CHAPTER 16
(ATASHA
ORELLANA POV)
Kung
minsan talaga, adik si Ate Ganda. Pero nakakagulat lang na sa tuwing nangangailangan
ako, may naitutulong siya. At pangalawang beses na niya akong tinutulungan
patungkol sa lovelife ko.
“There’s a big chance that Zack is feeling
the same way for you.” Pareho
nga kaya kami ng nararamdaman ni Zack para sa isa’t isa? Gaano kaya kasigurado
si Laris sa sinabi niyang yun?
“Sinong masaya? Eh di ako!”
“Hey Atasha! Ang aga mo ngayon ha!” Monday na ulit! Kakatamad pumasok pero
kailangan eh.
“Ah… oo. Nagre-review lang dahil baka may
quiz tayo sa first subject. Eh ikaw Raiza? Bakit maaga ka rin?”
“Alam mo na! Free wi-fi!” At ke-aga-aga, nag-laptop na agad ang
babaita! And in three, two, one… “At
nakita mo na rin ba yung mga before and after photos tungkol dun sa party ni
Zack last Saturday?” Sabi ko na yung tungkol dun ang mao-open niya! Updated
kasi ito sa mga nangyayari sa lahat ng mga sikat dito sa TMU.
“Oo. At nandun din kaya ako sa party na
yun.”
“Wag ka na ngang mang-inggit!” Tapos binato niya ako ng libro. Nung
nasabi ko kasi sa kanya noon yung tungkol sa party, nagwala sila at nagpilit na
sumama. Eh syempre hindi naman ako naka-OO kasi invited lang naman din ako
diba? “Oo nga pala, nakita mo rin ba
yung pinost ni Carly tungkol kay Zack?”
“OO.” At ang tigas ng pagkakasagot ko nun ha. “Tinawagan nga ako ni Zack tungkol dun. Wala namang meaning yun.”
“Grabe talaga yung si Carly noh! Gusto
niya lang kasing mapag-usapan sila ni Zack. Feeling couple talaga kahit hindi
naman sila.” So
against din pala si Raiza kay Carly! Hwahaha! So may makakakampi pala ako kung
sakali. “Pero wala naman na ring babagay
kay Zack kundi si Carly lang din.”
“NGEK!!! Hindi kaya sila bagay!!!”
“At sinong bagay kay Zack? Ikaw?”
“Ah… ahem… hindi naman sa ganun…”
“Kahit magkababata kayo ni Zack at matagal
na ring magkakilala, may mahabang pinagsamahan rin naman sila ni Carly! Since
first year highschool pa lang kaya dito sa TMU, close na yung dalawa.” Eh so hindi ko pala siya makakampi? “At tsaka aminin na natin… na maganda si
Carly.”
“AT AKO HINDI?”
“Ikaw nagsabi niyan, hindi ako!” Walang hiyang Raiza talaga ‘to! Turing ba
talaga saakin nito kaibigan? Parang hindi kasi! “Anyway, hindi naman si Carly at Zack ang gusto kong topic…” Eh
alam na kung sino ang tinutukoy niya. “Ang
gwapo talaga ni Kissing Bandit!!! Uwaaaaah! Ang yummy ng lips niya!!!”
“Ang perv mo Raiza. Pagnasaan daw ba ang
labi ng lalaking yan!”
“Ganyan ka kasi ayaw mong maniwala sa
nagagawa ng halik ni Laris! Alam mo ako, itataya ko talaga ang kahit na ano
para lang si Kissing Bandit ang maging first kiss ko.”
“Scientifically proven ba yan? Anong meron
sa laway ni KB at ang tingin niyo, suswertehin kayo! Tayo rin mismo ang gumagawa
ng swerte natin, hindi lang dahil sa halik ng kung sino.”
*buugg!*
“Aray!” Nabato na naman ako ng libro! “Kanina ka pa nagpapalipad ng libro ha!”
“Alam mo, naiinis na talaga ako sayo! At
dahil jan, ikukwento ko sayo kung bakit ganun na lang ang paghanga namin sa
kanya.”
“Tungkol kay Laris? Wag na magbabasa na
lang ako.”
“MAKINIG KA!!!” At aray!!! Talagang sumabunot pa siya
saakin para lang mapakinggang ko ang isang kwentong matagal ko naman nang
naririnig sa kanila. “Ikukwento ko sayo
ang pagsisimula ni Laris at kung bakit tinagurian siyang Kissing Legend.”
“Alam ko na yan eh.”
“Hindi mo pa alam ang lahat! Mula umpisa
‘to.”
Ang
adik lang talaga nitong si Raiza! Pero kung hindi ko siya pakikinggan sa kwento
niya, baka malagas lahat ng buhok ko! At dahil mahaba pa ang oras bago
magsimula ang klase, mukhang mahabang kwentuhan ito!
“The Legend of the Kissing Bandit”
TMU_Admin was the one who discovered that
Laris’ kiss is a lucky charm. That once you get involve with him and share
your first kiss with him, suswertehin ka sa lovelife.
Matapos ang rejection sa kanila ni Laris,
nung una akala coincidence lang na biglang nalalagay sa steady lovelife yung
mga babaeng yun. Pero sa dami ng pagkakataon na ganun nga ang nangyayari, naisip
nila na swerte nga ang hatid ng first kiss na yun dahil LAHAT talaga ng mga
babaeng nahalikan niya ay talagang nahahanap ang dream guys nila sa bandang
huli!
Pero kung ang isang halik lang ay
maituturing na pampaswerte, ano pa kaya kung maka-relasyon mo talaga si Laris!
Kapag isa ka sa mga tinatawag nilang PROSPECT ay mas mabuti!!!
If Laris thinks a girl deserves it, he
would date her but only with a short period of time! There’s also a DEAL
between them na magiging serious
relationship yun, but when the time limit is over, they have to end the relationship whether the girl likes it or not.
So the magic will begin when they start to
go on dates and he will teach her the Do’s and Don'ts of dating. Marami pa siyang
itinuturo at tanging mga prospects lang ang makakaalam nun.
And in every end of the relationship, it’s
really amazing na nahahanap nga ng mga babaeng yun ang kanilang real love. Isa
na sa mga nakapagpatotoo dito ay si Ruijin Miina (#5) at naging boyfriend niya
si Vincent Lee (#4), si Louis Sevilla (#3), si Ate Diva at as in maraming pang
iba! Merong special album si TMU_Admin para sa complete list ng mga babaeng
nagpatunay na sinuswerte sila kay Laris.
So there’s no wonder that Laris Howfer is
definitely the well-known kissing legend at tinagurian pang KISSING BANDIT for stealing a lot of
girl’s first kiss in exchange for luck in love.
“Zzzzzzzz…”
“Weh ang korni mo Atasha!”
Oo
na po! Naamaze din ako sa kwento na yun ni Raiza. Kahit ang haba nun,
pinakinggan ko! “So what now Raiza? Sabi
mo nga gusto mong makuha ang first kiss mo kay Laris. Dahil ba gusto mong
makahanap ng real love?”
“Ang gusto ko talaga si Laris mismo ang
magkagusto saakin.” Wow!!!
Grabe talaga siya! Ganun niya kamahal si Laris? “Pero alam kong matutulad lang din ako sa ibang babae na nag-confess at
ni-reject niya. Kaya dun na lang ako aasa sa first kiss charm dahil sabi nila,
real love ang mahahanap mo pagkatapos nun.”
Kung
makikita niyo lang ang mukha ni Raiza ngayon. Mukha siyang nananaginip ng
gising. O pwede ring babaeng naka-singhot ng drugs at ngayon ay naha-high. “Hindi sa pilit ko pa ring binabasag yang
trip mo ha pero yang love na hinahanap mo, darating yan sa tamang panahon kahit
pa hindi si Laris ang first kiss mo.”
But
at the back of my mind, napapaisip na rin ako minsan kung gaano nga ba katotoo
yung tungkol kay Laris. Tulad na nga lang ng ginawa niyang pagtulong saakin,
nakakabilib yun.
Ah
ewan!!! Hindi ko pa rin alam kung anong paniniwalaan!
After
ng isang mahabang araw, uwian na rin! Mas naalala ko pa yung kwento ni Raiza
kanina kesa sa mga pinag-aralan namin ngayong araw eh. Hay, kakalurqui!!!
Tapos…
biglang dumilim.
“Uwaah…” May taong nagtakip sa mata ko. “Sino ‘to?”
“Hulaan mo.”
Amputek
naman! Boses pa lang at amoy nitong kamay, kilala ko na kung sino. “Eleazer Pascual, ikaw ba yan?”
“Ha?” At nawala na yung takip sa mata ko at hinarap na ako ng taong
yun. “Sino yun!?!”
“Joke lang! Alam kong ikaw yun! Boses mo
pa lang kabisado ko na eh.”
“Sino
yung lalaking binanggit mo? Eleazer Pascual?”
“Ah
siya ba… wala lang, nabasa ko kasi ang kwento ng buhay niya. Idi-nocument yun
ni Ruijin o AegyoDayDreamer sa blog niya. Nababaliw ako sa kwento niya at ng
girlfriend niyang si Samira eh.”
Pero yung itchura ni Zack, parang ayaw pa ring maniwala. Nagseselos ba siya?
“Weh?”
“Totoo yun! I-check mo pa blog niya.”
“Sige… sabi mo eh.” Tapos umakbay siya agad saakin at wala
siyang pakelam kahit pa may nakakakita saaming ibang tao. “Uuwi ka na ba ha?”
“Oo. Sana. Bakit?”
“Aayain kitang tumambay muna.”
Bigla
ko na lang tuloy naalala yung mga nangyari kahapon. Yung pinost na picture ni
Carly sa TMU, yung pagtawag ni Zack para ipaliwanag saakin ang tungkol dun, at
yung sinabi ni Ate Ganda sa bandang huli.
Anyway,
syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasama si Zack ngayon. Eh diba
nga malandi ako, sumama ako sa kanya para tumambay.
At
hindi kumpleto ang salitang “tambay” ni Zack kung hindi niya ako dadalhin sa kainan.
Grabe nga kasi ang appetite ng lalaking ‘to. At kung ituring niya ako, akala mo
magkasing lakas kaming kumain! Hindi naman ako ganun katakaw!
“Anong gusto mo Atasha? Ito? O ito? O ito?
O itong lahat na lang kaya?”
“Grabe ka naman!!! Gusto mo ba talaga
akong patabain?” Natawa
lang siya at ang sarap lang kurutin ng pisngi niya. Ang gwapo naman talaga
kasi!!!
Pinagtinginan
pa kami ng ibang customers kasi agaw-eksena sa pagpili ng pagkain na bibilhin
si Zack. Biruin mo mala-prinsipe ang kagwapuhan tapos kulang na lang sumalpak
siya sa sahig para lang mamili ng oorderin niya.
“Oy Zack! Tumayo ka nga jan!”
“Gusto ko nun! At tsaka nun! Pero parang
mas masarap yun oh! Anong tingin mo?”
Ang inosente lang ng mukha niya at walang pakelam kahit pa ang dami nang
nakatingin saamin. Naku kung ganyan ka ka-inosente, mare-rape kita! “Oy nakikinig ka ba? Bakit ka nakatitig
saakin? Ikaw ha!!! Pinagnanasaan mo ako noh?”
“Ha…? Hindi ah! Feeling ka Bao!!!”
Bigla
siyang napangiti, na parang nakasimangot. Pero nakangiti ang mata niya eh, “Akala ko ba hindi mo na ako tatawaging Bao?”
“Umorder ka na nga lang jan.”
At
matapos ng ilang taon ng paghihintay ko sa pagkaing libre na naman ni Zack, sa
wakas eh nakuha na niya ang order niya. Donuts at munchkins na lang ang binili
niya dahil favorite niya daw.
Hindi namin naiwasan na pag-usapan ang tungkol sa picture niya na ni-post ni Carly. Kahit na nasabi ko sa kanya na naiintindihan ko, ipinaliwanag pa rin niya ang side niya. Tulad nga ng nasabi ni Laris tungkol dito, hindi naman mag-aaksaya ng panaho para magpaliwanag si Zack kung hindi siya concern sa iisipin ko.
Hindi namin naiwasan na pag-usapan ang tungkol sa picture niya na ni-post ni Carly. Kahit na nasabi ko sa kanya na naiintindihan ko, ipinaliwanag pa rin niya ang side niya. Tulad nga ng nasabi ni Laris tungkol dito, hindi naman mag-aaksaya ng panaho para magpaliwanag si Zack kung hindi siya concern sa iisipin ko.
“Ikaw nga Zack, magsabi ka ng totoo. Ano
ba talaga kayo ni Carly?”
“We’re friends. Nasabi ko na ba sayo na
since mag-highschool ako sa TMU, siya ang girl bestfriend ko.”
“Pero alam mo ang sabi ng iba, may gusto
sayo si Carly. Alam mo na rin siguro yun diba?”
Napayuko
lang si Zack nun at napa-higop na lang sa drinks niya. Halatang ayaw sumagot sa
tanong.
At
mahirap man ito para saakin pero gusto ko pa ring malaman. “Eh ikaw ba? Hanggang friends lang ba ang feelings mo for her?”
“Ha? Ano ba yan Atasha! Change topic na
nga lang tayo.”
“Eh bakit umiiwas ka sa tanong?”
“Eh kasi… magulo!!! Basta magulo.”
“Bestfriend mo rin naman ako diba? Bakit
ayaw mong sabihin saakin?”
“Ang kulit mo!” Sabay kurot sa ilong ko. “Magulo nga kasi!”
“Bakit nga magulo? Anong nagpagulo?”
“Kasi I like someone else.” Napatigil siya sandali at tumitig saakin. “Well, Carly is really important to
me. But… but there’s this other girl na parang katumbas niya… and… and…”
“So you like two girls!?”
Matagal
siyang nakasagot pero lumabas din sa bibig niya. “Yeah… parang ganun.”
“So naguguluhan ka kung sino sa dalawa ang
mas gusto mo?” And he
nodded once. “Sino ba yung other girl na
tinutukoy mo?”
“Ha? Ano… um… basta…”
Si
OTHER GIRL kaya ay si ako? Hindi eh! Ang hirap mag-assume! Ang hirap hulaan!
Gusto kong maniwalang ako nga yun! Pero kung ako nga yun, hindi pa rin ako
masaya. Bakit? Eh
kasi Carly is still on the picture! Hindi niya masabi na ako lang ang gusto
niya kung sakaling ako nga si OTHER GIRL.
“Alam mo ganito lang kasimple yan.” Eto gasgas na ‘to pero effective naman! “Kunwari nakasakay kayong tatlo sa isang
bangka. Eh nagka-tsunami at tinaob yung sinasakyan niyo. Sinong yung una mong
ililigtas? Si Carly o si OTHER GIRL?”
“Hmm…” Maygawd!!! Wag sana si Carly!!! Hindi ko pa man kasi sure kung
sino yung isa pang babae na tinutukoy niya, pero isipin ko na lang na ako yun. “Si Other Girl.”
(✯o✯) – “Ta… talaga?”
“Oo. Marunong naman kasing lumangoy si
Carly eh.”
Ù©(×̯×)Û¶ – “Ah… okay.” Alangyang lalaki ‘to! Napaka-safe sumagot!
“Pero ewan ko sayo! Direchuhin mo na
lang kasi ako. Sino ba mas mahalaga? Si Carly o ako?”
“Ha?”
“I mean yung OTHER GIRL!!!” Putek!!! Yan tuloy, nadulas ako nun! Buti
na lang at may lahing lutang kung minsan itong si Zack at ang bagal
makapick-up!
“Hindi ko talaga sure Atasha… pareho nga
silang mahalaga para saakin.”
Ayjuskoday!!!
Sumasakit ang puso ko at nawiwindang na ang walang kamalay-malay kong bangs dahil
kay Zack! Pati yung mga baon kong pauso eh wala ring napuntahan!
As
usual, tulala ang lola mo habang naglalakad na pauwi.
Pagpasok
ko sa dorm, pinili kong maghagdanan kesa mag-elevator dahil ang lutang ko lang!
Tingin niyo ginusto kong maghagdanan? Eh lutang nga! Lutang!
At
palapit na ako sa floor ko pero biglang may lumabas na ET sa harap ko. “Ay anak ka ng tyanak!!!”
“Mukha kang tyanak!!!” Buset na Ate Ganda ‘to! Susulpot na lang
kasi bigla eh! Pareho tuloy kaming nagulat sa isa’t isa. At dahil jan kaya nahampas
ko siya ng wala sa oras.
“Sinong mukhang tyanak ha?”
“Aba’y malamang, eh di ikaw!”
Ang
sama lang titigan namin sa isa’t isa pero ako na ang unang nagparaya ngayon
bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagtulong niya saakin kahapon. Aba’y
syempre, kailangan kong magpakita sa kanya ng kabaitan dahil minsan mabait din
naman siya saakin. Pero MINSAN lang talaga ‘to.
“Um… saan ka pala pupunta?”
“Bakit sasama ka?”
“Hindi. Kauuwi ko nga lang eh.”
“Magdi-dinner ako kaya jan ka na.” At nauna na siyang umalis pero…
“Um… pwedeng magtanong?”
“Depende. Sino munang pinaka-gwapong
lalaki sa mundo?”
“Si Zack.”
“Jan ka na, aalis na ako.” Ang kapal naman kasi ng mukha!
Tapos
tinalikuran niya ako at dumirecho na sa elevator pero hindi ako papayag na
ganun na lang yun. Kaya kahit labag ‘to sa loob ko, “Oh sige na, gwapo ka na! Ang dami mo ngang fans eh.” Bleh~
Masusuka na yata ako sa sinabi ko!
“Ano na naman bang itatanong mo?”
“Yung sinabi mo saakin tungkol kay Zack.
Gaano ka sigurado na talagang pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa?”
“99% sure.”
“Saan napunta yung 1%?”
“Yun ang percent na hindi ko sure.”
Ngek!
Eh malamang diba! Lokohan talaga kapag siya ang kausap eh! Pero chill ka lang
Atasha! May kailangan ka sa kanya kaya magpakabait ka! “Okay. Given na gusto niya ako. Pero sabi niya saakin, ganun din daw
ang nararamdaman niya para kay Carly. Anong ibig sabihin nun?”
“Siya na mismo nagsabi, hindi mo pa
na-gets? Ibig sabihin lang nun, magkasing timbang lang kayong dalawa sa puso ni
Zack. At hindi pa niya alam kung sino ang mas mahalaga at mas gusto niya.” Napaisip ako sa sinabi niya. So ang ibig
sabihin lang rin nun, 50-50 pa rin ang chance ko dahil pwedeng si Carly ang
piliin niya sa bandang huli. “Oh paano.
Alis na ako.”
“Te… teka! Last question na. Paano ako
mananalo kay Carly?”
“That only depends on Zack.” Eh ang gulo nga rin ng utak ng lalaking
yun! Hindi makapili saamin! Salawahan! “But
there’s a way for you to know. You just have to be in a point where Zack has to choose between you and her.”
“Sinubukan ko na nga pero hindi
niya ako masagot ng matino eh.”
“I’m talking about real situation Hot
Pink. And no matter what the situation is, kung sino man ang una niyang piliin sa
inyong dalawa, definitely siya ang mas matimbang.”
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
Aww kay Laris ka nalang Atasha :DD
ReplyDelete-Doreen :))
hala ang cute tlga ni zack!! ang kulit! c other girl n lng dhil mrunong lumngaoy c carly! hahhhahahah! gus2 q din xah eh! naguguluhn n aq kun cno s knila ni laris ang mas gus2 q! hwaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!! nag-aagaw atensyon q s knila!
ReplyDeletegrbae itong si zack! salawahan ka! hindi mo na kailangan pang mamili! si atasha piliin mo!
ReplyDeletepero ehem, si laris naman talaga ang boto ko for atasha. kaya kahit pa si carly ang piliin ni zack, ayos lang saakin. haha.
sana isa ako sa mga makapagpatotoo about kissing bandit's kiss! cute ng legend!
~>angel is luv<~
ReplyDeletealam kong gwapo, matalino, mayaman at dream guy ng kababaihan itong si zack! but can't you see atasha, ganun din naman si laris! ahahaha! at ito namang si laris, wala ka man lang bang pagtingin kay atasha? tsk tsk tsk!
wwwwwaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh............
ReplyDeletebakit ganun zack...
ay naku Laris kase mahalin mo na si Atasya...
hehehehe
nice legend kb! ikaw na!
ReplyDeleteang gwapo ni zack dun oh!
ReplyDeleteHala. Hihingi na kaya ng tulong si Atasha? O__O
ReplyDeletePaano pa kaya kung ikaw ang First ni KB? O.O anyway...Alam mo Atasha..darating din ang panahon na may makaka Eli-byuhan ka,kaya kalma HAHAHAHA xD
ReplyDelete