Thursday, August 30, 2012

My Borrowed Love : Chapter 38

~ After 2 Days ~

(Danielle's POV)

*PAK!*




Hinagis ni Martin yung isang folder sa may harap ko. Kinuha ko yung folder saka binuksan.

"Ano ibig sabihin niyan... Black Feather?" Galit na tanong ni Martin.

E-eto rin yung exact info na pinakita sakin ni Vince.

"Pinagbibintangan mo ba si Dad?! Si Dad na pumatay kay Black Eagle?! Ilang beses ba Danielle?! Ilang beses ko ba kelangan ULIT-ULITIN sayo na hindi si Dad ang pumatay kay Black Eagle?!" Pinagdidiinan talaga niya yung 'Ulit-ulitin'.

"Ilang beses?! Ilan nga ba sa tingin mo? Bakit?! Sa tingin mo ba mababago mo yung Statement na 'to?! Yumg Statement na pinatay talaga ng Dad mo si Dad?! Hindi mo yun mapapalitan Martin!! Nangyari na yun eh! Ngayon mas sigurado na ako sa Desisyon ko. At wala nang makapipigil don." Pakikipag-talo ko sa kanya.

Tumalikod na ako pero bigla niya akong pinaharap sa kanya gamit ng paghawak sa dalawa kong balikat.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Pipigilas piglas kong sabi.

Hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Makinig ka Danielle! Mababago ko yon! Mababago ko yung Statement na yun! Papatunayan ko yan sayo! Papatunayan ko sayo na Mali ang sinasabi mo dyan! Patutunayan ko sayo na totoo ang sinabi ko sayo na hindi pa nakakapatay si Dad! Papatunayan ko sayo na iba yon! Na iba yung tinutukoy mo! Na bina-baligtad lang kayo ng pinagkukunan niyo ng Impormasyon!" Sigaw niya sakin. 

Natulala ako. Parang gusto kong maniwala pero parang ayoko rin.

Pinilit kong tanggalin yung mahigpit niyang hawak.

"Bitawan mo sabi ako! Ano ba Martin!" Sigaw ko sa kanya.

Hinawakan niya yung Dalawa kong pisngi saka mabilis na inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan niya ko. Hindi pwede.

Pumiglas-piglas ako pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa dalawa kong pisngi. Gusto niya akong Halikan. Hindi pwede yon!

Tinuhod ko siya sa Tyan saka ko siya sinampal ng Malakas sa Pisngi.

*PAK!*

"YAN BA ANG GUSTO MO?!! ANG BASTUSIN AKO?!! EH GAG. KA PALA EH!! OO NGA!! DI HAMAK NA MAS MATINO SAYO SI MATTHEW! AT NGAYON GUSTONG-GUSTO KO KAYONG MAGKUMPARAHIN!! DAHIL TOTOO NGA ANG SINABI MO!! MAS GUSTO KO SI MATTHEW!! KAHIT PATAY NA SIYA MAHAL KO PA RIN SIYA!! KASI SIYA MARUNONG SIYA RUMESPETO!! IKAW MARTIN?! MARUNONG KA NGA BA 'NON?!" I yelled.

Biglang tumulo ng tuloy-tuloy ang mga luha niya. Unti-unti napalitan ng Galit ang mga mata niya pero patuloy pa rin itong naglalabas ng luha.

"SIGE PAGKUMPARAHIN MO KAMI!! OO NA SIGE NA!! SIYA NA YUNG MAS NAKAKA-ANGAT!! EDI SIYA NA YUNG MAGALING!! PALAGI NAMAN AKO YUNG MABABA EH! KASI GANUN ANG TINGIN NIYO KAYA LALONG BUMABABA ANG PAGKATAO KO!! ANO BA?!! PALAGI NA LANG SI MATTHEW?! PALAGI NA LANG YUNG KAPATID KO?!! BAKIT PATULOY NIYO KAMING PINAGKUKUMPARA?! LAHAT NA LANG BA?! LAHAT NA LANG KAYO PAGKUKUMPARAHIN KAMING DALAWA?! PATI IKAW DANIELLE?! PATI IKAW NA HINDI KO INAASAHAN NA IPAGKUKUMPARA DIN KAMI?!! HA DANIELLE?! SABIHIN MO SAKIN! SABIHIN MO PARA ALAM KO KUNG ORAS KO NA BA PARA MAPAGPAKAMATAY!!" Sumigaw na rin siya.

Natigilan ako dun. Gustong-gusto kong magalit sa kanya dahil gusto niya akong halikan. Dahil hindi niya man lang nirespeto ang pagkababae ko. Pero ang marinig ang mga salitang yon... Pakiramdam ko unti-unti ko siyang sinasaktan. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. Ayoko. Hindi ko hahayaan na magpakamatay siya. Namatay na nga si Matthew dahil sakin... Pati ba siya?... Pati ba siya gagawin yun para sakin?... Siguro dapat lumayo na lang ako. Magbagong buhay. Hindi ko alam! Gulong-gulo na naman ang isip ko. Mahal ko na ba siya? Pero mahal ko pa rin si Matthew. At alam ko wala nang makakahigit pa sa pagmamahal ko kay Matthew. Walang-wala. Sabihin na nilang Baliw ako dahil mahal ko ang isang taong patay na. Pero hindi pa rin nila ako mapipigilan. Nangako ako kay Matthew. Nangako ako na siya lang ang mamahalin ko pang-habangbuhay.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako palabas ng kwarto. Anong kwarto? Kwarto ni Matthew . Oo, si Martin ang gumagamit ngayon ng Condo ni Matthew.

"Danielle bumalik ka dito! Danielle!" Pahabol pang sigaw ni Martin paglabas ko ng Kwarto.

Tumakbo na ako palabas ng Condo Unit niya saka dire-diretso sa Elevator.

Tumakbo agad papunta sa kotse ko pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator.

"Danielle!" May sumigaw.

Pagkarating ko sa kotse ko agad ko 'tong binuksan at ni-lock ang pinto.

Si Martin yung humabol sakin. Kinakatok katok niya yung bintana ko.

"Danielle lumabas ka dyan! Danielle ano ba! Wag mo kong takasan! Danielle!" Sigaw niya.

Pinaandar ko na yung Nissan GTR ko palabas ng Parking Lot ng Condominium. 

~ February 13, 2013 ~

Oo, bukas na nga ang tinatawag nilang VALENTINES DAY. Para saan ba yon? Tss. Para lang yon sa mga may Shota. Walang gagawin bukas kaya mabuti pa tatambay na lang ako bukas sa HQ o kaya sa Paradise. 

Isang linggo ko na ring hindi pinapansin si Martin. Ayoko siyang lapitan. Hindi niya nga rin ako pinapansin eh. Tss. Hayaan mo siya. Nang maka-move on na rin yun.

Andito nga pala ako sa may HQ namin. Marami pa kong dapat asikasuhin. Nagrereject ako ng ibang Gang Request ng mga Weak naman na mga Gang. Tss. Nagpipiling sila na magaling.

Teka... 

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

I, as a gang member of Phoenix Gang, i want to have a battle with the Feather Gang. 
I, as Fire Phoenix, I want to have a battle with Violet Feather. And with GRAY FEATHER. 
I, as Red Phoenix, I want to have a battle with Red Feather. To confirm, if he truly deserves to be the assistant leader.
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

Phoenix Gang? Tss. Aba huh? Walang may balak kumalaban sakin? At bakit may isa dito na gustong kalabanin yung Certified Lovebirds? TskTsk.

*Tok Tok Tok!*

Inangat ko yung ulo ko at may nakita akong lalaki.

"Yes?" May pagkacold kong sabi.

"U-uhm... Pi-pinapatawag po kayo ni Sir. Villa Fuente." Sagot nung lalaki.

Tumayo ako saka inayos yung mga nakakalat sa desk ko. Nilagay ko sa isang folder saka ko kinuha yung leather jacket ko.

Napa-tanga na lang sa kawalan yung lalaki nung lumapit ako sa kanya.

Ay. Nalimutan ko. Naka-shorts pala ako na leather din. Yung fit na short. Then black din yung pangitaas ko. Actually sando nga yung suot ko eh. Pa-V neck pa na hanggang Chest. Ahaha! Wala trip ko lang magsuot nito. Si Mom kasi pinilit ako na isuot din ito. Tapos pinasuot pa sakin leather boots na medyo mataas. Take note. Naka-pure black ako. Tsk.

Tinapik-tapik ko yung pisngi nung lalaki kaya medyo natauhan siya.

"Alis na. Pupunta na ko don mag-isa." Sabi ko tapos hinatak ko na yung doorknob saka isinara yung pinto.

Nakalagay naman yung Phone ko sa loob ng leather jacket ko eh. Tapos yung Susi nasa bulsa rin ng jacket ko.

Umalis na yung lalaki kaya naglakad na ako papunta sa Office ni Tito Marc.

Maraming tumitingin na lalaki sakin. Or baka hindi nga sakin eh. Baka sa hita ko. Aish! Kaya ayoko magsuot ng ganito eh. -_____-

Kumatok ako sa office ni tito marc. Bumukas yung pinto at tumambad sakin yung secretary niya ata? Eh? Eskwelahan may Secretary? Tss. Baka isa sa mga dean.

Pumasok na ako tapos lumabas na yung babae.

"Pinapatawag niyo daw po ako... Tito?" Tanong ko saka umupo sa upuan sa harap niya.

"Yes, danielle. Actually dahil may information ako na ibibigay sayo. Sabi ko naman sayo nung nakaraan na pinatawag kita, ako mismo ang magpapaimbestiga sa nangyari sa Dad mo. At hindi ako nagsisinungaling about dun. Here's the information." Tapos inabot sakin ni tito yung folder.

Binuklat ko yung folder at nanlaki ang mga mata ko. Bakit nandito ang picture ni...



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE!!!!

Sa tingin niyo sino yung nakita ni Danielle na kasama dun sa Information na ibinigay ni Mr. Villa Fuente? Any clues?










3 comments:

  1. $$$_____$$$$$$$$$$$$$$$_$$$_______$$$_$$$$$$$$$$
    $$$____$$$____$$$____$$$_$$$_____$$$__$$$_______
    $$$____$$$___________$$$_$$$_____$$$__$$$_______
    $$$_____$$$_________$$$___$$$___$$$___$$$$$$$$__
    $$$______$$$_______$$$_____$$$_$$$____$$$_______
    $$$_______$$$_____$$$______$$$_$$$____$$$_______
    $$$$$$$$$___$$$_$$$_________$$$$$_____$$$$$$$$$$

    ReplyDelete
  2. ganda mo teh! haha.. at anjan na nman ung mga kontrabida,hindi na nadala.. sino kaya ung nasa pic?.. galing ng UD..

    ReplyDelete
  3. i love it! gling ng chpter n 2!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^