CHAPTER 16
( Princess’ POV )
Tiningnan
niya ng masama si Aeroll. “Ipabangga
kaya kita sa motor?”
“Mas
magandang sumakay ng motor, Princess. Para kitang-kita ninyo ‘yong view na
dadaanan natin.”
wika ni Harold.
Hindi niya na kailangang
magtanong kung sino ang magda-drive. Malamang yung dalawang mag-pinsan. Hindi
na rin niya kailangang tanungin kung kanino siya sasakay. Obvious naman ‘di ba?
Edi kay Aeroll.
Sumakay na ang dalawang
mag-pinsan sa dalawang motor. Sumakay na din sa likod ni Harold si Cath.
“Prinsesa,
ano pang hinihintay mo diyan?” untag sa kaniya ni Aeroll.
“Prinsesa
ka ng prinsesa. Ang kulit mo.”
“Sakay
na nga kasi. Bilis.”
“Sige
na, bhest.”
Huminga siya ng malalim. “Sanay ka bang mag-drive?” tanong niya
kay Aeroll.
“Oo
naman.”
“The
last time na nag-drive ‘yan. Nabangga ‘yan.” wika ni Harold.
“Nasemplang
lang, insan!”
“Ayoko
ng sumakay! Ayoko pang mamatay! Mag-isa ka!”
“Joke
lang, Princess. Sanay na sanay mag-drive ‘yan. Sanay na—aray naman, honey!” Kinurot ito ni Cath.
“Wag
mo na kasing takutin si bhest. Namumutla na, oh. Baka himatayin ‘yan.”
“Pag-uuntugin
ko kaya kayong tatlo?”
Nagtawanan lang ang mga ito. Tatalikod na sana siya ng hawakan ni Aeroll ang
braso niya.
“Sumakay
ka na.”
“Ayoko
nga.”
Sumeryoso ang mukha nito. “Wala ka bang tiwala sa’kin?”
“Dapat
ba ‘kong magtiwala sa’yo?”
“Mauna
na nga tayo, honey.” Pinaandar
na ni Harold ang motor nito. “Sumunod na
lang kayo, insan. Bilisan niyo. Tama na ang LQ.” Nauna na ang mga ito.
Anong
LQ ang pinagsasabi no’n?
“Ano?
Sasakay ka ba?”
Hindi siya sumagot.
“Bakit
ba kasi ayaw mo?”
Napabuntong-hininga siya. “The last time na sumakay
kasi ako ng motor. Naaksidente ako.”
Matagal bago ito sumagot.
Umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya.
“Trust
me, Princess. Hindi tayo masesemplang. Basta ako ang kasama mo. Hindi ka
masasaktan.”
Hindi niya alam kung paano
siya napasunod nito sa mga salita nito. Dahil namalayan na lang niya na
nakasakay na siya sa motor. Sa likod nito.
“Kumapit
ka.”
“Hah?”
Kinuha nito ang dalawa niyang
kamay at pinulupot sa beywang nito.
Nilingon siya nito. Nakangiti
ito. “Kapit ka lang, okay.”
“O-oo.”
Hinigpitan
niya ang kapit dito nang paandarin nito ang motor.
Napangiti siya. Parang kanina
lang, nagtatalo sila. Ngayon naman, okay na uli sila. Bukas kaya? Ano kaya
sila? Teka, anong ano? Para naman may
ibig sabihin ‘yong tanong ko.
Ideresto
ang utak, Princess. Pumapaling na, eh.
( Aeroll’s POV )
“OKAY ka lang diyan?” Ang higpit kasi ng yakap nito
sa kaniya.
“Medyo
pakibagalan ang takbo.”
“Insan,
ang bagal mo! Mauna na kami ng honey ko!” sigaw ni Harol.
“Ba-bye!”
sigaw ni
Cath. Nauna ang mga ito sa kanila.
“Prinsesa?”
“Ano?”
Napangiti siya. Hindi man lang
napansin nito na hindi Princess ang tawag niya dito.
“Kumapit
ka lang ng mabuti.”
“Bakit—Ahhh!!” Napatili ito ng malakas.
Pinaharurot niya kasi ang takbo ng motor. Bihira lang naman kasi ang sasakyan
sa dinadaanan nila kaya ang sarap magpatakbo ng motor. Solong-solo nila ang
kalsada.
“Aeroll!!!!!” Mas lalong humigpit ang yakap
nito.
“Kumapit
ka lang! Maaabutan na natin sila!”
“Ibaba
mo na ‘ko!! Ayoko na!!”
“Maaabutan
na natin sila!”
“N-natatakot
na ‘ko! A-ayoko… na! Natatakot na ‘ko!” Pinalo pa nito ang dibdib niya. Halos
panggigilan na nga nito ang katawan niya.
Napabuntong-hininga siya.
Binagalan na niya ang takbo.
“Prinsesa?”
Hindi ito sumagot. Nakasubsob
lang ang mukha nito sa likod niya.
“Princess?”
Hindi pa din ito sumagot.
Patay! Nagalit ata. Hininto
niya ang motor sa tabi ng kalsada. Nilingon niya ito. Pero hindi naman niya makita ang mukha nito dahil nakasubsob ang mukha nito sa likod niya.
Kumunot ang noo niya.
Sumisigok ito.
“Princess?
Okay ka lang ba? Umiiyak ka ba?”
Iniling nito ang ulo nito.
“Umiiyak
ka, eh.”
Bumaba siya ng motor. Nakaharap na siya dito habang nakaupo ito sa motor.
Inangat niya ang mukha nito.
Napakamot siya ng noo. Shit! Ako ba ang nagpaiyak dito? Malamang
ako! Pinahid niya ang mga luha nitong lumandas sa pisngi nito.
“Sorry
na. Wag ka nang umiyak, okay.” Nang may maalala siya. “Naka-contacts ka ‘di ba? Tumahan ka na
nga muna.”
Pero ayaw naman nitong
tumigil. Binuksan niya ang back pack niya. Kinuha niya ang mineral water at hinugasan
ang kanang kamay niya.
“Tingin
sa taas.”
Sumunod naman ito habang umiiyak.
Napapailing na tinanggal niya
ang contacts nito. “Yong lalagyan mo.”
Binuksan nito ang back pack nito. Habang umiiyak pa rin. Hindi ba talaga ito
titigil? Nilagay niya ang contact lens nito sa lalagyan.
“Tumahan
ka na.”
“Sabi
ko…bagalan mo…eh! Alam mo na ngang…takot ako, binilisan…mo pa!” Umiiyak na nga, may gana pang
magalit. Sabagay kasalanan naman niya. Kasasabi nga lang nitong naaksidente ito
no’n. Argh! Ang tanga mo talaga, Aeroll.
Nurse ka pa mandin.
Hinawakan niya ang magkabilang
mukha nito. “I’m sorry. Kasalanan ko.
Tumahan ka na. Babagalan ko na ‘yong takbo kahit gusto ko pang bilisan. Gusto
mo kasing bagal pa ng pagong kung gusto mo.”
Nagulat siya ng niyakap siya
nito. “N-natatakot ako.”
Saglit siyang nagulat. Hinagod
niya ang likod nito. “Bakit?”
“S-si
papa…”
Kumunot ang noo niya. “Anong nangyari?”
pAra-pARaan kXe aErOl,, Yan tULoy uMiyAk na,,aq yTa anG 1st cOmMnt,,,
ReplyDeleteumiyak na siya...
Deletepero smile ka. tatahan na yan~~~♥
si aerol naman kasama mo ee..!! ♬
wuuaaaahhhh!!! ang sweet ni aerol!!! di ka na ma reach tol!! lagpas na ng Mt. everest.. hahaha.. ang cute talaga nila..
ReplyDeletealam mo namang takot ung tao eh,binilisan pa ng todo.. tanga much aerol??hahah.. ang cute nya pag-umiiyak.. gusto ko talaga tong sweet moment nila!!..
i want more!
more kilig moments for the next, next, next chapters, surebells :)
ReplyDeletethanks guys :):)
ñew reader here..i liķe ur støry.keep ït üp..
ReplyDeleteoh , same here, new writer here :) tnx for choosing my story for you to read ^______^
Deleteayan kxe aeroll. alm n takot si princess, binilisan pa! ahhhahhaa! peo ang sweet p din!!!!!! :^
ReplyDelete