CHAPTER 18
(ATASHA
ORELLANA POV)
“Ikaw si Kissing Bandit diba? Would you
prove to me that the legend is true? Gawin mo akong prospect mo, Laris.”
Oo
na! Medyo napapaniwala na rin ako tungkol sa legend. Isa pa, maka-ilang beses
na rin naman na akong tinulungan ng lalaking ‘to, at lahat yun ay nag-work.
Kaya nga nilulunok ko na ang pride ko.
“Ano ka sinuswerte? AYOKO.” At nagmadali itong umalis at iniwan ako sa
loob ng room.
So
ganun na lang yun? Hindi man lang ba siya naawa saakin? Ang sama!!!
Sumunod
ako palabas at, “Teka Laris!!!
Hindi ba pwedeng pag-isipan mo muna! Hihindi ka agad eh!”
“AYOKO!” Nagmamadali talaga siyang maglakad at
balak talagang takasan ako!
Pero
hindi ako papayag!!! Siya na lang ang only chance of survival ko! Desperada na
kung desperada, pero wala na talagang ibang paraan kundi hingiin ang tulong
niya. At hindi ako titigil hangga’t hindi siya umu-oo!
“Hindi. Sinabi nang ayoko.”
“Sige na naman! Nagpapakumbaba na nga ako
dito. Nanalo ka na dun sa bet na sa huli hihingi ako ng tulong sayo.”
“Yeah-yeah. Loser ka na. Pero ayoko pa
rin.”
“Please naman! Wag mo nang ipagdamot yung
talent mo.”
“Kahit pa anong sabihin mo, A. Yo. Ko.
Ayoko!”
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka
pumayag.”
“Eh di wag, pakelam ko sayo.” Pusong bato yata ‘tong nilalang na ‘to!
Wala man lang pakiramdam! And all this time akala ko pa naman magiging kakampi
ko siya kay Zack!
Para
na akong asong nakasunod sa kanya habang naglalakad kami pababa gamit lang ng
stairs. “Please naman Laris! Kahit isang
buwan mo lang akong tulungan para ma-fall na talaga saakin si Zack! Kahit na
anong kapalit, ibibigay ko! Kung gusto mo, lalayas na talaga ako dun sa dorm
tulad ng dati mo pang gusto.”
“That won’t work. Advantage na ang pagtira mo
sa dorm ko dahil ikaw na ang photographer ko.”
“Eh di, gawin mo akong alipin sa loob ng
isang buwan… ah hindi! Kahit isang taon pa!”
“Yung ibang babae nga, ino-offer ang buong
buhay nila para pagsilbihan ako. Ayoko pa rin.”
“Ano ba kasing gusto mo para mapapayag
kita?”
“Ang gusto ko, wag ka nang umi-epal dahil
kapag sinabi kong ayoko, AYOKO! Tapos! Finish! The end! Period!”
“Eh di gawin natin to be continued para
umu-oo ka na.” Tinaasan
niya lang ako ng kilay! Napaka-hirap paki-usapan!!! Nakarating na kami sa
ground floor, nagmamatigas pa rin siya. “Sige
na naman please!”
“Ikaw, naririndi na ako sayo ha! Wag ka
nang susunod saakin dahil kung hindi, makikita tayo ng mas maraming tao. I’m
sure, ayaw mo nang ma-issue ng kahit na ano.”
Well
I’m sure din naman na wala na akong pakelam sa sasabihin ng iba! Seryoso naman
kasi ako! Kaya I swear, hindi ako titigil! Sumunod pa rin ako sa kanya. “Laris!!!”
“ANO BA!!! ANG KULIT MO!!! STAY!!!” Wow, ginawa na niya talaga akong aso ha!
“Please~”
“Ayoko sabi!”
“Hindi talaga ako titigil! Kung gusto mo,
luluhod pa ako.” Sa
kasagsagan ng kakapalan ng mukha ko, isang grupo ng magkakaibigan naman ang napadaan. Pero akala
siguro ni Laris, matatakot akong makita nila kami. HINDI NOH!!! Wala akong
pakelam kahit makita pa ng mga tao na nagmamakaawa ako sa harap niya.
Paluhod
na sana ako pero bigla na lang niya akong hinila at nagtago kami sa may sulok.
Hindi kami nagkita nungmga dumaan na tao.
“Ang kulit mo talaga.” Ang bulong niya habang nasa harap ko siya
at napakalapit namin sa isa’t isa! Eh syempre nagtatago nga kami sa isang
masikip na sulok diba? “Pati ako,
ipapahamak mo sa ginagawa mo eh.”
“Laris, obvious naman na desperada na ako
diba? Mababaliw na yata ako kakaisip tungkol kay Zack, lalo na yung idea na baka silang
dalawa ni Carly ang magkatuluyan! Ngayon pa nga lang, basag na puso. At ikaw
lang ang makakatulong saakin.”
Sumilip
ulit si Laris hanggang sa tuluyan nang makaalis yung magkakabarkada kanina kaya
kaming dalawa na lang ulit. Ang sama na ng tingin niya pero nagpuppy-dog eyes
lang ako para maawa na siya saakin.
“Psh! Okay! Fine!” Nanggagalaiti pa niyang sinabi.
“Ha? Talaga? Pumapayag ka na!!!” Grabe!!! Maiiyak na yata ulit ako eh!
Kaso
teka, parang nag-iba yung aura ni Laris.
Ang
lagkit ng tingin niya saakin.
Tapos
binasa pa niya ang labi niya ng kanyang dila in a very seductive way.
Tapos…
tapos…
*pak!!!*
“BASTOS KA!!! Bakit mo ako hahalikan???”
“Pakingshet ka!” Sabi niya habang hinihimas ang namumula
niyang pisngi. “Eh ito yung kanina mo
pang hinihingi!”
Tapos
yumuko siya ulit para ituloy ang paghalik saakin, pero
binutata ko lang ulit yung mukha niya na parang bola ng basketball.
“AYOKO!!! Walang hiya ka!!! Sabi ko gusto
kong maging PROSPECT!!!”
“You want the legend to work para swertehin ka diba? Your first kiss with me is what you need!!!”
“Eww! Kaderder! Yuck! Ikaw gusto kong
halikan!!! Opkors not!”
Nanlisik
yung mga mata niya nung sinabi ko. Ang kapal
lang din ng mukha kong mag-inarte noh. Napikon
ko yata si Ate Ganda dahil sa mga nangyari. Iba na talaga itchura niya ngayon! Kumbaga
from Jigglypuff, naging si Tentacruel na siya!
“Ikaw probinsyanang old-fashion, kulot na
salot ka pa, na may mukhang hinulma sa siopao at flat-chested na babae ka…” Aray ko naman! Sinapul niya ako lahat dun ha! “Ang kapal ng mukha mong sampalin ako at
tanggihan pa ang halik ko!”
Eh
sungalngalin ko kaya nguso nito! Easy mode ka lang Atasha! Kailangan mo siya!
Kapit ka na lang sa patalim para makuha mo si Zack. “Tulungan mo na lang kasi ako. Please…?”
“Tsss… ano namang makukuha kapag
tinulungan kita? Magbigay ka nga ng isang rason!”
Ha?
Ano nga ba? Gusto ko lang makuha si Zack pero anong kapalit ang gusto niya?
Kainis!!! Ano naman kayang reason ang hinahanap ng lalaking mukhang babae na
yun! Naku, kung hindi lang talaga
nakakapanghinayang ang gandang lalaki niya, matagal ko nang sinira ang mukha
niya eh! “Mabubuang na yata ako kakaisip!!!
Eeeesh!!!”
Dala-dala
ko ang pasanin na ‘to hanggang sa mga sumunod na araw. Bukod kasi sa
heart-broken ako dahil sa ginawa ni Zack, ayaw pa akong tulungan ni half-ET na
buuin ulit ang basag kong puso. Kawawa naman ako noh?
*tug tug tug*
Kasalukuyan
kong inuuntog ang aking ulo sa lamesa habang nandito sa library.
“Sheeeeeesh!” Sabi naman nung librarian!
Tsk!!!
Mababaliw na talaga ako!!! kakainis!!! Kakainis!!!
Makahanap
na nga lang ng interesting book. Malay niyo, meron pala ditong libro na ‘Suicide for Dummies’ o di kaya naman ‘How
to Kill the People Who Doesn’t Want to Help You.’
So
naghahanap na ako pero may nakita ako…
“Shemay naman!!!” Bakit nandito rin si Zack ngayon? Kung kelan
naman ayaw ko siyang makita, saka pa siya natambay din dito sa library.
Sinilip
ko siya at nakasalampak lang siya sa sahig habang nakikinig sa headphone niya
at may binabasa siyang libro. Ang mabuti pa, pumuslit na ako paalis dito habang
hindi pa niya ako napapansin.
Kaso,
“Atasha…?”
Patay! Nakita na niya ako!
Must. Run. Now.
Must. Run. Now.
Kumaripas
na ako ng takbo without looking back at narinig ko na sinusundan na niya ako. “Atasha sandali!!!” Galit ako sa kanya!
Kaya hindi ko siya pwedeng lingunin dahil baka mapatawad ko siya agad! Hindi
pwede yun!
Buti
na lang open yung elevator. Pumasok ako agad dun at pinagsarhan ko agad si
Zack. “Atasha sanda...!!!” Closed.
“Hooooh! Saved ako dun!!! Akala ko maabutan na niya ako!!! Ang mabuti pa,
umuwi na ako agad.” Now to
ground floor.
*ting!*
Naglakad
na ako pero parang may naririnig ako na malakas na yabag ng paa at boses na tinatawag ang pangalan ko, “Atasha!!!!!!!!!!!!!!” What the!!! Paanong
nakarating siya agad dito!!! Humihingal pa siya dahil stairs lang yung ginamit
niya. “Bakit mo ako tinatakbuhan?!?”
“Ah… eh… kailangan ko nang umuwi. Bye!”
May lahing kabayo sa bilis ng pagtakbo itong si Zack! Pero...
Must. Run. Again.
Must. Run. Again.
“Sandali nga!!!” Ay ano ba naman! Para akong trumpong
pinaikot niya para harapin ko siya. “Iniiwasan
mo ba ako?”
“Obvious ba? Kaya nga kita tinatakbuhan
diba?”
“Galit ka pa rin dahil dun sa nangyari
nung isang araw?”
Sinimangutan ko lang siya. “Kaya ba
hindi mo sinasagot ang mga tawag at hindi ka nagre-reply sa mga text ko.” Hindi
pa rin ako sumagot. “Atasha naman.
Pinaliwanag ko naman sayo diba? Importante yun.”
“Alam ko. Kaya nga uuwi na ako eh.” Tinalukuran ko siya ulit at nagsimulang
maglakad pero humarang naman siya sa daraanan ko.
“Anong pwede kong gawin para mapatawad mo
ako?”
“Wala. Pabayaan mo na lang ako.”
“Eh galit ka pa rin!”
“Oh siya sige, hindi na ako galit!” Hindi pwedeng magtagal ang pag-uusap
namin! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko! “Uuwi na ako.”
“Atasha naman! Alam ko galit ka pa rin. Hindi mo nga ako matignan sa mata.”
Maglakad
ka lang Atasha! Isipin mo yung handsome version doll na si Chucky lang yung nakasunod sayo kaya wag na
wag mong papansinin at takbuhan mo hangga't maari! Wag kang magpapa-apekto! Cool ka lang jan Atasha!!!
“Ay tignan niyo yung girl, bakit kaya siya
hinahabol ni Zack?”
“Ang feeler lang nung babae! F na F na
nakasunod sa kanya si Zack.”
“Diba siya yung childhood bestfriend?
Bakit kung umasta, feeling girlfriend!”
That’s
it! Mga chismosang ‘to! Magbubulungan na nga lang, yung boses naman parang naka-microphone!
Ipalunok ko sa kanila mga ngala-ngala nila eh!
“Zack! Pwede ba! Wag mo na akong sundan.
Pinagtitinginan at chismisan na tayo ng mga schoolmates natin eh.”
“No.” At nagcross-arm pa siya! “Hangga’t
hindi pa tayo bati, hindi ako titigil sa pagsunod sayo.”
Ano
ba naman!!! Napaka-cute niya! Hindi ko na siya matitiis! “Oo na, sige na nga. Bati na nga tayo.” Pero umaarte lang ako
niyan ha! Masama pa rin ang loob ko dahil sa mga nangyari! Hinding-hindi ko
matatanggap na mas matimbang si Carly kesa saakin! “Oh yan! Naghand-shake na tayo! Ibig sabihin niyan, hindi na ako galit
sayo.”
Ang
utu-utong bata naman, ngumiti na! “Hay
sa wakas! Alam mo naman na hindi ko matatagalan na galit ka saakin. I can’t lose you, you know that.” Tsk! Yan na naman siya sa sweet
talk niya eh! Tapos bigla na lang niya akong inakbayan. “Oh dahil bati na tayo, babawi na ako just like I promised. Let’s have a dinner date.”
“Ha? Wait. No!” Mag-isip ka ng alibi mo Atasha! Kapag tumuloy ka, baka makalimutan mo lang yung drama mo! Jimmy
Neutron mode, think, think, think! “Actually,
may lakad na ako ngayon. Makikipagkita ako sa isang kaibigan.”
At
malapit na kami sa gate pero hindi pa rin tumitigil sa kapipilit itong si Zack na
mag-dinner daw kami ngayon. Para naman akong sirang plaka sa kakapaliwanag na
may lakad nga daw ako kunwari.
To
make things more complicated, may nakita akong isang pamilyar na tao sa daan.
Si Ate Ganda!!! Nakatingin siya saamin at nung magtama ang mga mata namin,
napailing na lang siya.
Baka
iniisip niya, naayos ko na ang problema sa pagitan namin ni Zack. Baka lalo
lang niya akong hindi tulungan!!!
“Laris!!! Nanjan ka na pala! Kanina mo pa
ako hinihintay?”
“Ha? You talking to me?”
“Si Laris yung kaibigan na tinutukoy mo?”
“Oo.” Tapos lumapit ako sa tabi ni Laris at ang scripted lang ng ngiti
ko.
“Kelan pa kayo naging close?”
“Diba nga, minsan nagkakasabay kami sa
pagpasok dahil pareho lang yung way namin. Ayun, naging close na kami simula
noon.”
“What?”
“What?”
“Diba Laris?” At humawak ako sa likod niya at kinurot
siya.
“Hey! I don’t remember…” Ayaw mo akong tulungan ha! Mas nilakasan
ko pa ang kurot ko sa kanya. “Aaa…”
Sige lang, kapag hindi mo ako tinulungan ngayon, magkakapasa talaga ‘tong likod
mo! “Aaahhhh… oo. Oo nga pala.”
Ang
pilit na rin ng ngiti ni Ate Ganda. Panigurado, katakut-takot ang aabutin ko sa
kanya mamaya. “Ganun… bakit wala kayong
nakukwento saakin tungkol jan? Nagba-bonding kayo without me knowing it.” Ang plain lang ng expression ni Zack.
“Biglaan lang naman yun kapag nagkakasabay lang kami. Diba Laris?”
Sumagot
ka! Hawak ko pa rin ang balat sa likod mo! “Ah~
ray… Oo…” Pinandilatan niya ako at parang konti na lang, mangangagat na
siya. “Oo nga Zack. BIGLAAN lang ‘to.”
“Oh paano, Zack! Mauna na kami! Sa susunod na lang ha! Bye!”
Hinila
ko si Laris at para hindi na siya makapalag pa, hindi na ako naghintay pa ng
bus at nagpara na lang ako agad ng taxi at doon na kami sumakay. “Manong madali ka! Sa Isang Dipa Street
lang tayo.”
Okay,
ligtas na ako kay Zack! Yes yes yes!!! Ligtas na nga ba ako? “Aray ko naman~”
Paano,
sinabunutan ba naman ako ni Laris sa patilya ko! “Ungas ka ding babae ka! Bakit pati ako dinamay mo! Ang tindi pa ng
kurot mo sa likod ko!!!”
“Sorry. Ang kulit-kulit kasi ni Zack. Inaaya akong mag-dinner, eh galit pa rin talaga ako sa kanya.” Napasandal na lang tuloy ako. “Hindi ko magawang patawarin siya agad kasi
sinaktan niya ako. At wala na akong ibang choice kanina kundi ikaw eh.”
“Tsk! Nakakailan ka na saakin ha.”
“Wag kang mag-alala. At least,
nakapag-taxi ka na nga, libre ko pa pamasahe mo ngayon.” Panandalian
kaming natahimik. Si manong driver naman walang pakelam sa mga pasahero niya, busy sa pagmamaneho at nakikinig lang
ng music sa headset niya. “Um… Laris, napag-isipan mo na ba yung tungkol sa favor na hinihingi ko?”
“Diba sabi ko sayo, bigyan mo ako ng
reason para mapapayag ako.”
“Matagal na akong nagbibigay sayo ng mga
rason, sinusuhulan na nga rin kita, ayaw mo pa rin! Ano ba kasing reason ang
hinahanap mo para masabi mong deserving nga ako para turuan mo.”
“Alam mo ito lang yan, ang gusto ko lang
iparating sayo eh tumigil ka na.”
Tignan mo ‘tong kumag na ‘to! Ang sungit! “Diba
noon pa, sinabi ko sayo na wala kang pag-asa kay Zack. Para wala na lang gulo
at para tigilan mo na rin ang pambu-bwiset saakin, humanap ka na lang ng ibang
lalaki na pwedeng i-level jan sa itchura mo. Sa totoo lang kasi, ang bagay
talaga kay Zack ay si Carly.”
Bakit
nga ba ako nagpapakababa at nagmamakaawa na tulungan niya samantalang hindi ko
rin naman sigurado kung magwo-work ba yung madalas na ginagawa niya sa iba dito sa sitwasyon ko ngayon.
Ni
hindi rin naman ako lubusang naniniwala sa mga sinasabi nung ibang babae na
swerte ang dala niya sa buhay nila. Yung tungkol sa ‘First Kiss Luck’, parang
scam lang eh!
Kaya
bakit nga ba Atasha? Pwede ka namang sigurong kumunsulta sa mga totoong love
experts, pero bakit si Laris pa?
At
kakatanong ko ng BAKIT… nakaisip tuloy ako ng KASI… “Laris. Ito na talaga, last na ‘to. Kapag hindi mo pa ‘to tinanggap,
sasamain ka na talaga saakin.”
“Ayos ka rin, ako pa binabantaan mo
ngayon.”
“Bakit ba ayaw mo akong tulungan?”
“Kasi aksaya ka sa oras ko.”
“O pwedeng dahil kasi natatakot ka na baka
hindi mag-work saakin yung swerteng sinasabi mong ibinibigay mo sa ibang babae?
Yun ba?”
“Tss… hanggang ngayon ba hindi ka pa rin
bilib sa kakayahan ko?”
“HINDI… yung first kiss na nagiging lucky
charm ng girls? IT’S JUST A CRAP!!!”
“Ulitin mo ngang sinabi mo?”
“Mas bagay sina Zack at Carly? Oh
pero diba as the Kissing Bandit, magagawaan mo ng paraan na gawing MAS bagay
kaming dalawa. Unless, hindi totoo yung legend na pinagmamalaki mo!” I really hope this will work!
“Alright, I think I know what you’re
trying to do! Nire-reverse psychology mo lang ako para mapapayag. I won’t fall
for this.”
“Ay natatakot siya! Kaya lang nagiging
effective ang pagtulong mo sa mga babae is because you know a lot of stuff when
it comes to dating! The girls learn because of your lectures and not because of luck! So I will NEVER believe that the ‘First Kiss Legend’ is true!!!”
“Believe it because it’s true.”
“And why? Ano bang special sa labi mo at
nagiging maswerte lahat ng hahalikan mo? KALOKOHAN!!! And I will prove it to
you! Make me your prospect, tell me what you are teaching them but I will
never ask for a KISS from you. Papatunayan ko that even without your first
kiss, makukuha ko pa rin si Zack.”
Natawa
na lang siya sa sinabi ko, pero ang sarcastic lang ng dating nun. “So that’s your reason? To test that even
if I'm not your first kiss, you will still be lucky?”
“Yes. And if I win, you should announce to
all that the legend is not true and denounce yourself as the Kissing Bandit.”
“And what if I win?”
Brace
yourselves sa susunod kong sasabihin. “If I lose, I’ll introduce myself as the owner of Anti_Kissing_Bandit… at
ia-announce ko sa lahat na nagkamali ako for going against you. And I shall
testify that the legend is really true and you’ll continue your title
as the Kissing Bandit.”
Matagal
lang siyang nakatitig saakin. I can’t read what’s on his mind. Napapayag ko
kaya siya? Ano kayang verdict?
Maya-maya,
humalakhak na lang siya ng malakas. Nababaliw na yata! “You’re epic! Lakas talaga ng sayad mong babae ka!” May hinanap
siya sa bag niya at naglabas siya ng camera. Pipicturan niya ba ako o ipupukpok
niya saakin yung SLR niya?
*click click!*
“Oy! Para saan yung pictures!?!”
*click click*
“Try to stop me!” Stop you pala ha! Oh di yan! Iniharang ko
nga yung kamay ko sa lens ng camera niya.
After
that, tinignan niya yung shots at may particular picture siyang itinuro saakin. “Pagkauwi natin, post mo ‘to agad sa
Anti_Kissing_Bandit account mo sa TMU Diary.” And he instructed me what caption I should put.
“Confirmed! The New Prospect”
\(OoO)/ - Its confirmed!!! I’m the new prospect!!!
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
prang naawa aq kei zack d2. peo kslanan nia eh! ayiiiiiiiii! ayan n prospect n c atasha! ang gling! naeexcite n aq s kasunod n chpter!
ReplyDeleteSa hinaba-haba ng prusisyon, sa simabahan din pala ang tuloy. Hwahaha. Joke.
ReplyDeletePapayag ka rin pala Laris! Ang dami mo pang arte! Ayaw mo lang na madenounce bilang Kissing Bandit eh. XD
Ano kaya kasi talaga yang "Legendary First Kiss" na yan? Paano ba yan nagkakatotoo? >.<
//Nakaka-irita avila rin yang si Zack! Ang kulit! Ito namang si Ate Ganda, ang taray kay Atasha. Haha!
Ano kayang mangyayari sa next chapter? Ano kaya reaksiyon ng mga netizens sa ipo-post ni Anti_Kissing_Bandit na pic ng bagong prospect?
Nakaka-excite amp! xD
yes!! mei update nah!.. grabe,na miss ko sila!.. i cnt wait 4 d next chapter.. excited much lng eh.. hahaha..
ReplyDelete--DemiDoLL
yahoooooooooo..............
ReplyDeletehehehehehe,,,,next na agad sis ha,,,
nakakatuwa....kinikilig na ako...hahahaha
naku magsisisi ka zack...
iloveyou na laris...hahahaha
im so excited for the next chapter... please update asap...
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeleteyey! prospect na si atasha! mukhang palapit na ang nakakabaliw na kilig moments! diba ibig sabihin nun, magdi-date na sila! hwaaaaaaaah! ano ka ngayon zack. pero naawa ako sa kanya.
aegyooooooooo ahhahahh
ReplyDeleteachuchu kinikilig ako ang danda
iminlovewithyou124
pala
ahahha ud ud
Spell DESPERADA! That's simply A-T-A-S-H-A! wahahaha
ReplyDeletethat's really clever atasha! cheers to you for being the new prspect.
ReplyDeleteyes! prospect na si atasha! ang galing lang pumaraan eh!
ReplyDeleteang cute ni zack nung naghabulan sila ni atasha..
ReplyDeleteHahaha.. run Atasha run.. Si Zack seloos na iyan. Pero go fighting Laris and Atasha!!!
ReplyDelete