Saturday, August 18, 2012

Kissing Bandit : Chapter 20

CHAPTER 20
(ATASHA ORELLANA POV)



Bad vibes ako sa ginawa ni Zack. Umasa ako eh! Akala ko na talaga maiisip niya na pwede akong mawala sa kanya. Tas mag-aaya na kakain daw kami sa labas, yun naman pala kasama rin yung hinayupak sa ganda na si Carly!!!


Kakainis lang!!! Naasar ako sa sarili. Ang feeling ko lang kanina!!! Pahiya pa ako!!!



“Sa tingin ko nga hindi si Atasha yun…”



“Oo nga, tignan mo naman itchura niyan ngayon. Kung siya talaga ang bagong prospect, diba dapat masaya siya.”



“Eh bakit nga ba bugnutin itchura niya ngayon? Umagang-umaga noh?”



Buset na B-Company ito! Mga kaklase kong babae. Kanina pa sila nagtutulakan na kausapin ako para lang alamin kung ako nga ba yung bagong Prospect ni KB. Wala naman sa kanila ang gustong magsilapit.



At magbubulungan na nga lang, kailangan naririnig ko pa! Mga adik!!!



“Eh pinost kasi ni TMU_Admin na pwedeng isa siya dun. Tanong mo na lang kaya para masigurado natin noh?”



“Ikaw Raiza magtanong.”



“Bakit ako?”



“Diba kayo naman ang pinaka-close dito.”



“Oo nga!!! Para naman ‘to kay Laris!!! Go Raiza go!!!”



At tinulak nila si Raiza palapit saakin. “Ay ano ba naman… ah… good morning Atasha…”



“Anong good sa morning?” - (¬...¬)



“May tatanong lang kami… ikaw ba ang bagong prospect ni Laris? Nakasali ka kasi dun sa list na pinost ni TMU_Admin.”



“Hindi.”



“Sigurado ka?”



Tinamlayan ko lang lalo yung itchura ko habang nakatingin sa kanila para naman tigilan na nila ako.



“Oo nga, mukha ngang hindi ikaw ang prospect ni Laris. Ang lungkot ng itchura mo teh!” Buti napansin niya rin. Yan, hindi na manggugulo yan. Pero tinabihan pa rin ako ni Raiza. “Ano bang problema mo ngayon Atasha? Ang aga-aga, ang bugnutin na ng mukha mo.”



“Wala Raiza. Naiinis lang kasi ako sa sarili ko.”



“Bakit? Ano bang problema kasi? Family? Financial? Love?”



*sigh~*



“Friend.”



“Friend? Teka, bukod lang saamin diba si Zack lang ang friend mo dito sa TMU? May problema kayo ni Zack?”



“Long story Raiza. Pero oo, si Zack nga.”



“Teka nga, may kinalaman din ba ito kay Carly? Nagseselos ka noh.”



“Hindi ah…”



“Sus!!! Nag-deny pa pero ang haba naman ng nguso!” Feel ko naman ang pag-comfort saakin ni Raiza. Siya lang talaga ang ka-close ko na babae dito sa room eh. “Alam mo, yang mga ganyang love problems ang madaling solusyunan ni Kissing Bandit eh.”



“Talaga?” Bilib na bilib talaga siya kay ET! Walang magtatagal ang ilang pangungusap na mababanggit niya na hindi kasama ang Idol niya na yun.



“Sayang nga lang, may bago nang prospect si Laris.”



Hay naku Raiza, kung alam mo lang… ako nga ang bagong Prospect ni KB. pero ako man ang bagong prospect, problemado pa rin naman!!!
















Buong araw na yatang sira ang araw ko eh. Hanggang lunchtime, wala pa din akong gana. Wala akong balak talagang kumain kaso kinaladkad pa rin ako ni Raiza papuntang cafeteria. So ayun, papalapit na kami sa cafeteria, ang kaso…



“Bakit ang daming tao? May artista ba?”



“Baka may TMU famous dun sa loob!!! Dali pasok na tayo!!!” Kahit siksikan dahil talagang ang daming utaw ngayon dito, pinilit pa rin namin pumasok. Doon lang namin nalaman na wala naman palang TMU famous ngayon dito.



Kaya lang maraming tao ay dahil may literal na kaguluhang nagaganap.



“Ows talaga? Paano ka naman magiging prospect niya eh sa isang subject lang kayo magkaklase!!!”



“At feeling mo naman ikaw yung prospect? Pumayag ba siya nung lumapit ka sa kanya? Eh nung ako kumausap sa kanya, nagsabi siya na pag-iisipan niya kaya malamang ako na yun!”



“Para sabihin ko sayo, after kong kausapin si Kissing Bandit noon, saka na nagka-issue yung tungkol sa Prospect! So ano pa nga ba, pumayag na siya nun!!!”



“Nakakaawa kayong dalawa. Mapapahiya lang kayo dahil wala sa inyo ang pinili ni Laris noh!!! Ako last year ko pa siya kinausap tungkol dun!!!”



“Baka ikaw mapahiya!!! Wag kang masyadong umasa!!!”



“Ako na yun!!! Nakakatext ko na nga siya eh!!!”



Grabe!!! Bukod sa tatlong babaeng nagbabangayan ngayon, isinama pa nila ang mga kampon nila!!! Kaya naman pala ang daming tao at mas gumulo!!! Kanya-kanya sila ng kakampi eh.



Pinag-aawayan nila kung sino daw sa kanila ang bagong Prospect ni KB.



“Yang tatlong yan, nakasama din sila dun sa list na pinost ni TMU_Admin.” Pinakita ulit saakin ni Raiza yung list. At ni-research pa talaga niya yung profile nila!!! Syempre, included ako dun ha!



“AKO YUN!!!” Yan daw si Irene Sy. Matagal nang umaaligid yan kay Laris. Palagi siyang nakabuntot kay Laris dahil sa kagustuhan niyang ma-experience ang Kissing Legend.




“HINDI!!! AKO ANG BAGONG PROSPECT!!!” Yan naman si Leanna Gascon. Classmate at seatmate ni Laris sa isang subject lang naman. Kaya siya nasama sa list dahil panay din ang paglapit niya kay Laris.




“TUMIGIL NGA KAYO!!! AKO YUN!!! AKO LANG!!!” At si Tatiana Aguilar. Kaya lang daw siya nag-aral dito sa TMU ay para kay Laris. Kaya naman since last year pa nga siya naghahabol sa lalaking yun.




May napansin lang ako dun sa list ni TMU_Admin. Lahat kami pareho halos ng features. Mahaba na may pagka-wavy to kulot ang buhok at may bangs. Pansin niyo? Masabi lang na nagma-match sa nag-iisang picture na makapagsasabi kung sino talaga ang bagong Prospect ni Laris.





“Nawiwindang ako sa kanila.”



“Tsss!!! Sana wala sa kanilang tatlo ang Prospect ni Laris noh?”



Nakakahiya yung mga pinaggagagawa nila. Alam naman kasi nila na hindi talaga sila ang prospect pero pinagdidiinan pa nila na sila daw yun. Para ano? Para sumikat sila? At isa pa, “Pinag-aawayan nila si Laris samantalang hindi naman dapat.”



Nagulat na lang ako nang biglang tumingin saakin ang lahat. Napalakas yata ang boses ko.



“Teka…” Sabi nung isa sa mga kampon nung Leanna. “Ikaw!” Ako? Ako ang dinuro niya eh. “Diba kasama ka rin dun sa list na pinost ni Admin?”



Shet!!! Nakilala nila ako!!! Nakakaamoy ako ng mas malaking gulo.



 “Don’t tell me nandito ka rin para sabihin na ikaw ang bagong prospect?” Sabi naman nung isa sa mga kampon ni Irene.



“Hay naku!!! Ang friend naming si Tatiana ang prospect noh!!!” Yun naman ang singit ng kampon ni Tatiana. “Wag ka nang sumingit dito kung sino ka mang babae ka!!! Ang pangit mo kaya!!! Hindi kayo bagay ni Laris!”



“Teka nga, wala akong balak sumingit sa away ng mga kaibigan niyo ha!!!” Mga galunggong na ‘to!!! Sinasali pa ako sa away nila!!! Tsk! Ang mabuti pa gumora na ako dito bago pa man ako tuluyang masali sa kasiraan ng ulo nila.



“Oy teka!!! Anong sabi niyo sa kaibigan ko!!!”



Anak naman ng puto!!! Bakit naman biglang nasabat ‘tong si Raiza!!! Balak pa yatang makisaling-kitkit!!!



“Anong ibig niyong sabihin na wag isingit ang kaibigan kong si Atasha. Sa pagkakaalam ko, dahil isinama rin siya ni Admin, posible rin namang itong kaibigan ko ang bagong Prospect noh!!!”



“Ano ka ba Raiza? Bakit sumasali ka pa sa gulo? Tara umalis na tayo dito…”



“Naiinis kasi ako sa mga babaeng ‘to eh!!! Feeling nila sila lang may karapatang maging prospect!!! Kayo kaya mga panget noh!!!”



“Ang kapal ng mukha mo!!! Bakit, anong patunay na yang kaibigan mo nga ang bagong prospect ha!!!”



“Wala… eh kayo, anong patunay niyo na kayo nga talaga yun!!! Diba wala rin naman?”



“Eh sino nga ba sa kanilang apat ang bagong Prospect ni Kissing Bandit?” Ang singit nung isang nakiki-eps lang sa gulo.



“AKO!!! Ako kaya!!! Ako nga sabi yun!!! Manahimik kayo!!! Ako yun!!!” Wow ha! Sabay-sabay lang silang nagsasalita!



“Oh di kayong tatlo na para walang gulo.” Shetlungs! Nakakarindi sila sa tenga!!!



“HINDI!!! SI ATASHA YUN!!!”



“Raiza, parang awa mo na, pabayaan mo na sila…”



“Hindi Atasha!!! Hindi ako papayag na isa sa tatlong tipaklong na yan ang Prospect noh!!! They don’t deserve KB!!! Mas deserving ka pa sa kanila kaya kahit sabihin mong hindi ikaw ang Prospect, ikaw pa rin ang susuportahan ko.” Ang tapang ni Raiza. Bumi-best actress sa pagiging kaibigan ko!



Gustuhin ko mang ipagsigawan na AKO talaga yung Prospect, hindi ko naman masabi dahil nga yun ang bilin ni Laris. At tsaka baka lalong gumulo dahil kailangan ko pang patunayan yun!



Ilang sandali pa, yung sagutan nauwi na sa pisikalan. Naiinis nga ako wala pang nagtatawag ng guard para itigil ang gulo! Mukhang naeenjoy ng mga estudyante ng TMU ang cat-fight. Lahat din sila curious kung sino talaga ang prospect.



May sabunutan at kalmutan nang nagaganap at na-alarma talaga ako kasi lugi kami ni Raiza. Dalawa lang kami eh.



“HALA!!! Tama na!!!” Pinipilit akong abutin ng kalmot nina Irene, Tatiana at Leanna pero syempre sinasalag ko yung mga atake nila!!! Sabi naman kasi, ayoko ng gulo eh!!! “TAMA NA!!! AKO!!! AKO TALAGA ANG PROSPECT NI LARIS!!!”



Napatigil ang lahat sa isinigaw ako. “Inaamin ko na, okay? Kayong tatlo, wag na kayong magsinungaling para wala nang gulo. Alam niyo naman na hindi talaga kayo ang Prospect diba? Ako yun. Ako talaga yun.”



“Ikaw ba talaga yun Atasha?”



“Mamaya ko na ipapaliwanag. Tara, umalis na tayo dito…” Hinila ko si Raiza paalis… pero hindi pa pala kami makakaalis.



“Sinungaling ka!!!” Nagulat ako nang biglang magsanib pwersa yung tatlo at hinila nila ako pabalik dun sa gitna. Pinagtutulak at hampas nila ako. Nagwawala talaga sila sa sinabi ko. Mga sobrang baliw na kay Kissing Bandit at hindi nila matanggap na wala talaga sa kanila ang pinili ni Laris.



Pinipilit kong pumalag sa mga bayolenteng mangkukulam na ‘to kaso tatlo sila, isa lang ako. At hindi makatulong saakin si Raiza dahil kinukuyog din siya ng mga kaibigan nila.



Kapag ako o si Raiza ay nasaktan lang ng bonggang-bongga, papalunok ko sa mga ‘to ang spinal cords at pagbubuholin ko talaga mga intestines nila!!!



Isa…



Dalawa…



Tatlo…



Rawr!!!



Ay nanahimik bigla? Bakit nagsitigil ang lahat?



Nakng!!! Kung kelan naman handa na akong mag-amazona dito eh!!!



Bigla kasing may nagpakita sa eksena… “Manang pabili nga po ng mentos.”



Si… si Laris!!! Kaya pala parang sinusian na mga bunganga ng mga eskandalosa dito eh. Lahat sila nakatingin sa kanya samantalang siya naman, nakikinig lang sa music.



Mukhang naabutan nga niya yung kaguluhan kanina pero obviously sa cold-hearted and cold-blooded amphibian na ‘to, wala siyang pake kahit magpatayan pa lahat ng babae dahil sa kanya. Wala siyang pake kahit kasama pa ako doon.



“Sige nga, kung isa talaga sa inyo ang Prospect, lapitan niyo nga si Laris.” Sabat na naman nung dakilang eps.



Nagkatinginan kaming apat at alam kong kabado na sina Irene, Leanna at Tatiana. Mga dakilang sinungaling at feelingera din kasi!



“Go Atasha!!! Lapitan mo si Laris!!!” Nagtu-twinkle yung mga mata ni Raiza.



“Bakit ako?”



“Diba sabi mo ikaw yung Prospect!!! Dali na at nang mapahiya na yang mga timawang babae jan!” Saka ako tinulak ni Raiza at ginaya rin siya nung ibang tao sa paligid. Tinulak nila akong lahat hanggang sa mapalapit ako kay Laris.


Nagkaharapan na kami. Ang ackward nga eh. Tapos ang tahimik pa ng lahat. Pwede na ngang mag-insert ng cicada background noise ngayon eh.



“Um… La… Laris…”



“Tabi jan. Wag kang paharang-harang sa daan.” - (¬_¬)



“Ha?” - (_)



“May kailangan ka ba?”



“Laris, sabi ng babaeng yan siya daw ang prospect mo.”



“Oo nga!!! Totoo ba yun Laris?”



“Yang babaeng yan ba ang bago mong prospect?”



*dugdug*



“Sinabi ko na sa kanila na ako…”



“Male-late na ako sa next class.”



“Pe- pero…” Hindi man lang ba niya ako ipagtatanggol ngayon?



“I have no time for this.” At saka siya naglakad palabas dun sa cafeteria.



Mag-isa na lang akong nakatayo dun tapos feeling ko maglalaho na ako ng parang bula dahil sa kahihiyan at sa mga tingin nung mga usisero’t usisera!!!



“Alright, one down!!! Oh girl, baka ipagpilitan mo pang ikaw ang Prospect ha!”



“Kita mo na nga, inichapwera ka lang niya!”



“Kailangan pang mapahiya bago matauhan eh. Oy pero kayong dalawa, maghanda kayo at mapapahiya rin kayo!!!”



“Kayo ang mapapahiya dahil akong-ako ang Prospect!”



“Magtago na kayo kapag napahiya rin kayo!!! Makikita niyo!!!”



Napahiya na nga ako’t lahat-lahat, hindi pa rin sila natigil sa kakadakdak!!! Pero mabuti na rin yun para tuluyan na akong makaalis sa lugar na ‘to.



Paglabas namin…



“Atasha, ano ba talaga? Ikaw ba o hindi?”



“Nakita mo nga yung ginawa saakin ng kumag na yun diba? Sabi naman kasi sayo, hindi ako yung Prospect eh…”



“Saan ka na pupunta?”



“Uuwi na. Baka makapatay lang ako ng tao.”



Naku!!! Makikita ng nyetang Laris Howfer na yan!!!



Ano ba talagang plano ng syokoy na yun!!! Impakto siya!!! Ang sarap niyang pasaniban sa mga engkanto sa probinsya namin!!! Grrrrrrr!!!















Smile~



*click*



“Tsk!!!” Wala akong magawa ngayon dito. Ang aga ko kasi umuwi. Punyemas kasing KB yun, pinahiya ako kanina!!! Walang kwenta!!!



Ang mabuti pa, picture na lang muna ako.



Smile ulit~



*click*


Sheessssh!!! Ang hirap mag-pretend na masaya!!! Ang hirap ngumiti when in fact ito talaga ang itchura ko ngayon.


Oh diba? Badterp lang talaga ang lola mo eh! Lahat na yata ng tao sa paligid ko, nakakabad vibes! Sigh~



Pero gusto ko talagang ipamukha dun sa tatlong mongoloid na babae na hindi sila ang prospect. Ang fe-feeling kasi!!! Ang saya pa nila na napahiya ako at nabawasan daw yung mga karibal nila!!! Kung alam lang talaga nila!!!



Kung alam lang talaga nila…



Eh kung ipaalam ko kaya talaga sa kanila? Hmmmm…



*light bulb!*



“Pwede… pwede nga yung naisip ko!!! Ehehehehehehe!!! Humanda kayo!!!”



Hinalungkat ko yung cabinet ko. Nagbihis ako ng matinong damit. At pagkatapos nun, gagamitin ko ang talent ko in photography.



“Tignan ko lang kung hindi maglupasay ang lahat ngayon.”



*click, click, click, click, click*



“Asan kaya dito ang maganda… hmmm… uwaaaaaaaaah!!! Ito!!!”



Anti_Kissing_Bandit says…

“She’s the One”
Grabe ang kaguluhan kanina. Sino nga ba ang real prospect ni KB? Well, here’s the real deal. She’s the one!!!
Photobucket
Does she look like someone you know? Paki-kilatis ng maigi at wag naman sanang mag-feeling yung iba jan!

And please don’t ask about my credibility. Remember, ako ang unang nakaalam ng katotohanan. Saakin niyo rin unang malalaman kung sino siya.



After five minutes…



“Gosh, she doesn’t look like Irene!!!”



“Definitely not Leanna. Matangkad siya, pandak yun.”



“Totoo ba yan? Parang hindi niya rin kamukha si Tatiana!!! Akala ko pa naman si Tatiana na talaga!!!”



“Ano ba namang Anti ka!!! Bakit hindi mo na lang i-reveal kung sino siya!!! At paano ka nakakuha ng ganyang shot? Na-hack mo ba yung account ng Prospect ni KB?”



“I really don’t know what to think anymore… hindi kaya yung isang girl talaga yung Prospect? Yung Atasha ba yun?”



Yeah-yeah. That’s right!!! Wag kayong mga bungengot!!! Wala talaga kina Irene, Leanna o Tatiana ang nagsasabi ng totoo dahil ako ang nakakaalam ng katotohanan.



Siguro naman, napahiya na din yung tatlong yun. Serves them right!!!















*bug bug bug!!!*



Ano ba namang ingay yun? Inaantok pa ako…



*bug bug bug!!!*



Ang kulit naman!!! Sino ba yun?



Pagbangon ko, hinintay ko ulit yung kalabog pero wala naman na. Nananaginip lang yata ako eh.



*krrrooooogggg~*



Wahhhh!!! Tyan ko ba yun?



*krrroooooooooooooooooogggg~*



Aba’y tyan ko nga!!! Tinignan ko yung orasan at… “Hala!!! Ang tagal ko palang nakatulog!!!” Alas-dos ako naidlip kanina tapos ngayon alas-ocho na  pala!!! Kaya pala nagre-rebolusyon na mga alaga ko sa tyan eh. Gutum na gutom na ako. - =﹏﹏=



“Makapunta na ngang karenderia dun sa baba.” Kinuha ko wallet ko at lumabas na ng kwarto ko, kaso...



“HOY HOT PINK!!!”



“Ay hoy hot pink!!! Laris?”



“Kanina pa ako katok ng katok dito, ang tagal mo sumagot!!!” Siya pala may gawa nung sound effects kanina. “Ano yung ginawa mo ha!!!”



“Anong ginawa ko? Kagigising ko nga lang!!! Ngayon pa nga lang ako maghahapunan eh!!!”



“Yung pinost mo dun sa Anti_Kissing_Bandit! Bakit ka nag-post ng ganun!”



“Ah yun ba? Eh pakelam mo? Anti ako, ipopost ko lahat ng gusto ko!!! Eh ikaw, bakit mo ako pinahiya kanina ha!”



“Ginawa ko yun para wala nang maghinala sayo! Para wala nang manggulo sayo. Dapat nga magpasalamat ka pa.” Nakapamewang pa siya. “Pero dahil sa pinost mo, eh di balewala lang din yung pagkapahiya mo kanina. Mas lalo ka pang magugulo!!!”



Ha? Hindi ko siya ma-gets! Powtek naman, anong mali sa ginawa ko? Asar na asar lang naman ako kanina kaya ko nagawa yun.



 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 20


13 comments:

  1. the three girls are b*tches. sayang magaganda pa naman. iba pa rin ang ganda ni atasha.

    ReplyDelete
  2. BAKIT TAPOS AGAD
    BITIN NA BITIN
    KAYAAAAHHHH
    NAM O UD UD UD PO
    KAUNHAN AKO
    ^______^
    IMINLOVEWITHYOU124
    PO PALA

    ReplyDelete
  3. 3 Idiots. LOL
    Nakaka-asar yung tatlong palaka na yun! SI ATASHA ANG NEW PROSPECT!
    And hopefully, sana ay last prospect na. XD

    ReplyDelete
  4. ~angel is luv~

    ang feeling masyado nung tatlo! kayo ang mas mapapahiya kapag nalaman niyong si atasha talaga ang prospect! ito naman kasing si laris, anong plano mo bakit mo ginawa yun??..

    ReplyDelete
  5. kawaii,ang cute ni Leanna gascon.. pero mas maganda pa rin si atasha!she looks HOT in those pictures!.. haiii,ang gandang lalaki pa rin si laris,hindi nakakaumay.. shaks!.. na miss ko 'tong story na 'to..

    ReplyDelete
  6. Natatatawa lang ako dun sa tatlo, pinagaagawan na isa sa kanila yung bagong prospect eh si Atasha na nga yun XD haahahah XD

    ReplyDelete
  7. nkkimbierna n ung tatlong tipaklong n feelng nla cla ang prospect!! mganda p nmn ung leana eh.

    buti nmn mei ud n d2! nmiss q tlga ang gandng lalaki ni papa laris!

    ReplyDelete
  8. Kainis ung mga feelingrera >>.<< Atasha para sa akin angat ang beauty mo kaya kay Laris ka na lang whahahaha aisshhh nabwebweset talaga aq jan bitches na yan LOL

    >Doreen ;)

    ReplyDelete
  9. kakaloka yung tatlong biatches!!! pweh lang sa inyo!!! kay atasha pa rin kami!

    ReplyDelete
  10. si atasha pa rin ang pinakamaganda sa kanila.
    kaya siya ang prospect!

    mga echosera yung tatlo!

    ReplyDelete
  11. whahahahahha,,,,hehehehehe,,,hahahahahha,,,,ang kulit mo Atasya

    ReplyDelete
  12. Kaloka ang mga nag-aaagawan! hahahah.. ito namang si Laris hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip.

    ReplyDelete
  13. =_= stay calm ka ngalang dyan atasha..si Laris na nga daw bahala diba?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^