Wednesday, October 10, 2012

You Got Me : Chapter Five

Chapter Five
Surprise Guest



            Sa dinami-dami naman ng lugar dito sa University, bakit dito pa sya sa Bilology lab nya naisipan na mag-usap kami? I hate frogs, snakes, lizards, and yung mga hayop na makikita mo sa Biology lab na mga makababad sa formalin.


            “S-sir Wacky, pwede po na sa i-ibang lugar na lang po tayo mag-usap?” ayoko kasi talaga dito, hindi keribelles ng powers ko.


            Pero hindi man lang sya sumagot, kung umiling man sya o tumango ay hindi ko alam. Sa sobrang takot ko sa mga naka-aligid sa akin ngayon, nandito ako ngayon sa ilalim ng isang table at kasalukuyan kong yakap-yakap ang dalawang tuhod ko habang nakapikit.


            “So Shen, how will you pay all the damages you’ve done to me? Supposedly last week pa dapat ako nag-start na mag-training in managing this university, pero dahil sa panununtok mo sa akin ngayon lang ako nakapag-report. You see how many damages you brought into my life?”


            Ayoko talaga dito, hindi ko kayang magtagal sa ganitong klaseng lugar. Sa sobrang takot ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Alam kong mejo OA pero, feeling ko kasi lahat ng mga hayop o insekto na nandito sa lab ay mga buhay pa rin at ready silang lahat na lapitan ako.


            “Mama… Mama ko…” tawag ko sa Mama ko dahil talagang natatakot na ako. “Kuya…”


            Wala na akong pakelam kahit pa lalong magalit sa akin si Mahangin Man dahil hindi ko sya pinakikinggan, natatakot talaga ako.


            “Shen? Shen!” then naramdaman ko na lang na merong kamay na humawak sa magkabilang balikat ko. “What’s happening, drama mo na naman ba to?”


            Muka bang drama ko talaga tong mga luha sa mata ko? Kung magiging artista man ako, gusto ko sa action-adventure ako makilala at hindi sa drama. “A-ayoko d-dito, n-n-natatakot *hikbi* a-ako *hikbi*.” Ayoko na dito, masama na talaga ang pakiramdam ko. Sa sobrang takot ko nga napayakap na lang ako sa lalake na to, hindi chansing yon ok, natatakot lang talaga ako.


            Alam kong nagulat si Wacky sa ginawa ko, salamat na lang at may good side pa rin naman pala sya at hindi nya ako tinulak palayo sa kanya. Itinayo nya ako at saka ako inakay palabas ng Biology lab, mabuti na lang at wala ng masyadong tao sa hallway ng Science Building dahil kung hindi malamang puro mapang-kutyang tingin na naman ang aanihin ko.


            “Are you ok now, Shen?” tanong ni Wacky sa akin na inaalalayan pa rin ako. “Dito ka lang sandali, bibili lang ako ng tubig.”


            Kahit nung high school ako, hindi ko talaga maatim na mag-stay sa Biology Lab dahil sa ganong tanawin dahil natatakot talaga ako. Ang grade ko nga sa Biology nun sobrang wagas sa pangit eh though hindi naman sya line of seven.


            “Here, drink this for your breathing to be normal again.” Na agad ko rin namang ininom.


            “Salamat ha, pasensya ka na sa nangyari kanina dun sa Bio lab.” Alam kong napakalaki ng kasalanan nya sa akin, ok, ok, ang laki ng kasalanan ko sa kanya. “Pasensya din dun sa nangyari sa wind shield ng kotse mo, ikaw naman kasi eh.” Demi humihingi ka sa kanya ng sorry tapos ibabato mo rin sa kanya yung sisi, adik ka talaga. “Don’t worry, I’ll ask my parents to send me some bucks for me to be able to pay that thing.” mahabang sabi ko sa kanya, pero hindi ko naman magawang tumingin sa kanya.


            “Are you ok now?” tanong naman nya sa akin, concern. “You don’t have to pay me in cash, I have a very good idea para mabayaran mo ako sa lahat ng ginawa mo sa akin.” And he look at me intently, at kinabahan naman ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin. “I know what you’re thinking, I’m not a pervert.” Ah, mabuti na yung malinaw. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa paraan ng pagtingin nya sa akin.





            Ang mga baklita nandito na naman sa bahay ko, at ayun tamang pakelaman lang yung xbox ko na pinadala pa ni Kuya from Japan. Pasalamat sila may dala sila na mga favorite foods ko, dahil kung hindi, hindi ko talaga sila papapasukin sa bahay ko.


            “Milka-way the ball is all yours, hit that ball sweety!” ang ingay talaga ni Milo kapag naglalaro ng tennis.


            Nag-pose naman muna si Milka bago tirahin yung bola, isa pang saksakan ng ingay. “Oh come on, that’s sisiw for me! Waley na bang mas majurap pa ditetch?” hay nako talaga naman oh.


            Ako, eto tamang laro lang ng Temple Run Brave sa iPad ko, ayoko ng makigulo sa kanilang apat, sa kanila pa nga lang feeling ko any moment susugurin ako ng mga kapitbahay ko, pano pa pag sumali ako sa kanila.


            “Ay anak ka ni Ka Totchie, ang shunga naman nito oh!” nalaglag na naman kasi yung character ko. “Ayoko na nga nito, iba naman!” parang tanga lang ako na nagsasalita mag-isa. “Ayos, eto namang Hangaroo!”


            “Deminyita baby, someone is pressing your doobnabelles!” si Miley yon.


            Bilang hook na hook na naman ako sa nilalaro ko “Ikaw na Miley, hindi ka pa naman naglalaro eh.” Utos ko sa kanya.


            Hindi nagtagal tinatawag na naman ako ng luka, pero yung tatlong bakla sige pa rin sa kakasigaw. “Demi-licious, you have a very importantacious visitor.” Important visitor, si Mama at Papa ba yun?


            “Kung mangungutang lang yan, sabihin mo wala-umalis-tulog ako! Papiliin mo na lang sya kung alin ang gusto nyang sagot ko, ha”


            Kasi naman, kung kailan naman na ang dami ko ng na-solve saka naman may darating na hindi inaasahan bisita. Noon ko lang napansin na parang ang tahimik na yata ng sang-kabadingan troop, bakit kaya? Hindi kaya si Mama, Papa, o Kuya nga ang unwanted visitor ko?


            Oh hinde, ang itchura ko di ko kayang i-explain sa sobrang sagwa. Mapapagalitan nila ako kapag nakita nila na ganito ang itchura ko, naku naman oh!


            “Bading, s-si si ano… si LMP!” ang nauutal na sabi ni Mina sa akin. Sino yung LMP?


            Yung itchura naman ni Milo hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung kinikilig ba to na naka-ngiti, o matatae na kinakabahan eh. Sino ba kasi ang bi---- bwisita ko?


            “Hi, good morning!”


            Fuck, naka-sando lang ako at maigsing boxer short! Ano na naman ba kasi ang problema nya at naisipan nyang pumunta sa bahay ko ng ganitong kaaga? Hindi ba nya naisip na pwedeng tulog pa ako ng ganitong oras?


            “Award ka Demi-licious, hindi mo man lang sinabi na may surprise guest ka para sa amin!” Milo kung alam mo lang, pati ako nagulat din na nandito ang impakto na yan. “Ay Sir Wacky, pasok ka muna sa high-tech na dump site ni Shen.”


            “Simple Wacky is nicer to hear, Emi--- Milo.”


            Naku naman oh, nakakahiya talaga. “Sir excuse me for a while, magbibihis lang ako.” At patakbo na akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng matinong pambahay.


            Ano ba kasi talaga ang ginagawa nya dito, bakit nandito sya?! Kasi naman oh, gagawa-gawa kasi ako ng ganitong problem tapos ngayon sumasakit na ang ulo ko sa kaka-isip ng solusyon sa poblema ko, anak ng pating talaga oh! Eto namang mga baklitang kasama ko sa bahay, mukang super, mali pala, enjoy na enjoy sila sa presence ni Mahangin Man samantalang ako hindi mapakali.


            “Waaaaaaaahhhhhh!!!!” ano yun?


            Dahil sa sigaw ng mga bading na yon ay napatakbo na ako palabas ng kwarto ko kahit na hindi pa ako nakakapag-ayos ng buhok. Sa pagmamadali ko muntik na rin akong madapa at gumulong pababa ng hagdan, malas talaga!


            “Anong nangyari?” tanong ko sa mga bading.


            “Oh my gosh!!! Aaaaaaaaaabbbbbbbsssssss!!!” sigaw na naman nila.


            Ano ba kasing--- oh our gosh, ang abs nga! Ay leche, mali ang pagpantasyahan ang sexy body nya. Naku talaga naman oh, may balak palang magpakita ng katawan dito pa sa bahay ko ang napiling lugar.


            “Suot mo nga yang damit mo Sir, mamaya bigla ka na lang dambahin nitong mga to sisihin mo pa ako sa mangyayari sayo.” At tumayo ako sa harapan nya para tabingan sya habang nagbibihis. “At kayo naman, di na kayo nahiya sa mga kapitbahay ko. Kung maka-sigaw kayo akala nyo nasa isolated place kayo, kurutin ko singit nyo jan eh.”


            “Alam mo Demi madamot ka talaga kahit kailan. Anu ka ba naman Deminyita, hanggang tingin na nga lang kami ipinagdamot mo pa. ang malanding sabi ni Miley sa akin. “And hindi naman namin sya aagawin sayo, makiki-share lang naman eh.”


            Aagawin? Sa kanila na ang lalake na to, pero kung gusto nilang halayin ang kahalay-halay na lalake na to, pero wag dito sa bahay ko.


            “Ikaw, ano bang ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa ah!” tanong ko bigla kay Wacky. “Hoy!”





            “Seryoso ka, ipapakilala mo talaga ako kay Mr. President? Bakit?” naman oh, seryoso ba talaga sya na gusto ni Mr. President na makilala ako, pati na ri ni Madam? “Sabihin mo naman na nagjo-joke ka lang Sir Wacky, marami pa akong pangarap na kailangan matupad, and it will only happen I I will finished my study and if I’ll have my diploma.”


            “Ang sabi ko lang gusto ka nilang makilala, I didn’t say anything na may balak silang patalsikin ka sa university, and I won’t allow that to happen.” Ano daw, hindi nya hahayaan na mangyari yon, hindi kaya may gusto talaga sya sa akin? At nangarap na naman ako ng gising. “Dahil marami ka pang utang na dapat bayaran!” toinks, yun pala ang dahilan.


            Ano na naman kaya ang itchura ng bahay ko mamaya pag-uwi? Kasi naman, bakit ngayon pa nya naisipan na ipakilala ako sa parents nya kung kailan nasa bahay ang mga baklita kong kaibigan. Panigrado ako pakekelaman na naman nila ang walk-in closet ko dun sa bahay, alam pa naman ni Milo kung saan nakalagay ang susi nun.


            “Huuuuuuhhhhhhh!!!” ang bigla na lang lumabas sa bibig ko dahil sa naisip ko. “Naman ee!!!”


            “Hey, what’s the matter?” tanong naman ni Wacky sa akin.


            What’s the matter nya muka nya, sinira nya ang schedule ko. Kung kailan naman naka-schedule akong magpatulong mag-linis ng bahay kila Milo saka naman sya biglang dumating!


            “I can’t imagine my closet when I come back home later, I entrust my whole house to my malanding bestfriend Milo. Ahhhhhrrrrrgggg, for sure papakelaman na naman nila ang mga damit ko!”


            Pasensya naman, ayoko kasi na may nakikialam ng mga damit ko. I used to arrange my clothes according to their color, but for sure parang dinaanan na naman ng bagyo ang closet ko nyan mamaya.


            “Call Milo then!” as if naman na ganon kadali iyon, naiwan ko nga yung phone ko sa kakamadali. Without saying any word, I let him know that I left my phone at home. “Here, use mine.” At iniabot nya sa akin ang phone nya. Ayos ah, sya ng naka iPhone5!


            I grinned at him and say “Hindi ko kabisado number ni Milo eh, walang dial-tone ngayon ang phone sa bahay, yung phone ko naman nasa kwarto.” Hehe, ang laki ko talagang epic fail.


            “Naka-save na ang number nya jan, hanapin mo na lang sya sa list of contacts ko.” utos nya sa akin, eh di silang dalawa na ang close. “Don’t tell him that you’re using my personal phone.”


            Wag na no, sure ako na tatawagan at tatawagan ni Milo ang number na to. Baka mamaya masisi na naman ako kapag kinulit sya ni Milo, madagdagan pa ang kailangan kong bayaran sa kanya.


            “Hindi na, wag na, ako na ang bahala sa kanya kapag hindi ko nagustuhan ang ayos ng bahay ko.”


            Ilang minuto pa ang lumipas at mukang malayo pa kami sa pupuntahan namin. Matagal pa ba, malayo pa ba kami? Naiinip na kasi ako eh, saka masakit na pwet ko.


            “Malayo pa ba tayo, pede bang mag-stop over muna tayo kasi maji-jingle na ako eh.” Hindi ko na kasi talaga kaya, mukang sa Batangas pa yata nya ako balak dalhin. “Hinto ka muna jan sa gas station, di ko na kaya eh.”


            Napangiti naman sya sa mga sinabi ko kahit na wala namang nakakatuwa o nakakatawa sa sinabi ko, abnormal talaga sya! But thanks to him dahil sinunod naman nya ako.


            “Thanks!” at tumakbo na ako papunta dun sa CR.


            Saan ba kasi nya talaga ako dadalin, saka ano ba talaga ang dahilan at gusto akong makita at makilala ni Madam at Mister President? Jusko, wag naman sanang mapatalsik ako sa school dahil kapag nangyari yon, sa Japan ang bagsak ko.


            “Here, I hope you like what I bought for you.” sabay abot nya ng starbucks drinks sa akin, na agad ko naman tinikman. “You like it?”


            “Yeah, this is my favorite, Dark Mocha. Thank you! In thirty minutes kailangan mo na namang huminto ng pit stop dahil tatawagin na naman ako ni Mother Nature dahil dito.” At itinaas ko yung venti size na DM na ibinigay nya sa akin. Pagkasabi ko noon sa kanya ay tumalikod na ako sa kanya at sumakay sa kotse nito. Tuloy, hindi ko nakita yung maganda nyang ngiti dahil sa sinabi ko.





5 comments:

  1. aNg swEet ni pAPa waCky,,, buti wLa si miLo mOment Lng niLaNg dLwa yaN ngaUn,,, hwehiHi,,

    ReplyDelete
  2. ahh! so sa biology lang pala!! akala ko kasalan nah.. ahhaha.. ang SWEET nya!!! shaks!!

    grabe! nglalaro lang ang lalandi pa rin ng mga boses!.. hahah.. lagyan ko ng sili mga bunganga nila eh.. haha.. sino si LMP??hmmnn..

    at talagang ngpakita sya ng abs sa dumpsite/bahay ko! wag!! mahaharass kita ng wala sa oras!!! hahaha..

    he wants me to meet his parents? namamanhikan na bah sila??? hahaha! super excited ako jan!!

    ReplyDelete
  3. waaah! grabey ang kilig q dito ate!!

    ReplyDelete
  4. naiimagine ko talaga yung mga scene woooooooooh . grabe :) hahaha O.A sa reaction e nu, hahahah :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^