(A/N: Please play the Music Video for better reading. :) )
(Danielle's POV)
*PAAK!*
May yumakap sakin at pagkatapos may narinig akong malakas na paghampas.
Tinanggalan nila ng piring ang mga mata ko. Nakita ko na inilayo nila si Martin sa akin. Teka? Si Martin? Anong... Anong ginagawa niya dito?
"Watch him suffer, princess." Saka may biglang humigit nung buhok ko.
Gusto kong ipikit ang mga mata ko para hindi ko siya makitang ginugulpi. Pero ayoko rin itong ipikit dahil baka pagdilat ko wala na siya. Wala na ang Martin na natutunan ko na ring mahalin.
Sinusuntok nila ng sinusuntok si Martin sa Tiyan tapos sa mukha tapos sa tiyan ulit. Naaawa ako sa kanya. Naiiyak ako.
*BOOG!*
"Ibaba niyo ang mga baril niyo! Walang gagalaw!" May biglang sumigaw.
Dumating ang mga pulis. Pinosasan nila isa-isa yung mga dumukot sa akin at yung mga gumulpi kay Martin kanina. Dumating rin bigla sila Ruijin at Russle.
"Ohmygod, Danielle!" Umiiyak na sabi ni Ruijin saka ako niyakap. Tinanggalan ako ni Russle ng tali sa kamay at paa.
Tumakbo agad ako papunta kay Martin na nakahiga sa sahig at bugbog sarado.
"Martin! Martin please don't leave me! Martin!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naibuhos ko na lahat ng iyak ko. "Martin, hindi mo ko iiwan diba? Martin!! Martin wake up!" Umiiyak kong sabi habang niyuyugyog ko siya.
Dumilat siya ng onti saka dahan-dahan siyang ngumiti. "Mahal na mahal kita, Danielle. Tandaan mo yan ha? " Mahina niyang sabi.
Tumango-tango ako habang tumutulo pa rin ang luha ko. "Oo, martin. Hindi ko naman yun kinakalimutan eh. *SOB* Pero please... Please, martin. I'm begging you... Please don't leave me... I can't. " Sabi ko sa basag na tono.
"Hindi kita iiwan, Danielle. Gusto ko lang magpahinga... Pwede ba akong matulog?" Mahina niya pa ring sabi.
I nodded. "But don't forget that i'm here." Paalala ko.
He smiled. "Always Remember ma'am." Saka na siya pumikit.
Nilipat siya sa stretcher at ako naman inakay nung ibang nurse papunta sa ambulansya.
Umupo ako sa loob ng ambulansya saka nila ginamot yung sugat ko sa pisngi.
Isinakay na rin nila si Martin sa ambulansya. Di ko na naman mapigilang umiyak. Nasasaktan ako... Bakit ba nila 'to ginagawa sa amin? Kahit sa akin na lang wag lang nila idamay si Martin...
'Mahal na mahal kita, Danielle.'
Mahal na mahal din kita, Martin.
Pagdating namin sa ospital dinala agad siya sa emergency room at sinimulang i-check up. Hindi ko nakikita ang mga nangyayari dahil nakaharang ang mahabang kurtina.
*Tooooooooooooooooooooooooooooot!!*
"CLEAR!" Sigaw nung doctor.
Natulala ako. Wag mong sabihing...
*DUG-BOOG!*
"CLEAR!" Sigaw ulit nung doctor.
*DUG-BOOG!*
"Revived." Biglang sabi nung doctor.
Biglang lumabas sa may likod ng kurtina yung doctor.
"He needs to rest. For now... he's still unconcious but his ears can here. Sabi nga nila... Kahit unconcious ang isang tao, makakarinig pa rin yan at pwede mong kausapin pero hindi nga lang sasagot. So... prayers really can help. Excuse me." Saka na umalis yung babaeng doctor.
Napaupo na lang ako sa sahig.
'Hindi kita iiwan, Danielle.'
Sana tuparin mo... Hindi ko kakayanin kapag nawala ka rin sakin... Si Matthew, nawala na sakin. Wag naman sanang pati ikaw bawiin niya... Hindi ko kaya, Martin.
"Halika, Danielle. Umupo ka muna dito sa bench." Saka ako inakay ni Ruijin.
Dumating naman si Russle at binigyan ako ng tubig. Ininom ko ito ng dire-diretso.
Wag na wag mo kong iiwan, Martin.
~LITTLE CHAPEL at the HOSPITAL~
Lumuhod ako.
God, ito na po ba yun? Ito na po ba yung parusang binigay niyo sakin? Ang mawalan ng dalawang taong minahal ko? Ako na lang po ang kunin niyo... Parang awa niyo na po... Mahal na mahal ko siya...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE!!
Pabitin muna, Hehe. :))
Iyak muna kayo.. dejoke! xD Ge na po!
taMa n unG c mATthew ung naMtaY nooN,, kaWawa n c daNieL kuN pati si maRtin kuKunin s knYa noh,,,
ReplyDeleteÌ høpě mârťïn woňt.sőbrânğ maşaķiť na ýůn pařa kaý danïełļé.. Ü
ReplyDelete