CHAPTER 19
(ATASHA
ORELLANA POV)
OMG!
I can’t believe this is really happening! Ako na nga ang bagong prospect ni
half syokoy, half ET!!! Eh engot ka rin Atasha, ni-post mo na nga sa Anti_KB
diba? Although to-be-revealed pa daw ang tunay kong itchura para daw mas
ma-curious ang mga tao at maging viral ang balita!
Ang
hindi ko lang maintindihan…
“Wag kang feeling jan! Ano tingin mo, gagawaan
kita ng masama?”
“Nasa itchura mo kasi ang gumagawa ng
ganun eh.” Isang dangkal na lang kasi, mukha na siyang myembro ng mga tambay na
nag-aadik at sumisinghot ng medyas dun sa kanto.
“Itchura mo ang masama! Kamukha mo yung mascot
ng Hen Lin.” Eh
lalaki yun ha! Makapanlait talaga! Sarap hambalusin! “Maupo ka muna jan. Tatapusin ko lang ‘to sandali.”
May
kung ano kasi siyang ginagawa sa harap ng computer niya. Hindi kaya nagla-live
show siya? Tapos… tapos isasama niya ako? Ow no!!! Pero imagination ko lang yun.
Ahahaha! Nagti-TMU Diary lang siya.
“Ang tagal naman! Hindi pa ba tapos yan?
Babalik na ako sa kwarto ko.”
Howkei
payn! Busy-busihan ang syokoy mo! Hindi pa rin ako pinapansin. Natatawa-tawa pa
siya sa binabasa niya. Hindi kaya nagbabasa lang rin siya ng mga kwento sa blog
ni AegyoDayDreamer.
“Hot Pink Hen Lin, tara dito may ipapakita
ako sayo.”
“Sige pahabain mo pa nickname ko… psh!!!” Pero lumapit ako sa kanya at tinignan ko
yung tinuturo niya sa monitor niya. At pagkatingin ko, naging mala-planggana sa
laki ang mga mata ko.
Bukod
kasi sa naging trending topic hindi lang sa TMU at sa iba pang networking
sites, sobrang dami din ang nagko-comment at nagtatanong kung sino ba talaga
ang bagong KB Prospect.
At
hindi lang yun, may pinost din si TMU_Admin tungkol dito. Pictures ng mga babae
na pwedeng isa daw sa kanila ay ang bagong prospect. But what’s more shocking…
NASAMA NGA ANG PICTURE KO DOON!
“Ang galing ni TMU_Admin! Nahulaan niya agad
na ako yun?”
“Hindi pa siya sigurado na ikaw nga yun.” Napapailing siyang tumawa. “But Admin is really great. As expected,
alam niya kung sino ang mga taong dapat paghinalaan.”
“Anong gagawin natin? Kelan mo iko-confirm
na ako nga yun?”
“Depende sa mood ko.” Angas lang ng sagot niya ha! “Pero hangga’t hindi ko pa sinasabi ang GO
signal para ipakilala ka, you better prepare yourself. Panigurado, tatadtarin
ka ng mga tanong ng mga estudyante sa TMU. Hindi sila titigil para lang malaman
nila kung sino ka talaga.”
Sabi
niya eh! Kung kailangang mag-deny, dun naman ako magaling eh. “Anyway, yan lang ba ang dahilan kaya mo
ako pinapunta dito?”
“Nope. Saan cellphone mo?”
“Heto.” At pinakita ko si cellphone na nagpapahinga sa kumare niyang
bulsa.
“Maya-maya lang rin tatawag si Zack jan.”
“Tatawag lang pala eh… teka… ano? Si Zack?
Tatawag? Paano mo nalaman!!!”
“Hot topic ang tungkol sa new prospect ko,
tapos nag-post pa si Admin ng pictures ng mga possible girls at isa ka dun.
Isama mo pa yung eksena natin kanina nung sabay tayong umuwi. Sa pagkakakilala ko kay Zack, hindi yun makakatiis at magtatanong yun. It’s either ikaw ang unang
niyang tatawagan o ako.”
Nag-aala
Madam Auring nanaman ‘tong si Laris eh! Pero kinakabahan ako dahil may good background
siya sa ganitong panghuhula. At hindi nga siya nagkamali dahil ilang sandali
pa, nag-ring na ang cellphone niya. Sa kanya unang tumawag si Zack.
“Wow ang bilis ha! Ikaw Hot Pink,
pakinggan mo usapan namin. Gagayahin mo lang ‘to kapag ikaw naman ang tinawagan
niya mamaya.”
Tinanguan ko lang siya at saka niya sinagot ang phone niya at naka-loudspeaker
pa. “Yow~”
“Hoy Laris!”
“Uy pre! Napatawag ka?”
“Ah… tatanong ko lang, natuloy ba kayo ni
Atasha sa lakad niyo kanina?”
“Hindi.”
“Bakit hindi?”
“Tinamad ako eh.” Ang tinong kausap nitong si Laris noh?
Sarap ipalunok sa kanya yung cellphone niya! “Yun lang ba itatanong mo?”
“Ah… ano… nakita ko sa diary ha… may bago
ka daw prospect? Sino yun?”
“Malay ko. Tanong mo kaya dun sa nag-post
noh? Yung Anti ko.”
“Pero hindi nga ‘pre? May bago ka nang
prospect? Sino? Kilala ko ba?”
“Bakit ka interesado? Wag mong sabihing
nagseselos ka? Kelan ka pa nabakla saakin?” Walangyang ‘to! Tamang pagdudahan ang pagkalalaki ng Zack ko?
Kakaiba na talaga level ng sayad sa utak ng Laris na ‘to!
“Lolo mo!!! Sige na nga, ba-bye na!” Buti na lang hindi pikon si Zack kahit pa
tinawanan lang siya ng timang na si Laris. At end of conversation na.
Nung
magkatinginan kami, binigyan niya ako agad ng lectures kung paano ko kakausapin
si Zack kapag saakin naman siya tumawag. “Bayaan mo munang mag-missed call. Kung
gusto ka niyang kausapin, hindi titigil yan sa pagtawag.”
At
yun nga ang nangyari. Ilang minuto matapos tumawag si Zack kay Laris, saakin
naman siya tumatawag. Pero nakaka-tatlong tawag na siya, hindi ko pa rin
sinagot.
“Ngayon, kapag sinagot mo na yan, act like
may ginagawa ka at nagmamadali ka. Kapag nagsimula na siyang magtanong, deny,
deny, deny, then goodbye.” Hindi
ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya. Pero wala naman akong magawa
kundi maniwala, lagi naman kasi siyang tama.
Nag-ring
na ulit ang phone ko at para kaming timang na nakatingin pareho dun. “Sagutin ko na?” Tumango lang siya. “Hello… Zack? Napatawag ka… ah… yun ba? Hindi
kami natuloy kanina ni Laris eh. Tinamad daw siya. Walang kwenta talaga yung
kaibigan mo na yun.” At aray ko naman! Sinapok ako ni ET ng tsinelas
niya eh.
“Tandaan mo, busy ka…”
“Ganun ba?” Sagot ni Zack sa kabilang linya.
“Ah Zack, may ginagawa kasi ako…”
“May itatanong muna ako Tasha.”
“Tungkol saan? Bilisan mo lang ha.” Kahit pa gusto ko talaga siyang kausapin,
hindi pwede dahil baka sabunutan ako nitong si Ate Ganda kapag hindi ko siya
sinunod.
“Ah… nakita mo na ba yung post tungkol sa
bagong prospect ni Laris?”
“Hah? Hindi… hindi pa ako nakapag-online
eh…”
“Hmm… do you by chance… um… know who it
is?”
“Ano ka ba naman Zack! Kayo mas close ni
Laris… diba? Bakit hindi siya tanungin mo?” Akala ko madali lang magsinungaling! Mahirap pala lalo na kung sa
kanya! Pero konting-tiis lang Atasha!
“Pero hindi naman ikaw yun Atasha? Diba?”
“O… oo…” Harujusko!!! Nakakatameme yung boses ni
Zack eh! Naawa ako na parang ayoko nang magsinungaling talaga!!! Ide-deny ko
lang naman diba? Pero ang hirap!
But
Guardian Devil is right here at patuloy na bumubulong saakin. “Sabihin mo sa kanya kung bakit niya naisip
yun…”
“Zack naman! Bakit mo naman ba naisip yan?”
“Eh kasi…”
“Now, putulin mo na agad ang usapan.”
“Ha?” Ganun agad? Nagpapatanong tapos puputulin agad usapan?
“Putulin mo na! Wag mo siyang hayaang
magpaliwanag.”
“Ah hello Zack…”
“Atasha…”
“Sa susunod na lang ulit… may ginagawa pa
kasi ako at tsaka…” Hinablot
saakin ni Ate Ganda ang cellphone ko at in-off yung phone. “Bakit mo pinatay agad?”
“Kapag nagkita kayo ulit, sabihin mo na lang sa
kanya na na-lowbatt ka na kaya naputol yung usapan niyo.”
Grabe!
Hindi ko kini-keribels ang mga pangyayari! Nagi-guilty ako sa pagsisinungaling ko
kay Zack. “Hindi ko maintindihan Laris.
Ano bang purpose kung bakit kailangang itago at magsinungaling pa ako kay Zack?
Hindi ba pwedeng sabihin na natin agad?”
“It’s a part of the plan Hot Pink. Kung
hindi mo kaya, pwede namang mag-backout.”
“Wala akong sinabing gusto kong
mag-backout! Ipaliwanag mo lang saakin, para saan ba ‘tong ginagawa natin?
Gumagawa ka ng mga bagay na hindi ko naman ma-gets kung para saan. Kumbaga, wala ka man
lang bang curriculum? Para naman malaman ko yung mga subjects na papasukan ko! ”
“Tss…” Naupo siya, sumandal at ipinatong ang mga paa niya sa coffee table
na nasa harap niya. “We are doing this
dahil na rin kay Zack. Hindi lang tayo kundi pati siya, hindi pa rin sure sa
feelings niya for you. If we don’t push him to realize what you really mean to
him, then he will end up with Carly.”
“Paano naman kapag nalaman niyang
nagsinungaling ako? Baka magalit siya! Paano naman friendship namin?”
“Just trust my plan, Hot Pink. Ganito lang
naman ang nakikita kong ending niyo after this. It’s either, bestfriends pa rin
kayo… or yung lovers na kayo. Saan ba dun gusto mo?”
Ang
taas ng self-confidence niya. Siguradong-sigurado siya sa plano at pinaggagawa
niya. Eh kung sa bagay, palagi niya na ‘tong ginagawa diba? Kumbaga hustler na
siya sa ganito so kailangan ko na nga lang magtiwala sa kanya.
“Sige… sabi mo eh. Oh paano, pwede na ba
akong bumalik sa kwarto ko?”
“Hindi pa. Kunin mo nga yung mga papel na
nakapatong dun.” Sinunod
ko naman yung sinabi niya at kinuha yung papel. “Yan yung ‘CURRICULUM’ na hinihingi mo. Ginawa ko yan kanina at yan ang
pinaka nababagay sa sitwasyon niyo.”
Nanlaki
yung mata ko nung basahin ko yung mga nakasulat dun.
“Magiging tayo for three months. We act
like a real normal couple, you as my girlfriend and me as your boyfriend. We
will date, I will teach you things, you listen to me, no flirting with other
guys especially Zack, and it’s okay to fall in love with me during those
times…” Bleh~ ano bang
pinagsasabi ng mokong na ‘to! Gusto kong iduwal yung kinain ko kanina. “But after three months, whether you like
it or not, we’ll have to split up.”
“OPO!!! After three months, break na
tayo.” And as if naman na
mai-inlove talaga ako sa kanya noh! “Tapos
ba nun, maiinlove na saakin si Zack?”
“Yeah. 99%.”
“Bakit may tinira ka na namang 1%?”
“Trip ko lang. Para may konting thrill.” Nakakaloko na talaga mag-isip ang utaw na
‘to! Nakakabagabag na minsan!
“Oh siya sige na! Aalis na ako ha.”
“Oy! Meron pa! Kunin mo yung fishbowl dun.
Yung may mga lamang papel.”
Puro
utos, ako naman puro gawa! “Ano naman
‘tong mga papel na ‘to?”
Tinignan
niya ako at may kakaiba sa ngiti niya. Although noon pa man, kakaiba na talaga
ang itchura niya. Lalaking mukhang babae at mukhang sabog din!
“Those are different kisses na alam ko. Kapag
bumunot ka na jan, sisimulan na natin ang lecture mo sa paghalik!”
“Al-al mo!!!” Binato ko sa kanya yung fish bowl at kung
hindi pa niya nasalo, nabasag na sana yun.
“ANO BA!!! Muntikan nang mabasag!!!”
“Anong lectures sa paghalik ang
pinagsasabi mo jan!!! Gusto mo bang mabura sa mundong ibabaw ha!”
“Alam mo sa isang relationship, ang kiss
ang main indicator of happiness. You learn a lot with your partner when you
kiss. A KISS simply establishes the connection between couple. Dapat mo lang malaman yun!”
“Eh diba sabi ko nga, hinding hinding
hindi hindi as never at hindi ako magpapahalik sayo!!!”
“Tsk! Desperada kang makuha si Zack, pero
nag-iinarte pa!!!” Exactly
the point! Si Zack ang gusto kong makuha at hindi siya! Meaning, labi lang ni
Zack ang gusto ko! Gets? “Mga secrets
and tips po ang mga yan pero kung ayaw mo talaga, bahala ka. Hindi ko hahabulin
na mahalikan ang isang babaeng kamukha ni Hen Lin noh! At tsaka maituturo ko naman
sayo yan kahit hindi pa maglapat mga labi natin kaya wala kang dapat
ipag-alala.” Sabay nagroll-eyes lang siya. Pero paano nga kaya yun?
“Eh… ke… kelan naman natin ‘to sisimulan?”
“Whenever I feel like kissing my
girlfriend.”
“Ha?”
“Ha?”
.
.
.
“Meaning to say, whenever I feel like
kissing you.”
.
.
.
*dugdug*
.
.
.
Oh
wag mag-react.
Nagpalpitate
lang si heart dahil kinilabutan ako sa sinabi niya.
So
this is it na talaga! Since I’m the new prospect, then he is now my boyfriend
for three months.
“Oh ano pa tinatayu-tayo mo jan? Layas na!
Baka maisipan ko pang humalik ngayon, sige ka.”
Heto
na nga!!! Aalis na ako!!!
Pagkalabas
ko ng kwarto niya, nagwawala pa rin si heart. Pumasok ako sa sarili kong kwarto, nagwawala pa rin si heart. Nahiga na lang ako sa kama, pero nagwawala pa rin si heart.
*sigh*
Hindi
naman ako napasubo sa ginawa ko diba?
The next day… natatakot ako pumasok lalo na sa first class ko.
The next day… natatakot ako pumasok lalo na sa first class ko.
Panigurado,
kukuyugin ako nina Raiza at itatanong kung ako ba ang bagong prospect. Wala
naman kasi sanang problema kung hindi lang nakatamang-hinala si TMU_Admin
tungkol sa real identity ko eh.
But
for the second thought, pwedeng ko ring sisihin si Ate Ganda! Kailan niya kaya
balak i-reveal sa lahat na ako na yung prospect niya? Tsk!!! Ngayon tuloy,
kailangan ko pang masinungaling!
But
for the third thought, eh ginusto ko rin naman ito! Gusto kong magpaturo kay
Laris kaya mag-tiis ako.
At
bago ako maka-ilang thoughts pa dito…
*tingin sa left…*
*tingin sa right…*
Ayun,
hindi muna ako papasok ng room ko hangga’t wala pang teacher namin para hindi
ako ma-hotseat ng mga fans ni KB.
*tingin ulit sa left…*
*tingin ulit sa right…*
“May pinagtataguan ka ba?”
“Good morning.”
“Bakit nandito ka sa building na ‘to? Diba
hindi naman dito ang first class mo?”
“Maaga pa naman. Eh bakit ikaw? Hindi ka
pa pumasok sa room mo?”
“Um… maingay dun sa loob. Saka na kapag
nag-start na ang klase.”
Shoxx!
I can’t look at him in the eyes! Baka magtanong na naman siya tungkol saamin ni
Laris. O yung tungkol sa prospect. Binabawi ko na talaga yung sinabi kong
madali lang mag-deny. Ang hirap-hirap talaga dahil si Zack itong kaharap ko!
“Um, I'm here to ask you something. After class, let’s have dinner. Kahapon hindi na tayo natuloy so…”
“Hindi ako pwede.”
Isa
ito sa mga nasabi ni Ate Ganda. Since para na kaming mag-on, bawal na maglandi
sa ibang lalaki lalo pa nga daw kay Zack. Kapag sumama ako sa kanyang
mag-dinner, counted as panlalalaki yun. Diba?
“Why not? Ako naman ang magtatampo sayo
kapag hindi ka pumayag.”
Yung puppy dog eyes ni Zack! Gawd!!! Nagpapaawa talaga!!! Tiis lang Atasha!!!
Turn him down! “Hindi talaga pwede… busy
kasi…”
“Please, please, please Atasha!!!”
“Hindi talaga…”
“Please~”
“Zack, hindi…”
“Please~”
“Hindi nga…”
“Please~”
“OKAY PAYN!!!” Pakidala nga ako sa clinic! Nag-aagaw
buhay na ako sa taglay na charm nitong prince charming ko eh…
But
wait… there’s more…? “Zack!!!” Napalingon kami pareho sa tumawag sa kanya.
Aba
naman teka lang!!! Anong ginagawa ng babaeng yan dito? “Carly?”
“Ano naaya mo na ba si Atasha?” What’s the meaning of this? Magkasama
silang nagpunta dito? Tumingin lang saakin si Carly. “I really want to apologize for what happened the last time. Hindi ko
alam na friendsarry niyo pala ni Zack nung araw na yun. Kaya to make it up to
you, mag-aaya sana ako na mag-dinner tayong tatlo. Nasabi na ba sayo ni Zack?”
“Actually pumayag na…”
“Sorry. Hindi ako pwede kasi talagang ang
dami kong ginagawa.”
“What? Sabi mo…”
“Wala akong sinabi, Zack. Next time na
lang siguro.” At para
hindi mahalata sa mukha ko ang disappointment, “Oh paano, pasok na ako sa room ko ha.” Tinalikuran ko na sila at
hindi ko na nilingon.
Napaka-gaga
ko naman kasi! Ayan! Ang hopia kasi!!! Akala ko pa naman gusto lang akong
makasama ni Zack na kaming dalawa lang! Akala ko pa naman, sobrang laking
impact na sa kanya yung balita na pwedeng ako nga ang prospect ni KB!
HMP!!!
Hangga’t hindi namin nasisimulan ni Ate Ganda ang plano, masyadong mahirap ang
chance na ma-inlove saakin si Zack dahil laging nakabuntot sa kanya si Carly.
Kaya tiis pa Atasha. Konting tiis pa!
And
remember, ito pa lang ang simula…
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
End of Chapter 19
natawa ako! langya ka laris. si atasha kamukha ni hen lin! hahahaha!
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeletegrabelungs! kinikilig ako kay laris! naexcite ako dun sa bowl na may types of kisses!!! ayiiiiehh!!! wag kang maarte jan atasha, kikiligin ka rin for sure! at naiinis talaga ako kay zack! hmp! magsama na kayo ni carly!
i still wonder kung sino si admin? ang galing niya!
KINIKILIG NA AKO...hehehehehehehehe
ReplyDeletehahahahahaha...style kapa Laris....
ay gusto kita dati Zack pero ngayon nababawasan na pagkagusto ko sayo...
go Tasya..mas maganda ka kay carly-pot noh..hehehe
naiimbey aq kei zack! pinapaasa mu lng c atasha! tsk! peo ok n yn pra wag n clang mangulo kay laris! mas nakkkilig kya tlga c kissing bandit! xempre xah ang bida! ahhhhahahhaha! go laris, i'm on ur side!
ReplyDeletegrabe!.. KILIG MUCH!!!!.. hahaha,manyak din pala si laris,pero in a nice way.. eeeeehhhh!.. gus2 ko talaga sila!.. ang cute2 talaga ni atasha!.. isaksak mo na lang sa baga ni carly si zack!haha.. ang mean lang.. yun oh!officially on na sila!.. simulan na ang mga cheesy moments!.. :))
ReplyDeletehahah
ReplyDeletegrabe ito na the best at wizard tale e
grabe
ud ud ud po
nakakakilig naman si laris! ako na lang maging prospect mo!
ReplyDeleteayoko na rin kay zack. puro siya carly! magsama na nga sila!
whaaaaaa!!!! bakit ka ganyan Zack. >.<
ReplyDeleteKaya mo yan atasha. Aja! >.<
Whaaaaa!!! Bakit ka ganyan Zack! >.<
ReplyDeleteKaya mo yan, Atash. Aja! >.<
Unnie Kelan Update ni2???? , kabitin po kc eh \*o*/
ReplyDeleteitayo mo ang bandera atasha!
ReplyDeletekay laris ka na muna mag-focus!
Go girl!! Magpahalik ka na kasi kay Laris! Wahhaha
ReplyDelete