Thursday, June 7, 2012

My Borrowed Love : Chapter 15


(Danielle's POV)




TT_TT I'm totally Crying. Grabe. Masaket pala 'no? Masaket pala talaga ang maging babae, madaling masaktan.


Haay.



*Eeeennnkkk!*



Napatingin ako sa pinto dahil dun.



"OHMYGOD!! Danielle anong nangyari?"Nag-aalalang tanong ni Ruijin tapos tumakbo at niyakap ako.



"Shh. Shh. Tahan na. "Sabi ni Ruijin habang hinahagod yung likod ko.



TT__TT



"Sabihin mo nga sa aming lima. Bakit these past few days palagi kang malungkot at halos wala na sa sarili, ngayon naman makikita ka naming umiiyak. Danielle anong meron? Sabihin mo samin."Nakakamatay sa sobrang seryoso na sabi ni Mika sakin.



"Oo na, sasabihin na. In love ako kay Matthew. Okay na? Last week pa 'tong nararamdaman ko sa kanya. Tapos ngayon, makikita ko siya na may kasamang babae, diba parang pafall naman yung dating? Oo sabihin na nating boyish ako pero nababasa ko kasi yung mga ganito sa mga pocketbook ko eh. Ewan koo. Magulo eh. Sobrang gulo. Sige Feather gang, punta lang akong cafeteria." Tumayo na ako at lumabas.



Habang naglalakad ako umiiyak ako, feeling ko walang-wala na ako sa sarili ko.



Until may makabanggaan ako.



Hindi na ako tumingin pa sa kung sino yung nakabangga ko kasi iisipin niya ang weak weak ko naman. 



*SOB*



*SOB*



*SOB*



*SOB*






"Hey! Are you okay?"Habol sakin nung nakabungguan ko. 




Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kanya.




Naglakad na lang ako papunta sa... Oh? Papunta na pala sa Rooftop. Pumasok lang ako ng tahimik tapos dun ko na binuhos ang iyak ko. 




Wala nga talaga siyang kwenta. Totoo ba 'to? Totoo bang maha niya pa ako?




Ano gagawin ko? Luluhod ako sa harap niya at sasabihing mahal ko siya? No. Hindi pede. 




"Babe, talaga? Ngayon na natin gagawin?"




"Ikaw bahala. "Reply nung lalaki. Sobrang Familliar ng Voice niya kaya bigla akong napalingon sa direksyon na yun.




Bigla din siyang napalingon sa direksyon ko kaya bigla akong tumakbo paalis ng Rooftop. TT__TT Anong Gagawin nila? AARGHH! Bakit ba nanghihina yung loob ko ngayon? Dati napakatapang ko ngayon naman Napakaiyakin ko.. Ganito ba talaga? Ganito ba talaga kapag inlove? 




"Hey Babe! Don't leave me here alone!! Baaaabbeee!"Sigaw nung babae dun sa rooftop.




"Danielle wait for me!"Sigaw niya naman habang hinahabol ako.




Tumakbo lang ako hanggang sa napadpad na pala ako sa Villa Fuente paradise. 



TT__TT 



"Danielle!"Tawag niya sakin tapos nagulat ako ng mahawakan niya yung kamay ko.



"Kanina pa kita nakitang umiiyak. One hour na yun. Hanggang ngayon ba umiiyak ka pa rin?" Tanong niya sakin.



Gusto niya bang sampalin ko siya? Oo na one hour na akong umiiyak, eh dahil din naman yun sa kanya eh!




Tinulak ko siya saka ako tumakbo papunta sa C.R.




Dito na lang ako iiyak.



Pagpasok ko sa C.R. nakita ko sila fei, mika, at ruijin nasa harap ng salamin.



"Kayo pala."Nakayuko kong sabi sa kanila.



"Hmm?"Tinaasan lang ako ni Fei ng kilay tapos naghugas ng kamay.



"Stop Crying Danielle. Hindi ka namin ginawang pinuno para maging mahina. Babae ka, hindi ikaw ang dapat na gumagawa ng paraan. It's his lost not yours. Tska Danielle, ayusin mo yang ugali mo, yang sarili mo, yes sapat na maganda ka and palaban ka pero hindi mo ba narealize na maganda ka pero hindi ka nagaayos para mapansin ka niya? Look i think he try his best para mapansin mo siya then there! Tatakasan mo siya sa tuwing lalapit siya sayo. Danielle hindi lang ikaw ang nahihirapan, pati siya nahihirapan, and kaming lima alam kung gano ka niya inalagaan."Seryosong sabi ni Fei sakin.



So ganun na lang yon? Sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya then tapos na?



"Aaay nakoo! Tigil nga fei. Tara na." Sabi ni ruijin tapos hinila ako at pinasunod yung dalawa.



"Ano? Aantayin mo ba na aminin niya na sayo yung totoo?"Tanong ni ruijin sakin.



Nag-shrug lang ako.



"Haay nako. Tara na nga. HQ muna tayo wala naman daw gagawin eh."Tapos dumiretso na kami sa HQ.



> FEATHER GANG'S HQ <





Nanlaki yung mata ko nung makita kong nakaupo si Matthew sa Sofa namin at kaharap niya sila jairus sa isa pang sofa.



Napatingin si Matthew sakin na halatang nag-aalala.




Inirapan ko tapos dumiretso na lang ako sa table ko.




"Bakit ka nandito? Inimbita kita?" Tanong ko sa kanya with a cold voice then i roll my eyes.




"Akala ko ba kaibigan kita? Nag-aalala lang ako sayo, kanina ka pa umiiyak simula nung una kitang habulin papunta sa Paradise." Sagot niya sakin.



"Kaibigan? Sinong nagsabi sayo na kaibigan kita? Hindi kita kaibigan at wala akong balak kaibiganin ka. Tska ano bang sabi ko sayo kanina? Diba Stay Out Of My Life?! Eh bakit ka nandito? Puntahan mo yung Girl Friend mo! Panigurado ako hinahanap ka na nun." Sabi ko sa kanya saka ako pumikit.



Simula ngayon. Papatayin ko na ang pagmamahal na 'to para sa kanya. Papatayin ko na lahat na pwede pa naming maging koneksyon.



"Girl Friend? Wala naman akong Girl Friend eh. And.. Sorry pala about dun sa rooftop nakita mo pa kong may kasamang iba." Sagot niya sakin.



*BOOOG!*



"ANG KAPAL DIN NG MUKHA MONG PUMUNTA DITO PARA MAGSORRY KAY DANIELLE TAPOS SASABIHIN MO MAY KASAMA KANG IBA?!! " Napadilat ako sa sigaw ni Cyrus.



Tss. Tama lang yan. Gulpihin mo na.



Napalingon si Matthew sakin na nagtatanong yung mga mata. Tinaasan ko nga ng kilay. Tsss. Bahala na si Cyrus dyan.



"Jai tara. Shooting tayo."Tawag ko kay jairus tapos lumabas na ako.



"Tara Pinuno." Sagot niya sakin tapos nagpunta na kami sa Basketball Court.



Sabi ko naman kasi eh, papatayin ko na ang pagmamahal ko sa kanya so why bother to stop cyrus? 



"Danielle, bat hindi mo pinigilan si Cy?"Tanong ni jairus sakin.



"Pigilan? Bahala na si Mika dun. Kaya niya namang kontrolin yon eh."



"Eh.. Bat ganun na lang? Kanina sabi mo samin mahal mo siya, ngayon bakit pakiramdam ko unti-unti mong pinapatay? Danielle, Ang pagmamahal hindi namamatay, kapag sinubukan mong patayin yan lalo mo lang siyang mamahalin." Sabi ni Jairus sakin.



"So ganun na lang? Hahayaan ko na lang na palagi akong nasasaktan?"Tanong ko kay jairus.



"Mas okay nang masaktan ka kesa ikaw ang makasakit ng damdamin ng iba, at least ikaw alam mo kung ano ang tumatakbo sa isipan mo eh sa iba, diba hindi mo naman alam kung anong iisipin nila?" Sagot niya sakin.



Sabagay.. P-pero.. AISH!!



OO NA!! Pero bukas na lang.. xD









No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^