Wednesday, September 19, 2012

My Borrowed Love : Chapter 43

What if...?
            What if someday your Best Friend came. But came just to ruin your life. You need her... yes she's there... but not to join you again... yet, she wants to ruin your life, like her father did to your father... Will you still accept her? 

(Fei's POV)

"Ohmygod! Welcome back, Ruijin!" Tuwang-tuwa naming sabi nang salubungin namin si Ruijin dito sa airport.

"Hello, hello! Kamusta na kayo Feather Gang?" Masayang tanong ni Ruijin.


Napasimangot yung dalawang lalaki na kasama namin.


"Oh? Bakit sumimangot kayong dalawa dyan?" Tanong ni Ruijin.


"Tss. Wala kang karapatang magsabi ng Feather Gang. Hindi ka namin leader o sa tagalog, PINUNO. Umalis ka nga rin ng walang paalam eh. Pasalamat ka hindi nagalit sila Fei sayo, pero kay Danielle nagalit silang dalawa. Think of it seriously, mas malaki ang pinagsamahan naming lima pero sayo hindi sila nagalit. Anong ginawa mo? Anong ginawa mo para maging ganun kalakas ang epekto mo sa kanilang dalawa?" Pikon na sabi ni Cyrus.


"What? What are you talking about, huh? Mika! Sawayin mo nga yang boyfriend mo!" Medyo naiinis nang sabi ni Ruijin.


"Enough. Stop this shit, Cyrus." Sabat ko. Sasagot dapat si Mika pero inunahan ko na. Hindi pa sila nagkakaayos. At wala kaming magawa para mapagayos namin sila.


"This is not a shit. That girl, IS a shit!" Nanggigigil na sabi ni Cyrus.


"How dare--" Sisigaw sana si Ruijin kaso napakiramdaman niya ata na papalapit si Russle. 


Si Drago.


"What's happening here?" Tanong ni Russle.


Bigla na lang siyang dinamba ni Cyrus ng suntok.


"Ah, shit! What's your problem?!" Gulat na gulat na tanong ni Russle.


"Jairus, do something!" Sigaw ko.


Pumagitna si Jairus at pinigilan si Cyrus.


"Hayop ka Drago! Hayop ka!! Bakit pa kayo bumalik rito?! Ha?! Bakit pa kayo bumalik rito?!" Sigaw ni Cyrus.


"Tngna! Kung hindi sinabi ni Ruijin na bumalik kami rito, hindi talaga kami babalik rito!! Eh tarantado ka pala eh, inaano kitang hayop ka ha?!" Sigaw rin ni Russle.


May nagdatingan na guard at hinawakan sila parehas sa braso.


"Tara ho sa presinto." Sabat nung isang guard.


Pumiglas si Russle.


"Let me go. Walang dapat pagusapan. Aalis ako kesa mapresinto ako ng wala sa oras." Galit na sabi ni Russle. Naglakad na siya pero may sinabi siyang pahabol. "Tara na, Ruijin." Malamig na sabi ni Russle.


"Ye..yes! Coming!" Saka niya agad na sinundan si Russle.


"Kami na pong bahala sa kanya mga boss. Pakibitawan na po siya." Biglang sabi ni Jairus.


Galit na galit pa rin ang mga mata ni Cyrus. Siguro naiinis pa rin siya sa amin ni Mika.


"Haay nako... Nagmagaling. Tara na nga, bhes." Parinig ni Mika saka lumakad na palayo.


"Kaw na bahala dyan, Jairus." Sabi ko saka na sinundan si Mika.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(A/N: Mabilis na po ang pacing nito. :) Baka malito po kayo, ha?)

(Third Person's POV)

One more year had passed

Sa katunayan. Ngayon lang napagpasyahan ni Ruijin na magpakita't inisin si Danielle.


"Ooh.. Dito pa rin pala nag-aaral ang FORMER leader ng Feather Gang. Wait a minute. I just notice something. Do you miss matthew that much... huh? Nagsalamin ka pa para lang magdisguise? Come on! You can't hide your history." Parinig ni Ruijin.


Tumigil sa harap nilang tatlo si Danielle. Humarap ito at nginitian siya. 


"Hi there! Bago ka lang ba dito?" Maang-maangan na sabi ni Danielle.


"What? Me? New student? Are you crazy?" Sarcastic na sabi ni Ruijin.


Umiling si Danielle habang nakangiti.


"I'm not crazy. I'm not also joking. I'm just asking if you're new in this place." Paliwanag ni Danielle.


"Well. Not at all. Why, nerd?" Tanong ni Ruijin.


"Matagal na po kasing patay si Matthew Marc Villa Fuente. Baka ngayon mo lang kasi nalaman." Pang-iinis ni Danielle.


"How dare you!" Naiinis na sabi ni Ruijin.


"Bye!!" Paalam ni Danielle saka tumakbo palayo.


Bigla niyang nakabunggo si Jairus na kasama si Cyrus.


"Woi! Ayos ka lang ba, Danielle?" Tanong ni Jairus nang masalo niya si Danielle na muntik nang matumba.


"Ahehe. Oo, ayos lang ako." Sagot ni Danielle na medyo nahihiya pa.


Hindi nila napansin na lumapit ang tatlo sa kanila.


"What's the meaning of this, Jairus?" Tanong ni Fei.


"Ui! Kaw pala fei. Ahaha. Wala naman, muntik na kasi siyang matumba eh." Medyo natatawang sabi ni Jairus.


"Tss. Umiiral na naman yang pagka-PLAYBOY mo. Bahala ka nga dyan!" Naiinis na sabi ni Fei saka umalis.


Sumunod ang dalawa pang babae kay Fei habang sila Danielle... Naiwang gulat na gulat.


"Pre, anong ginawa mo dun kay Fei?" Tanong ni Cyrus.


"Ha? Malay ko dun. PMS?" Nanghuhulang sabi ni Jairus. He just shrugged.


Inakbayan ni Jairus si Danielle saka ito hinila papunta sa isang bench.


"Ikaw! Ang dami mo nang utang sa amin ha?" Paalala ni Jairus.


"Ano namang utang yon?" Tanong ni Danielle.


"Hindi mo na kami madalas kinakausap ni Cyrus!" Nagtatampong sabi in Jairus.


Kinurot ni Danielle ang pisngi ni Jairus.


"Ikaw talaga!! Matampuhin ka talaga!! Parehas na parehas kayo ni Fei! Playboy and Playgirl talaga!" She giggled.


"Tss. Ilang beses ko bang kailangan sabihin na hindi na ako babalik sa pagiging playboy? Baka mamaya niyan balikan ko yun." Pabiro sabi ni Jairus.


"Wag naman..." Pigil ni Danielle.


"Hindi eh... Totoo 'tong sinasabi ko. Baka magawa ko yun kapag may nangyaring makakapagtulak sakin para gawin yun." Seryoso nang sabi ni Jairus.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!!!
Sorry for the LAME UD!!
Ang panget lang talaga nito. Psh... About sa Best Friends kasi nakakarelate ako pero yung parinig-parinig... Ah-eh. Ewan... Hindi kasi ganun si 'BEST FRIEND'




1 comment:

  1. aUz LaNg pO kHit mBiLis aNg paCing,, maS eXcitIng at hnDi naMAn maHiraP suNdan,,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^