Friday, June 1, 2012

My Borrowed Love : Chapter 9 (Part1)


(Cyrus' POV)


"Geez."Napalingon kami ni jairus sa nagsalita. Si ruijin pala.




--
Ilang araw na rin ang lumipas. Pumapasok pa rin kami pero halos wala kaming tulog dahil paggaling sa University pupunta pa kami dito para bantayan si Danielle. Si tita nga ang laki na ng Eyebags eh. Si Dae naman dumadalaw din. Haay.



Nga pala, nandito kaming apat ngayon. Nasa Mansion kasi si Tita ngayon, pinagpahinga ko na, tutal Thursday naman ngayon, wala kaming pasok bukas pati sa Sabado at Linggo kaya apat na araw din namin siyang mababantayan.



"Si Ruijin nasaan ngayon?"Tanong ko sa kanilang tatlo.



Biglang bumukas ang pinto. Speaking of Ruijin.



"Hey guys."Bati niya samin tapos umupo din sa sofa.



"Siguro its time para pagbigyan na natin si Ruijin na makasali sa Gang natin. Isa pa, niligtas niya si Danielle, and siguro kung hindi dahil sa kanya wala na rin siguro ngayon si Geek."Sabi ko.



"Like, duh~! Panigurado ako pagnagising si Danielle magagalit lang yun. Ayoko naman na mangyari yun."Sabi ni Ruijin habang may kinakalikot sa phone niya.



"Wala na siyang magagawa kapag ganun, kaya Feather Gang, Simula ngayon Kasali na si Ruijin sa Gang natin. Ako naman ang Assistant Leader eh, kaya pede akong magdecide kapag wala si pinuno."Sabi ko tapos tumayo na.



*Toooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot!!*






SHIT! Pinidot ko ulit yung button dun sa dingding.



Tapos nagpunta ako dun sa tabi niya.



"SHIT! SHIT! DANIELLE WAKE UPP!! NO! DON'T LEAVE US!! NO! DANIELLE! DANIELLE WAKE UP!! I SAID WAKE UPP!"Sigaw ko habang niyuyugyog ko pa siya.



"Cy. Cy, yung doctor nandyan na. Tinawagan na rin namin si tita para pumunta dito." Sabi ni Jairus at nilayo ako dun kay danielle. Tapos lumakad na yung doctor papunta kay danielle at chineck.



Pinump din nila yung heart niya dahil di na daw tumitibok.



Danielle mabubuhay ka diba?



Yatz.. Diba promise mo yan?



Yatz walang ganyanan, walang iwanan diba? Diba wala?!



Yatz!



Napaupo ako sa sahig at bigla na lang akong napahagulgol. YATZ NAMAN EEH! WALANG IWANAN EH! BAKIT GANYAN KA?! BAT NANG-IIWAN KA BASTA?! YATZ!!



Niyakap lang ako ni Mika at hinagodhagod niya yung likuran ko.



Sa sobrang Baon ko napatayo ako at nasuntok ko ng malakas yung Pader.



Lumabas ako at dumiretso sa C.R.



Suntok lang ako ng suntok sa pader habang humahagulgol pa rin ako.



GUSTO KO NG DUGO! GUSTO KONG MAKAKITA NG DUGO!!



Di ko napigilan yung sarili ko at nasuntok ko yung Salamin.



"T.NGNA NAMAN CYRUS!! YUNG KAMAY MO NAMAN! WAG KANG MAGPADALA SA EMOSYON MO!!"Sigaw ni Jairus habang pinipigilan ako. Dumudugo na nga actually yung kamay ko eh. Pero di ko maramdaman yung sakit. Dahil mas masakit pa rin yung nasa puso ko. ANO BA KAYO?! KUNG KAYO YUNG NASA KALAGAYAN KO GANON DIN MARARAMDAMAN NIYO!! BEST FRIEND KO YUN EH!! CHILDHOOD BEST FRIEND NA NGA TAPOS BEST FRIEND KO PA RIN NGAYON! SINO BANG DI MASASAKTAN DIBA?!! 



Napasandal ako dun sa pader ng isang Cubicle tapos napaupo na lang ako sa sobrang sakit.



SOBRANG SAKIT!! HINDI KASI NILA MARAMDAMAN YUN DAHIL ILANG TAON PA LANG NILANG NAKAKASAMA SI DANIELLE! AKO? SIMULA ATA FETUS BEST FRIEND KO NA YUN EH! 



Kaya wag niyo kong pipigilan umiyak o manakit o manira ng bagay dahil don ko lang kayang ilabas yung emosyon ko eh! KASI NGA MASAKET!! KASI NGA MAHAL KO SI DANELLE! BEST FRIEND KO YUN EHH!! T.NGINA!!



Tinulungan akong tumayo ni Jairus at bumalik na kami sa kwarto. Nandun na rin si tita at si Dae. Umiiyak sila dun ng walang katapusan. Pati si Fei at Mika umiiyak na rin.



Si nerd nandito na rin pala. At... Umiiyak din siya? Sino bang hindi diba? Pati kaya kami ni Jairus umiiyak! Eh kasi naman! YAAAAAATZZZZZZZZZZZ!! 



YATZ GUMISING KA NA KASI DYAN!!



Lumapit si Nerd sa.. Ehem. Katawan ni Danielle. Humahagulgol pa rin siya. Hinawakan niya yung kamay ni Danielle.



"*Sniff* A-althea Danielle Rivera. Kung sana naririnig mo ko. Dati pa kita Gusto, sobra nga kong natuwa nung nakabungguan kita eh, kasi nung araw din na yun nakilala kita. Na sabi ko sa sarili ko, napaka swerte ko na ata kung ikaw yung babaeng para sakin. Para sakin nga ba? Oh para na sa langit ngayon? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit tumibok ng ganito yung puso ko para sa isang Boyish pa na tulad mo kung pede namang sa iba na lang. Pero iba ka kasi, para bang may thrill. Hindi ko alam eh, pero nung sundan kita sa loob ng abandoned building? Sobrang kumulo yung dugo ko dahil sa mga gumugulpi sayo. Babae ka pa rin kasi eh, may kahinaan ka pa rin."








2 comments:

  1. Saan na ang picture ni Cyrus?? Gusto ko ng makita..hehehehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa Chapter 6 po yung picture ni cyrus. =)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^