Saturday, September 15, 2012

My Borrowed Love : Chapter 42

(Danielle's POV)


2 weeks have passed. 



Malapit na naman matapos ang taon na ito. Ano na bang year ngayon? 2015 na ba?



Naglalakad ako ng pabalik-balik dito sa upper hill ng VF paradise. Gabi ngayon. Naalala ko. Paano kapag biglang bumalik dito si Martin? Kung... Kung bumalik siya dito dahil kailangan niya pa ako? Kasi... Ewan ko. Pero... Oo na. Inaamin ko. Mahal ko na ata siya. Pero hindi ko maiwasang magdalawang isip. Kaya ko na ba? 




Kaya ko na ba siyang harapin?




Yan ang katanungan na hindi ko masagot sa sarili ko. Bakit ganito? Kung mahal ko siya, bakit pinapahirapan ko ang sarili ko?




*Screeeetch!*





Natigil ako sa pagmumuni muni ko ng may marinig akong preno ng kotse. Pumunta ako sa harap ng gate ng Paradise at may nakita akong Ferari Italia na tumigil dito.





At bumaba ang isang taong kanina ay iniisip ko lang at hindi ko inaakalang nandito pala.





"Danielle." Tawag niya sa pangalan ko.





Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam. Wala ang mga ito kanina. Ito na ba yon? Mapapatawad ko na nga ba siya sa ginawa niya sakin noon? Alam ko... Alam ko nagawa ko na siyang mapatawad. Paano? Kung paano.. Hindi ko alam.





Lumapit siya sakin. Napakasimple lang ng damit niya. 




(A/N: READ IT WITH FEELINGS)


*SNIFF*



"Sorry." Nakayuko niyang paumanhin.




Tumulo na naman ang luha ko. Umiiyak na rin ata siya.




Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako sa mata.





"Sorry dahil binastos ko yung pagkababae mo nung nakaraang nagkausap tayo ng matagal. *SIGH* Pasensya ka na ha? Kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para humingi ng Sorry sayo. Tsk. Sa katunayan... Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo... Kinakabahan ako... Kasi baka hindi mo ako matanggap... Baka... Baka hindi mo ko mapatawad..." Paumanhin niya ulit.





Hinaplos ko ng dahan-dahan ang kanan niyang pisngi.




"Iniisip ko kanina kung kaya na ba kitang harapin. Tapos ganito... Bigla ka na lang susulpot. Hindi ko alam kung paano kita haharapin... Aaminin ko... Napatawad na kita. Matagal na yun eh. Hindi naman ganun kabato ang puso ko eh. Natutuhan naman kitang mahalin eh. Hindi ko lang talaga alam kung ito ba ang tamang oras para magkita tayo't ayusin itong lahat." Umiiyak ko na ring sabi.





Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at inilagay ito sa dalawa niyang balikat. Hinawakan niya ang beywang ko saka kami unti-unting nagsayaw.




(A/N: PLAY THE MUSIC FOR BETTER READING)


"Ito na nga ba ang una't huling sandali na maisasayaw kita?"Tanong niya.





Napakalungkot ng moment na 'to. Nasasaktan ako. Ayoko siyang makitang malungkot, nasasaktan. Hindi ko kaya. Pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso ko, unti-unting tinutusok.





Umiling ako. "Wag mo namang sabihan yan oh." Pakiusap ko.





"Sinasabi ko lang ang bagay na malapit nang mangyari... Sana nga... Sana hindi totoo 'tong sinasabi ko. Kasi hindi ko kaya kapag ikaw nawala sakin. Mahal kita eh. Sobra-sobra kitang mahal. Simula pagkabata hinahanap na kita. At ngayon... Ngayong nahanap na kita. Hindi na kita hahayaang makawala pa sakin. Hindi ko kakayanin, Danielle. Mahal kita. Yun lang ang alam ko." Umiiling-iling niyang sabi habang tumutulo ang mga luha niya.





"Hindi. Hindi mangyayari yun. Wag, Martin. Wag mong gawin 'to. Please. Wag mong gawin 'to sakin." Pakiusap ko ulit sa kanya.





"May Jetlag pa ko, pero pinuntahan kita dito para makausap lang kita. Kasi mahal kita eh. Hindi ko na naman alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako susuot para lang hindi ako kabahan. Takot na takot pa rin ako. Hindi ko alam. Pakiramdam ko... Ako yung batang gustong sumuot sa palda ng sariling ina dahil sa takot. Hindi ako takot sa dilim. Hindi ako takot sa kahit na ano... Takot lang ako na maiwan. Maiwan ng taong mahal ko. Maiwan mo... " Umiiyak na naman niyang sabi.






Hindi ko ata kaya. Ayoko na siyang makitang ganito. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kami. Hindi pa ito ang itinakdang panahon para makausap ko siya.






Unti-unti akong bumitaw sa pagkaka-kapit ko sa balikat niya.





"Masaya ka naman kasi sa US. Bakit ka pa bumalik dito? Martin, sinasaktan mo lang ang sarili mo. Masaya ka namang kasama siya diba? Go on. Just leave me here. Please." Sambit ko.





Bumitaw siya sa waist ko.





"Anong masaya? Sinong masaya? Hindi ako masaya dun. Oo, masaya nga ako, pero hindi yun kumpleto. Bago ako matulog, bago lumipas ang araw nalulungkot ako. Kasi hindi naman siya ikaw eh. Kasi kung ikaw yun, hanggang pagtulog ko, masaya ako. Tsaka tinutulungan ko siyang hanapin yung... Yung First Kiss niya." Sabi niya habang hawak ang isa kong kamay.





Natawa ako bigla. 




"Ano? Yung First Kiss niya?" Medyo natatawa kong tanong.





"Oo. *SIGH* Basta. Wag mo kong iiwan. Ipangako mo." Pilit niya sakin.





"Haaay. Ewan. Bakit ka pa kasi bumalik dito. Tsk. Hindi kita kayang makita na ganyan ka. Ayokong makita kang malungkot. Kaya palipasin na lang muna natin ito. Siguro mas mabuting wag na muna tayong magkita?" Sagot ko na hindi sigurado.




Hinatak niya ang kamay ko na hawak niya. Niyakap niya ako.





"Isasayaw na lang muna kita. Isasayaw na lang kita hangga't hindi pa natatapos ang gabing ito. O kahit 30 minutes lang tayong ganito. Gusto lang kitang yakapin ng matagal. Tsk. Kahit 5 minutes lang, Danielle. " Pakiusap niya habang yakap ako.





Tumango-tango ako kahit alam kong hindi niya nakikita ang mukha ko.





"Sige. 5 minutes."Sagot ko.





Tsk. Tumawad pa talaga siya. Hindi ba niya alam na hirap na hirap na ako? Hirap na hirap na akong... Pakawalan siya.




Err. Scratch that. Hirap na hirap na akong makita siyang malungkot. Kaya please lang. Gusto ko na 'tong palipasin.


~After 7 minutes




"Tsk. Tapos na yung limang minuto ko." Reklamo niya.




"Tumawad ka pa nga ng dalawang minuto eh." Biro ko sa kanya.




"Tsss. Ano ba naman kasi. Bakit ang hirap ng ganitong sitwasyon. Kahit lalaki napapaiyak." Reklamo niya ulit.





"Tsk. Sige... Its time to say Goodbye." Then I Slightly smile.





Nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya kaya tumulo na rin ang mga luhang naiipon sa mata ko.




Niyakap niya ulit ako.





"Goodbye. Mahal na mahal kita." At kumalas na siya sa yakap.





Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.





Ito na nga ba una't huli naming sayaw? 




Paano? Kelan ito mauulit? Kelan mauulit na wala nang huling sayaw? 



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!!!!

Sorry dahil sa matagal na UD. :)) Ako'y nagbabalik na. PERO!!! Paminsan-minsan na lang ako makakapag-OL. May Sakit si Author niyo eh. xD Bawal ako Mapuyat, Mapagod, At Mastress. Ahaha. Ang bata ko pa para sa ganito.xDD









2 comments:

  1. gRbe,, paRaNg ngbBsa aq nAraRmdMan q n aNg eNding,,, pWexe p po b pHabain iTo,,, jOwk LNg pO exCited LNg aq,,,, pGaLing k aUtHOr,,,

    ReplyDelete
  2. awh.. so sweet and touchy..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^