Sunday, October 14, 2012

Kissing Bandit : Chapter 25

CHAPTER 25
(ATASHA ORELLANA POV)



Nagpunta kami sa mall at pumasok sandali si Laris sa CR. Paglabas niya, burado na yung makapal na foundation sa mukha niya. Sunod, nag-aya siyang pumunta kami sa department store kasi, “Kailangan bumili ng damit.”



“Bakit? Ayos naman yang suot mo ha. Kahit ganyan kapormal, carry lang naman.” Tapos napatingin siya saakin. Hindi pa naman ako tapos, baka lumaki ulo niya sa papuri ko. “Mukha ka nga lang nag-aalok ng mga insurance. Ahaha!!!”



“Really funny Hot Pink!” Wala na ba isa-sarcastic yang boses niya? “Kailangan bumili ng damit hindi para saakin kundi para sayo. You really need a wardrobe change.”



Tapos lumapit siya saakin at umakbay pa. “You see those people looking at us? Iniisip nila kung gaano ako kagwapo… at kung gaano din kapanget ng babaeng kasama ko ngayon. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?”



Kinurot ko yung kamay niya at tinulak siya palayo. “Wala akong pera. Ayokong mangutang. Libre mo ba?”



“Libre ka jan! Ano ka sinuswerte? Pero okay lang saakin kahit hindi pera ang ipambayad mo. You can pay me in a different way.” Sabay smirk habang nakataas ang isang kilay na nakatingin saakin.



Napaatras naman ako at pinaekis ang dalawang kamay ko sa harap ko. “Manyak ka talaga kahit kelan!” Anong gusto niya? Ang aking puri? Ow no beybe! Gagawin ko lang yun sa lalaking pakakasalan ko!



“Hoy, eh bakit may paekis-ekis ka sa boobs mo? Ay teka… wala ka pala nun.” Hangsamah!!! Hanong walah!!! “At feeling mo naman katawan mo ang hahabulin ko? Kung gusto ko ng sex dun na lang sa mga models kanina noh!”


Balahurang lalaki! Wala man lang pasintabi! “Eh… a… anong bayad?”



“Breakfast, lunch, dinner. Dahil may kusina ka, makikiluto at makikikain na lang ako.” Yun lang ba? Ang dali naman nun.



“Okay, deal! Madali naman akong kausap eh. Tara na at mag-shopping na tayo! Dun tayo, gusto ko yung mga jacket dun!!!”



Hinila ko na siya sa stall kung saan bet ko yung mga damit pero pinigilan niya ako at hinila papunta sa kabilang side. “Nope! Dun tayo…”



“Magaganda yung mga damit dun eh…”



“Magaganda yung pagka-panget nun! Wala ka talagang taste kahit kelan!”















Namili kami ng mga damit pero hindi na kinailangan pa ni Laris na ipasukat saakin yung damit. Isang tingin niya lang, parang alam na niya kung kasya ba saakin yung damit. Hindi kaya kabisado niya vital statistics ko?



After niya akong pilian ng mga damit, nagpunta na kami sa cashier kasama yung mga napili niya para saakin. “30-24-33 ka diba?”



Waaaaah! Alam nga niya vital stats ko! “Oy hindi ha! 32-24-33 ako!”



“32 yan? Sigurado ka?” Tumingin siya sa boobs ko ulit. “Wag kang magsukat kapag may suot kang makapal na padding. Niloloko mo lang sarili mo eh.”



Natawa tuloy yung kaharap naming cashier! Gagu talaga ‘tong bangaw na ‘to, hilig akong ipahiya!!! Kapag siya talaga hindi ko na matancha, sa kangkungan na siya pupulutin!



Umabot naman sa three thousand yung bill namin sa mga damit. “Hala, ang mahal pala ng mga yan!” Ibig sabihin, matagal-tagal din ang aabutin ng pagrarasyon ko sa kanya ng libreng pagkain para lang mabayaran ko lahat ng mga yun!



“Ah ito nga po pala, dahil po sa promo namin, makakatanggap kayo ng couple cap at scarf. Para po sainyong dalawa ng kasama mo.”



“Talaga libre yan? Amin na yan, tamang-tama may maibibigay ako kay Zack!!!”



Hinablot naman saakin ni Laris yung isang cap at scarf. “Anong kay Zack? Tag-isa tayo dito noh!” Epal talaga nito kahit kelan! Pero hindi na rin ako nakaangal kasi pera niya pinambayad ngayon kaya nakakuha kami ng mga free items.

 Yan pala yung free cap na nakuha namin ^^














Hapon na at naka-witness na naman ako ng isang himala. Kasi nag-ayang kumain si Ate Ganda and this time, libre na niya talaga. Dapat lang noh, wala talaga akong pera. Pareho kaming nalipasan kanina dahil hindi kami nakapag-lunch.



“Ang daming tao, walang bakanteng mauupuan.” Sa food court lang kami kasi nandito na yung pinakamalapit na kainan eh.



Nakasimangot naman ang mukhang maggot na si Laris. Halatang gutum na gutom na rin siya. “Sige, ikaw na lang magbantay kapag may bakanteng pwesto na. Ako na lang oorder.”



Pinaiwan niya saakin yung mga gamit at dumirecho na siya sa bilihan. Sakto naman yung mga tao sa harapan ko, nagsialisan na. Binantayan ko na yung pwestong yun para wala nang makaagaw. Matapos linisin nung tagalinis yung lamesa, nakapag-relax na din ako.



Buti na nga lang rin at napatingin sa direksyon ko si Laris para i-check kung nakahanap na ako ng pwesto namin. Nag-OK sign ako sa kanya at ngumiti lang siya. Sumenyas din siya na malapit na yung pagkain namin kaya ngumiti din ako.



Eh… ano ba yun…nagngitian kami ni Laris?



Another himala!!! Sunud-sunod na 'to ha! Pero malamang dahil sa gutom lang kami pareho.



Ipinatong ko na lang ang siko ko sa lamesa at nakapatong naman yung baba ko sa kamay ko habang naghihintay. Pero maya-maya lang rin, biglang nag-ring yung cellphone ni Laris.



“May tumatawag…” Tinignan ko yung phone, hindi ko naman masagot at hindi ko rin maibigay kay Laris kasi hindi ko pwede iwan yung pwesto namin.



Efron calling…



Yeah, yow, you ready?



Habang nagri-ring, pinakinggan ko na lang yung kanta kasi infairness ang cute ng beat. Sino kayang Efron ito? Then bigla nang nag-end call. Tinignan ko si Laris, nandun pa rin siya. Ang dami yatang inorder nun ha.



Nagulat ulit ako nung tumunog yung cellphone ni Laris.



Efron calling…



Yeah, yow, you ready?



“Hala! Siya na naman!!!” Pero hindi ko pa rin sinagot yung pangalawang tawag niya. Ayokong makialam ng cellphone at isa pa, naenjoy kong pakinggan yung ringing tone.



End call. At nag-end na rin yung song. But then again…



Efron calling…



Makulit din itong si Efron ha! Sino kaya ‘to?



Yeah, yow, you ready? I ain't think so. Oooh baby let’s get…



Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao dahil siguro paulit-ulit na rin yung kanta. Kaya naman naisip ko nang sagutin si Efron… “Hello Laris! Hoy kanina pa ako tumatawag ha!”



“Ah… hello… hindi ito si Laris…”



“What… bakit…”



“Wala siya dito, bumibili pa ng pagkain.”



“Bakit ka niya kasama? Ikaw ba yung prospect ni Laris?” Echosero naman nito!



“Ah… hindi… hindi ako Prospect niya. P.A. niya ako.”



“Ahh, okay… but you sound familiar. Taga-TMU ka rin ba?”



“Secret!” Chismoso lang niya talaga. Pero sa totoo lang, familiar din para saakin ang boses niya. “Tumawag ka na lang sa kanya after five minutes…”



“Wait parang…”



“Wag ka na ngang makulit! GOODBYE!!!” At in-end call ko na. Kaso…



Yeah, yow, you ready? I ain't think so. Oooh baby let’s get…



Efron calling… AGAIN.



Ang kulit din ng lahi ng Efron na ‘to! Sinabi nang tumawag siya after five minutes eh! Bahala nga siya, hindi ko sasagutin yung tawag niya and for the meantime, enjoyin ko na lang itong kanta. Ano kayang title nitong song? Mukhang mai-LSS ako nito.



Sakto nag-stop na mag-ring, saka dumating si Laris. Ang dami nga niyang inorder, kaya pala natagalan! “Tara, kain na…”


Hindi na niya kailangang sabihin noh! Nilantakan na namin pareho yung mga pagkain! “Ay oo nga pala, may tumawag sayo kanina. Ang kulit-kulit nga, naka-ilang missed call na kaya sinagot ko na din.”



Parang hindi naman nakikinig si Laris. Naka-concentrate masyado sa pagkain.



“Hintayin mo na lang, panigurado tatawag ulit yung si Efron.”



Pagkasabi ko sa pangalang Efron, nabulunan si Laris. “Puuuuurrrfttt!!!” At halos maibuga na niya sa mukha ko yung laman ng bibig niya.



“YUCK KA!!! Yan kasi, punung-puno bibig mo!!!”



Lumagok siya agad ng tubig at halos maubos na niya yung laman ng baso. “Sino ulit yung tumawag?”



“Si Efron.”



“Pffftt~” Matawa-tawa siya na parang ewan. “Nakausap mo siya?”



“Oo nga at chismoso din yung kaibigan mo na yun ha. Tinatanong pa niya kung bakit daw tayo magkasama at kung ako daw ba yung prospect mo.”



“And…?”



“Eh di ni-deny ko syempre! Sinabi kong hindi ako yung prospect mo. Tapos nun, nasungitan ko na nga siya  dahil ang kulit-kulit talaga!”



Napahagalpak na siya kakatawa. Ano kaya yun? Timanggerzi lang!



Yeah, yow, you ready? I ain't think so. Oooh baby let’s get…



“Oh yan na!!! Si Efron na yan!!!”



Sinagot na rin siya ni Laris pero humihingal pa siya sa kakatawa niya kanina. “Hello… hahahaha… ha? Bakit? Wala… masama bang tumawa? Gagi!!! Bakit ka ba tumawag? Ahh, oo sige-sige… hindi ko nakakalimutan yan.”



Hindi ko na lang pinakinggan si Laris habang kausap niya si Efron. Nag-concentrate na lang din ako sa pagkain.


“Yun lang ba… what? Pakyu ka!!! Yung kausap mo kanina? Nope, she’s really not my Prospect… oo nga… she’s my girlfriend.”



“Puuuuurrrfttt!!!” Ako naman ang nabulunan sa sinabi niya at halos maibuga ko na rin yung laman ng bibig ko. Pero mas lalo akong nawala sa concentration ko nang...



“Secret ko na yun! Hahahaha!!! Sige na, sa school na lang… Zack.”



Zack.



Zack?



Zack!!!


 “SI ZACK YAN!!!” Too late na dahil end of their call na.



Nung tignan ni Laris yung gulat na gulat na mukha ko, tumawa siya ulit ng pagkalakas-lakas. “Yes… yung sinungitan mo kanina, si Zack yun. Hwahahahahaha!!!”



“Eh si Zack… si Efron… Zack… Efron…”



“Si Zac Efron? Hwahahahaha!!!”



Tongono long!!! Kupal talaga mag-isip ‘tong bangaw na ‘to!!! Porket Zack lang ang name ni Zack, Efron ang inilagay na pangalan niya sa cellphone para Zac Efron ang dating!!! Ang gagsti lang talaga, batang-isip!!!



But uwaaaaaaaah!!! I can’t believe it!!! Sinungitan ko si Zack at hindi ko man lang nakilala ang boses niya kanina!!! Langya naman!!!















“You think trip-trip lang yun? Kilala ko lahat ng mga sikat sa TMU, lahat yun nakasave sa phonebook ko. Eh nung ninakaw yung phone ko noon, ipinagkalat nun yung mga numbers nila kaya nakatanggap sila ng fan calls and texts sa kung sinu-sino. Pati sila nadamay sa gulo ko noon.” Naglalakad na kami papuntang sakayan. “Kaya naman ngayon, mabuti nang handa noh! Actually hindi na nga lang ako gumagawa nito! Lahat ng mga kakilala ko na sikat, yung mga pangalan sa phonebook nila ay iniiba na ang pangalan.”



“Ah… eh di anong pangalan ko jan sa phonebook mo?”



“Hot Pink Hen Lin.” - (¬¬)



“Pakshet ka!” - (ݓ_ݓ)



“Aba, sayo nga pinakamahabang pangalan dito eh.”



“At ano? Magpapasalamat ako! Hot Pink Hen Lin ka jan! Pakshet ka pa rin!”



“Eh ikaw? Baka mamaya pangalan ko mismo naka-save jan sa phone mo ha!”



“Wag kang mag-alala, hindi naka-save ang number mo sa phone ko!”



“Paano mo nalalaman kapag ako nagte-text sayo? Ay grabe, kabisado mo number ko?”



“ASA KA!!! Ikaw lang naman tumatawag saakin ng Hot Pink kahit sa text eh.”



At tinawanan niya lang ako ulit. Medyo madilim na pero kitang-kita ko pa rin yung galak na galak na mukha niya. Hindi naman hyper masyado ang lalaking ‘to noh? Kung sa bagay, marami nga namang nakakatawang eksena ang nangyari ngayon. Idagdag mo pa na sinungitan ko nga si Zack kanina.



Palapit na kami sa terminal nang biglang… “HALA KA!!! What the… anong ginagawa nila dito… oh may gawd!!!”



“Uy!!! Inaatake ka na naman ng kabaliwan?”



“Tago tayo… hala… saan tayo magtatago…”



Mababaliw na nga yata ako! Nasa open na lugar kami, walang kahit na anong eskinita. Puro pader lang! Kaya naman dahil walang mapagtataguan, kinalkal ko na lang yung mga pinamili naming damit at ang nakuha ko eh yung isang hoodie na binili ni Laris para saakin. Ipinilit kong ipasuot yun sa kanya… “Dali suotin mo yan!!!”



“Bakit ba!!!”



“Yung… yung… yung mga classmates ko!!! Nanjan sila!!!” Sila Raiza yun at ang B-company! Naglalakad sila at papalapit na saamin. “Kilalang-kilala ka ng mga yun. Mula sa hulma ng katawan, butas ng ilong, hibla ng buhok at tulis ng nguso mo, kabisado nilang lahat!!! Kaya kapag hindi ka nag-disguise, makikilala ka nila agad!”

Sila nga pala yung mga nasalubong namin. From left to right: Si B1, B2, Ako at si Raiza


“ANO!” Agad niyang isinuot yung ibinigay kong jacket sa kanya kasi ilang hakbang na lang ang layo nila. “Uy, itakip mo rin yang hood sa ulo mo!”



Mukha na lang kaming mga estatwa nung magsidaanan na sa harap namin sina Raiza.



“Yikes… look at them girls, so creepy…”



“Hala anong ginagawa ng mga yan?”



“Mukhang mga holdaper…”



“OMG… wag kayong masyadong maingay! Bilisan niyo lang maglakad!”



“Wait lang Raiza!!!” Para rin silang mga baliw na halos magtakbuan na palayo saamin.



Nung makalagpas na sila… “Mga fans ko talaga yun ha? Pagkamalan daw ba akong holdaper?”



Tumingin naman ako sa kanya at, “Pffft… mukha ka nga naman kasing holdaper eh.”



“Tingin mo sa itchura mo? Malala ka pa noh!” At nag-asaran lang kami sa isa’t isa.



“Ow, wait… may idea ako!” Kinuha ko yung cellphone ko at nagpicture kami. “Ayan pwede mong i-post ‘to sa couple…” Teka… bakit naman ‘to pumasok sa isip ko? Baka isipin niya F na F ko na yung tungkol sa fake couple account namin! Na gusto kong mag-post dun sa pictures namin ha. “Ay wag na lang pala…”



“Wait!!! Let me see the picture!” At pagka-hablot niya sa phone ko, “Oh, ayos naman ‘tong idea mo na i-share ‘to ha.” At ni-bluetooth niya yung picture sa cellphone niya para maipost niya sa LariSha.



“Partners in Crime”
Taken July 28, 7:00PM at Anahavis Avenue


Hinding-hindi ako pwedeng masanay sa ganito. Hinding-hindi ako pwedeng magpadala kung minsan mabait itong si Laris. Tandaan mo Atasha, we’re doing this to get my real dream love, si Zack.



“Ayan na yung bus! Tara na Hot Pink!”



“Ha?”



“Dalian mo, gusto ko nang makauwi…” At ibinalandra niya ang kamay niya sa harap ng pagmumuka ko.



“Ano yan?”



“Junga ka? Hawak ka sa kamay ko… dali at nang maabutan natin yung bus!”



At nagkaholding-hands na nga kami ni half Et, half syokoy. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at sumakay na kami sa bus.



Uulitin ko lang ha…



Hinding-hindi ako pwedeng masanay sa ganito. Hinding-hindi ako pwedeng magpadala kung minsan mabait itong si Laris. Tandaan mo Atasha, we’re doing this to get my real dream love, si Zack.



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 25

19 comments:

  1. Basahin ko muna bago mag out..last na to!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hoy babae ka! sabi ko mag-review ka muna eh... hwahaha XD

      Delete
    2. Magrereview na po! hahahahahaa.... XD

      Delete
    3. ay nkow nmn ate aegyo cno b nmn makkpagreview kung gnito kganda ang update! waaah! angs arap halikan ni laris! ang cute nia tlga. khit lagi niang inaasar c atasha, nkkkilig p rin... at feeling q kya cnabi ni laris n gf nia c atasha ay dhil mukhang may hinala na si zack EFRON n c atasha nga un! ahhahahha! selosan ang peg nian...

      Delete
    4. maNguNguLit LNg pO,,, uPdaTe ka n Po aGad aTey,,,

      PLeaSe pLEAse pLeASe,,,,

      Delete
  2. ang sweet!!! super kilig ako!!! and tawa much din..

    sabi ko na nga bah eh,si zack yung efron.. haha.. tama ako!!

    they look like they are both girls in the pic! muntik ko ng hndi ma distinguish si laris!! my gosh.. pero super like ko talaga ang UD na to!!

    ReplyDelete
  3. and mouth-watering ung mga pagkain!!!! hmmmn,nagugutom tuloy ako.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. kakagutom nga ung mga pagkain! hahahhahhaa!!!

      Delete
  4. Relate ako kay Ellaine! Wahaha. Nandito ako ngayon sa computer lab para magreview para sa Academic Olympiad pero ang ginagawa ko ay magbasa ng KB. Hwahaha!

    Para pa akong tanga dahil tawa ako nang tawa na mag-isa. Lels. Laughtrip talaga every UD! Sabi na nga ba't si Zack yung Efron na 'yun. XDD Nabosesan pa niya yata si Atasha. OHNOES!
    Grabe rin effort ni Laris. Ang haba ng name ni Atasha sa PB niya eh. XDD

    Kilig overload na naman. Shems. Level up na talaga ang LarSha. Haha!

    ReplyDelete
  5. wAaAaaaahhh,, aNg sWeet LNg ni LaRis tLgA,,, naFifeeL q n pRospEct niA tLGa c aTasHa PeO aNg tuRing niA eH gF na,,, naGhoLdiNg haNds pa,,, aWooOoo,,, at si zAck zaCk eFroN pLa,,, aNg sYa sOBraNg taWa aq dUn,,, naKiLaLa kaYa xAh ni zaCk,,, gRbe cNaBi p nMn ni LaRis na GF niA c aTasHa,,, aNg syA saYa,,,

    ReplyDelete
  6. Tama daw bang sungitan si zack, atasha? Hwahahaha. Tamang taranta lang si atasha ng makita si raiza at ang b company. Pagkamalan bang holdaper sila laris at atasha. xD

    ReplyDelete
  7. waaa.... ms. author update po kaagad :))))

    ReplyDelete
  8. i can imagine atasha really falling for laris now. if she's starting to get confuse with her feelings, then it's sign! sana lang magtuloy-tuloy pa ang pagdi-date nila even if it's a fake one 'coz eventually, madedevelop na rin talaga si atasha.

    ReplyDelete
  9. OI I'M BACK!!!!!!!!

    hahahahhahaha...super KILIG AKO...

    hehehehehe... ILOVEYOU!!!!
    yahooooooo........... :-)

    ReplyDelete
  10. yieeeeeeeeeehhhhhhhhh
    ngaun na lang ulit nakapagbasa
    danda ahahahah
    ududud

    ReplyDelete
  11. grabe! napakasweet mo laris!!! i so love this chapter!!! sana magkadevelopan na talaga sila. pabayaan mo na si zack!

    ReplyDelete
  12. İ ťhīńķ łâŕįś HÀŠ fäłļęñ føř aťąśhå ałrëąđy.. Şī aťãşhå nmãń sťârťìņg mągîņğ cønfūşéđ ņå.. Ü

    ReplyDelete
  13. ___d88888888b_____d88888888b
    __d88?____d88b___d88b____`88b
    _d8?_________d888b_________`8b
    _8b_________________________d8
    _b8__________________d8888b___d8888b
    __d8________________d8?__d8b_d8b__`8b
    ___8ba_____________d8?_____d8b_____`8b
    ____`8da___________8b_______________d8
    ______`Y8b__________d8_____________8b
    ________`8b__________8ba_________ad8
    __________`88_____88__`8da_____ab8?
    ____________8b___d8_____`Y8___8Y?
    _____________`b_d?________`8_8?
    ______________`8?__________`8?
    _______________"____________"

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^