tatlong naka-rolyong papel. At pamilyar saakin yun! Parang yung papel… yung papel galing dun… dun sa… dun sa bowl… sa bowl ng… ng…



“May tatlong espesyal na halik jan na ako mismo pumili. Naka-depende sa mabubunot mo ang magiging kapalaran ng mga labi mo ngayon!”



“HWAAAAAAAAAAH!!! Eh diba more than 100 choices yun!!! Bakit tatlo lang yang dinala mo!!! Abnoy ka ba!!! Hindi ako pipili jan!!! NO WAY!!!”



“Eh kaya nga punishment eh. Kung hindi ka bubunot, eh di ako na lang. Malay mo, SOUL KISS yung makuha ko.”



“Soul Kiss…” Teka… yun yung halik na ginagawa nina Eli at Sam ah!!! Sweet yun para sa kanila, pero kung kaming dalawa ni Laris ang gagawa nun… “NOOOOOOOOOOOOO!!! Ako na bubunot!!!”



*dugdug* At heto na po mga kaibigan. *dugdug* Papalapit na po ang daliri ko dun sa mga papel. *dugdug* Ano kayang pipiliin ko? *dugdug* Yung sa kaliwa? Kanan? O gitna? *dugdug* Heto na mga kaibigan! *dugdug* Please wag SOUL KISS! *dugdug* Eh kaso… kung hindi yung soul kiss? Ano pa yung dalawang halik na natitira? *dugdug* Waaaaaah!!! Lalong nagpa-palpitate ang heartness ko!!!



“Bumunot ka na nga! Pa-slowmo effect ka pa jan eh!”



Heto na talaga!!! Nakabunot na ako! At dahan-dahan ko itong binuklat…



“Vampire Kiss”



“Ano ‘to? Kelangan ko bang magpatubo ng pangil dito? Ano namang klaseng halik…”



Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi halos magkatabi kaming nakaupo diba? Eh bigla na lang siyang lumapit at ni-corner ako sa pinaka-gilid. At siguro mga ilang dangkal na lang ang layo namin!!!



“Hindi mo alam yung ginagawa ng mga vampire? Hindi mo ba napanood yung Twilight ha?”



“Napanood ko pero…” Hindi ko maintindihan!!! Basta hindi ako makahinga!!! Sobrang lapit niya eh! Parang yung hangin sa paligid ko, sa kanya na lang napupunta. “Laris…”



“You know a vampire always use their charms to lure their victims…” At basta na lang niyang hinawi yung buhok ko. Nakahawak siya sa dalawang braso ko kaya para ako lalong naparalyze. “At katulad ng ginagawa ko ngayon sayo, it seems like you’ve fallen for my charm already.”



*snap!*



“OY HINDI AH…”



“Sheesh~ I’m not yet done!”



Tapos yumuko na siya papunta sa gilid ng leeg ko. Nararamdaman ko na yung hininga niya nakakakiliti pa nga lalo nung madikit na yung labi niya sa balat ko. At bigla na lang...



Akjnsxhixhxknsieoupdihpyxdooxkqnkazlzozjkkaishihsehi!!!



Alam mo yung parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko? At dahil doon, nagawa ko na siyang itulak palayo!



“Bakit mo ako kinagat sa leeg! Manyak! Manyak! Manyak!!!” Sabi ko habang hawak-hawak ko yung leeg ko. Hindi naman ganun kasakit pero nakakapangilabot nung naramdaman ko yung ngipin niyang nakabaon sa balat ko.



“That’s the Vampire Kiss!” Napailing-iling pa siya habang natatawa. “Hay naku, mga virgin talaga! Masyado kung ituring na big deal ang lahat!”



“Eh talagang big deal yun! Hindi ka lang manyak, aswang ka pa!!! Nangangagat!!!”



“Gusto mo ulitin ko pa?”



“Mukha mo!!!”



“Gwapo. At ngayong alam mo na ang feeling na mabigyan ng Vampire Kiss, saakin mo naman ngayon gawin yun.”



Ohmaygallywow!!! Iligtas niyo po ako sa nilalang na ‘to!!! Napaka-dumi po ng mga gawain niya! Eh ginusto mong maging prospect eh. Pwede ba kunsensya!!! Wag ka nang umepal! Aminin mo, masaya naman diba!



“Actually sa Vampire Kiss, you can either bite or suck the neck of your partner. Pero syempre kapag may kasamang sipsip, mag-iiwan yun ng marka. Yung chikinini kumbaga. Kaya naman sina-suggest ko na kagat na lang.” Tapos lumapit ulit ang damuho saakin at ibinalandra pa leeg niya. “Oh sige na, gawin mo na saakin yun.”



“AYOKO!!!”



“Wag ka nang mag-inarte! Pasalamat ka na nga lang at hindi labi ko ang hahalikan mo diba? DALI AT NANG MATAPOS NA!!!” At tama ba namang hawakan yung ulo ko para ilapit talaga sa leeg niya!



Naamoy ko na tuloy siya! Ang bango ha, infairness. “Wag mong lakasan yung kagat ha. Yung katulad ng kagat na ginawa ko kanina.”



Kakagatin ko lang naman diba? Tama naman siya, gawin ko na at nang matapos na! Okay… ready… ready… ready… “Dali, nangangawit na ako!”



“Ito na nga!!!”



*vampire kiss~*



Medyo ang tagal kong nakakagat sa balat niya. “Ayan, tama yan Hot Pink.” Hindi naman pala ganun kasama. Actually parang ngang…



“A... AH... ARAAAAAAYYYY!!!” Ayan napalakas na yung kagat ko!!! “SHET KANG BABAE KA!!! PAKSHET!!! TAMA NA NGA YUNG UNA, BAKIT NILAKASAN MO PA!!! PESTE KA, ANG SAKIT!!!”



“Pasensya, nawalan lang ng control.” Ewan ko pero natatawa ako sa violent reaction niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, ang cute pala kapag nasasaktan siya eh“Ulitin ko pa ba?”



“Hindi na!!!” Parang sobrang na-badtrip nga, pero bakit parang namumula din siya? “Uuwi na ako!!! That’s it for now!!!” At padabog na siyang umalis habang hinihimas yung kinagatan ko sa leeg niya.



Hwahahahaha!!! Para tuloy akong naka-instant ganti sa ginawa namin ngayon! Parang imbes na ako ang parusahan, siya pa tuloy ang nakatikim! Ahahahahahaha!!!



"Who wants some Vampire Kiss?"



 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 23





ADS: Okay, this is another chance para mag-plug! Hehehe! The previous chapter, si Cecily ang pinakilala/pina-alala ko sa inyo... Ngayon naman sina Asher, Hadwin at Gwynne. Sila ang main cast sa Sister Complex, at sila pa rin ang dapat niyong abangan sa Girlfriend Complex. Hindi pa natatapos ang cameo roles nila dito sa KB ha... yan ang dapat niyong antabayanan!



25 comments:

  1. Grabe langs.. Tawa ako ng tawa dito sa bahay. xD Buti na lang walang sound yung pagtawa ko. xDDD Tahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ndE aq mKageToVer,,, bNa q uLiT pRa tiGnan uLit uNg piCtures nLa,, aNg cUte tLGa ni LaRis,, anG aNda nia,,

      At si ataSha pRang aBang tuMtGaL LLoNg gumAgaNda,,,

      Delete
    2. dahil hindi ako tinatamad ngayon, gusto ko replyan lahat ng comment sa chapter na ito... salamat! (hindi daw tinatamad eh noh? XD XD)

      pero salamat talaga!!!

      Delete
    3. ate, anong nangyri s kwento nina ash at silly? bkit sila nag-break!!!! naexcite tuloy aq llo s gf complex mu....

      Delete
  2. Wahahaha! Ayan ayan Laris! Masakit ba? Me! I want a Vampire kiss! From Laris opcourz!! hahaha

    ReplyDelete
  3. ayan na sila!!! nakaka miss tuloy ang sister complex.. haiii.. ang gwapo pa rin nila.. si laris na talaga ang pinaka mahangin sa lahat! lahat ng bangko,lumilipad nah.. haha.. pero sya pa rin ang bet ko!!

    tama bang lumuhod sa harap ni laris at magdrama?? hahah!! parang swiss knife lang eh..

    ay grabe, ang takaw ni laris.. fav ko rin ang dried mangoes!! ang cute ni niya sa pic.. kawaii!!

    I really love the Vampire kiss moment!!! kilig mats!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaah! ang gwapo ni asher noh~~~!!! ♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤

      Delete
    2. natawa naman ako sa lahat na ng bangko lumipad!!! trololololz!!!

      Delete
  4. Whoa? Nagbreak si Cecily and Asher? Ehmeged!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga daw eh. chismoso rin 'tong si laris eh. kailangan pang sabihin!

      Delete
  5. whahahahahahwahahaha....nakakatuwa naman...and dito ang mga Ssister Complex characters...wow galing...tapos ko na yun basahin..noon pa..

    whahahaha...yun pala ang vampira kiss..hahahaha..tawa ako ng tawa dito...ang saya saya...hahahaha...nakakakilig na nakakatawa talaga...hahahahaha

    sige ipagpatuloy nyo yan Laris at Atasya...hahaha nakakatuwa talaga kayo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. i miss you ching!!! sa story ko na ito madalas ka pa rin mag-comment... pasensya na dun sa BF in disguise at hindi ko maituloy dahil nawawala si inspiration ko dun eh...

      Delete
    2. oi i miss you too Aegyo...super miss ko na kayong lahat...at miss ko na din ang BF in disguise hehehe,,,lahat ng stories mo love ko hehehe...hnd man ako nakakapag comment sa lahat, nababasa ko naman lahat...

      Delete
  6. nBuSoG nMn aq s picTuRes s cHaPter n 2,, aNg gWPo ninA asHeR at hAdwiN,, yAy, pEo tMa maS maGanDanG LLke xAg dHiL mGaNda tLGa xaH,, hAha,, nLuNgkOt n baGbReAk cna asHer at siLLy,, bKet kya,,, at tSaka anU kYa uNg itChuRa diN ni mERrick,, dbA cLa pArtNer ni gwYnnE,, aLa naALLa q Lng dUn s LaSt paRt ng SC eE,,,,

    aT uNg vaMpiRe kiSs,, KyaaaHAhAhha,, aNu LaRis pPaKagAt k p b kEi atAshA ha,, nkkKiLig o sbRa LuNgS,,,,,,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakabusog din yugn comment mo. ahahaha... si merrick, abangan niyo na mismo sa gf complex. pero next year pa talaga siguro yun! ahaha!!!

      Delete
  7. haha
    ang cyut tlga pag si laris at atasha
    ee
    i want a vampire kiss from laris
    bwaaaaaaaaahhhhhhhhhh

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige, papakagat ko kayo lahat sa kanya! XD XD XD

      Delete
  8. at laris!!! waaah!~ ♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤
    gusto ko din magpa-vampire kiss sayo!! hwahahahaha!!!! ~~~~~ LARIS=❤

    ReplyDelete
  9. aq!!!! gusto q rin ng vampire kiss ni laris! ahhhahhahahha!!! at nde lng kagat ang ggwin ku sknya!!! lalamutakin q siya! ahhhahhahah!!!!

    ReplyDelete
  10. aýīiěhh.ñáķakïłig pø sõbřa sï laŕïş.mahàł kø ná rïñ.kső hìnđì ná rin siýä añğ fiřşť kíşs kø.pěŗö päpâkīşs pâ riņ akö sákâňýa.. Ü

    ReplyDelete
  11. mamamtay n yta aq s sobrang kilig s chpter n 2 eeehhh!!!
    peo nalungkot aq s teaser ng gf complex ksi nagbreak din pla cna silly at ash! anu nangyare dun!!! bket nmn!!!!!!

    ReplyDelete
  12. holy sheez!! hands up for atasha's vampire kiss!

    ReplyDelete
  13. OHNO! Emeged. Bakit nagbreak si Silly tsaka si Asher? Huhuhu. Nakakapanlumo naman. Sayang 'yung relationship nila. Pero sana magkabalikan ulit sila! Dapat kinuwento ni Laris yung about sa kanila ni Silly! Kung bakit naman kasi tinamad daw siyang magkwento. =___=
    //Emeged ulit. Ang gwapo ni Asher at Hadwin! Pero mas gwapo si Asher, opkors. XD Para kasing *ehem* bakla *ehem* si Hadwin sa second pic. Huhu. Sana meron din 'yung picture ni Merrick para kumpleto ang Handsome Trio. Lels.
    Ganda rin ni Gwynne. *__*


    Parang si Zack si Laris. akala mo may alagang sawa sa tiyan. Ang takaw. Haha!
    Sus. If I know, kinilig lang siya kaya namula. Hohoho.
    KILIG OVERLOAD! SALAMAT DUN SA VAMPIRE KISS! Nag-ala Bella at Edward sila eh. Hahaha!
    Can't wait na i-public na ni Laris ang LarSha account nila. > 0 < LARIS! HUWAG MO NANG I-PRIVATE. TT__TT

    PS. Papa Laris! I also want a vampire kiss from you! hohoho.

    ReplyDelete
  14. anyway, favorite ko na rin talaga itong KB

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^