Wednesday, October 10, 2012

Kissing Bandit : Chapter 24

CHAPTER 24
(ATASHA ORELLANA POV)



Yey, walang pasok! Sa wakas pwede akong humilata lang sa kama ko kahit buong maghapon. Mamaya na ako babangon kapag nagutom na ako. Ow! Wait! Hindi na nga pala ako magugutom! May stock na ako ng pagkain jan at pwede na ako magluto anytime! Kumpleto na kaya mga gamit ko sa kusina! Ay ang sarap ng buhay~



*alarm clock ringing~*



Epal naman ng alarm!!! In-off ko ‘to kagabi ha! Bakit nang-iistorbo ito ngayon? Pag-check ko sa phone ko, may nakalagay na reminder.



“Maaga kang gumising at mag-ayos Hot Pink. May pupuntahan tayo. Magkita tayo sa baba ng alas-ocho.”



“Teka… si ET siguro… paano niya na-save ‘to sa cellphone ko? Tsss!!!” Pinatay ko na yung alarm at nagtalukbong na lang ng kumot. Kakainis, pakelamero masyado yun ha! Bahala siya, gusto kong matulog noh!



After 5 minutes, *alarm clock ringing again~*



“Kapag na-late ka, alam mo nang parusa mo.”



Napatalon tuloy ako sa kama ko. When I check the time, may 30 minutes pa naman ako para makapag-almusal, makaligo at makapag-ayos. Bumangon na ako at nag-ayos na talaga. Ayokong ma-late… ayoko ng parusa niya.



“Pero teka… saan kami magpupunta?” Hindi kaya… hindi kaya… ow no!!! Hindi kaya magdi-date kami?



Time check: 7:59 AM



Paglabas ko ng dorm, hinanap ko siya sa paligid. Nakita ko si Laris na nakasandal sa may pader at nakita na rin niya ako. Sabay ulit kaming tumingin sa orasan, saktong alas-ocho na!!!


Paglapit ko sa kanya… “You’re late.”



“Mukha mo late!” Pinakita ko sa kanya yung orasan ko at tinaasan siya ng kilay. “Sakto lang ang dating ko noh.”



Aba’t tinaasan niya rin ako ng kilay at pinakita ang orasan niya. “Ito ang tamang oras. Ang oras na sinusunod natin sa TMU. Late yang orasan mo kaya late ka rin.”



“Oo nga noh… Teka, kelan pa naging late ang orasan ko?” Nakabase rin ito sa oras ng TMU eh… actually advance pa nga!!! There must be something wrong… “Oh wait!!! SINADYA MONG MA-LATE AKO!!!”



Bigla niya akong nginitian ng pang-asar!



“I knew it!!! Bukod sa pinakelaman at nilagyan mo ng alarm yung cellphone ko, ginawa mo pang late ang orasan ko!!! Tama ako diba? Tama ako!!!”



“Tama ka nga.” He’s so evil!!! Argh!!! “Pero dahil hindi mo naman chineck ng maigi, na-late ka pa rin!” Eh sino ba naman kasing matinong tao ang maghihinala sa sarili niyang orasan! Siya ‘tong timang na nagbago ng orasan ko! Para ano? Para i-blackmail ako? “Kaya naman tulad ng sinabi ko kapag na-late ka, ang parusa mo ay…”



“Kiss? Kiss na naman noh!!! Alam ko na yang panakot mo eh!!! Hindi ka pa rin yata natututo sa leksyon mo kagabi! Gusto mong mabampira kita ulit ha?”



Nakanganga lang siyang nakatingin saakin. Tapos bigla siyang natawa at humawak sa bewang niya habang umiiling-iling pa. “Anong kiss? Hinahanap-hanap mo na labi ko?”



“Oo, para pasabugin yang nguso mo.”



“Well, sorry to disappoint you Hot Pink pero hindi kita bibigyan ng halik ngayon.”



“At bakit ako madi-disappont! As in sobrang saya ko kaya! Ligtas ako sa kamanyakan mo!”



“Whatever you say, ang manyak na ito ang tinitilian ng lahat.”



“Kasi mga abnoy sila.”



“Oo kagaya mo, abnoy din.” Leshe!!! Umagang-umaga dinaig pa namin sina Goku at Freeza na nag-aaway. Magwawala pa sana ako kaso kinuha niya yung isang malaking bag at pinabuhat saakin. “Bilang parusa mo, ikaw ang P.A. ko sa araw na ito.”



“At bakit? Saan ba tayo pupunta?”



“Inimbita ako sa isang fashion photoshoot ngayon. Wala akong katulong kaya ikaw ang dadalhin ko.” Magsasalita pa sana ako pero, “At hindi ka pwedeng tumanggi! Parusa ito sa pagiging late mo. Bilisan mo na jan, ayokong ma-late!”



Watdapackingtape naman!!! Galing talagang mamblackmail ng kumag na ‘to!!! But for the second thought, mabuti na rin na ito ang parusa niya. Kesa naman dun sa kiss noh! Pero akala ko talaga date na pupuntahan namin eh.















“Bakit nga pala ganyan ang suot mo?”



“Bakit? Anong mali sa suot ko?”



“You seriously think na walang mali jan sa suot mo?”



Eh ano nga bang mali? Damit pa rin naman ng tao ‘tong suot ko ha! Wag kang magmaang-maangan jan. Oh di sige aamin na ako. Sinadya kong ganito ang ayos ko dahil nga inisip ko kanina na baka mag-date nga kami ni Laris. At kapag nakita niya na ganito ang ayos ko, magbagong isip siya.


“Pagtatawanan ka ng mga yun kapag nakita ka nila.”



“Ano naman? Walang basagan ng trip.” Masaya ako sa ayos ko! Masaya ako!!!



Waaaaaah!!! Nakakahiya!!! Ako nang mapapahiya mamaya!!! Ano nang gagawin ko?



Dumating kami sa isang building. Dun sa may lobby, may pinakita lang na pass si Laris at sinabi agad saamin na ang venue daw ay nasa may 4th floor. Nung sumakay kami ng elevator, tahimik lang ako.



“Um, paano nga pala kapag may nakakita saatin na magkasama tayo?”



“Ako lang ang in-invite na taga-TMU kaya walang makakakilala sayo.” At nakatingala lang din siya habang nakatingin kung nasa anong floor na kami. “At isa pa, ano naman kung makita nila tayo. Obvious naman na katulong kita ngayon dahil jan sa ayos mo.” Ang sarap pilipitin talaga ng leeg niya!


Nung makarating na kami sa 4th floor, pumasok kami sa isang kwarto at doon tumambad saakin ang kalangitan.



Ang daming naggagwapuhang anghel at naggagandahang josa! Nung makita nila si Laris, dinumog agad siya ng mga babae. Yung ibang lalaki naman, binati siya pero yung iba halatang naiinggit. Kakainis, sikat ang mokong!



“Oy ano pang ginagawa mo jan?” Lumapit ulit siya saakin kasi naman naging bato na ako dito sa kinatatayuan ko. “Pumasok ka na.”



“Ah… sa… sa labas na lang ako…” Oo na! Nang makita ko ang mga model na mga babae at lalaki dito, lalo akong nahiya sa itchura ko.



Pero wala pa nga akong sinasabi, mukhang nabasa na agad ni Laris ang nasa isip ko. Nag-ala Madam Auring na naman! “Kung iniisip mo yang tungkol sa itchura mo, wag kang mag-alala. Hindi lang naman ikaw ang panget dito eh.”


“Thanks ha! Nakakabuild-up ka ng self-confidence!” Sinikmuraan ko tuloy siya kaya naman napa-‘Oomph’ siya ng sobrang lakas at sinimangutan ako.



Natawa lang ako sa kanya, ang weak kasi eh! Kaso dahil sa ginawa ko, napatingin ang lahat saamin. Nagbulungan agad yung iba, tinatanong kung sino kaya ako at kung kaanu-ano ako ni Laris.



Buti na nga lang naiwas ang attention namin nang dumating na yung staff. May isang bakla nga, siya yung tinatawag na boss ng lahat, nakipag-beso agad kay Laris nung makita siya.















*pose pose pose*



Hay ang boring!



*click click click*



Tsk… nakakaantok pala manood ng ganito.



Kasi naman yung mga magagandang mukha ng mga models kanina, natakpan na ng mga make-up nila. At yung mga lalaki, nagmukhang mga bakla. At ang daming maaarte ehMay mga individual shots ang bawat model pero merin ding by group.



“Hot Pink, paypay ka nga dito.” Palunok ko kaya sa kanya yang pamaypay niya!



“Oy magpaypay ka daw! Katulong ka diba? Pinapawisan na si Papa Laris! Hindi siya pwedeng magmukhang haggard!” Epal din ‘tong make-artist nila ha! Pero halatang favorite niya si Laris. Ang tagal niyang inaayusan si Laris eh.



“Psh!” Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos hinablot ko yung pamaypay at pinaypayan na si Laris.



Pina-una kasi nila yung iba. Last daw si Laris dahil special siya, oo tama sila! Special child ang bangaw na ‘to! “So what do you think?”



“About what? Sa mga damit na mino-model niyo?”



“No. What makes you think na tatanungin kita about sa mga damit eh wala ka naman alam sa fashion.” Basag ako dun ha! “Sa mga shots nung mga photographers.”



“Hmmm… ang gaganda ng mga cameras na gamit nila.”



“Shots nga ang sinabi ko diba? Yung mga pictures doon!” Tinuro saakin ni Laris yung screen sa may harapan. Everytime kumukuha ng shots yung photographers, nagre-register sa computer na yun yung mga kuha nila.



“Lighting is good. Magaling din yung mga models mag-project. Maganda register nila sa camera.”



Tumango naman si Laris sa sinabi ko. “But do you like their shots?”



“Hmm… bakit naman hindi ko magugustuhan? Eh mga professional ang mga yan.”



“Yeah, pero naisip ko, mas magaling ang pagkuha mo ng pictures. There’s something missing kapag tinitignan ko yung mga pictures na kinukuha nila. Ibang-iba sa mga pictures na kuha mo.” Napatigil ako bigla sa pagpapaypay. Nakatitig akong maigi kay Laris at sinigurado na siya talaga ang nagsalita. Malay mo may ventriloquist dito. Hahaha!!! “Hoy, paypay pa! Ang init, baka pagpawisan ako.”



Okay! Nilakasan ko pa ang pagpapaypay sa kanya. Minsan lang akong maging mabait dahil minsan lang magbigay ng papuri si Ate Ganda eh. Nakaka-flatter ang mga sinabi niya!



Nang tawagin na si Laris ng mga photographers, yung mga naka-tenggang babaeng eh nagkumpulan palapit para lang panoorin siya. And take note, hindi na lang ngayon ang mga photographers ang kumukuha ng pictures, pati yung mga models.



Well, wala namang problema yun kay Laris. Feel na feel pa nga niyang pinagkakaguluhan siya nung mga models. Tapos yung tipong sinasadya niyang magpa-cute sa harapan nila kaya lalong naghi-hysterical yung mga babae.



“Tss… sayang ang mga ganda. Ang lalandi naman…” Ang naibulong ko sa may gilid.

"Outfit 1"

"Outfit 2"

"Outfit 3"

After almost half an hour, sumenyas na saakin si Laris na gusto daw niya ng tubig. Inirapan ko lang siya pero tumayo ako at nagpunta dun sa refreshment area at naghanap ako ng mineral water.



“Ikaw yung P.A. ni Laris, right?”



Napatingin ako sa isang babae na isa sa mga pinaka-matangkad na model na nandito ngayon.  “Oo… bakit?”



“Pwedeng hingiin yung personal number niya? Diba hawak mo cellphone niya ngayon?”



Napakapa ako sa bulsa ko. Oo, pinahawak nga saakin ni Laris ang cellphone niya. “Ahh sorry ha, magagalit siya saakin kapag ginawa ko yun.”



“He won’t know.” Tapos lumapit pa siya saakin at may inaabot na pera. Maygawd! Sinusuhulan niya ako. “Magkano ba sweldo na ibabayad niya sayo ngayon? I’ll triple the price ibigay mo lang saakin. Cell number lang naman eh.”



“Sorry Miss. Kung gusto mo talaga ng number niya, personal mo na lang siyang lapitan at hingiin mo sa kanya.”



At para hindi na niya ako pilitin pa, umalis na ako agad at bumalik dun sa pwestong inuupuan ko. Pero wala pang ilang minuto akong nakaupo, isang babae na naman ang lumapit saakin at nagtanong ng kung anu-ano tungkol kay Laris.



Ang mga sumunod na minuto ng buhay ko dito, iba-ibang mga babae ang nagsisilapitan para sumubok na hingiin saakin ang number ni Laris o alamin kung maibibigay ko ba sa kanila ang address ng lalaking pinagnanasaan nila. Ano ba 'to!!! Bakit ako ang hina-hotseat nila!!!















“Hay~ ayoko na talaga!!! Gusto ko nang umuwi!!!” Feeling ko hindi na favor ang hinihingi nila eh. Hinaharass na nila ako!!!



*tok tok tok!*



“Hindi ka pa ba tapos mag-CR jan?” Ang kukulit naman oh! Nagkulong na nga ako dito sa CR, sinundan pa rin ako! At hindi lang isang babae sila ngayon, mas marami na! “Ano nga ba name mo? Alam mo nago-offer kami ng make-over! Ibigay mo saamin ang number ni Laris at tsaka sagutin mo lang yung ilang tanong namin tungkol sa kanya, at bibigyan ka namin ng free make-over!”



“HINDI KO KAILANGAN NUN!”



“Weh hindi nga! Sa itchura mong yan, kailangan mo ng make-over.” Sige, wag niyo akong tigilan! Kapag ako inatake na naman ng pagka-psycho ko, dadanak ng dugo dito ngayon. “Lumabas ka na jan! Hindi mo kami mapagtataguan!”



“Tumatae ako!!! Gusto niyong makita?”



“Ewwwwww!!!”



“Tigilan niyo na ako please! Ako malilintikan ni Laris sa kakapilit niyo saakin eh.”



Wala nang sumagot. Ayun, mukhang natauhan na yata sila at nagsialisan na. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto pero pagsilip ko, “HULI KA!!!”



“Naka-open na girls!!! Tulong na kayo dito!!!”



In-open nila ng malaki yung pinto ng cubicle kung saan ako nagkulong at dinumog nila ako. Tag-isang babaeng ang nakahawak sa kamay ko, meron ding pumupigil sa likod ko at yung iba kinapkapan na ako.



“OY ANO BA!!!”



“Faster girls, find Laris’ cellphone! Dali!!!”



“TULONG…” Biglang may nagtakip sa bibig ko kaya naman hindi na ako nakasigaw.



Mga desperada much ang mga ‘to! Talagang pinagtutulungan ako! Nagpupumiglas pa ako at para wala lalo akong palag, inihiga pa nila ako sa sahig. “Wag ka nang maglikot!” Eh paanong hindi ako maglilikot, nakikiliti kaya ako sa mga pagkapa nila saakin!



“Here!!! I found his phone!!!”



“HMMMMM!!! HMMMMM!!!” Malalagot talaga ako kay Laris nito!



Mabuti na lang at may nagbukas ng pinto at nagulat kami dahil isang lalaking model ang nakakita saamin. Ang ikinagulat lang naming lahat, naglabas siya ng cellphone at parang kinuhaan kami ng video, “GANG RAPE!!! MAY GINAGANG-RAPE DITO!!!”



O___O - Gang rape? Sino? Ako? Ginagang rape ako ng mga models na kapwa ko babae? Nung ma-realize nga namin ang itchura namin, parang ganun nga yung position namin. Nakahiga ako sa sahig at nakapatong yung ilan saakin habang yung mga kamay nila ay nasa iba’t ibang parte ng katawan ko.



Agad kaming dinumog ng mga tao. Pero nung bigyang daan ng lahat si Laris, “What the hell…” Lumapit siya saamin kaya nagsialisan yung mga babae sa paligid ko at saka niya ako tinulungang bumangon. “What are you doing with her?”



“Ah… eh…”



“And why are you holding my phone?” Agad niyang hinablot yung cellphone niya dun sa babae. Tapos tumingin siya saakin. “Hina-harass ka ba nila?”



“Ah… eh… kanina pa nila pinipilit na kunin yung number mo.”



“Oh what’s happening here!!!” Dumating na rin yung baklang boss nila. “Laris, ikaw pa yung kinukuhaan ng pictures dun ha! At kayo rin girls, malapit na yung kanina niyo pang nire-request na makasama siya sa shoot.” At nagtwinkle bigla yung mga mata nung mga babae.



“You hired unprofessional models here. They are harassing my personal assistant just to steal my number.” Ang seryoso bigla ng mukha ni Laris. “Tingin mo papayag pa akong magtrabaho kasama sila?”



Natameme ang lahat. Parang ngayon ko lang nakitang magalit si Laris ha. Galit nga ba siya? Weh? Hindi nga? “Let’s go.” Sabay hila siya sa braso ko pero bago kami lumabas, hinarap niya rin muna yung lalaking kumuha ng video saamin kanina. “And you, I suggest you delete that video. Because if not, hindi mo magugustuhan na ako ang makakalaban mo.”



Pinang-ilagan ng lahat si Ate Ganda and within five minutes lang yata, nakalabas na kami ng building. Nakasunod lang ako sa likod niya habang mabilis siyang naglalakad. At habang naglalakad, pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin.



At dahil jan, hindi ko na talaga mapigilan na matawa, “Ahahahahahaha!!!”


“WHAT!” Nilingon ako bigla ni Laris na OA sa pagkabusangot ang pagmumukha. “Eng-eng ka ba! Anong nakakatawa ha?”



“Do you realize na suot-suot mo pa rin yung damit na binigay sayo ng wardrobe? Not to mention that you’re still wearing a heavy make-up.” Makapal talaga foundation ni Laris kaya naman nagmukha na talaga siyang bading sa itchura niya.



Napatingin tuloy siya sa suot niyang damit at napahawak sa mukha niya sabay sabing, “Damn…”



“Ahh!!! Hindi mo rin pala nakuha yung talent fee mo ngayon!”



“Shit.”



“Pffft!!!”



“ANO PANG NAKAKATAWA HA!!!”



“Ahahahaha!!! Wala naman… natawa lang kasi ako sa reaction ng lahat kanina. Lalo na yung sayo, hindi ko lang inexpect. Ahahahahahaha!!!”



Lalong naging seryoso ang mukha niya at lumapit siya sa mukha ko. “That’s my job. My job to protect my Prospect.”



.



.



.



Ang tagal naming nagkatitigan.



.



.



.



At sabay ding kaming…



()“Ahahahahahahaha!!!”  ()



Nagtatawanan na kami pareho. “Okay fine… nakakatawa na nga!”



“I know right!!! Inisip ng lahat kanina na gina-gang rape daw ako!!! Hwahahaha!!!”



“Hwahahaha!!! Oo nga eh, sa panget mong yan!!! Hwahahahaha!!!”



“Anong sinabi mo?” - (╭╮)



“Ang katotohanan.” At umiling-iling na lang siya. “Tara na nga.”



Oh di kami na ang baliw! Anyway, nakakatawa naman talaga eh. At hindi ko lang din in-expect na maeenjoy ko rin pala ang araw na ‘to. Saan na nga pala kami pupunta? Uuwi na ba kami? Anyway, dahil pala sa nangyari, at least may maishi-share na ulit ako sa Anti_KB.





"Never make him mad?"
A little bird told me na nagalit daw si KB sa isang photoshoot na sinalihan niya. At nagbanta pa na hindi pwedeng kumalat ito kung hindi ay makakalaban siya. As for me, I don't really care. Ako lang ang matapang na kayang mag-share nito sainyo. Muahahaha!!! XD


(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 24


13 comments:

  1. wew..hehe may update na rin..tnx po sa update..
    ..<aj

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sakit ng tyan ko kakatawa nang magang-rape si atasha! hahahaha. to the rescue kunwari si laris, pa-serious mode pa daw! pero ang sweet lang! nagki-care na! pampam lang itong si atasha, inuna muna ang tawa bago kinilig? haha!!!

      Delete
  2. Hwaaaw. Naging savior ni Atasha si Laris. Ka-ewan naman kasi nung mga female models. masyadong despredo kay kailangan pang hawakan si Atasha at kapkapan para lang makuha ang number ni Laris. Oh well. Hindi rin natin sila masisisi. Gwapo naman talaga si Laris at walang may ayaw makuha ang number niya. XD
    Kinikilig ako. Mehehe. To the rescue si Laris kay Atasha sa 'gang rape'. HAHA!
    "That's my job. My job to protect my prospect." Emeged! Ikaw na Laris! If I know, baka si Atasha lang ang pinrotektahan mo sa mga naging prospect mo ng sobra-sobra. Lels.

    PS.
    SAYANG ANG TALENT FEE! >__< Hwahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haizzz kkilig much lng tlga mging prospect ni laris. pangarap q n rin yata un ehh..

      Delete
  3. waaaa. UD agad :)

    ReplyDelete
  4. Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang pinakahihintay ko! hahahah.... quiet lang na hinihintay ko... baka sugurin ni Cyler my loves si Laris! haha..

    Wiiiiiiiiiiiie... Ansabe ng superhero mode ni Laris?!

    Thanks sa update momee ^_^

    ReplyDelete
  5. gHad,,, mMtAy maTay kaMi ng mgA cLassM8s s kKaTawa at s sObRng kiLig,,, kSi nMn c aTasHa giNang raPe ng mGA moDeLs,,,, ayiEEEEEeeeehh taPos niLigtAs pa siYa ni LARis na uBod ng gwaPo,,, gRaBe siYa aNg paNtasya nMing LHat dtO buKod kei bryLLe zaFfirO,,,

    saN n kaYa cLa puPuntA uLit,,, sNa bUmunot uLt c LaRis duN sa boWL of kiSseS,,,, SouL kiSs niNa eLisaM aNg ipGawa s LArisHa,,,

    ReplyDelete
  6. finally! mei Ud na rin!

    grabe!! tawa much! nakakawala ng poise.. ang saya ng chapter na to! prince to the rescue ang drama ni laris!! ang sweet!!

    HE really looked like a girl in those pictures!!! ang ganda nya! haha

    ReplyDelete
  7. hahahaha!! Ang sakit ng tyan q kakatawa dun sa sumigaw na g-in-ang rape daw si atasha ng mga female model habang kinakapkapan siya. XD

    ReplyDelete
  8. si atasha ginagang rape ng mga model!!! ang lkas ng twa q dito!!! pahmapas-hampas pa aq s dingding pinagtinginan 2loy ako ng mga tao d2. ahahhahah!

    ReplyDelete
  9. that was really funny! what are those girls thinking!!! or better yet, what is that guy thinking anyway? tama bang isigaw na ginagang rape si atasha! i laughed so hard at this chapter!

    ReplyDelete
  10. shëmž ąñğ sàřąp hãłįkąn ni łåŗïs şã ľąšť pïcťůŕe.. Ü

    ReplyDelete
  11. ___d88888888b_____d88888888b
    __d88?____d88b___d88b____`88b
    _d8?_________d888b_________`8b
    _8b_________________________d8
    _b8__________________d8888b___d8888b
    __d8________________d8?__d8b_d8b__`8b
    ___8ba_____________d8?_____d8b_____`8b
    ____`8da___________8b_______________d8
    ______`Y8b__________d8_____________8b
    ________`8b__________8ba_________ad8
    __________`88_____88__`8da_____ab8?
    ____________8b___d8_____`Y8___8Y?
    _____________`b_d?________`8_8?
    ______________`8?__________`8?
    _______________"____________"

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^