Sunday, July 15, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 20

CHAPTER TWENTY



       MUKHANG napaaga yata ang punta ni JiYeon sa park dahil wala pa si MinHo doon. Naupo sya sa swing saka kinuha ang cellphone sa bag nya para tingnan kung nag-text ba si MinHo. Idinuyan nya ang sarili nya habang binabalikan nya ang mga masayang nang-yari kaninang umaga. Nagulat na lang sya ng may biglang lumitaw na bulaklak sa harapan nya galing sa likuran. Nilingon nya kung sino iyon, napangiti sya ng makitang si MinHo pala ito.

     "Congratulation!"bati nya. Inabot ni JiYeon ang bouquet of roses. 

     "Salamat."aniya.

     "Upo muna tayo."kinuha nya ang kamay ni JiYeon at hinatak papunta sa bench. Nang makaupo ay may kinuha sa bag si MinHo. Nag-labas sya ng cup cake at isang maliit na kandila. Nag-labas din sya ng posporo. Tinusok nya ang kandila sa maliit na cup cake saka sinindihan ito. Na-touch naman si JiYeon sa ginawa nya. "Congratulation cake. Pasensya na ganito lang. Wala na kasi akong time pa bumili ng malaki. Kinuha ko lang yan sa miryenda sa shoot kanina."paliwanag pa nito. Natawa naman si JiYeon.

     "Okay lang. Salamat."saad niya.

     "Masaya ka ba?"pag-kuway tanong ni MinHo. Tumango si JiYeon na may mga ngiti sa labi.

     "Sobra na 'to. Alam kong gusto mo makabawi. Pero sobra sobra na naman yung ginagawa mo. Kaya salamat."yun parin ang nasa isip ni JiYeon. Na kaya lang ganun umarte si MinHo dahil sa guilt.

     Unti unting sumeryosos ang mukha ni MinHo, naupo ito ng maayos. Inilapag nito ang cup cake sa upuan. Tiningnan pa nito ang mga kuko bago nag-salita. "Naalala mo ba nung una tayong mag-kita?"tanong nya.

     "Oo naman! Hinding hindi ko makakalimutan yun. Mahalaga yun sakin."mahinang sabi nya sa huli pero narinig parin ni MinHo. Natawa ito.

     "Galit ako nun. Wala ako sa mood. Kaya nasungitan kita. Ang lakas ng pintig ng puso ko nun."anito.

     "Ako din e."saad naman ni JiYeon sa isip.

     "Kinaiinisan talaga kita nung una. Nainis nga ako nung tumira ka sa dorm. Lagingkasing  tumitibok ang puso ko sa galit pag-nakikita kita. Ayaw ko ng ganung pakiramdam. Pero lumipas yung mga araw na nakasanayan ko rin yun.Hanggang sa nagustuhan ko na rin."napailing sya sa tawa. "Umabot pa nga sa punto na gusto ko lagi ka lang nasa tabi ko kasi gusto ko maramdaman yung ganung tibok."tumingin sya kay JiYeon. Nakikinig lang ito. "Hindi ko na maintindihan ang sarili ko nun. Gusto ko si HaRa pero mas gusto kitang kasama."pag-amin nya. Napayuko si JiYeon ng marinig ang pangalang HaRa.

     "Yung mga panahon na kailangan kita. Hindi ka nawala sa tabi ko. Hindi mo ko iniwan."sumiryoso ulit ang mukha ni MinHo. "Pero nung araw na nalaman kong umalis ka dahil sakin. Nagalit ako sa sarili ko. Na-realized ko nun na hindi ko dapat sinasaktan ang taong alam ko na may totoong nararamdaman sa kin."ramdam ang sakit sa mga sinasabi nito. "Nung nawala ka marami akong na-realized sa sarili ko, sa nararamdaman ko."tumayo sya, sinundan lang sya ng tingin ni JiYeon. Lumapit ito sa harapan nya at lumuhod.  Nagulat naman si JiYeon. Iyon na ang pangalawang beses na lumuhod sa harapan nya si MinHo. "JiYeon."wika nya, matagal nyang tinitigan si JiYeon at walang ano ano ay inilapit nya ang mga labi nya sa labi ni JiYeon. Nang-laki ang mga mata ni JiYeon sa gulat, hindi nya inaasahan yun. Maya maya ay napapikit na sya at napaluha. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Isa lang ang nasa isip nya ngayon, mahal nya si MinHo at hindi nya ito kayang iwan.

     UMAABOT hanggang tenga ang ngiti ni JiYeon nang makauwi sya sa bahay. Nag-tataka syang sinalubong ng ate nya.

     "Ano ba yan?"kunot nuo nitong tanong.

     "Hu? Ah-wala."utal nyang saad.

     "Oh, basahin mo."iniabot ni Eun ang isang sobre kay JiYeon.

     "Ano 'to?"kunot nuong tanong nito.

     "Tungkol sa scholarship mo."

     "Ah-unni."naiilang nitong wika. "Nag-desisyon na kong hindi tanggapin yung scholarship."anunsyo nito na talaga namang ikinagulat ng ate nya.

     "Ano? Bakit? Sayang naman yan!"may halong galit nitong sabi sa kapatid.

     'Alam ko pero yun na ang desisyon ko."paninindigan ni JiYeon. Bumuntong hininga si Eun.

    "Bakit? Dahil kay MinHo ba? Akala mo hindi ko alam na parati ka nyang hinahatid sundo dito sa bahay? Bakit kayo na ba?"galit na ito ngayon. Tumango si JiYeon. Lalong nadagdagan ang galit ni Eun kaya napasigaw na ito . "Hanggang kailang ka ba mag-sasakripisyo ng pangarap mo para kay MinHo?! Nung una yung pag-aaral mo sa, ngayon naman yung scholarship mo sa ibang bansa! Gumising ka nga! Hindi habang buhay mag-kasama kayo ni MinHo! Unahion mo naman ang sarili mo!"anito.

    "Okay naman ang turo dito sa atin unni e. Pangako gagalingan ko."dahilan nito sa kapatid.

    "Oo nga! Okay ang turo dito. Pero iba parin ang yung sa ibang bansa!"napasapo sa nuo si Eun.

    "Pero unni-"

    "Kung mahal ka ni MinHo kaya ka nyang hintayin!"putol nito sa sasabihin ni JiYeon. Ilang saglit pa ay sumuko na ito sa diskusyohan nila at iniwang mag-isa sa salas si JiYeon. Pabagsak syang naupo sa sofa at napasapo din sa nuo.

    Hindi na tuloy nya alam kung ano ang gagawin nya. Sa totoo lang gusto din nyang mag-aral sa ibang bansa pero hindi nya kayang iwanan si MinHo. Hindi nya alam kung ano ang pipiliin nya. At isa [pa hindi din nya alam kung paano nya ipapaliwanag kay MinHo ang lahat, maiintindihan ba lahat yun ni MinHo? Paano na?

     Wala syang kaalam alam na nasa labas pa pala si MinHo ng bahay nila ng mga oras na nag-de-diskusyuhan sila ng kapatid nya tungkol sa scholarship nya. Kaya dinig nito ang lahat ng pinagtalunan nila. Nabigla si MinHo, nakaramdam sya ng lungkot at guilty na baka kapag hindi nya pinakawalan si JiYeon ay mag-sisi ito pero gaya ni JiYeon hindi din nya kakayanin kung mawawala ito sa kaniya. Ngayon, kailangan  yang mag-desisyon at pag-isipan ng maayos ang lahat.

     NAABUTAN ni MinHo si Onew sa veranda ng maisipan nyang mag-pahangin muna. Tumabi sya dito, nilingon naman sya saglit ni Onew.

     "Gising ka pa?"bungad ni MinHo.

     "Uhm. Hindi ako makatulog e."sagot naman ni Onew. "Ikaw, bakit gising ka pa?"balik tanong nya kay MinHo.

     "Di rin ako makatulog."nag-kibit balikat lang si Onew. Ilang saglit ay muling nag-salita ulit si MinHo. "Anong gagawin mo kapag nalaman mong kailangang umalis ng mahal mo dahil may pangarap syang dapat tuparin pero ayaw mo syang mawala?"tanong nito kay MinHo. Muling itong napalingon sa kaniya.

     Matagal nyang inaral ang mukha ni MinHo bago nangiti at sinagot ang tanong niya. "Pakawalan mo."simpleng sagot nito. Ngayon si MinHo naman ang napalingon sa kaniya. "Kung mahal mo sya gagawin mo kung ano yung makakabuti sa kaniya."may punto nga naman si Onew. "Sino ba yan? Si JiYeon ba?"biglang tanong ni Onew na muli namang ikinagulat ni MinHo.

     "Hu?Ah-Oo."nahihiya nitong pag-amin. Wala na rin naman syang maitatago sa  leader nila. Mukhang kilala na talaga nito ang bawat isa sa member ng SHINee.

     "Saan ba sya pupunta?"

     "Hindi ko pa alam kasi narinig ko lang naman. Pero may scholarship na offer sa kaniya para mag-aral sa ibang bansa."wika ni MinHo.

     "Ganun ba? Sayang yun kung hindi nya pupuntahan."humukab si Onew. "I'm sure kaya nyo naman hintayin ang isa't isa eh. Gawin nyo muna kung ano yung nararapat ngayon. Ikaw hindi lang sa new album natin mag-tatapos career mo dahil alam ko na marami pa tayong album na gagawin. Si JiYeon, siguradong mas magandang career ang pwede nyang makuha kung tutuloy sya sa pag-aaral sa ibang bansa."tinapik ni Onew si MinHo sa balikat. "Dapat nyong isipin yung mga pwedeng mamngyari sa bawat actions na gagawin nyo."ngumiti si Onew bago tumayo. "Matutulog na ko. Ikaw?"paalam nito.

     "Sige, sunod na ko."sagot ni MinHo. Mukhang nakatulong naman si Onew sa kanya dahil kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam nya at kahit paano ay alam na nya ang gagawin nya. "Leader!'pahabol nyang tawag. Papasok na nun sa pinto si Onew ng linguni sya. "Salamat."wika ni MinHo. Ngiti lang ang isinagot ni Onew at tuluyan na itong pumasok sa loob.

     Tama si Onew, kailangan nya munang pakawalan si JiYeon pangsamantala. Para din naman na kapakanan ni JiYeon iyon. Gusto din naman nya makitang successful ito. At isa pa oras na rin para unahin naman ni JiYeon ang sarili nya gaya nga ng sinabi ng ate nya kanina. Kailangan nya munang gawin iyon alang alang kay JiYeon.





1 comment:

  1. nkktouch n tlga ang mga nangyyri! kunukurot ang puso q! uwaaaaaaah! wla aq msabi!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^