Friday, November 2, 2012

Kissing Bandit : Chapter 26

CHAPTER 26
(ATASHA ORELLANA POV)



Ayayay~ busy much dahil malapit na ang Prelims namin. Sa ngayon, ang nagpapahirap saakin ay ang project namin na may kinalaman sa basic sketching and rendering. And to think na minor subject lang ‘to ha!


Kailangan kong punuin yung sketchpad ko with drawings na ginagamitan ng basic rendering: stippling, scribbling, criss-cross, cross hatching, free hand vertical lines, free hand horizontal lines, free hand diagonal lines, free hand circles at curved lines. Naks, wag kayong mag-alala, kahit ako nagno-nosebleed sa mga pinagsasabi ko.



Ayos naman sana kung yung simpleng sketch lang ang pinagagawa ng professor namin, kaso dahil masungit, maarte at menopause na siya, kailangan ang idrawing namin ay mga portrait, landscape, cityscape at kung anu-ano pang chuchu eklavu.



Nandito kami ngayon sa art room, magkakahiwalay ng konti yung mga estudyante pero kung saan-saan ang mga pwesto namin. Tulad ko, nakaupo ako sa may pinakasulok at nakaharap sa bintana at dinodrawing yung building na naabot ng tanaw ko.



At dahil nabuburyo ako dahil ang tahimik ng lahat, napapakanta na lang ako...



Oooh baby let's get naked, just so we can make sweet love
All these sensations got me going crazy for you
Inside on top of you, grinding inside and out of you
Baby I know what to do, baby I know what to do…


Ang ganda ng boses ko shet~ nakakainspire magdrawing!



So come on baby boy, Let's just take our clothes off
Just so we can make sweet love~



Kaso biglang in chorus na nagsalita ang B-company. “You’re so like EWWW~ Atasha!!!” Ha? Napalingon ako sa kanila at yung mga tingin nila saakin, parang mga nandidiring ewan. “Ang manyak ng kinakanta mo!”



“Anong manyak?” Pinagsasabi ng mga ‘to? Maka-bintang!!!



“Eh feel na feel mo pa yang ‘baby let’s get naked’ mo! Tapos ano yun? May ‘make sweet love’ ka pang nalalaman!”



“Eww si Atasha, naghahanap ng sex!”



Eh kung pektusan ko kaya ‘tong mga ‘to! “Ang sasama niyo!!!” Grabe daig ko na yata ang na-sunburn dahil feeling ko pulang-pula na ako sa pang-aasar nila. Napapatingin na nga rin yung iba naming classmates. “Hindi ako ganun ha! Never pa nga akong nagka-boyfriend! Sex pa kaya!”



“Eh bakit ba ganun kinakanta mo? Ano bang kanta yun ha?”



Napaisip ako bigla. Oo nga noh! Ano nga ba yung kinakanta ko? Anak ng tentacles! Bakit ko kinakanta ko yun!!! “Malay ko dun… narinig ko yun somewhere, hindi ko na maalala.”



Oh baby tell my why, you're so excited.
You know I love it when you take it off. So baby go ahead and take it off tonight
Oooh baby let’s get naked, just so we can make sweet love
All these sensations got me going crazy for you~



Ohmaygawd! Hindi na ako ang kumakanta niyan ha! Kusa na lang nagpi-play at rewind sa utak ko yung kanta! Oh please somebody stop that! Napagkakamalan na akong manyak dito eh!















Nagtago na ako sa kasuluk-sulukan ng mundo. Joke lang, hindi ko alam kung saan yun. Pero nakahanap ako ng peace of mind dito sa field. Buti nga walang nagpa-practice ngayon dito. Ipinagpatuloy ko na lang yung ginagawa kong sketch.



Tengeneperen dun sa nagparinig saakin nung kantang yun! Sa sobrang ganda kasi nung beat, hindi ko na napansin na ganun pala yung lyrics. Pero seryoso, nagagandahan pa rin ako dun sa kanta.



I'm making sweet love to you baby
Go ahead and take it off, let’s get naked
‘Cause you know I love to turn you on
Girl let’s do it to your favorite song, yeah~



Tengenetelege!!! Ang manyak pa rin nung lyrics! - (●╥_╥●)



Hindi ko na nga alam kung saan sobrang absorbed ang utak ko. Dun ba sa dino-drawing ko? O dun sa kantang paulit-ulit sa utak ko. Then all of a sudden, may dumating na nilalang.


Wushu~ si Zack lang pala…


Emeged si Zack nga!!!



And baby don’t get it confused, I’ll do anything you want me to
Just as long as you get crazy, and just as soon as you get naked…



“Lutang ka ha.” – (^^)



“Ha… eh… hehehe…” - (ω)



Tumabi saakin si Zack, tapos tinignan niya yung dino-drawing ko. “Wow!!! Ang galing ha.” Bakit ba napaka-gwapong nilalang ng Papa Zack ko, busog pa ako palagi sa papuri niya.



Ang kaso… hindi pwedeng magkasama kami ngayon. Kapag nalaman na naman ni Laris, maparusahan na naman ako ng kumag na yun. At isa pa, nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kanya kahapon. Eh teka… hindi ko naman kasi alam na siya yun kaya nasungitan ko siya. Aish!



“Lutang ka nga… hindi mo ako pinapansin.” Sabi niya sabay pout ng lips. Sarap niyang halikan! Shoxx!



“Hindi sa hindi kita pinapansin ha! Busy lang ako kasi ang dami kong ginagawa.” Sabi ko naman na hindi makatingin sa kanya ng direcho.



“Kay Miss Avincula yan noh? You want me to help you? Alam mo pinagdaanan ko rin yang project na yan sa kanya last year. Naka-uno nga ako sa kanya noon eh.”



“Talaga? Eh puro mga stick lang ang nado-drawing mo noon diba?” Seryoso! Kaya nga sobrang nakaka-shock noon na malaman na dito rin pala sa TMU nag-enroll si Zack. Ang lahat kasi ng courses dito ay may kinalaman sa ARTS, eh itong si Zack aminadong walang talent sa mga ganitong bagay. “Malamang kaya ka naka-uno sa grade mo dahil baka may crush sayo si ma’am!!!”



“Ahaha, well what can I say… matindi lang talaga ang sex appeal ko.” Sabi niya ng may pahawak-hawak pa sa baba niya. “Diba? Aminin mo Tasha~”



“Oo na. Sabi mo eh.” At oo daw sabi ng puso ko. Euhahaha!!!



“After niyan kung wala ka nang gagawin, samahan mo akong…”



“Kumain?” Inunahan ko na siya. Kabisado ko na ligaw ng bituka niya eh. “Hindi ako pwede Zack. Kapag natapos ako dito, may iba pang requirements sa iba ko pang subject.”



Pagkasabi ko pa lang nun, nag-pout siya ulit. May nakapagsabi na ba sa kanya na nakamamatay yang ginagawa niyang pagpapacute? Maygawd, ang puso ko!



“Okay fine, sasamahan na lang kita dito.” Gusto ko sanang sabihin na hindi pwede kasi nga baka makita ni Ate Ganda. Kaso matitiis ko ba siya? Eh hindi naman diba? At tsaka magkatabi lang naman kami, walang halong kalandian. Weh?


Nanahimik na lang ako, pero sa peripheral vision ko, nakatitig ako kay Zack. May ganun ba? Ahahaha!!! Anyway, ano kayang music ang pinapakinggan niya? Alam rin kaya niya yung title ng kinakanta ko kanina?



“Tasha, pwedeng magtanong? Nasaan ka nga pala kahapon?”



“Sa…” Ohmaygawd! Bakit niya natanong yun? “Sa bahay lang naman.” Hindi kaya nabosesan nga niya ako nung nagkausap kami sa cellphone? “Bakit mo natanong?”



“Wala naman… baka lang… nakikipag-date ka ng hindi ko alam. Ganun!”



“DATE! Wa… wala!!! Baliw ka talaga noh! Kanino naman ako makikipagdate?”



“Ahahahaha!!!” Ang ewan lang ng tawa niya. “Yeah… sabi ko nga. Wag mo na nga lang akong pansinin.” *sigh* “Hehe…”



“May problema ka ba Zack? Kilala kita kapag walang energy boses mo, may pinoproblema ka. Kahit anong pilit mong itago, alam ko pa rin!”



“Kilala mo talaga ako noh?” Nagulat na lang ako nung lumapit pa siya saakin at ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. “Atasha, if ever you like someone na, you should tell me. Ayokong ako pa yung huling makakaalam nun ha! Magtatampo talaga ako.”



Pinagpawisan naman ako ng malamig. Hindi ko alam kung dahil ba nakapatong ang ulo niya sa balikat ko o dahil kinakabahan ako sa kinikilos niya. It’s seems like nakakaramdam na talaga si Zack tungkol saamin ni Laris eh.



And worse, baka nabosesan nga niya ako kahapon! Ohnoes!!! I can’t fail in our mission! Mukhang tama nga si Laris, dapat siguro nilalayuan ko na muna si Zack para hindi niya kami mahuli agad.



“Za… Zack…” Sinadya kong maglikot para iangat niya ang ulo niya. Nagkatinginan kami at takte lang, kinikilig ako sa amo ng mukha niya!!! Ang hirap itago ng pagnanasa ko sa kanya!!! Mygash~ ang hirap nito… “Alam mo kailangan ko na kasing…”



“ZACK!!!” Napalingon kami sa boses na tumawag kay Zack dun sa may di-kalayuan! “There you are!” Pakingshet… si Carly! Lumapit siya saamin at nginitian niya ako. “Oh, hello Atasha!”


“Hi~” =____=



“Bakit Carly?”



“Hindi ko naman kayo iniistorbo noh?”



“No…” Ang laking istorbo mo kaya! As in capital I-S-T-O-R-B-O!



“Good!” Then napatingin siya kay Zack. “Kanina pa kita hinahanap! Mamaya pa ulit ang klase mo diba? Samahan mo naman ako sandali dun lang sa malapit na mall, I have to buy something kasi. This is urgent, please~”



Nagkatinginan naman kami sandali si Zack, tapos nagbuntong-hininga siya at tumayo na din. “Sure.” Hindi man lang nagdalawang-isip? Psh! “Atasha…”

Sino nga bang makakatanggi sa ganyang beauty diba?

“Go ahead, samahan mo na siya!” Inayos ko na rin ang mga gamit ko at tumayo na din. “Paalis na rin naman na ako! Ingat kayo ha!” At para hindi ganun kabigat sa pakiramdam, tinalikuran ko na lang sila at nauna nang umalis!



GO AHEAD~ PAKASAYA KAYO!!! Darating din ang time na tanging AKO na lang ang pipiliin ni Zack. Just so you wait, magtatagumpay kami ni Kissing Bandit!















Uwian na. Nakasakay ako ng bus. At wala akong gana. Ayoko nang mag-POV! Kakatamad mag-kwento ng buhay kong boring dahil hindi si Zack ang kasama ko! Added pasakit pa dahil magkasama sila ni Carly ngayon!!!



Yeah, yow, you ready? I ain't think so.



Isa pa yang lintek na kantang yan!!! Nakakaburyo, laging nagre-replay sa utak ko!!!



Oooh baby let's get naked, just so we can make sweet love
All these sensations got me going crazy for you



Wait just a minute!!! Hindi na basta imagination yan! Promise, nagpi-play ngayon yung kanta!!!



Inside on top of you, grinding inside and out of you
Baby I know what to do, baby I know what to do
So come on baby girl, let's just take our clothes off
Just so we can make sweet love



Paglingon ko sa bandang likuran, “LARIS!!!” Nakasabay ko pala si ET dito sa bus! Nagulat pa  siya nung tinawag ko siya dahil naidlip eh. “Phone mo ba yung nagri-ring?”



But I want to know your body, tonight is the night
That I change your life~



“Yeah…” Tapos napakunot siya ng noo nung silipin niya kung sino yung tumatawag. Pero yung walanghiya, hindi naman sinagot yung tawag at nagbalik lang ng tulog.



“Kasabay pala kita dito sa bus.”



“Oh so? Hindi ko alam na dito ka rin nakasakay.”



“Epal ka alam mo yun?”



“Problema mo na naman?”



Tumayo ako kahit umaandar yung bus para lumipat ng pwesto at tinabihan siya. Oh wag muna kayong mag-isip ng kilig moments dahil lang tinabihan ko siya. “Yan!!! Yang kantang nasa cellphone mo!!!”



“Sweet Love ni Chris Brown. Ganda noh?”



“Anong maganda!” Ahem~ medyo agree ako dun! Pero, “Yang lintek na kantang yan ang nanggugulo saakin!!!”



“Ano naman? Aning ka ba?”



“Na-LSS ako jan, kinakanta ko kanina! Tapos… tapos… tapos ang bastos pala ng lyrics niyan!”



“Kasalanan ko? Ako ba kumanta?” Oo nga naman! “Lalapit-lapit ka dito, nang-istorbo ka pa ng tulog tapos yan lang pala sasabihin mo. Ang babaw mo ha, kasing sabaw ng utak mo!”



“Ang yabang mo!!! Jan ka na nga!!!” Makabalik na nga sa upuan ko!



Tumayo na ulit ako kaso, “Sandali!” Hinawakan ni Laris ang braso ko at pinabalik ng upo. “Since nandito ka na…” Humikab muna siya, “Gisingin mo ako kapag nakarating na tayo sa babaan.” At saka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.



*dug dug*



“ARAY!!!”



Akala niyo siguro yung ‘dug dug’ n ayun eh heartbeat ko? No no no no no!!! Tunog ng bunbunan ni Laris yun! Kinotongan ko siya ng dalawang beses. “Kapal ng mukhang magpahinga sa balikat ko ha!”



“Ang arte mo naman!!!”



Yeah, yow, you ready? I ain't think so.



“Waaah!!!” Sigaw ko at nagtakip ng tenga ko. “Ayoko nang marinig yang kantang yan! Pwede ba sagutin mo na yang phone mo.”



“OA mo talaga.” Tinaasan niya lang ako ng kilay at imbes na sagutin, ni-reject call niya lang ulit. Tapos, saakin siya ulit tumingin. “Kasing epal mo yung tumatawag saakin, alam mo yun?”



Bigwasan ko ‘tong lalaking ‘to eh. Pero siya nga mas epal eh, ipinatong niya ulit yung ulo niya sa balikat ko. Kakakilabot lang ha! “Gisingin mo ako mamaya.”


Iiwanan kita!



“At alam kong iniisip mo. Wag mo nang balakin na iwanan ako.”



Dahil kung hindi ano? Aba, ako pa tinakot mo!



“Dahil kung hindi, alam mo ang pwede kong gawin laban sayo.”



Hindi ako natatakot sabi!



“Bukod sa ikakalat ko ang nude photos mo, hindi mo makukuha si Zack.”



HUWAT!!! “Ito naman, hindi na nga ako nagsasalita! Sige matulog ka na, gigisingin kita promise.” Hindi kaya may lahing Wizard itong si Laris? Parang si Brylle lang ng Wizard’s Tale! Sa isip ko na lang siya binabara kanina, alam pa rin niya!















Nasa Isang Dipa Street na kami. Naglalakad kami ng side-by-side. Kanina talaga plano ko na siyang iwan dun sa bus, naduwag lang talaga ako sa banta! Lalo pa na kasama dun yung hindi ko makukuha si Zack. Ayokong mauwi sa wala ang lahat noh.



“Laris… kelan mo ba ipapaalam sa lahat na ako ang prospect mo.”



“Correction, girlfriend kita.” He doesn’t mean it ha. “Remember the plan, hindi natin pwedeng i-reveal sa lahat na Prospect kita. Hindi mo makukuha si Zack once he knew it.”



“Okay. Kelan mo ipaaalam sa lahat na girlfriend mo ako.” Fake girlfriend!



“I already have plans… and sad to say, hindi ko pwedeng i-share sayo. You might blow it off! Mahirap na.” Sa paglalakad namin, natatanaw na namin yung dorm namin. “Ano nga palang dinner mamaya?” Tsk~ oo nga pala, dahil sa mga damit na binili niya saakin kahapon, palamunin ko tuloy siya. “Pwedeng mag-request?”



“Hindi pwedeng mag-request. Adobo ang ulam mamaya.”



“Oy sakto!!! Yun ang ire-request ko eh!”



“Ay hindi pala adobo! Pritong porkchop pala.” Sabay evil laugh! Hwahaha, pang-asar lang!



Yeah, yow, you ready? I ain't think so.



“Sino ba yang tumatawag na yan? Kanina pa yan ha, bakit ayaw mo na lang sagutin?”



Oooh baby let's get naked, just so we can make sweet love
All these sensations got me going crazy for you



“Tsk, sinabi ko na sayo kanina diba. Ito yung kasing epal mo.”



“HAHA!” *buuugsh~!* “Akala mo magpapatalo ako sa pambabara mo ha! Sagutin mo na nga yan!”



Natauhan yata siya nung sinapok ko kaya sinagot na rin niya. “Hello! Ano na naman ba?” Kitam mo ‘tong lalaking ‘to, galit agad sa kausap niya. “Ano!?! Diba sabi ko naman sayo na hindi nga siya!!! What? No!!!”



“Oy kalma~ galit na galit?”



“Shut up!” Sabi niya saakin at bumalik sa kausap niya. “I’m not with her!!! No… pauwi na nga ako eh!!!”



Ano bang nangyayari? Sinong kaaway niya? At sino yung HER na tinutukoy niya?



“FVCK THAT!!!” Sigaw niya bigla. “Alright, you find her and I’ll be there in less than an hour! DAMN IT, I’LL PROVE IT TO YOU!!!” And end of the call na.



“Ow~rayt!” Galit siya. Obvious sa mukha niya. “So… aalis ka ulit.” Ayoko nang tanungin kung sino yung kausap nila. Ayoko nang makiaalam kung anong pinag-usapan nila. It’s his own business. “Sige, titirahan na lang kita ng dinner.”



“No…” Sabay hawak siya ng mahigpit sa braso ko. “You’re coming with me.”



“HUH? BAKIT!!!”



“Well, tonight is the night that I’ll change your life…”



“Pakyu ka!!! Linya yan sa Sweet Love!!!”



“Basta sumama ka na lang!!!”


What the pyok naman ‘tong utaw na ‘to!!! Ano balak nya at saan kami pupunta!!! Ano bang nangyayari kasi!!!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 26



(A/N: Maski ako literal na paulit-ulit kong naririnig yang kantang yan! Walangyang Sweet Love yan! Kaya pasensya na kayo kung paulit-ulit siya sa chapter na ito. Gusto ko lang din kayong hawaan. Euhahaha!!!)


17 comments:

  1. ~angel is luv~

    hindi ko talaga maintindihan si zack! obvious na gusto niya si atasha pero hindi siya gumagawa ng paraan!! tapos sumama siya agad kay carly!!! kainis, kung sa bagay dalawa silang bestfriend ni zack pero kahit na! dapat si atasha pa rin ang piliin niya dahil si atasha ang gusto niya. hay naku, naiinis ako kay zack... pero ang gwapo niya dun sa pic! hays!!!

    pero ito ang best part jan, feeling ko si laris na-fall na talaga kay atasha!!! may papatong-patong pa ng ulo!!! aba naman atasha, ang ganda mo teh dalawang naggagwapuhan lalaki ang sumandal sa balikat mo sa loob lang ng isang araw. hahaha!!!

    at ano kaya yung nangyayari? sino yung kausap ni laris! tonight is the night daw atasha!!! hindi kaya parents ni laris yun, tapos ipapakilala niya si atasha! ahahahahahahaha!!!


    ate nakakaLSS nga yang kanta! ang ganda kaya kahit nga masyadong nakakagreen ung lyrics!

    ReplyDelete
    Replies
    1. at dahil ngayon lang ako nkabalik sa cyberworld, eh ngayon lang ako ngkapag open ng ADD.. namiss ko talaga!!! huhuhu

      even me,i have no idea about sketch.. hahah.. no second thoughts??sumama kagad? agad2x?? umayos ka zack!! umamin na kasi.. pero yummylicious talaga!! ang gwapo!!

      ohhh mmyyy gosh!! ang landi ng kanta!! ayokong pakingan toh!! baka ma-LSS din ako.. baka sa discipline office ang bagsak ko bukas!! hahah..

      ang cute ng scene nila sa bus ha.. like.. soo is this the big night???? baka si zack ung e mimeet nila!! super excited!!

      Delete
  2. Nagsisisi tuloy akong pinatay ko si Zakia! hahaah .Lels XD


    WAAAAA..kaka LSS yung kanta! Wew!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga!!! nabasa ko!!! walanjo, ako ba yung babaeng isinama ni zck sa libingan niya? ahaha, assuming lang!

      Delete
  3. OWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW myyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy gulaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy....aamin na ba sila??? yari ka zack,,,kala mo ha, hnd mo magawang tangihan si carly pero si atasya lagi mong iniiwan...ngayon gf na siya ni Laris malay mo ba na fake lang yun ha...! hahahaha..nakaka praning...

    ReplyDelete
  4. What the pyok. Ahaha! Hoy Zacky! Umamin ka na nga kay Atasha! Napaka mo eh! Di na uso Torpe ngayon, oy! Ayusin-ayusin mo ha? Kundi bibigwasan ko yang Carlandy na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa naman ako!!! Carlandy talaga!!! lels~

      Delete
  5. What the fish ka naman Zack! Bakit ka sumama kay Carly?!
    Tsk. Obvious naman na may gusto si Zack kay Atasha, hindi pa niya aminin at may pasabi-sabi pa siyang "..If you ever like someone na, you should tell me." Eh Zack, bakit hindi mo na lang sabihin na, "..If you ever like someone na, it should be me." para bongga! At nang hindi kayo torpe sa isa't isa!
    //Pero LarSha pa rin ako! Certified!

    Haba ng hair mo Atasha! I think Laris is already falling head over heels for you! Sa lahat kasi ng prospect, si Atasha lang yata ang sineryoso niya. At hindi pala 'prospect' kundi 'girlfriend'! :"">
    At oo nga, parang mind reader si Laris. Dinaig pa si Brylle! Haha! Shemay! Lume-level up na talaga ang LarSha!Zuma-Zack style si Laris! Pahiga-higa pa sa balikat ni Atasha! >///<

    I think si Zack 'yung tumatawag nang paulit-ulit. Siguro sinisigurado niyang hindi magkasama si Laris at Atasha. But sorry Zack (kung ikaw man ang tumawag), magkasama sila. :P
    PS. Nakaka-LSS nga yang Sweet Love na yan! Paano kaya kung kantahan ko yan ng malakas in public? Iisipin din siguro nila na napaka-perverted ng utak ko. Hwahaha!
    //sa ngayon yata, hindi muna ako si LazyKiddo kundi si PervertedKiddo dahil sa kantang 'yan. Bwahahaha!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mapapahubad ka talaga sa kantang yan~ ohmaygahd, i look like a pervert too!!! hindi ka nag-iisa beb!!! letchugas kasing kantang yan, mga more 30 times kong pinapakinggan yan sa isang araw! ahahaha!!!

      Delete
  6. oH baBy LetS geT naKed jUst so we caN maKe sWeet LoVe,,, haLa atEy dinOwLoad q na uNg kaNta sa soBraNg gAnda,,, hindi nGa nkKAsawaNg uLitiN,,,

    HaLo haLo diN emotiOn q dtO,,, si zAck ksi nakKainis peRo ghaD aNg gwApo nia dUn sa mgA pictUres.....

    PeRO sOLid LaRisHa aq,,, cNo kYa tuMtawaG kAy LariS,,, tOnighT is d nighT dAw,,, aNo ggWin niA kaY ataSHa,,, aTey eXcited na aq s neXt,,,, pEo gaNda niTonG updaTe n to,,,,

    ReplyDelete
  7. I have a gut feeling na si ZACK yung tumawag :DD ZACK!!!!!!!!!!!! Ang wafu wafu mu >3< kaso T-O-R-P-E ka... Sayang *pouts* ikaw rin kapag naamin mo na kay Atasha na gusto mo siya tsaka na huli ang lahat lalo pa't anjan si Papa Laris XD Waaaaaaaaaaaaaaaaaah Laris I smell something fishy ahh *wiggle eyebrows* may something ka na para kay Atasha.. Umamin ka na 'tol haha bumibasic ka ee may nalalaman ka pang patong ulo sa balikat ni Atasha XDD Sama mo na din yung blackmail ;D

    Atasha, Atasha, Atasha ... Sister!!! (FC ako! XP) Ang gondo mo! Dalawang papabelles teh??! Anubeyen kung si Zack T-O-R-P-E XD Ikaw naman M-A-N-H-I-D :)) Hahaha deh joke lang madidiscover mo din yan tiwala lang ;D matchmaker ako ee woot woot

    (



    D


    (

    Go!Go!Go! LariSha
    I'm patiently waiting for updates :))

    >Doreen :D

    ReplyDelete
  8. Natawa naman ako sa sinabi ni Atasha nung lumipat siya ng upuan sa bus na wag magisip ng nakakakilig dahil tumabi siya kay Laris.

    ReplyDelete
  9. ioko n tlaga kei zack kasi nmn hindi nia direchuhin c atasha! prang hindi llki!!!

    buti p si laris! khit n aminadong prospct nia si atasha at fake gf nia kunwari, sweet pdin! at hindi nwwla ang barahan moments nila! ang cute!

    ReplyDelete
    Replies
    1. —–-—▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
      —–-▒███████████▒
      —▒████▒▒▒▒▒▒▒███▒
      -▒████▒▒▒▒▒▒▒▒▒███▒……………….▒▒▒▒▒▒
      -▒███▒▒▒▒▒███▒▒▒███▒…………..▒██████▒
      -▒███▒▒▒▒██████▒▒███▒……….▒██▒▒▒▒██▒
      —▒███▒▒▒███████▒▒██▒…….▒███▒▒█▒▒██▒
      —–▒███▒▒████████▒██▒…▒███▒▒███▒▒██▒
      ——–▒██▒▒██████████▒▒███▒▒████▒▒██▒
      ———▒██▒▒██████████████▒████▒▒██▒
      ———-▒██▒▒█████████████████▒▒██▒
      ————▒██▒▒██████████████▒▒██▒
      ————–▒██▒▒████████████▒▒██▒
      —————-▒██▒▒██████████▒▒██▒
      —————–▒██▒▒████████▒▒██▒
      ——————-▒██▒▒██████▒▒██▒
      ———————▒██▒▒████▒▒██▒
      ———————-▒██▒▒███▒▒█▒
      ————————▒██▒▒█▒▒█▒
      ————————-▒██▒▒▒█▒
      —————————▒██▒█▒
      —————————♥♥♥♥♥♥
      —————————-♥♥♥♥♥
      ——————————♥♥♥
      —————————-—♥♥
      ———————————♥

      Delete
  10. I think I'm going to like that song too.
    NakakaLSS, and the lyrics is freakin' hot and awesome.
    Thank you sa pagsusulat ng magagandang stories.

    Me an my friends are a big fan of yours.

    ReplyDelete
  11. that's one hell of a good song! thanks for sharing miss ADD! and of course, this is one hell of a chapter. pero sa tingin ko, girls should stop liking zack. he's such a chicken! if he really likes atasha, then man up! just saying.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^