Wednesday, September 12, 2012

Love at Second Sight : Chapter 15

A/N : despensa! now lang nakapag-UD ng LASS, nagka-trangkaso si ako :( .. but I'm okay now, medyo masakit pa ang ulo, patago ko pang kinuha ang netbook na tinago ni mudra para makapag UD na ako .. and to make me feel more better, isang nobelang comment naman dyan, wish lang ng isang may sakit para super galing na agad ako :)))



CHAPTER 15
( Aeroll’s POV )


Tiningnan niya ang relo niya. 3:30 na. Malayo pa ang lalakarin nila papunta ng camp house nila. “Ang tagal naman ng kaibigan mo. Nag-gown pa ba ‘yon?”


Natawa si Cath. “Long…long…long…gown.”


“Iwanan na nga natin ‘yon.”


“Lagot ka pag iniwan natin ‘yon.”


“Siya ang lagot sa’kin.” Tumayo siya at pumasok ng bahay.


“Insan, sa’n ka pupunta?”


“Susunduin ang mahal na prinsesa.”


“Ayii! Susunduin ng prinsipe ang prinsesa niya.” Tinukso pa siya ng dalawa.


Mabilis siyang umakyat ng kwarto nina Princess.


Nasalubong niya ang lola niya. “Hindi pa kayo nakakaalis, Prince?”


“Si Princess po ang tagal, eh.” 


“Susunduin mo ba?”


“Opo.”


“Hay! Ang apo ako…”


Kumunot ang noo niya. ”Bakit po, ‘La?”


“Wala, sige na sunduin mo na ang prinsesa mo.” Tumalikod na ito.


“Kanina ko pa nahahalata, ah. Tinutukso nila ako kay Princess. Lahat sila. And speaking of Princess. Ang tagal naman kasi ng babaeng ‘yon.”


Tinungo na niya ang kwarto nito. Hindi na siya nag-abalang kumatok. Kaya laking gulat niya na may kung anong tumama sa mukha niya. Sa bandang baba niya.


“Aray!”


“Patay…”


Napatingin siya sa sahig. Kinuha niya ang bagay na tumama sa mukha niya. Kwintas? Kinuha niya ‘yon.


“Naku po!” Mabilis na lumapit sa kaniya si Princess. Hinawakan nito ang mukha niya. Nakangiwi ito. “Sorry…”


Kumunot ang noo niya. “Princess?”


Napatingala ito sa kaniya. “Sorry talaga.”


Napangiti siya habang nakatitig dito. “Alam mo mas bagay talaga sa’yo ang walang salamin.”


Kumunot ang noo nito. Lumayo ito sa kaniya.


“What do you mean by that? Na pangit ako kapag nakasalamin?”


“Wala akong sinabing ganya—”


“Whatever!”


“Bakit ba nagagalit ka na naman?”


Hindi ito sumagot. May kung anong kinuha ito sa bag nito. At inabot sa kaniya.


“Band-aid? Anong gagawin ko dito?”


Tinuro nito ang baba niya. Napahawak siya sa baba niya. Mabilis siyang lumapit sa salamin. “Sinagutan mo ‘ko!”


“Gasgas lang naman ‘yan, eh.”


Hinarap niya ito. “Gasgas lang? Alam—”


“Ikaw naman ang may kasalanan, eh. Bigla kang pumasok. Hindi ka man lang kumatok.”


“Ako pa talaga ang sinisi mo?”


“Oo. Kasalanan mo! At kasalanan ng bwisit na kwintas na ‘yan!”


“Kwintas mo ‘to, ah. Bakit pati dito nagagalit ka?”


Kinuha nito ang kwintas sa kamay niya. “Dapat dito sunugin sa impyerno, eh.”


Kumunot ang noo niya. “Bakit parang galit na galit ka dyan?”


Itinapon nito ang kwintas sa sahig at pinagtatapakan. “Bwisit ka!”


“Ako pa talaga ang bwisit?”


Tiningnan siya nito. “Sinabi ko bang ikaw? Itong kwintas na ‘to ang bwisit!” Pinagtatapakan uli nito ang kwintas.


Napangiwi siya. Siguro kung tao lang ang kwintas na ‘yon. Malamang bugbog sarado na. Amazona talaga.


“Tama na ‘yan.”


Tiningnan siya nito ng masama.


“Oh, sa’kin ka pa magagalit. Para kang tanga dyan sa ginagawa mo.”


Napahinto ito. Umiwas ito ng tingin sa kaniya. Ano bang problema nito?


“Gamutin mo ‘tong sugat ko.”


Hindi ito tumingin sa kaniya. “Gasgas lang ‘yan.”


“Kahit gasgas lang ‘to, nag-iiwan ‘to ng peklat ‘no. Kung baga pag nasaktan ang isang tao, kahit napatawad na niya ‘yong taong nanakit sa kaniya. Mag-iiwan pa din ‘yon ng sugat sa puso niya.”


Hindi ito sumagot. May kinuha ito sa bag nito. Alcohol at bulak. Girl scout, ah. Lumapit ito sa kaniya. “Teka, mahapdi—aray naman!” Dinampi nito ang bulak na may alcohol sa baba niya.


Kinuha nito ang band-aid sa kaniya at tinapal sa baba niya. “Oh, ayan, tapos na po mahal na prinsipe.”


Napangiti siya. Bakit parang ang sarap banggitin kapag prinsipe ang tawag niya sa’kin?


“Anong nginingiti mo?”


Nawala ang ngiti niya ng mapansin ang mga mata nito. “Bakit parang iiyak ka?”


Hindi ito sumagot. Kinuha nito ang back pack nito at nauna ng lumabas ng kwarto.


“Tingnan mo ‘yon. Sinundo na nga. Nasugatan pa ko. Iniwan pa ako. Walang awa.” Sumunod na din siya dito.






( Princess’ POV )

“PARA kang tanga dyan sa ginagawa mo.”


“Kung baga pag nasaktan ang isang tao, kahit napatawad na niya ‘yong taong nanakit sa kaniya. Mag-iiwan pa din ‘yon ng sugat sa puso niya.”


Paulit-ulit ‘yong nagri-replay sa utak niya. Dinampian niya ng panyo ang gilid ng mga mata niya.


“Nakakainis talaga ‘yong lalaki na ‘yon! Pinapatamaan ba niya ako?”


Naabutan niya sa hardin sina Cath. “Nasa’n si insan?”


“Ewan—”


“Nandito ako.” Nasa likod na pala niya.


“Bakit ang tagal ninyo?”


“Anong nangyari sa baba mo, insan?”


“Yung isa kasi dyan, binato ako ng kwintas.”


“Kasalanan mo. Hindi ka kasi marunong kumatok.”


“Kasalanan mo. At ng kwintas mo.” Kinuha nito ang kamay niya at nilagay ang kwintas niya. 


“Ayoko na nga niyan!” Binato niya ang kwintas sa sahig.


Kinuha ulit nito ‘yon. “Bakit ba?”


“Ayoko niyan! Itapon mo kung gusto mo.” Tumalikod na siya at naunang naglakad.


“Ano bang problema ng kaibigan mo? Mero’n ba ‘yon at ang sungit?”


“Pasensya ka na, Aeroll. Akin na ‘yang kwintas.”


Nakakainis talaga! Bakit ba kasi pinipilit niya sa’kin yung pesteng kwintas na ‘yon? Ang kulit!


“Princess, nandito ‘yong sasakyan natin!”


Napakamot siya ng noo. “Ano ba ‘yan!” Bumalik ulit siya sa mga ito.






“MAG-MO-MOTOR tayo?” Habang nakatingin sa motor na sasakyan nila.


“Oo.” sagot ni Aeroll. “Bakit may reklamo?”


“Oo.”


“Hindi kasi sumasakay ng motor si bhest. Pero ako, gustong-gusto ko.”


“Bakit?” tanong ni Aeroll.


“Ayaw ko pang mamatay ‘no.”


“Sumakay lang ng motor, dedbol agad. Hindi ba pwedeng semplang muna?”


Tiningnan niya ito ng masama.



. . .



6 comments:

  1. na miss ko to.. pero it's worth waiting.. ang ganda ng UD..

    sabi ko na nga ba eh.. magagandahan talaga sya kei princess ng walang glasses.. haha.. tinamaan ka aerol no? aminin na kasi.. hahha

    para syang timang habang inaapakan ang kwintas.. hahaha.. sabi nga nila,ang mga inlove daw nagiging baliw.. haha!.. heck true..

    wag mong pingasan ang gandang mukha ni aerol!! sayang yan!!

    tawa much!! dedbol kagad??!! OA-ness?? hahaha.. grab the chance princess!! chance mo nang mapagnasaan si aerol!! aayaw ka pah.. hahaha..

    ReplyDelete
  2. ahihihi!!... natuwa ako, ang ganda ni princess noh~ ayiiieh~~~~~❥❥❥❥❥

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. thank you ^___^

      okay na okay na ulit aketch! ^_____^

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^