Sunday, October 14, 2012

When I Get Hurt : Chapter Nine

When I Get Hurt : Chapter Nine
Chapter Nine : Iwasan </3

(Eunicca Afenido's POV)




Nakapagdesisyon na ako. Babalikan ko si Ace.




"Nakapagdesisyon ka na ba?" Nagulat ako sa nagsalita.




Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ace. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang right hand ko. Hindi ko alam pero bigla kong binawi ang kamay ko.




"O-oo. Na-nakapagdesisyon na ako. Babalikan kita." Sagot ko.




Nanginginig ako. Tila kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.




Yayakapin niya sana ako kasi umiwas ako.




"Bakit?" Tanong niya.





"Wa-wala. Wala." Sagot ko agad.





Ngumiti siya. "Pangako ko Eunice! Pangako hindi na kita sasaktan!" Sambit niya habang nakataas ang right hand.





Ibinagsak ko sa mesa yung hawak kong libro.





"Pangako?! Hanggang kelan Ace?!" Naiinis kong tanong.





Pangako siya ng pangako hindi niya naman kayang patunayan!






Natahimik siya.





"Mauna na ko." Saka ko kinuha ang mga gamit ko at iniwan siya sa Cafeteria.





Dumiretso ako sa Rooftop at tumingala sa asul na langit.






"Mahal ko pa siya... pero nasasaktan ako. Parang kulang na nangako siya at sinabing mahal niya ako..." Pagmo-monologue ko.





"Hindi sapat na mangako at sabihing mahal mo ang isang tao. Dapat mo ring patunayan at ipakita na totoo ang mga sinabi mo." May biglang nagsalita.





Pamilyar ang boses. Panigurado ako siya yun.




Lumingon ako at tama nga ang hinala ko. Si Brent.





"Pano ko magagawa na sabihin sa kanya na patunayan niya sakin iyon?" Tanong ko sa kanya.





"Hindi mo kailangan sabihin sa kanya yan. Kung talagang mahal ka niya... Papatunayan niya yan sa'yo kahit di mo hilingin sa kanya." Sagot niya sakin.




Tskk! Naalala ko na naman yung sinigaw ko eh.





"I love you Brent!"




Namula ata ako. Tsk. Nangangamoy awkward dito. Tumakbo ako papunta sa kanya.




Parang sabik na sabik akong yakapin siya. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko ulit maramdaman ang kayakap siya. Ang mainit niyang yakap.





Hinawakan ko ang kamay niya at yayakapin na dapat siya pero biglang may nagsalita.





"Kakabalik mo pa lang sakin may balak ka na agad lokohin ako? Buti na lang at ako ang nakakita nito. Kung hindi, baka nasira na ang ipinundar mong magandang image sa university na 'to." Sambit niya.





Ni Ace. Lumakad siya palapit sakin. Saamin. Hinatak niya yung kamay ko at pinapunta ako sa likuran niya.





Pare, nobya ko 'to. Kaya pwede ba ha? Lubayan mo na siya. Iwasan mo hangga't maaari." Saad ni Ace.





Nagulat ako nung biglang sinapak ni Brent si Ace.





"Tangna pare! Kung may tiwala ka dyan sa tinuturing mong nobya kahit sumama yan sa ibang lalaki may tiwala ka pa rin dyan!" Pikon na sigaw ni Brent.





Sinuntok din ni Ace si Brent.






"Kay Eunice may tiwala ako. Pero sayo? Hayop na yan! Walang-wala akong tiwala sayo!!" Sigaw ni Ace.





"Hoy! A-ano ba! Tumigil na kayo please!" Sigaw ko.




Tskk! Kelangan kong bumaba para humanap ng aawat sa kanila.





Bumaba agad ako at naghagilap ng pwedeng umawat.





"Kuya! Kuya tulungan mo naman ako!" Pagmamakaawa ko sa nakasalubong kong lalaki.





"Oh? Bakit? Ano yon?" Tanong niya. Natataranta na ata siya.





"Ma-may... nag-aaway po sa rooftop." Sagot ko.





Tumakbo agad kami pero bigla naming nakasalubong si Brent. Pinigilan ko yung kasama ko.





"Ui Brent!" Tawag ko pero hindi niya ko pinansin.






Bumaba na siya.






"Ahm Kuya. Salamat ah? Eh kasi... Yun po yung kasama ko na nakipag-away." Baling ko dun sa lalaki.





Nginitian niya lang ako saka niya tinapik ang balikat ko bago siya umalis.






Infairness. Gwapo si kuya ah? :)





Hinabol ko agad si Brent. Nakita ko siya sa may Soccer Field after kong maglakad-lakad. Naka-higa siya sa may damuhan malapit sa soccer fiel. May puno na nakatayo malapit sa... kanila. Nagtatawanan sila. Pakiramdam ko gusto kong tumakbo. Magpaka-layo-layo. Umiyak ng umiyak. Ano ba 'to. Hindi naman ako ganito kay Ace ah?





Habang nagtatawanan sila bigla siyang napalingon sakin. Nawala yung anghel niyang mukha. Sumimangot siya at kung di mo siya kilala hindi mo mapapansin na malungkot ang mga mata niya.





~After One Month~




Malapit na magchristmas pero hindi pa rin kami nagpapansinan. Masakit. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Masaya akong kasama si Ace pero mas masaya kasama si Brent. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Ewan. Siguro masanay agad ako na siya kasama ko.





"Nicca!"




"Bre--" Paglingon ko... "Ace." Nasambit ko na lang.




"Brent na naman? Mahal mo na ba siya? Pano ko Nicca?" Parang naiiyak niyang sabi.





Tumayo ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.





"It's been one month, Ace. One month with no communications at all. Ano pa bang mangyayari dun? Alangan namang mahalin mo yung taong malayo. Ni hindi mo alam kung maayos ba yung samahan niyo." Paliwanag ko sa kanya.





"Pero nicca."






"Nicca? Bakit nicca tawag mo sakin?" Tanong ko.





"Ayoko na ng Eunice. Marami tayong iniwan na panget na ala-ala dun." Sagot niya sakin.






"Yung totoo Ace. Halata sayo na nagsisinungaling ka." Pilit ko sa kanya.






"Fine. Takot man akong aminin na... Nararamdaman kong mahal mo si Brent kaya lahat ng ginagawa niya na nagustuhan mo ginagawa ko rin. Maramdaman ko lang na mahal mo ko." Naiiyak niya na namang sabi.






Mahal... ko si Brent?





"HAA?! Ma... Mahal ko si Brent?" Tanong ko na gulong-gulo.






Tumango si Ace. Nakita ko si Brent na nakatingin sa aming dalawa.






Pero... Kung mahal ko si Brent... Hindi niya naman ako mahal... Uselesss din kaya dapat siguro sabihin ko na lang na...






"No way! Ano ka ba naman Ace! Anong mahal ka dyan?" Sagot ko rin sa sarili kong tanong.





"Easy ka lang, nicca. Easy lang." Tapos yayakapin dapat ako ni Ace pero nakita knog ibglang umalis si Brent.





"Brent!" Tawag ko saka ko siya hinabol.





Hindi na-ituloy ni ace yung pagyakap niya sakin.





"Brent!" Tawag ko ulit saka ko hinila yung kamay niya.





"Ano yun?" Tanong niya sakin.





"Bakit mo ko iniiwasan?" Tanong ko sa kanya.





"Haha! Iniiwasan? Hindi 'no! Marami lang akong ginagawa tsaka isa pa, may boyfriend ka na, ayokong mawalan kayo ng time sa isa't isa. Kagagawan ko pa yun pagnagkatao." Sagot inya sakin ng kaswal.




"Onga naman, Nicca. Tama naman siya eh." Nagulat ako nung ibglang sumabat si Ace.




"See? Osha, sige. Mauna na ko lovebirds." Tapos tuluyan na siyang umalis.





Mahal ko na nga siya. Pero bakit niya ko Iniiwasan? </3

2 comments:

  1. oY xaH,,, mButi nMn at uMamin na tLga c niCca,,, kaSi nMn aCe iKaw uNa naNakit skNya,,, aNo paNg eexPect mO noH,,,

    ReplyDelete
  2. ouch! anu b nmn yang pinaggagawa ni brent! kun alam lng nia tlga!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^