Friday, June 29, 2012

My Borrowed Love : Chapter 27

AUTHOR'S NOTE!!!!


Why so hirap gumawa ng chaptie na involve ang lovers?
Waley akong alam dun. Psh. Wala akong Boyfie kaya di ko alam. Haaay.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


(Danielle's POV)



Mag-isa ako ngayon naglalakad sa hallway.




*BOOG*




Pagtingin ko sa nakabungguan ko... Lalaki, familliar face.




Nakasalamin. Nerd. Geek.






AISH! Matthew sumapi ka ba dito?!




"Sorry. Sorry." Saad niya ng may payuko-yuko pa.




So...Familliar.




"Do we met...Before?"Tanong ko.





Medyo naningkit yung mata niya na parang inaalala niya ko.





"Ahh! You're Daine right?!" Tanong niya.




Tss. Daine? Oh c'mon! Its not me.




"Playboy ka ata eh." Bulong ko.





"C'mon, its only a joke. I know you, you were my cousin's girl friend right?" Huh? Cousin? Sino?





"Huh? Who's your cousin?" Tanong ko.





"You don't know my cousin? Its matthew! He told me you're his Girl friend." Nakangiti niyang sabi.





"G..Girl Friend? Ow.." Sagot ko na lang. So matthew really expect that i would be his girl friend?




"Uhh. Sige una na ko." Sabay lakad ko.  yun pala yung kyle.





*BOOOGG!*




Ano ba?! kanina pa ko nabubunggo ah?




Paglingon ko... S-si... M-martin..



Tinulak niya ako.




"Ano ba ha?! Nung isang araw ka pa ah?! Sinasadya mong banggain ako 'no?! Para mapansin kita?! Tss! Asa ka namang mapapansin kita! May girl Friend ako hoy!" Aba't! Nakakapanginit ng ulo 'to ah?! Bigla na lang nagsuguran yung mga lalaking nandito sa hallway at tinulak siya.




"Siraulo ka pala eh! Sino ka ba para ganyanin ang prinsesa namin dito?! Di mo ba kilala 'to?!" Sabay turo sakin nung lalaki gamit yung thumb niya.




Tinulak din siya ni Martin.




"Hindi ko siya kilala baket?! Wala naman akong balak kilalanin yan eh! Pwede ba ha?! Wag niyo kong subukang gaguhin dahil hindi niyo kilala ginagago niyo!" Sigaw ni martin habang paturo-turo pa sakin.




Biglang may tumapik sa braso ko. Paglingon ko..




"Gray Phoenix...Kumusta ka na?"Tanong ni Martin na nakatingin pala kay jairus.




"I had already quit on your gang, I'm gray feather." Malamig na sabi ni jairus.




Martin just chuckled. "Ganyan ko pa rin katigas, jairus. Tss. " Sabay lagpas niya samin.




"Ayos ka lang pinuno?" Tanong ni jairus sakin.




Tumango ako. "Okay na ba kayo ni Fei?" Tanong ko.




"Hindi pa. Ayaw niya ko kausapin. Humihingi nga ng Cool off eh. " Sagot ni jairus sakin. Naglalakad na kami ngayon papunta sa HQ. Kahapon at kanina hindi ako pumunta dun. Baka kasi galit si Fei at magkapikunan lang. Kaibigan ko rin sila siyempre. And i also care for what's happening to our friendship.





"Sorry ah? Kasi kung hindi dahil sakin edi sana di kayo nag-away." Sabi ko na lang sabay yuko.




"No..Actually its my fault. Kung matagal ko nang sinabi sa kanya 'to edi sana ngayon hindi kami ganito. Pero natakot kasi ako that time eh. Natakot ako na baka kahit mahal niya ko bigla niya kong hiwalayan dahil dun." Sagot ni Jairus.





Pagpasok namin nakita namin dun sila fei, mika at cyrus. Wala ata si ruijin?





"Excuse me." Sabi ni Fei at tumayo. Binunggo pa yung balikat ni Jairus saka lumabas.





"See what the two of you did? Pinapalayo niyo lang si Fei sa inyo. Tss."Sabay tayo ni Mika pero pinigilan siya ni Cyrus.





"Dito ka na lang Mika. Hindi makakatulong kung gagatungan mo lang lalo ang galit ni Fei." Pigil ni Cyrus.





"Hindi ko naman ginagatungan eh! Syempre best friend ko yun at kelangan ko siyang intindihin kahit mahirap!" Sagot ni Mika na naiirita.




Lumabas ako ng HQ at naglakad-lakad. Napad-pad ako sa likod ng Eng. Building.




At sa dulo nun nakita ko na yakap-yakap ni Fei ang mga binti niya at nanginginig, malamang na humihikbi siya. Pinuntahan ko siya pero tumayo lang siya at iniwasan ako.




"Fei harapin mo nga ako." utos ko.




"Sana inisip mo muna sa sarili mo kung kaya mo pa kong harapin pagkatapos mong sirain yung tiwala ko kay jairus! Maayos naman kami eh! Ikaw lang 'tong akala ko perpekto pero hindi pala! Maninira ka ng relasyon ng iba! Ang sama-sama mo! " Sigaw ni Fei na humarap na sakin.




"Makinig ka muna!" Sigaw ko na mas tinaasan yung boses ko.




Tumahimik siya. "Hindi ko intensyon na sirain ang relasyon niyo! Mahal ka ni jairus! Mahal na mahal ka ni jairus! At alam mo kung ano ang sinabi niya sakin kanina? Kasalanan niya daw, kasi kung matagal niya nang sinabi yon sayo edi sana daw hindi hahantong sa ganito. Dahil kaya hindi niya sinabi sayo yun dahil natatakot siya na baka kahit mahal mo siya hiwalayan mo siyqa kapag nalaman mo yung past niya! Tandaan mo 'to fei, kaibigan kita. Hindi kita tinuturing na ibang tao dahil kahit ganito ako mahal kita bilang kaibigan ko! Mahal ko kayo dahil kung hindi dahil sa inyo siguro ako pa rin yung Althea na mahina! Intindihin niyo rin naman sana ako oh!" Umiiyak ko nang sabi.




Akala ko ba tapos na ang sakit na 'to? Bakit hanggang ngayon nararamdaman ko 'to?




Humihikbi na rin si Fei.




"Kung sayo sapat yun sakin hindi! Danielle girl friend ako! Naranasan ko nang maging girl friend at ilang beses na rin akong nagka-boy friend! Palibhasa ikaw hindi mo naranasan maging Girl friend! Hindi naman yun basta-basta eh! Tsaka bakit hindi ako yung sinabihan niya ng ganun?! Bakit sayo niya sinabi? Ikaw ba yung girl friend?! Ako ang girl friend hindi ikaw!! Kaya pwede ba?! Wag kang umastang pinalitan mo yung pwesto ko! I hate you! I hate the both of you!" Sigaw niya sabay takbo paalis. I hope na makita siya ni Jairus.




"Mag-aaway na lang dun pa sa may natutulog. Kainis." Narinig kong sabi ng isang lalaki. Napa-lingon ako at...




---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



(Jairus' POV)





Biglang buhos ng malakas na ulan ten minutes after makalabas ni danielle.



Napagdesisyunan ko na lang na lumabas dahil ang sama ng tingin sakin ni mika kahit naglalambingan sila ni Cyrus.




paglabas ko nakita kong may tumakbong babae sa ulanan. Si fei. Hinabol ko agad siya.




"Fei!" Tawag ko.




Tumigil siya at ngayon ko lang nahalata na nanginginig siya. I hugged her form behind. 



"What's wrong? C'mon Fei, sorry na, i didn't mean to hide those things to you. Please give me another chance." Bulong ko sa kanya. Umiiyak na rin ako pero siya lalong humagulgol.



Humarap siya sakin at sinabi ang mga salitang nakapagpadurog sa puso ko. 



"What's wrong?! Eto! Etong parte ng buhay ko na nakilala at minahal kita! Sana hindi na lang! Sana playgirl na lang ako forever! Sana kahit kilala tayo bilang playboy and playgirl sana di na lang ako pumatol pa sayo! You're the biggest mess i have ever had! Stay away from me! From now on hindi na kita ituturing na Boy Friend ko! Sabi nga nila.. Strangers will always be strangers, except if they chose to be together. But us?! We'll never be together! We'll never stand as one. Ayoko na jairus! Tigilan na natin 'to. Kung iniisip mo na nasasaktan ako...Don't worry, i can handle myself. Oo siguro ngayon mahal kita, siguro ngayon mahal na mahal kita, pero ayoko nang saktan ka jairus. Ayoko na ring masaktan. Siguro nga para matigil na 'tong pagsira ng ibang tao sa relationship natin, let's give ourselves a break. Goodbye." Malungkot at umiiyak niyang sabi.



Tumalikod na siya at naglakad palayo. Jairus ano ba?! Gumawa ka ng paraan! 



Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang mga paa ko para habulin siya. Bigla na lang din gumalaw ang mga kamay ko para pigilan siya. Basta alam ko na may kumokontrol sa katawan ko. Ang mahalaga muna ngayon... Ang mapatawad niya ko at maibalik ko ang tiwala niya.



Hinatak ko ang kamay niya na naging sanhi para mapaharap siya sakin saka ako mabilis na naglean down para halikan siya sa labi. Hinawakan ko lang yung dalawang pisngi niya habang nakapatong ang labi ko sa labi niya. Our lips are not moving. 



Naramdaman ko na lang ang unti-unting pag-init ng pisngi ko. Para bang may mainit na dumaloy sa pisngi ko.



At unti-unti na ulit tumila ang ulan at umaraw ng dahan-dahan. Para bang umaayon ang panahon sa amin.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE!!!



Hehe! Oi di pa nagpaparamdam si Rieley! Haha xD Ang drama naman nito. Siguro kung ako may Boyfie baka naiyak na rin ako dito. Pero wala kasi akong boyfie kaya hindi ako umiiyak xD =P 








3 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    ang gwapo po ni daine! grabe lungs! yung mga may connection kay matthew lahat pogi!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si kyle po yan. Yung nakilala ni Danielle sa E.K. Yung pinsan ni Matthew.

      Delete
  2. grabe!.. he's sooo cute!!.. akin ka nlng kyle!.. haha..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^