Friday, September 14, 2012

Love at Second Sight : Chapter 17


CHAPTER 17
( Princess’ POV )

Nakakahiya kasi iyak siya ng iyak. Sa harapan pa ni Aeroll. Pang-famas na nga ang arte niya. Sobrang drama. Mas madrama pa siya sa mga kwentong isinusulat niya at sa mga drama-seryeng napapanood niya.


Pero kasi naalala niya ‘yong nangyari sa kaniya nang bilisan nito ang pagpapatakbo nito ng motor. Bata pa siya ng mangyari ‘yon pero na-trauma siya no’n.


Grade five siya ng maaksidente sila ng papa niya. Motor accident. Ang bilis ng patakbo ng papa niya no’n. Hindi nakaligtas ang papa niya dahil ginawa nito ang lahat para hindi siya gaanong masaktan. Nakaligtas nga siya pero dala pa din niya ang takot ngayon. Hanggang ngayon.


Ngayon lang ulit siya sumakay ng motor after all these years. Tapos ganito pa ang nangyari.


“Sorry na.”


Napabuntong-hininga siya. Kanina pa ‘to sorry ng sorry sa kaniya. Hindi na nga niya mabilang pa. Huminga siya ng malalim. Pinakalma niya ang sarili niya. Humiwalay na siya dito.


Pinahid nito ang mga luha niya. “Okay ka na?”


Tumango lang siya.


“Nakikita mo ba ‘ko?”


Napangiti siya. “Bulag ba ‘ko?”


Napangiti din ito. “Nakikita mo nga ako?”


“Malabo lang.”


“Ano bang nangyari sa papa mo?”


“Naa—”


“Hoy!!”


Napalingon siya sa sumigaw. Kahit malabo ang tingin niya, alam niyang sina Cath at Harold ‘yon. Bumalik ang mga ito.


“Kaya pala nawala kayo sa likod namin, gumagawa kayo ng moment niyo dito.” tukso ni Harold.


“Sira ulo! Natakot lang ang mahal nating prinsesa sa bilis ng takbo ko kanina.”


Siniko niya ito. “Talagang pinagkalat mo pa, hah.”


“Umiyak ka ba, bhest?” tanong ni Cath.


Tumabingi ang ngiti niya.


“Ikaw ang may kasalanan nito, Harold, eh.” baling ni Cath dito.


“Ha? Bakit ako, honey? Si insan ang may kasalanan.”


Napapailing na kinuha niya na lang ang eyeglass niya sa back pack niya. Kumunot ang noo niya.


“Anong hinahanap mo?”


“Yung eyeglass ko, Aeroll. Hindi ko makita.”


“Pa’no mo makikita, malabo ang mata mo. Akin na nga.” Ito ang naghalungkat ng bag niya.


“Anong hinahanap mo, bhest?”


“Yung eyeglass ko.”


“’Di ba suot mo ang contact lens mo?”


“Hah?”


Paano ba niya sasabihin dito na tinanggal ni Aeroll ang contact lens niya habang ngumangawa siya kanina. At paano niya sasabihin ‘yon na hindi siya tutuksuhin ng mga ito. Nahahalata niya kasing tinutukso siya ng mga ito kay Aeroll. Na ipinagtataka niya.


“Prinsesa, wala dito.”


Ang kulit talaga nito. Prinsesa ng prinsesa.


“Oh.” Inabot ni Cath ang…


Eyeglass niya?


Isinuot na niya ‘yon. “Bakit nasa’yo ‘to?”


“Dinala ko.” Sumakay na uli ito sa motor ni Harold. “Tara na, Harold.”


“Hintayin na natin sila, honey.”


May kung anong binulong si Cath dito. Napangiti si Harold. “Sumunod na lang kayo, ah.” Pinatakbo na nito ang motor. Sinundan na lang niya ito ng tingin.


“Prinsesa.”


“Ano?”


“Sa unahan ko ikaw sumakay.”


“What? Ayoko nga. Sa likod nga lang nakakatakot na, sa unahan pa kaya.”


Sumakay na ito sa motor. Sa likod niya. “Umusad ka.”


Umusad siya. Nilingon niya ito. “Wag mong sabihin ako ang magda-drive?”


“Wala naman akong sinabi.” Isinuot nito ang back pack nito. “Yang backpack mo sa harapan mo isuot.”


Kumunot ang noo niya. “Demanding mo, ah.” Inilipat niya sa harapan niya ang backpack niya.


“Hawakan mo yung manibela.” utos na naman nito.


“Prince Aeroll!!”


Ngumiti lang ito. “Trust me with this one. Hindi kita ipapahamak.”


“Yan ka na naman.”


“Bakit? Wala namang masamang nangyari sa’yo kanina ‘di ba?”


Wala nga. Ngumawa lang naman siya sa takot. “Oo na.”


Huminga siya ng malalim. Hinawakan niya ang manibela. Ipinatong naman nito ang mga kamay nito sa kaniya. Bigla niyang binawi ang kamay niya.


“Bakit na naman?” tanong nito.


“W-wala.” Ibinalik ulit niya ang kamay niya sa manibela. Pinaandar nito ang motor. Mabagal lang.


“Bakit para tayong karo ng patay?”


“Bilisan mo.”


“Bakit ako? Hindi ako sanay.”


“Aalalayan kita. Pihitin mo lang ng dahan-dahan pababa ang kanang manibela.”


“Ayoko.”


“Akong bahala sa’yo.”


“O-okay.” Ginawa nga niya ang pinagagawa nito. “Ay!”


Natawa ito. “Dahan-dahan lang kasi.”


“Ayoko na nga.” Pero hindi naman niya mabawi ang kamay niyang nakahawak sa manibela. Dahil sa nakapatong na mga kamay nito.


“Aeroll…”


“Paano mawawala ang takot mo kung hindi mo tutulungan ang sarili mo? I’m just here, Princess. Gawin mo lang ‘yong pinapagawa ko.” sambit nito malapit sa tenga niya.


Napabuntong-hininga siya. He was helping her to conquer her fear. He was helping her. Kailangan niya ding tulungan ang sarili niya.


Kaya mo ‘yan, Princess. Matapang ka ‘di ba? Ajah!






“WOW! ang ganda naman dito! Worth it yung nilakad naming pagkalayo-layo, ah.” Fifteen minutes ang byahe nila sa kalsada. Forty-five minutes naman silang naglakad sa bundok. Iniwan nila ang mga motor sa caretaker ng camp house na nakatira sa baba ng bundok. At nandito na sila ngayon sa camp house na pag-aari ng pamilya nila Aeroll. Over night sila dito.


“Ang ganda talaga!” Kitang-kita niya ang paligid ng bundok. Ang dami pang puno ng buko. “Gusto ko ng buko.”


“Bhest, tara na dito sa loob. Hindi ka ba napagod?” tawag sa kaniya ni Cath.


“Hindi.”


“Sige, bahala ka.”


Itinaas niya ang kamay niya. “This is life!” Pumikit pa siya para kumpleto ang drama niya. Inilugay pa niya ang buhok niya at hinayaang tangayin ang mahabang buhok niya.


“Para kong nasa titanic nito, ah. Nasa bundok nga lang. Kulang na lang si Jack.” Nang maalala niya si James. Nawala ang ngiti niya.


“Ano ka ba, Princess. He’s not worth it. Manloloko siya. Makakalimutan mo din siya. Makakahanap ka din ng iba. Yung mas deserving. Kaya ngayon, i-enjoy mo muna ang bakasyon mo.” kausap niya sa sarili niya.


“Pero kating-kati na yung kamay ko, eh. Gustong-gusto ko na siyang sampalin. Ang kapal ng mukha niya!”


“Ang kapal talaga ng mukha niya.”


Napalingon siya sa nagsalita. Napangiwi siya. Nadinig pa nito ang pagda-drama niya.



. . .




8 comments:

  1. ang cute talaga nila!!! hahaha,for sure si aerol ung nagsalita.. narinig ang pagdadrama nya.. hahah

    ReplyDelete
  2. aNg sWeEt ni aeRoLL,, at naALALa q riN uNg eKseNa ninA jaCk anD rOse,, naNood p nMn aq ng sHowTime kniNa,,, ahAHa,, aNg gaNda Po ng ud,,, peRo misS auThOr, LaGi k naMbiBitin,, hUHuhU nxT po aGad ha,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry my dear reader, para maexcite ka lang, haha

      Delete
  3. ang sweet ng story n 2. no dull moments, promise!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^