CHAPTER 14
( Aeroll’s POV )
“Ay! Ano bang problema mo?!” angal ni Princess ng mailipat niya ito sa
kabilang upuan.
Dedma lang siya. Umupo na siya sa upuan
nito. Napapagitnaan niya ito at si Harold. He smiled. Then he noticed the weird
look on his grandparents faces. Maya-maya ay napalitan ‘yon ng ngiti. Malapad
na ngiti.
“What?”
“May
girlfriend ka ba ngayon, apo?”
tanong ng lolo niya.
“Wala
po, lolo.” Si Harold ang
sumagot. Tiningnan niya ito. Ang lapad din ng ngiti nito.
“Ikaw,
iha. May kasintahan ka na ba?”
tanong ng lola niya kay Princess na nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.
Nawala ang kunot ng noo nito at
napatingin sa lola niya.
“Ano
po kasi…”
“Wala
po siyang boyfriend, lola.”
singit ni Cath.
Kumunot ang noo niya. Wala? Hindi ba’t
sinabi ni Princess no’ng una silang nagkita na may boyfriend na ito? Ano ‘yon,
hindi alam ni Cath?
Nakayuko si Princess na tila may malalim
na iniisip. Ano ba talagang totoo? I have
to watch you from now on, Princess.
“Naku!
Edi kayo na lang nitong si Princess.”
“Lola.” Hilig talaga nitong mag-playing cupid.
“Bagay
naman kayo. Isang prinsesa at isang prinsipe. Parang kami ng lolo mo. Remedios
at Remedia. Bagay na bagay.”
“Sino
pong prinsipe, lola?”
tanong ni Princess.
“Iyang
katabi mo.”
Tiningnan siya ni Princess. “Hindi ho siya mukhang prinsipe sa paningin
ko.”
Aba’t! Ito na naman po siya. “Mas lalo kang hindi mukhang prinsesa.”
“Ayan
na naman kayo. Aso’t pusa na naman kayong dalawa.” singit ni Cath. “Di ba okay na kayo?”
“Anong
okay, honey?”
“Ay
hindi ko nga pala na-kwento sa’yo. Nagkita na sila bago ko pa sila ipakilala
kahapon.”
“Hah?
Kailan?”
“Nagkabanggaan
sila sa mall no’ng isang araw.”
“Teka,
teka.” Nilingon siya ni
Harold. “Siya yung babaeng amazonang
tinutukoy mo, insan?”
Holy crap! Ang daldal nito! Napalingon
tuloy siya kay Princess. Magkasalubong na ang mga kilay nito na parang
nagsasabing ‘humanda ka sa’kin!’.
“Lolo,
lola. akyat po muna ako sa kwarto. Medyo nahilo po ako, eh.” paalam nito.
“Sige,
iha. Magpahinga ka na. Pasensya ka na kay Prince.”
Tumayo na ito at pumasok ng bahay.
“Sundan
mo, apo.”
“At
bakit naman po?”
Hindi siya sinagot ng lolo niya.
Binalingan nito sina Harold at Cath na abala sa pagtsitsimisan tungkol sa
kanilang dalawa ni Princess ng una silang magkita. Nakisali pa talaga ang
lolo’t lola niya. Napailing na lang siya. Tumayo siya at pumunta ng kusina.
(
Princess’ POV )
“AMAZANONG babae
daw ako? Hah! Antipatiko talaga ‘yon. Mas lalo siya. Hindi nga bagay sa kaniya
‘yong pangalan niya. Prince Aeroll. Yak!” Uminom siya ng tubig. Sa halip na
sa kwarto dumeretso ay sa kusina siya pumunta.
Nakakainis naman kasi ‘yong damuhong
‘yon. Walang abog na binuhat siya kanina para lang sa simpleng upuan.
Nakakahiya tuloy kina lola. Argh! Prince Aeroll pa ang pangalan. Hindi naman
bagay. Kanina lang niya nalaman habang kumakain na ang true name nito ay Prince
Aeroll. Ang tawag kasi dito ng lolo’t lola nito ay Prince, not Aeroll.
“Nadinig
ko ‘yon.” Napalingon
siya sa likod niya.
Inirapan niya ito. “So?”
“Sorry
na.”
Hindi siya sumagot.
“Sorry
for calling you that word.“
Napabuntong-hininga siya. Sabagay, kung
anu-ano din ang tinawag niya dito no’n. Pero naiinis pa din siya. “Sorry your face.” Tinalikuran na niya
ito. Hinawakan naman nito ang braso niya.
“Sorry
na nga, eh.”
“Bakit
parang pilit ka pa?”
“Ikaw
din naman, ah. Pilit ka nga din mag-thank you sa’kin.”
“So,
gumaganti ka?”
“Hay ewan! Sa totoo lang hindi naman ako dapat
mag-sorry, eh.”
“Sinabi
ko bang mag-sorry ka? Bitiwan mo nga ako.”
Hindi nito binitawan ang braso niya. “Ang sabi mo may boyfriend ka na. Pero
bakit ang sabi ni Cath, wala? Ano ba talaga ang totoo?”
Natigilan siya. Umiwas siya ng tingin. “Bakit kailangan mo pang malaman?”
Matagal bago ito sumagot. Binitiwan na
nito ang braso niya. “Sino ka ba talaga,
Princess?”
Napatingin siya dito. “I’m Princess Lardizabal. Twenty two. A
writer—” Tinakpan nito ang bibig niya.
“Pilosopo
ka talaga kahit kailan.”
Inalis niya ang kamay nitong nakatakip sa
bibig niya. “Ngayong alam mo na, pwede
na ba akong umalis mahal na prinsipe?”
Hindi ito sumagot kaya iniwan na niya
ito. Napalingon siya ng tinawag siya nito.
“Ano
na naman?”
Umiling lang ito habang nakangiti.
“Baliw!”
“Gwapong
baliw.”
“Na
kaya nabaliw dahil pinaniwala ng sariling gwapo siya. Eh, hindi naman.” Hindi na niya hinintay pang makasagot
ito dahil tumakbo na siya paakyat ng kuwarto niya.
“BHEST,
tara na.”
“Wait lang.”
“Sumunod
ka na lang sa baba. Naghihintay na si Harold.”
“Wag
kamo silang excited. Hindi mawawala ang bundok.” Nilalagay pa niya ‘yong contacts niya. Nagmadali
na siya. Humarap siya sa salamin. Tiningnan niya ang repleksyon niya.
Naka-maong short siya. Pink t-shirt na
may picture ni spongebob. Naka-rubber shoes. Tinali niya ng buhok niya. Magka-camping sila ngayon nila
Cath. Kasama si Harold at ang pinsan nitong Prince daw ang pangalan, hindi
naman mukhang prinsipe.
“Para
kong bata nito, ah. Cute na bata.”
Nang mapansin niya ang necklace niya.
“Bakit
ba suot ko pa ‘to?”
Bigay ‘yon sa kaniya ni James.
“Hmp!” Tinanggal niya ang kwintas at hinagis sa
pinto. Kaya lang bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sa mukha tuloy
ng taong pumasok do’n tumama ang pesteng kwintas na ‘yon.
“Aray!”
Natutop niya ang bibig niya. “Patay…”
ayyiieeeeeee!! ang cute nila pag nag-aaway.. parang aso't pusa lang.. princess at prince!! meant to be talaga! names pa lang nila eh,sureness nah.. haha
ReplyDeletenka contacts na sya!.. wala ng glasses.. for sure,laglag puso si aerol.. haha
gRaBe,, kniKiLig aq n nTtW SkNiLA,, i LOvE dis sTory n tLgA,, aNg biLis p ng ud, yEhEy,,
ReplyDeletethank u :)))
Deletelike d others kinilig din aq. hhhiiihhhhihihihhhii
ReplyDelete