Friday, June 1, 2012

My Borrowed Love : Chapter 7


(Danielle's POV)


T.NGNA!! Di talaga 'to marunong lumaban ng patas.


Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama at pumunta sa Walk-in-Closet ko. Black loose shirt tapos white jeans yung napili ko together with my black converse.








Bag? Ulul. Nakastock lang sa walk-in-closet ko yung bags ko, may bulsa naman yung jeans ko kaya nilagay ko na lang dito yung CP ko.


Tsk! Nissan GTR na lang. Bullet Proof naman yun eh.


Bumaba na ako at dumiretso sa Garage. 


Sumakay na ko sa Nissan GTR ko tapos pinaandar na. AISH! Nakasarado yung napaka-laki naming gate. Ongapala. for safety. TSS!


"Ms. Danielle, san po kayo pupunta?" Tanong ni butler ryan mula dun sa speaker.


"Somewhere else. Wag niyo nang sabihin kay mom. Open the gate. NOW." Sabi ko tapos bumukas na yung gate namin.


"Thanks."


Pinaharurot ko na yung Kotse ko papunta sa Abandoned Building malapit sa Hideout na sinasabi niya. Hindi si ruijin yon. Ibang Gang Leader.


> ABANDONED BUILDING <


*Bzzt! Bzzt!*





From: 0926*******
Nakarating ka na pala, 5th floor Black Feather.





Tss. Bat di siya bumaba? AISH!! Maka-akyat na nga lang.


...Pagkarating ko sa 5th floor na sinasabi niya lumakad ako papunta sa gitna. Ang dilim naman kasi diba?! Mga ilaw lang na nanggagaling sa bintanang sira yung nagbibigay liwanag dito sa napaka-duming lugar na 'to. Mag-gagabi na siguro around 5:45 na ng hapon. 


*BOOG!!*


AHH! ARAY KOO HA!


May pumalo sa likod ko ng kahoy kaya napaluhod ako. Tsk.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Third Person's POV/ Narrator's POV)


Naglalakad si Matthew mag-isa malapit sa Abandoned Building, nakita niya si Danielle na bumaba ng kotse at pumasok sa Abandoned Building. Para makasiguro siya kung anong gagawin ni Danielle don, sinundan niya ito hanggang sa 5th floor, may nakita siyang mga lalaki na pababa ng hagdan, mukhang papunta kay danielle, hindi siya kita dahil medyo madilim na. 


Mula sa kinatatayuan ni Matthew nakita niyang pinalo si danielle sa likod ng isang malaking lalaki.


Napaluhod si Danielle at ang ginawa naman ng pumalo eh hinatak ulit si Danielle patayo at saka itinali ito ng iba pang kasama ng lalaki sa isang upuan.


Humakbang si Matthew ng isa. Ngayon sinasampal na si Danielle ng mga kalalakihan, nilagyan nila ito ng takip sa bibig kaya hindi ito makakasigaw o ano pa man na ingay.


Kumulo ng husto ang dugo ni Matthew at sinugod ang limang lalaking pinagtutulungan si danielle. Tumalon siya at sinipa yung isang nakatalikod sa kanya. Sinuntok niya naman ang isa pa. Maya-maya nahampas siya ng isa sa likod at dahil don napaluhod siya. Pero hindi niya inidan ang sakit dahil sanay naman siya rito dati. Tumayo siya at pinagsisipa ang apat na lumapit sa kanya. Ang isa naman eh ginugulpi na si Danielle. Nainis siya lalo kaya kinuha niya ang balisong niya sa bulsa niya at ihiniwa ito sa apat na lalaking hindi siya tinitigilan. 


***

Si ruijin ay nakatira ngayon sa isang condominium malapit sa isang Abandoned building. Dala niya ang Ferari Italia. Sumakay siya sa kotse niya at pinaandar pero napatigil siya ng di inaasahan ng makita niya ang pamilyar na kotse sa harap ng Abandoned Building. Nang mapatingin siya sa plaka eh ganun din ang numero at letra. Kinabahan siya bigla kaya ipinark niya saglit ang Kotse niya sa harap din ng Abandoned Building saka dali-daling tumakbo papasok. Pagapak niya ng 4th floor narinig niya na ang kaguluhan sa itaas. Umakyat siya sa 5th floor at nakitang nakikipag-bugbugan ang isang nerd na lalaki na pamilyar din sa paningin niya at ang isang babaeng sinusuntok at sinasampal ng walang tigil ng isang lalaki. 




(Calling To: Jairus)



[Oi, napatawag ka?]



"Punta kayo sa abandoned building malapit sa condo, nandito kotse ni Danielle. Seryoso 'to Jairus."



[HA?! Sige sige, punta na kami dyan.]



(End Call)



Tumakbo siya at sinipa ang likod ng lalaki. Muntik na itong mahulog sa babaeng nakayuko na ngayon pero pinigilan niya ang pagbagsak ng lalaki at pinalo ito ng malakas sa ulo gamit ang nahawakan niyang kahoy. Nawalan ng malay ang lalaki.



Tinulungan niya naman ngayon ang binatang pinagtutulungan ng apat na kalalakihan. Mukhang matibay ang lalaki at medyo lumalaban pa. Kumuha siya ng dalawang kahoy at pinalo ang isa sa ulo. Sinipa niya naman ang binti ng isang lalaki sanhi para mapaluhod ito, ang dalawa naman eh ginulpi na ng lalaki.


***



Nagulat si Matthew ng may tumulong sa kanya. Isang pamilyar na mukha para sa kanya, pinalo nito gamit ng kahoy ang isa at sinipa naman ang isa sa binti. Hinagisan siya nito ng kahoy kaya sinalo niya at ipinagpapalo sa dalawang pilit na gumugulpi sa kanya.



Nang matumba ang isa tumakbo naman ang isa palayo.



Maya-maya napaupo siya dahil doon niya lang naramdaman ang kanyang pagod at sakit ng katawan.



"Tanggalin mo na ang tali niya, pati ang takip sa bibig. Natawagan ko na sila Jairus, may tutulong satin wag kang mag-alala." Sabi ng babae sa kanya at umupo sa tabi ng pader at sumandal.



Tinanggalan niya ng tali sa kamay at paa ang walang malay na si Danielle. 
Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito, pumipintig pa naman kaya medyo nawala ang kaba niya.


Napahawak siya sa kamay nito, napakalambot at napakasarap hawakan.


 ***

"HOY! Wag mo ngang hawakan yang kamay ni Danielle! Nerd ka ba talaga? Minamanyak mo yang kamay ni Danielle di purket tulog!" Sigaw ni Ruijin sa lalaki.



Maya-maya dumating na sila Jairus, Fei, Mika, at Cyrus. Saktong palabas na sila ruijin at matthew ng makasalubong nila ang apat. Buhat-buhat ni Matthew ang walang malay na si Danielle.



"Hey Nerd!" Sigaw ni Jairus. "Marunong ka bang magdrive ng Nissan GTR?"Tumango si Matthew.



"NO. Nerd, dun ka na sa van ng Feather Gang sumabay. Ako na bahala sa Kotse ni pinuno. Yung susi nga pala?" Tanong ni Cyrus.




Inabot ni Ruijin yung Susi kaya dumiretso na si Cyrus sa kotse ni danielle.




Sila Matthew naman at Ruijin sumakay na sa van ng feather gang at dumiretso na sa ospital at isinugod si danielle sa emergency room.









2 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    wow! ang dami mo pong update ngayon!
    mabi-busy ako ngayon sa pagbabasa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha! Go on! Marami pa kong bala. Ahaha.

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^