CHAPTER 17
(ATASHA
ORELLANA POV)
“Real situation… situation na papipiliin
ko si Zack between saaming dalawa ni Carly… at dapat ako ang piliin niya…” Ilang araw ko na ring itong pinag-iisipan
ha! “Paano ko naman gagawin yun!!!
Tsk!!!” Mahaba-habang pagpa-plano yun!
*vibrate... vibrate…*
Uy,
nagtext si Zack!
“Happy Friendsarry, Tasha!!!”
٩(●̮̮̃•)۶ – Kyaaaaaaaahhhh!!! Naaalala pa ni Zack kung
anong espesyal sa araw na ‘to!!! Uwaaaaaaaaaaaaah!!! Oh hindi ba kayo
maka-relate?
Ganito
po yan, eh diba bestest ‘friends’ na kami noon pa! Nag-set kami noon ng date na
isi-celebrate namin ang araw na nagkakilala kami. Naalala pa namin na una
kaming nagkakilala noong bagong lipat pa lang kami ng pamilya ko. That was when
July 28 at wala pang akong pagtingin sa kanya noon ha!
So
since then, we were celebrating every year. But everything changed nung magpasya
ang pamilya ni Zack na lumipat na sila sa Manila. Dahil dun kaya naputol ang
connection namin sa isa’t isa at hindi na rin kami nakapag-celebrate ng
Friendsarry.
Pero
ngayong magkasama na ulit kami, and it’s July 28 today…
“AKALA KO NAKALIMUTAN MO NA!!! Happy
friendsarry Bao, Bao, Kalabaw~!!!”
“Hahaha!!! Ang baho naman nun! Parang naalala
ko rin yung amoy ng ebak ng kalabaw nun eh!”
“Okay lang yan! Malaki na naman na
pinagbago mo! Wala nang mag-aakala na nasubsob ka noon sa ebak. Secret lang
natin yun.”
“Sige mang-asar ka pa. Anyway, dahil ngayon na lang ulit tayo
magse-celebrate, mag-date tayo ngayon ha.”
DATE?
As in D-A-T-E? Date?
Oh
kumalma ka jan Atasha!!! Kailangan hindi halata sa text mo na excited ka!
“WAAAAAAAAH!!! SIGE SIGE!!! SAAN BA??? OH
MY GAWD EXCITED NA AKO!!! LIBRE MO HA!!!”
Anak
ng!!! Sabi kalma lang!!!
“Ahahaha! Hindi ka naman excited noh?
Opo!!! My treat! After ng class ko ngayon, magkita tayo.”
“Kanina pa end ng class ko eh. Saan ba yung room
mo para dun na lang ako maghihintay sa labas.”
At
nagreply naman siya agad! Ayos din ‘tong si Zack, nasa loob pa ng klase niya,
nagagawa pang mag-text!
“Dito ang room ko sa 3rd floor
ng Liberal Arts building.”
“Ok. Aabangan na lang kita dun.”
Naks!
Para akong gelpren na mag-aantay sa boypren niya! Eh diba ang lalaki dapat
ang nag-aabang sa babae? Wag niyo na nga lang akong pansinin! Kanya-kanyang
paniniwala yan!
So
nagpunta na ako sa building nay un at tahimik lang naman. Nag-iisa lang daw
yung klase dun sa 3rd floor at malamang yun na yung class ni Zack.
Sumilip
ako sa may pinto ng room niya at hinahanap ko ang napakagandang ulo ng
minamahal ko. At syempre, malakas yata ang radar ng mata ko at nalaman ko agad
kung saan siya naka-upo. “Owemjii, ang
gwapo talaga niya! Siya pinaka-gwapo sa room nila!” Oh siya sige, ako na
mag-isang nagsasalita!
Pero
dahil sa malikot kong mata habang sinisilip ang klase nila sa may salamin, may
nakita rin akong ibang kakilala. “What
the!!! So magkaklase pala sila ni Ate Ganda!” At nakatinginan kami pero hindi naman niya ako pinansin or anything. Psh! Anyway, hindi naman siya
ang ipinunta ko dito noh! Pero panigurado kapag nakita ako ni Laris dito na
nag-aantay para kay Zack, aasarin ako nun!!! Bahala na nga!
Habang
hinihintay si Zack, nag-CR na lang muna ako. I looked at myself in the mirror
and I said, “Ang ganda ko!!!” Ang
kapal ko kamo! Mapagtya-tyagaan naman na ang itchura ko at isa pa, sanay naman
na sa mukha kong ‘to si Zack noh.
Tapos
pumasok ako sa cubicle para mag-wiwi na rin. Dahil mag-isa lang ako sa loob ng
CR ngayon, nababahala ako sa katahimikan. Powtek naisip ko yung mga ghost
stories na nabasa ko online patungkol sa mga comfort rooms sa iba’t ibang universities!
Paboritong
tambayan daw kasi ng mga mumu ang CR!!!
Alam
niyo yung may mapapansin ka na lang na dalawang sapatos sa harap ng cubicle mo
na parang hinihintay ka nung taong yun na lumabas. Iisipin mo pwede naman
siyang pumasok sa ibang cubicle kasi wala namang ibang tao dun. Tapos… tapos
titingala ka… at… at… makikita mong may nakasilip nang madreng duguan ang mukha
at nakapatong siya dun sa pintuan at nakangiti pa siya sayo!!!
Waaaaaaaaaaah!!!
Ano ba yan!!! Tinatakot ko pa sarili ko!!! Tinapos ko na agad ang pagwiwi ko at
nag-flush agad ng toilet.
Kaso,
nakarinig na ako ng mga footsteps! Parang papalapit siya kung saan ako naroroon
ngayon! Then I heard na nagbukas yung gripo!!! OHMAYGAWD!!! Dahan-dahan na
akong lumabas sa cubicle at dahan-dahan ding naglakad.
At
pagsilip ko kung sino ba yung nagbukas nung gripo, nakakita ako ng babaeng
nakatalikod at nakaputi siya at sobrang haba ng buhok niya at…
“Hey!!! Atasha!!! We meet again!”
“Ca… Carly!” Nahiya naman ako sa itchura ko nung makita ko na naman siya!
At
kelan pa naging horror itong story ko ha? Grabe na lang talaga imagination ko! Pagpasensyahan
niyo na!
“Anong ginagawa mo dito?”
Obvious ba? “Nagsi-CR. At tsaka hinihintay ko si Zack.”
“Si Zack… ow…”
“Ikaw?”
“Well… I’m also waiting for him.” Oh talaga? Bakit naman kaya? “I just want to tell him something.”
Tapos nag-smile siya saakin. Dahil pareho kaming naghihintay kay Zack ngayon at
pareho ding nag-iisa, sabi niya magsama na lang muna kami.
After
naming mag-CR, pareho kaming naghintay dun sa mga bench. Ilang minutes na lang
naman na kasi, magi-end of class na si Zack. May binabasa siyang book pero hindi naman talaga naka-tuon ang attention niya dun kasi para niya akong ini-interview sa mga tanong niya.
“Ah… oo meron. Anti… I mean… Atasha09.” Kamuntikan na akong madulas dun ha!
Kinuha
niya ang cellphone niya at nag-net. Pero bago yun, nakita ko nga na wallpaper
niya eh picture niya kasama si Zack! Tsk!!! “Ow… dalawa pa lang follower mo?”
“Oo.” Eh hindi naman ako sikat!
“Sige ifa-follow kita. ^^” Hindi na kailangan!!! Eh bakit ba ang
init ng dugo ko? “Wow… si Laris
pala follower mo?”
“Ha? Oo… eh kasi kaibigan ko si Zack.”
“Ako rin naman friend ni Zack pero hindi ko siya follower. Alam mo bihira lang kasi mag-follow yang
si Laris. Puro mga prospects niya lang at ilang close friends ang pina-follow
niya. Close kayo ni Kissing Bandit noh?”
“Hindi. Ipinakilala lang ako ni Zack sa
kanya nung magkita kami noon.”
A.W.K.W.A.R.D~!!!
After
nun, nanahimik na kami. Siya ang talagang madaldal pero tamang sagot lang ako.
Hindi ko siya feel kausap eh. Ang bad ko noh? Eh anong magagawa ko? Hindi mo
naman maiaalis na ganito ang maramdaman sa isang karibal, diba?
Nabasag
lang yung katahimikan nang mag-ring na yung bell at bumukas na yung pinto ng
classroom ni Zack. Sabay kaming napatayo ni Carly nung makita na namin na
lumabas si Zack.
Samantala,
hindi ko napansin na lumabas si Ate Ganda ng classroom nila… eh ano bang
pakelam ko diba? Wala lang, pinapaalam ko lang sainyo.
“Hey…!” Nauna siyang napatingin saakin pero napansin niya na hindi ako
nag-iisa. Paglapit niya saamin… “Carly? Anong
ginagawa mo dito?”
“Ah may sasabihin kasi ako sayo.”
And
the good thing is sa tabi ko lumapit si Zack at saakin siya umakbay! Weh~ At
feel na feel ko naman daw! “Kanina pa
kayo magkasama?”
“Oo. Kanina pa.”
“Um… may lakad ba kayong dalawa?”
“Actually, magsi-celebrate lang kami. This
is a very special day for us. Wanna come and join us?” NO ZACK!!! Epal yan!!! “Diba Atasha? Mas masaya siguro kung marami
tayo.”
“Hmm?” Paano ako sasaya nun? “Yeah.
Sama ka.” Wish ko lang hindi halata sa sagot ko na napilitan lang ako.
“Special day for both of you?” Bigla siyang nasimangot nun. Oo, special
day namin ngayon tapos umi-epz pa siya!!! Kakainis! “I really want to come but I can’t.”
“Mabuti~ I mean… bakit?” Waaaaaaahh!!! Yehey!!! Woot~
“Um kasi magpapasama sana ako kay Zack sa
shop ng auntie ko. Dumating na kasi yung mga new arrivals ng products niya eh
kaming dalawa ni Zack ang model nun.”
“Dumating na yung mga damit?” Tapos napatingin saakin si Zack at yung
itchura ng mukha niya, parang nagso-sorry. “Atasha…”
“Bakit? Okay lang naman saakin kung daanan
natin sandali yung shop ng auntie niya. Mahaba pa naman ang oras natin.”
“Umm… kasi medyo may kalayuan yung shop
dito sa school eh. Two hours yung byahe pero kapag traffic, nagiging three.”
“TWO - THREE HOURS!!!”
“Yeah… so um… okay lang ba? O baka
nakakaabala ako sa lakad niyo.” OO
isa kang malaking abala!!! “Ano nga bang
isi-celebrate niyo ngayon?”
“Friendsarry namin…”
“Oww…”
“Hindi ba pwedeng ipagpabukas niyo na
lang?”
“Eh kasi nakapagsabi na ako sa auntie ko
na pupunta ako ngayon.” Tapos
napatingin si Carly kay Zack. “Paano ba yan?
Sige ako na lang mag-isa pupunta. Magta-taxi na lang pala ako. Ako na lang
kukuha nung mga damit.”
Oh
my gosh! Is this the situation that Laris is talking about?
“I’m talking about real situation Hot
Pink. And no matter what the situation is, kung sino man ang una niyang piliin
sa inyong dalawa, definitely siya ang mas matimbang.”
Pareho
na kaming nakatingin kay Zack na mukhang problemado na ang mukha. “No Carly. Masyadong marami magpadala ng
mga damit si tita. At tsaka delikado kung magtata-xi ka. Aabutin ka ng gabi nun
at mahal pa singil sa metro. Let’s go there together.”
“Paano kayo ni Atasha?”
“Paano tayo, Zack?”
“No
matter what the situation is, kung sino man ang una niyang piliin sa inyong
dalawa, definitely siya ang mas matimbang.”
“Atasha kasi, matagal na kaming
nagmo-model para sa clothing line ng auntie ni Carly. At isa pa, I can’t leave Carly
alone with this. I hope you understand, celebrate na lang tayo next time.
“Um… sige mauuna na ako sa car park ha.
Hintayin na lang kita dun, Zack.” At
nauna nang umalis si Carly kaya naiwan na kami ni Zack.
“… definitely siya ang mas matimbang.”
“… definitely siya ang mas matimbang.”
“… definitely siya ang mas matimbang.”
Oo
na!!! Kailangan paulit-ulit?
“… definitely siya ang mas matimbang.”
“Uy! Okay lang ba, Atasha?”
“Kapag sinabi ko bang hindi, anong gagawin
mo?”
Kapag
nagparaya pa ulit ako ngayon, ako lang rin ang masasaktan!!!
Kapag
pumayag ako na si Carly ang piliin ngayon ni Zack, ibig sabihin lang talaga nun
si Carly ang talagang mas matimbang sa kanya. Na kahit na ano pang gawin ko,
hindi ako ang pipiliin niya.
“Ipagpabukas niyo na lang yun Zack. Ngayon
na nga lang ulit tayo magsi-celebrate tapos hindi mo pa mapagbibigyan.”
“Wag mo naman akong papiliin Atasha,
kailangan ni Carly…”
“Kapag hindi tayo natuloy ngayon, eh di
wag na lang rin nating i-celebrate!!!”
“Atasha!!! Wag ka namang magtampo. Ayokong
magalit ka saakin.”
“So tawagan mo ngayon si Carly. Sabihin mo
hindi na kayo tutuloy.” Ang
plain lang ng itchura ni Zack. Hinihintay ko siyang sumagot pero wala lang
siyang imik. “Amin na cellphone mo. Ako
ang magti-text sa kanya.”
“NO. Akala ko ba kaibigan kita Atasha? Why can’t
you understand? If Carly is in your place, she wouldn’t act like that.” What the!!!
“Bakit mo ako kino-compare kay Carly
ngayon!!!”
“Because this is important for me, for
us. Pero hindi ka man lang marunong mag-sacrifice! You’re not like this
Atasha, ano bang nangyayari sayo?”
And
he’s also not like this. Never pa niya akong sinisigawan. Never pa siyang
nagalit saakin ng ganito. Ang mas masakit, bakit kailangan pang mangyari ito
ngayon dahil lang sa isa pang babae?
“Fine… puntahan mo na siya.”
“Tasha…”
“Puntahan mo na! Naghihintay siya sayo eh.”
Hindi
ko na nagawa pang tumingin sa kanya sa mukha niya.
But
he just patted my head and, “Babawi ako
ha. Promise yan.” At nagmamadali na siyang tumakbo para sundan na si Carly.
Padabog
kong in-open yung pinto ng classroom
kung saan nagka-klase kanina sina Zack. At hindi nga ako nagkamali, nakatambay
lang dun sa loob si ET! It
seems like he knew na nandito ako para sana kay Zack.
“Yep. What happened?”
“Narinig mo na diba? Bakit mo pa
tinatanong?”
“You should have told him firmly na wag
siyang umalis. Or better yet, you should have told him what you really feel.”
Nafa-flash
pa rin sa utak ko yung nakasimangot na mukha ni Zack. Bakit kailangan niyang
magalit saakin?
At
bakit si Carly ang pinili niya?
Nahihirapan
na akong magsalita pero pinilit ko paring itanong sa kanya, “I… ibig bang sabihin nun… si… si Carly ang
mas gusto niya?” At nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan ko pa rin.
“Yep! I told you so… hindi ka mananalo kay
Carly.”
Pinipilit
ko man na wag umiyak, naluha na ako nung sabihin yun ni Laris.
Hindi
man lang niya naisip na ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko! Sana man lang
nagsinungaling na lang siya na okay lang ‘to! May pag-asa pa ako!
Pero
hindi eh… direchahang WALA!!! WALA AKONG LABAN!!!
Napasandal
na lang ako sa dingding at tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak. Panigurado,
sasabihan na naman niya ako na ang pangit ko na nga, ang pangit ko pa lalo!!!
“Kahit lalo kang pumapangit, sige umiyak
ka lang.” Oh kitam! Walang
hiyang lalaki talaga ‘to!!!
Pero
hindi ko na siya pinansin dahil hindi ko na talaga mapigilan na ilabas ang
sakit na nararamdaman ko. Tuluy-tuloy lang yung luha ko, hindi pa ako
makahinga!!!
Ang
sakit lang na hindi ito ang ini-expect ko! Umasa kasi ako eh! Zack is my first
love! But he is also my first heartbreak.
Biglang
lumapit saakin si Laris, “I know Zack is
your first love, and also your first heartbreak.” Teka, binabasa na naman
ba niya ang POV ko? Kasasabi ko lang nun kanina ha! “But you wouldn’t recognize a great love unless you experience great
pain. Nasaktan ka man ngayon, I’m sure mahahanap mo rin ang lalaking para sayo.”
Akala
ko puro asar lang ang aabutin ko sa kanya eh, marunong din naman talaga siyang
mag-comfort. Maybe that’s why maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.
“Yan ba ang sinasabi mo sa lahat ng
babaeng nasaktan mo noon nung nag-confess sila sayo?”
“Yep.” Tapos ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. “Oh paano. Mauna na akong umalis, baka may
makakita pa satin eh. You’ll get over this in no time. Ikain mo lang ng cake!” He
smiled at me at tinalikuran na niya ako. Papalapit na sana siya sa pinto pero…
“Sandali!!!” Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ko
ang luha sa mga mata ko.
Never
in my wildest dream na gagawin ko ang bagay na ito pero bigla na lang pumasok
sa isip ko. Seryoso ako, sobrang mahal ko na yata si Zack eh. And I’m desperate
enough to do this…
“Ikaw si Kissing Bandit diba? Would you
prove to me that the legend is true? Gawin mo akong prospect mo, Laris.”
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
End of Chapter 17
kkainis k zack! bkit mu pinili c carly! peo cge n nga, pde n rin pra ala n kaagaw c laris keui atasha!
ReplyDeleteat naeexcte n aq s mngyyri! mgging prospect n ni kissing bandit c atasha! kyaaaaaaaaaaaaah! ung kiss!!!!!!!!!!
pancn q po mbilis ang ud d2 ate aegyo. inspird k s kwentong ito ha. aq din! thanks ate muah muah muah!!!
ReplyDeleteoo. inspired nga ako. subukan kong araw-araw ang ud nito hangga't maari para matapos ito agad. hahaha
Deletekyaaahhhh!!!!!!... anong nangyari????!.. ka inis tlga si Zack!.. pinaiyak nya na nman si atasha!.. kawawa nman.. sira ung beauty nya.. ooops,teka?.. sya? magiging prospect ni laris?.. im excited!!.. update na po ate..
ReplyDelete--DemiDoLL
oh my dad
ReplyDeletebakit namn??
wag ahahah
pero ewde na rin
imINLOVEw/u124
kyaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh! wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!! magiging prospect si atasha!!! sana magselos si zack!
ReplyDeletethat's fine atasha! sakin ka na lang. joke! but dang, carly is really beautiful!
ReplyDeletegrabe much! kakaasar ka zack!
ReplyDeletepero its a good thing para mabigyang way ang loveteam nila laris! go! tanggapin mo na KB!
go laris! it's your time to shine sa puso ni tasha!!
ReplyDelete~>angel is luv<~
ReplyDeletekyaaaaaaaaaaah! ate saan na po next? naimbey ako kay zack! eh di kay carly ka na! si atasha ay para naman kay laris!
kyaaaaaaaaaaaaah! <3<3<3<3<3
ReplyDeleteSeriously, umiyak rin ako:((( Kaya Laris, haaay. Ikaw na bahala kay tasha. Pwede pahalik na rin Laris:)) ung crush ko kasi na korean sa university namin, alam na crush ko na siya pero hindi niya pa ako nakita and he is like, looking for me?!! tense much ako! AHHAHAHAH!
ReplyDeleteNamiss ko ito:))))
Ang bad ni Zack. Laris ikaw na bahala kay tasha:(( Pahalik nga rin pla laris! kasi kinakabahan ako ngayon! alam na ng korean classmate ko na crush ko siya. pero hindi niya pa ako nakikita. i mean, alam niya pangalan ko pero iniiwasan ko amgkita kami. nahihiya ako! nakakatunaaaaaw!!! huhuhuhu! LARIS <3
ReplyDeleteano ba yan zack,,,
ReplyDeletebahala kang maunahan ni Laris...
magsisisi ka zack!
ay naku tlaga si carly...
Sabiiii ko na nga ba!!!! HOmiigad!! (taas ng comments dito ah. hahaha)
ReplyDeleteZack would be like...Saaannnaaa! Dalawa ang pusoo koooo! xD
ReplyDelete