CHAPTER 20
(ATASHA
ORELLANA POV)
Bad vibes ako sa
ginawa ni Zack. Umasa ako eh! Akala ko na talaga maiisip niya na pwede akong
mawala sa kanya. Tas mag-aaya na kakain daw kami sa labas, yun naman pala
kasama rin yung hinayupak sa ganda na si Carly!!!
“Sa tingin ko nga hindi si Atasha yun…”
“Oo nga, tignan mo naman itchura niyan
ngayon. Kung siya talaga ang bagong prospect, diba dapat masaya siya.”
“Eh bakit nga ba bugnutin itchura niya
ngayon? Umagang-umaga noh?”
Buset
na B-Company ito! Mga kaklase kong babae. Kanina pa sila nagtutulakan na
kausapin ako para lang alamin kung ako nga ba yung bagong Prospect ni KB. Wala
naman sa kanila ang gustong magsilapit.
At
magbubulungan na nga lang, kailangan naririnig ko pa! Mga adik!!!
“Eh pinost kasi ni TMU_Admin na pwedeng
isa siya dun. Tanong mo na lang kaya para masigurado natin noh?”
“Ikaw Raiza magtanong.”
“Bakit ako?”
“Diba kayo naman ang pinaka-close dito.”
“Oo nga!!! Para naman ‘to kay Laris!!! Go
Raiza go!!!”
At
tinulak nila si Raiza palapit saakin. “Ay ano ba naman… ah… good morning
Atasha…”
“Anong good sa morning?” - (¬...¬)
“May tatanong lang kami… ikaw ba ang
bagong prospect ni Laris? Nakasali ka kasi dun sa list na pinost ni TMU_Admin.”
“Hindi.”
“Sigurado ka?”
Tinamlayan
ko lang lalo yung itchura ko habang nakatingin sa kanila para naman tigilan na
nila ako.
“Oo nga, mukha ngang hindi ikaw ang
prospect ni Laris. Ang lungkot ng itchura mo teh!” Buti napansin niya rin. Yan, hindi na
manggugulo yan. Pero tinabihan pa rin ako ni Raiza. “Ano bang problema mo ngayon Atasha? Ang aga-aga, ang bugnutin
na ng mukha mo.”
“Wala Raiza. Naiinis lang kasi ako sa
sarili ko.”
“Bakit? Ano bang problema kasi? Family?
Financial? Love?”
*sigh~*
“Friend.”
“Friend? Teka, bukod lang saamin diba si
Zack lang ang friend mo dito sa TMU? May problema kayo ni Zack?”
“Long story Raiza. Pero oo, si Zack nga.”
“Teka nga, may kinalaman din ba ito kay
Carly? Nagseselos ka noh.”
“Hindi ah…”
“Sus!!! Nag-deny pa pero ang haba naman ng
nguso!” Feel ko naman ang
pag-comfort saakin ni Raiza. Siya lang talaga ang ka-close ko na babae dito sa
room eh. “Alam mo, yang mga ganyang love
problems ang madaling solusyunan ni Kissing Bandit eh.”
“Talaga?” Bilib na bilib talaga siya kay ET! Walang magtatagal ang ilang pangungusap na mababanggit niya na hindi kasama ang Idol niya na yun.
“Sayang nga lang, may bago nang prospect
si Laris.”
Hay
naku Raiza, kung alam mo lang… ako nga ang bagong Prospect ni KB. pero ako man ang bagong prospect, problemado pa rin naman!!!
Buong
araw na yatang sira ang araw ko eh. Hanggang lunchtime, wala pa din akong gana.
Wala akong balak talagang kumain kaso kinaladkad pa rin ako ni Raiza
papuntang cafeteria. So ayun, papalapit na kami sa cafeteria, ang kaso…
“Bakit ang daming tao? May artista ba?”
“Baka may TMU famous dun sa loob!!! Dali
pasok na tayo!!!” Kahit
siksikan dahil talagang ang daming utaw ngayon dito, pinilit pa rin namin
pumasok. Doon lang namin nalaman na wala naman palang TMU famous ngayon dito.
Kaya lang maraming tao ay dahil may literal na kaguluhang nagaganap.
“Ows
talaga? Paano ka naman magiging prospect niya eh sa isang subject lang kayo
magkaklase!!!”
“At
feeling mo naman ikaw yung prospect? Pumayag ba siya nung lumapit ka sa kanya?
Eh nung ako kumausap sa kanya, nagsabi siya na pag-iisipan niya kaya malamang
ako na yun!”
“Para
sabihin ko sayo, after kong kausapin si Kissing Bandit noon, saka na nagka-issue
yung tungkol sa Prospect! So ano pa nga ba, pumayag na siya nun!!!”
“Nakakaawa kayong dalawa. Mapapahiya lang kayo dahil wala
sa inyo ang pinili ni Laris noh!!! Ako last year ko pa siya kinausap tungkol
dun!!!”
“Baka
ikaw mapahiya!!! Wag kang masyadong umasa!!!”
“Ako na yun!!! Nakakatext ko na nga siya eh!!!”
Grabe!!!
Bukod sa tatlong babaeng nagbabangayan ngayon, isinama pa nila ang mga kampon
nila!!! Kaya naman pala ang daming tao at mas gumulo!!! Kanya-kanya sila ng
kakampi eh.
Pinag-aawayan
nila kung sino daw sa kanila ang bagong Prospect ni KB.
“Yang tatlong yan, nakasama din sila dun sa list
na pinost ni TMU_Admin.” Pinakita
ulit saakin ni Raiza yung list. At ni-research pa talaga niya yung profile
nila!!! Syempre, included ako dun ha!
“AKO
YUN!!!” Yan daw si Irene Sy.
Matagal nang umaaligid yan kay Laris. Palagi siyang nakabuntot kay Laris dahil
sa kagustuhan niyang ma-experience ang Kissing Legend.
“HINDI!!!
AKO ANG BAGONG PROSPECT!!!” Yan
naman si Leanna Gascon. Classmate at seatmate ni Laris sa isang subject lang
naman. Kaya siya nasama sa list dahil panay din ang paglapit niya kay Laris.
“TUMIGIL NGA KAYO!!! AKO YUN!!! AKO LANG!!!” At si Tatiana Aguilar. Kaya lang daw siya
nag-aral dito sa TMU ay para kay Laris. Kaya naman since last year pa nga siya
naghahabol sa lalaking yun.
“Nawiwindang ako sa kanila.”
“Tsss!!! Sana wala sa kanilang tatlo ang
Prospect ni Laris noh?”
Nakakahiya
yung mga pinaggagagawa nila. Alam naman kasi nila na hindi talaga sila ang prospect
pero pinagdidiinan pa nila na sila daw yun. Para ano? Para sumikat sila? At isa
pa, “Pinag-aawayan nila si Laris
samantalang hindi naman dapat.”
Nagulat
na lang ako nang biglang tumingin saakin ang lahat. Napalakas yata ang boses ko.
“Teka…” Sabi nung isa sa mga kampon nung Leanna. “Ikaw!” Ako? Ako ang dinuro niya eh. “Diba kasama ka rin dun sa list na pinost ni Admin?”
Shet!!!
Nakilala nila ako!!! Nakakaamoy ako ng mas malaking gulo.
“Don’t
tell me nandito ka rin para sabihin na ikaw ang bagong prospect?” Sabi naman nung isa sa mga kampon ni Irene.
“Hay naku!!! Ang friend naming si Tatiana
ang prospect noh!!!” Yun
naman ang singit ng kampon ni Tatiana. “Wag
ka nang sumingit dito kung sino ka mang babae ka!!! Ang pangit mo kaya!!! Hindi
kayo bagay ni Laris!”
“Teka nga, wala akong balak sumingit sa
away ng mga kaibigan niyo ha!!!” Mga
galunggong na ‘to!!! Sinasali pa ako sa away nila!!! Tsk! Ang mabuti pa gumora
na ako dito bago pa man ako tuluyang masali sa kasiraan ng ulo nila.
“Oy teka!!! Anong sabi niyo sa kaibigan
ko!!!”
Anak
naman ng puto!!! Bakit naman biglang nasabat ‘tong si Raiza!!! Balak pa yatang
makisaling-kitkit!!!
“Anong ibig niyong sabihin na wag isingit ang
kaibigan kong si Atasha. Sa pagkakaalam ko, dahil isinama rin siya ni Admin, posible rin namang itong kaibigan ko ang bagong Prospect noh!!!”
“Ano ka ba Raiza? Bakit sumasali ka pa sa gulo?
Tara umalis na tayo dito…”
“Naiinis kasi ako sa mga babaeng ‘to eh!!!
Feeling nila sila lang may karapatang maging prospect!!! Kayo kaya mga panget
noh!!!”
“Ang kapal ng mukha mo!!! Bakit, anong
patunay na yang kaibigan mo nga ang bagong prospect ha!!!”
“Wala… eh kayo, anong patunay niyo na kayo
nga talaga yun!!! Diba wala rin naman?”
“Eh sino nga ba sa kanilang apat ang
bagong Prospect ni Kissing Bandit?” Ang
singit nung isang nakiki-eps lang sa gulo.
“AKO!!! Ako kaya!!! Ako
nga sabi yun!!! Manahimik kayo!!! Ako yun!!!” Wow ha! Sabay-sabay lang silang nagsasalita!
“Oh di kayong tatlo na para walang gulo.” Shetlungs! Nakakarindi sila sa tenga!!!
“HINDI!!! SI ATASHA YUN!!!”
“Raiza, parang awa mo na, pabayaan mo na
sila…”
“Hindi Atasha!!! Hindi ako papayag na isa
sa tatlong tipaklong na yan ang Prospect noh!!! They don’t deserve KB!!! Mas deserving
ka pa sa kanila kaya kahit sabihin mong hindi ikaw ang Prospect, ikaw pa rin
ang susuportahan ko.” Ang tapang ni Raiza. Bumi-best actress sa pagiging kaibigan ko!
Gustuhin
ko mang ipagsigawan na AKO talaga yung Prospect, hindi ko naman masabi dahil
nga yun ang bilin ni Laris. At tsaka baka lalong gumulo dahil kailangan ko pang
patunayan yun!
Ilang
sandali pa, yung sagutan nauwi na sa pisikalan. Naiinis nga ako wala pang
nagtatawag ng guard para itigil ang gulo! Mukhang naeenjoy ng mga estudyante ng
TMU ang cat-fight. Lahat din sila curious kung sino talaga ang prospect.
May
sabunutan at kalmutan nang nagaganap at na-alarma talaga ako kasi lugi kami ni Raiza. Dalawa lang kami eh.
“HALA!!! Tama na!!!” Pinipilit akong abutin ng kalmot nina
Irene, Tatiana at Leanna pero syempre sinasalag ko yung mga atake nila!!! Sabi
naman kasi, ayoko ng gulo eh!!! “TAMA
NA!!! AKO!!! AKO TALAGA ANG PROSPECT NI LARIS!!!”
Napatigil
ang lahat sa isinigaw ako. “Inaamin ko na, okay? Kayong
tatlo, wag na kayong magsinungaling para wala nang gulo. Alam niyo naman na
hindi talaga kayo ang Prospect diba? Ako yun. Ako talaga yun.”
“Ikaw ba talaga yun Atasha?”
“Mamaya ko na ipapaliwanag. Tara, umalis
na tayo dito…” Hinila
ko si Raiza paalis… pero hindi pa pala kami makakaalis.
“Sinungaling ka!!!” Nagulat
ako nang biglang magsanib pwersa yung tatlo at hinila nila ako pabalik dun sa
gitna. Pinagtutulak
at hampas nila ako. Nagwawala talaga sila sa sinabi ko. Mga sobrang baliw na kay
Kissing Bandit at hindi nila matanggap na wala talaga sa kanila ang pinili ni
Laris.
Pinipilit kong pumalag sa mga bayolenteng mangkukulam na ‘to kaso tatlo sila,
isa lang ako. At hindi makatulong saakin si Raiza dahil kinukuyog din siya ng
mga kaibigan nila.
Kapag
ako o si Raiza ay nasaktan lang ng bonggang-bongga, papalunok ko sa mga ‘to ang
spinal cords at pagbubuholin ko talaga mga intestines nila!!!
Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Rawr!!!
Ay
nanahimik bigla? Bakit nagsitigil ang lahat?
Nakng!!!
Kung kelan naman handa na akong mag-amazona dito eh!!!
Bigla
kasing may nagpakita sa eksena… “Manang pabili nga po ng mentos.”
Si…
si Laris!!! Kaya pala parang sinusian na mga bunganga ng mga eskandalosa dito
eh. Lahat sila nakatingin sa kanya samantalang siya naman, nakikinig lang sa
music.
Mukhang
naabutan nga niya yung kaguluhan kanina pero obviously sa cold-hearted and
cold-blooded amphibian na ‘to, wala siyang pake kahit magpatayan pa lahat ng
babae dahil sa kanya. Wala siyang pake kahit kasama pa ako doon.
“Sige nga, kung isa talaga sa inyo ang
Prospect, lapitan niyo nga si Laris.” Sabat
na naman nung dakilang eps.
Nagkatinginan
kaming apat at alam kong kabado na sina Irene, Leanna at Tatiana. Mga dakilang
sinungaling at feelingera din kasi!
“Go Atasha!!! Lapitan mo si Laris!!!” Nagtu-twinkle yung mga mata ni Raiza.
“Bakit ako?”
“Diba sabi mo ikaw yung Prospect!!! Dali
na at nang mapahiya na yang mga timawang babae jan!” Saka ako tinulak ni Raiza at ginaya rin
siya nung ibang tao sa paligid. Tinulak nila akong lahat hanggang sa mapalapit
ako kay Laris.
Nagkaharapan
na kami. Ang ackward nga eh. Tapos ang tahimik pa ng lahat. Pwede na ngang mag-insert
ng cicada background noise ngayon eh.
“Um… La… Laris…”
“Tabi jan. Wag kang paharang-harang sa
daan.” - (¬_¬)
“Ha?” - (⊙_⊙)
“May kailangan ka ba?”
“Laris, sabi ng babaeng yan siya daw ang prospect mo.”
“Oo
nga!!! Totoo ba yun Laris?”
“Yang
babaeng yan ba ang bago mong prospect?”
*dugdug*
“Sinabi ko na sa kanila na ako…”
“Male-late na ako sa next class.”
“Pe- pero…” Hindi man lang ba niya ako ipagtatanggol
ngayon?
“I have no time for this.” At saka siya naglakad palabas dun sa
cafeteria.
Mag-isa na lang akong nakatayo dun tapos feeling ko maglalaho na ako ng parang bula dahil
sa kahihiyan at sa mga tingin nung mga usisero’t usisera!!!
“Alright,
one down!!! Oh girl, baka ipagpilitan mo pang ikaw ang Prospect ha!”
“Kita
mo na nga, inichapwera ka lang niya!”
“Kailangan pang mapahiya bago matauhan eh. Oy pero kayong
dalawa, maghanda kayo at mapapahiya rin kayo!!!”
“Kayo
ang mapapahiya dahil akong-ako ang Prospect!”
“Magtago
na kayo kapag napahiya rin kayo!!! Makikita niyo!!!”
Napahiya
na nga ako’t lahat-lahat, hindi pa rin sila natigil sa kakadakdak!!! Pero
mabuti na rin yun para tuluyan na akong makaalis sa lugar na ‘to.
Paglabas
namin…
“Atasha, ano ba talaga? Ikaw ba o hindi?”
“Nakita mo nga yung ginawa saakin ng kumag
na yun diba? Sabi naman kasi sayo, hindi ako yung Prospect eh…”
“Saan ka na pupunta?”
“Uuwi na. Baka makapatay lang ako ng tao.”
Naku!!!
Makikita ng nyetang Laris Howfer na yan!!!
Ano
ba talagang plano ng syokoy na yun!!! Impakto siya!!! Ang sarap niyang
pasaniban sa mga engkanto sa probinsya namin!!! Grrrrrrr!!!
Smile~
*click*
“Tsk!!!” Wala akong magawa ngayon dito. Ang aga ko kasi umuwi. Punyemas
kasing KB yun, pinahiya ako kanina!!! Walang kwenta!!!
Ang
mabuti pa, picture na lang muna ako.
Smile
ulit~
*click*
Sheessssh!!!
Ang hirap mag-pretend na masaya!!! Ang hirap ngumiti when in fact ito talaga
ang itchura ko ngayon.
Oh diba? Badterp lang talaga ang lola mo eh! Lahat na yata ng tao sa paligid ko, nakakabad vibes! Sigh~
Pero
gusto ko talagang ipamukha dun sa tatlong mongoloid na babae na hindi sila ang
prospect. Ang fe-feeling kasi!!! Ang saya pa nila na napahiya ako at nabawasan daw yung mga karibal nila!!! Kung alam lang talaga nila!!!
Kung
alam lang talaga nila…
Eh
kung ipaalam ko kaya talaga sa kanila? Hmmmm…
*light bulb!*
“Pwede… pwede nga yung naisip ko!!!
Ehehehehehehe!!! Humanda kayo!!!”
Hinalungkat
ko yung cabinet ko. Nagbihis ako ng matinong damit. At pagkatapos nun,
gagamitin ko ang talent ko in photography.
“Tignan ko lang kung hindi maglupasay ang lahat
ngayon.”
*click, click, click, click, click*
“Asan kaya dito ang maganda… hmmm…
uwaaaaaaaaah!!! Ito!!!”
Anti_Kissing_Bandit
says…
“She’s the One”
Grabe ang kaguluhan kanina. Sino nga ba
ang real prospect ni KB? Well, here’s the real deal. She’s the one!!!
Does she look like someone you know?
Paki-kilatis ng maigi at wag naman sanang mag-feeling yung iba jan!
And please don’t ask about my credibility.
Remember, ako ang unang nakaalam ng katotohanan. Saakin niyo rin unang
malalaman kung sino siya.
After
five minutes…
“Gosh, she doesn’t look like Irene!!!”
“Definitely not Leanna. Matangkad siya,
pandak yun.”
“Totoo ba yan? Parang hindi niya rin kamukha si
Tatiana!!! Akala ko pa naman si Tatiana na talaga!!!”
“Ano ba namang Anti ka!!! Bakit hindi mo
na lang i-reveal kung sino siya!!! At paano ka nakakuha ng ganyang shot? Na-hack
mo ba yung account ng Prospect ni KB?”
“I really don’t know what to think anymore…
hindi kaya yung isang girl talaga yung Prospect? Yung Atasha ba yun?”
Yeah-yeah.
That’s right!!! Wag kayong mga bungengot!!! Wala talaga kina Irene, Leanna o
Tatiana ang nagsasabi ng totoo dahil ako ang nakakaalam ng katotohanan.
Siguro
naman, napahiya na din yung tatlong yun. Serves them right!!!
*bug bug bug!!!*
Ano
ba namang ingay yun? Inaantok pa ako…
*bug bug bug!!!*
Ang
kulit naman!!! Sino ba yun?
Pagbangon
ko, hinintay ko ulit yung kalabog pero wala naman na. Nananaginip lang yata ako
eh.
*krrrooooogggg~*
Wahhhh!!!
Tyan ko ba yun?
*krrroooooooooooooooooogggg~*
Aba’y
tyan ko nga!!! Tinignan ko yung orasan at… “Hala!!!
Ang tagal ko palang nakatulog!!!” Alas-dos
ako naidlip kanina tapos ngayon alas-ocho na
pala!!! Kaya pala nagre-rebolusyon na mga alaga ko sa tyan eh. Gutum na
gutom na ako. - =﹏﹏=
“Makapunta na ngang karenderia dun sa
baba.” Kinuha
ko wallet ko at lumabas na ng kwarto ko, kaso...
“HOY HOT PINK!!!”
“Ay hoy hot pink!!! Laris?”
“Kanina pa ako katok ng katok dito, ang
tagal mo sumagot!!!” Siya
pala may gawa nung sound effects kanina. “Ano
yung ginawa mo ha!!!”
“Anong ginawa ko? Kagigising ko nga
lang!!! Ngayon pa nga lang ako maghahapunan eh!!!”
“Yung pinost mo dun sa
Anti_Kissing_Bandit! Bakit ka nag-post ng ganun!”
“Ah yun ba? Eh pakelam mo? Anti ako,
ipopost ko lahat ng gusto ko!!! Eh ikaw, bakit mo ako pinahiya kanina ha!”
“Ginawa ko yun para wala nang maghinala
sayo! Para wala nang manggulo sayo. Dapat nga magpasalamat ka pa.” Nakapamewang pa siya. “Pero dahil sa pinost mo, eh di balewala
lang din yung pagkapahiya mo kanina. Mas lalo ka pang magugulo!!!”
Ha?
Hindi ko siya ma-gets! Powtek naman, anong mali sa ginawa ko? Asar na asar lang
naman ako kanina kaya ko nagawa yun.
(Disclaimer:
I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)
End of Chapter 20
the three girls are b*tches. sayang magaganda pa naman. iba pa rin ang ganda ni atasha.
ReplyDeleteBAKIT TAPOS AGAD
ReplyDeleteBITIN NA BITIN
KAYAAAAHHHH
NAM O UD UD UD PO
KAUNHAN AKO
^______^
IMINLOVEWITHYOU124
PO PALA
3 Idiots. LOL
ReplyDeleteNakaka-asar yung tatlong palaka na yun! SI ATASHA ANG NEW PROSPECT!
And hopefully, sana ay last prospect na. XD
~angel is luv~
ReplyDeleteang feeling masyado nung tatlo! kayo ang mas mapapahiya kapag nalaman niyong si atasha talaga ang prospect! ito naman kasing si laris, anong plano mo bakit mo ginawa yun??..
kawaii,ang cute ni Leanna gascon.. pero mas maganda pa rin si atasha!she looks HOT in those pictures!.. haiii,ang gandang lalaki pa rin si laris,hindi nakakaumay.. shaks!.. na miss ko 'tong story na 'to..
ReplyDeleteNatatatawa lang ako dun sa tatlo, pinagaagawan na isa sa kanila yung bagong prospect eh si Atasha na nga yun XD haahahah XD
ReplyDeletenkkimbierna n ung tatlong tipaklong n feelng nla cla ang prospect!! mganda p nmn ung leana eh.
ReplyDeletebuti nmn mei ud n d2! nmiss q tlga ang gandng lalaki ni papa laris!
Kainis ung mga feelingrera >>.<< Atasha para sa akin angat ang beauty mo kaya kay Laris ka na lang whahahaha aisshhh nabwebweset talaga aq jan bitches na yan LOL
ReplyDelete>Doreen ;)
kakaloka yung tatlong biatches!!! pweh lang sa inyo!!! kay atasha pa rin kami!
ReplyDeletesi atasha pa rin ang pinakamaganda sa kanila.
ReplyDeletekaya siya ang prospect!
mga echosera yung tatlo!
whahahahahha,,,,hehehehehe,,,hahahahahha,,,,ang kulit mo Atasya
ReplyDeleteKaloka ang mga nag-aaagawan! hahahah.. ito namang si Laris hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip.
ReplyDelete=_= stay calm ka ngalang dyan atasha..si Laris na nga daw bahala diba?
ReplyDelete