Friday, September 7, 2012

Love at Second Sight : Chapter 13


CHAPTER 13
( Aeroll’s POV )
Napapailing na sinundan niya ng tingin si Princess. Ang sungit talaga! Hindi man lang nagpasalamat na tinulungan ko siya. 

Saktong paglabas niya ng kwarto kanina ay nakita niya si Princess na kalalabas lang ng din ng kwarto nito. Hindi niya napigilang sundan ito. Hindi pa nga siya naliligo. Buti na lang at sinundan niya ito dahil parang itong lutang na sa iba nakatingin habang pababa ng hagdan.

Mabilisan na siyang naligo at lumabas ng bahay. Naabutan niya ang mga ito sa hardin. Wala si Cath. Nagdidilig naman ng halaman si Harold. Nakaupo si Princess.

Kumunot ang noo niya ng mapansin itong nakapangalumbaba sa mesa habang nakatingin kay—sinundan niya ang tinitingnan nito.

Harold?

Bakit gano’n siya makatingin kay Harold? Nakangiti pa ito.

At bakit parang nakaramdam siya ng inis?

Naalala niya ang una nilang pagkikita. May nakita siyang picture na nahulog sa mga gamit nito. Picture ni Harold.

Ano ba ang koneksyon niya kay Harold? May boyfriend na siya ‘di ba? At alam niyang boyfriend ng bestfriend niya ang pinsan ko.

Maya-maya ay dumating na si Cath. Hindi siya nito napansin dahil nasa pintuan pa siya. Lumapit si Cath kay Harold. At napansin niyang nawala ang ngiti ni Princess habang nakatingin sa dalawa. Sumama pa nga ang mukha nito.

Shit! Don’t tell me may gusto siya sa pinsan ko?! At nagseselos siya kay Cath? Hindi niya nagustuhan ang iniisip niya. Pero ‘yon ang ang naiisip niya ng mga sandaling ‘yon. At naiinis siya!

Mabilis siyang lumapit kay Princess at hinawakan ang mukha nito paharap sa kaniya. Napansin niya na nangingilid ang luha nito. Napatingin tuloy sa kanila sina Harold at Cath. Napatingin si Princess sa dalawa.

“M-may naiwan ako sa kwarto.” Mabilis itong pumasok ng bahay. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Sinundan ito ng Cath.

“Uy! ano ‘yon, ha?”

Napatingin siya kay Harold. “Kilala mo ba si Princess?”

“Oo.”

“Kailan pa?”

Kumunot ang noo nito. “Kinukwento siya sa’kin ni Cath. Nakita ko na siya sa picture. Pero ngayon ko lang siya nakita ng personal.”

Napatingin siya sa bahay. Sino ka ba talaga, Princess?




( Princess’ POV )

PAGLABAS niya ng bahay ay nakita niya sa hardin sina Cath at Harold. Ipinakilala siya ni Cath kay Harold. Nagdilig ng halaman ang dalawa habang naghaharutan. Habang siya, nakaupo sa upuan. Maya-maya ay nagpaalam si Cath na pupunta sa restroom. Sinabi ni Harold na sa likod na lang ito dumaan dahil malapit lang do’n.

Pinagmasdan niya si Harold. Mukha naman itong mabait. Hindi pala mukha lang. Mabait pala. Pansin niya ‘yon kanina. Napangiti siya ng maalala ang mga ito kanina. Para itong mga batang naglalaro sa hardin. At mas lalo siyang napangiti ng maalala ang mukha ng pinsan niya kanina. Ang saya nito. At masaya siya para dito.

Dumating na si Cath. Dahan-dahan itong lumapit kay Harold. Tinakpan nito ang mga mata ni Harold mula sa likuran. Nawala ang ngiti niya. May naalala siya. Gano’n din si James sa kaniya. Hilig nitong takpan ang mga mata niya kapag nakatalikod siya.

Sumama pang lalo ang mukha niya. Ang manlolokong ‘yon! Hindi niya napansin na nagilid na ang mga luha niya. Sa inis!

Nagulat siya ng may kung sinong humawak sa mukha niya.

Aeroll? Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Napalingon siya kina Cath. Napatingin ito sa kanila.

Naku naman! Ramdam niyang babagsak na ang luha niya. “M-may naiwan ako sa kwarto.” Mabilis siyang pumasok papasok ng bahay.

Nang makarating ng kwarto ay umupo siya sa gilid ng kama. Pinahid niya ang mga luha niyang lumandas na sa pisngi niya.

“Bhest?” Si Cath ang nalingunan niya. Tumabi ito sa kaniya.

“I saw him yesterday.”

Kumunot ang noo nito. “James?”

“I saw him with someone.”

Niyakap lang siya nito. Gusto niyang umiyak pero ayaw niya. Matapang siya. Pero ramdam pa din niya ang sakit ngayong naalala niya ‘yon. Kaya hinayaan niya ang mga luha niya. Ang mga luha niyang gustong-gusto ng pumatak.




NASA hardin sila. Katatapos lang nilang kumain. Kasama nila ang lolo at lola nina Harold. Nagkukuwentuhan sila. Katabi niya si Harold at katabi naman nito si Cath. Wala si Aeroll. Umakyat ito sa kwarto kanina matapos nilang kumain.

“Mag-hiking kayo sa bundok.” wika ni Lolo Remedios.

“Oo nga. Mag-camping din kayo do’n.” Si Lola Remedia.

Ang gara ng mga pangalan nila ‘no? Kaya nga meant to be daw sila, ang sabi ni Lola. Hindi naman masungit ang grandparents ni Harold. Mga kalog nga, eh.

“Kaya lang mag-ingat kayo do’n.”

“Bakit po Lola?” tanong niya.

Nagkatinginan sina Lola at Lolo. Natawa ng mahina si Harold.

“Inggwa it nagpapang-ba-oy ng dayo do’n.” sagot ni lolo.

“Ano po?” Nagbisaya naman kasi lolo, eh.

“May nangunguha ng mga dayo do’n.” sagot ni lola.

“Totoo po?” sabay na tanong nila ni Cath. Nagkatinginan silang dalawa.

“Bhest…patay tayo.” sabay na wika na naman nila. Nagtawanan ang tatlo.

“Bakit po?” sabay na tanong na naman nila ni Cath.

“Joke lang ‘yon, honey. Binibiro lang kayo nila lola.” natatawang sagot ni Harold. Inakbayan nito sa Cath.

“Hay…akala ko…” sabay pa sila ni Cath. Mas lalo tuloy natawa ang mga matanda. Natawa din tuloy silang dalawa.




( Aeroll’s POV )

HINDI pa siya nakakalabas ng bahay, nadidinig na niya ang tawanan mula sa hardin.

“Mukhang nagkakasayahan sila, ha. Hindi man lang ako sinali. Daya.” Mabilis siyang naglakad.

“Oh, hinaey yake kag akong paboritong apo, si King.”

Napakamot siya ng ulo. Binisaya na naman ako ni lolo. Nakakaintindi naman siya, eh. “Lolo, Prince ho.”

“Ang paborito kong apo, si King.” ulit pa nito.

“Si lolo talaga ang kulit.”

Kumunot ang noo niya ng mapansin kung sino ang katabi ni Princess. Si Harold. May space naman sa tabi ni Cath. Bakit sa tabi pa ni Harold? Lumapit siya dito.

“Prinsesa, lipat ka ng upuan.”

Kumunot ang noo nito. “Princess ang pangalan ko. Saka ang daming upuan, oh.”

“Gusto ko diyan. Paborito kong upuan ‘yan.”

“Paborito? Kailan mo pa naging paborito ‘yan, insan?”

“Ngayon lang. Saka gusto kong katapat si lola.”

“Tumabi ka na lang sa’kin, apo.”

“Gusto ko po katapat ko kayo. Saka gusto kong katabi si Harold.”

“You’re acting weird, insan.”

Hindi niya ito pinansin. “Prinsesa, lipat.”

“Ayoko.”

“Lipat.”

“Ayaw.”

Bakit ba ayaw mo? Dahil gusto mong katabi si Harold? Nainis tuloy siya.

“Ayaw mo, ah.” Walang sabi-sabing binuhat niya ito at nilipat sa katabi nitong upuan.


. . .
A\N: haha, simpleng seloso naman 'tong si Aeroll ^^ 


1 comment:

  1. wAAah nbiTin aKo,, nXt chaPter n agd,, cOmmNt LNg aq sNdaLi,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^