Tuesday, July 3, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 10


CHAPTER TEN



        KINAGABIHAN, NAPAHINTO sa pag-iimpake si JiYeon ng may marinig syang kumakatok sa kwarto nya. Pag-bukas nya ay bumulaga sa kanya si Onew. "Onew."sabi ni JiYeon.


       "Pwede ba tayong mag-usap?"yaya nito.


       "Sige."lumabas ng kwarto si JiYeon at nag-tungo sila sa balkunahe. Naupo silang pareho sa bench.


       "Pasensya ka na hu?"paninimula ni Onew. Kumunot naman ang nuo ni JiYeon.


        "Para saan?"tanong nito.


        "Ako kasi ang nag-request kay Mr. Kim na ikaw ang sumama kay MinHo. Nag-aalala kasi ako sa kanya. Baka kung ano nanaman ang gawin nya doon. At least kasama ka nya alam kong safe sya."paliwanag ni Onew. Ngumit si JiYeon.


        "Okay lang yun."


        "JiYeon, pwede bang sabihin mo sakin kung ano ang pinag-dadaanan ni MinHo ngayon? Kasi hindi ko sya maintyindihan e."pag-kuway wika ni Onew.


        Hindi agad nakapag-salita si JiYeon. Hindi kasi nya alam kung sasabihin ba nya dito ang totoo o hindi. Pero nangako sya kay MinHo. Ayaw nyang masira ang tiwala nito sa kanya. Naaawa sya kay Onew dahil mukhang despirado na itong malaman ang dahilan kung bakit nag-kakaganun si MinHo.


        "Uhm-Onew."wika ni JiYeon. "So-sorry. Nangako kasi ako kay MinHo na hindi ko sasabihin kahit kanino ang napag-uusapan namin e."nahihiyang saad ni JiYeon. Sandaling hindi naka-react si Onew pag-kuway ngumiti ito.


        "Naiintindihan ko."napayuko ito at natawa. "Nakakatawa. Mas pinili ka nyang pag-katiwalaan kaysa sa aming ilang aon na nyang nakakasama. Sa tingin ko mas komportable sya sayo."anito.


         "Sorry."yun na lang ang nasabi ni JiYeon.


         Muling natawa si Onew tapos ay tiningnan nito si JiYeon. "Dumudugo nanaman sugat mo."sa sobrang stress ng mga pang-yayari ay nakalimutan na ni JiYeon na pati pala sya ay may mga sugat rin. Kinuha ni Onew ang plastic na may gamot sa bulsa ng jacket nya.


        "Ano ba yan?"natatawang saad sa kaniya ni JiYeon. Hindi sya sinasagot ni Onew, tahimik lang nitong binubuksan ang betadine, sunod ang cotton buds. Tapos ay marahan nyang inalis ang gauze na may dugo sa pisngi ni JiYeon, npapailag naman sa sakit si JiYeon. Muli nyang kinuha ang betadine at cotton buds na ipinatong nya sa upuan saka marahang nilagyan ang sugat ni JiYeon. "Halata sa mga sugat mo na stress ka."saad ni Onew.


        "Hu? Hindi naman no!"tanggi pa ni JiYeon pero ang totoo ay stress na talaga sya. Ngumiti lang si Onew sa sagot nya. Muling dumukot si Onew sa bulsa, this time ay apat na pirasong gauze iyon at isang micropore tape. "Parang kang si Doraemon dahil dyan sa bulsa ng jacket mo ah."biro pa ni JiYeon. Bahagya namang natawa si Onew. Nang matapos na ni Onew na ikabit ang gauze ay sunod namang tinanggal nya ang nasa braso ni JiYeon.


         "Gusto mo ba si MinHo?"biglang tanong ni Onew sa kanya. Hindi naman malaman ni JiYeon kung ano ang isasagot. Uncomfortable question iyon to the point na hindi sya makatingin ng diretso kay Onew ng sulyapan sya nito. "Sabi sa isang drama na napanood ko, ang isang tao daw na handang masaktan para sa lang sa isang tao ay matatawag na isang pag-mamahal."mapos mag-lagay ni Onew ng betadine ay nilagyan na nya ito ng gauze.


          "Ta-talaga? Ang hilig mo talaga sa dama."naiilang na sadd ni JiYeon. Muli nanamang natawa si Onew.


          "Marami ka rin kasing matututunan sa drama."pag-kasabi niyon ay lumuhod si Onew sa harapan nya para mapalitan din ang gauze na nasa tuhod nya. Para kay JiYeon ay wala iyong dating hindi katulad noon kay MinHo na halos umabog ang puso nya sa kaba. Nang matapos na si Onew ay muli itong naupo.


           "Salamat hu?"nahihiyang sabi ni JiYeon sa kanya. Ngiti lang ang sinukli ni Onew. Ilang saglit pa ay muling nag-salita si Onew.


           "Alam kong may nararamdaman ka para kay MinHo."iniangat ni Onew ang paningin sa langit. Tahimik lang at walang comment namang nakikinig sa kaniya si JiYeon. "Kailangan ni MinHo ng makakaintindi sa kaniya ngayon. At ikaw yun JiYeon."nilingon nito si JiYeon. "Kaya sana wag kang mag-sawa na umintindi sa kanya."anito.


            Kahit hindi na sabihin ni Onew ay iyon ang gagawin ni JiYeon. Lahat gagawin nya para lang kay MinHo. Kahit pa humabol sya ulit ng bus ay gagawin nya para lang dito. Kabaliwan iyon para sa iba pero sa kanya yun ang tunay na pag-mamahal.


            Pag-mamahal? Tama, mahal na nga nya si MinHo. Nabigo sya sa pangako sa mga kaibigan at sa sarili nya na hindi sya mai-in-love kay MinHo. Pero ito sya ngayon. Truly, madly, deeply in-love with MinHo. Anong gagawin nya? Tuluyan na talaga syang bumigay kay MinHo. All she can do now is to continue. Alangan namang huminto pa sya? Naumpisahan na nya, nasaktan na rin sya, e di ituloy nya na lang. Good man o bad ang maging resulta sa huli at least sinubukan nya. Hindi nya tinakasan.


            Hindi pansin ng dalawa na kanina pa pala nasa likurano nila si MinHo. Narinig nito ang mga pinag-usapan nila. Mabuti na lang at walang confession na nang-yari dahil kung hindi ay mabubuko si JiYeon. Umalis din agad si MinHo nang makita nyang nag-kakasayahan ang mga ito. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa ng maramdaman nyang nag-vibrate ito. Isang text message galing kay HaRa.


          "MinHo, napanood ko yung news. Anong nang-yari? Okay ka lang ba? Mag-kita tayo."sabi sa text. Pero hindi ito pinansin ni MinHo sa halip ay nag-patuloy ito sa pag-lakad papasok sa kwarto nito.


         MAAGA SILANG nagising kinabukasan dahil iyon ang araw na pag-alis nila JiYeon at MinHo papuntang probinsya. Doon muna sila hanggat maiinit ang issue at hanggat hindi bumabalik sa katinuan si MinHo.


        Lumapit si Onew kay JiYeon. "Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako."tumango si JiYeon sa kaniya.


        "Salamat."walang kagana gana silang tiningnan ni MinHo saka nag-patinuna na itong sumakay sa sasakyan.


        Si Mr. Kim ang nag-hatid sa kanila, at habang nasa byahe ay panay ang paalala nito sa dalawa lalo na kay MinHo. Ilang oras pa ay nakarating na sila sa destinasyon nila. May kalayuan ito sa syodad at puro bundok ang makikita mo. Pumasok sila sa isang malawak na hacienda na napalilibutan ng mga punong kahoy at mga palayan.  Nakaka-refresh ang simoy ng hangin, tama lang na doon muna mag-stay si MinHo para naman ma-refresh nito ang sarili.


        "Sige, kailangan ko nang bumalik agad doon. Walang kasama ang SHINee. JiYeon ikaw na munang bahala kay MinHo. Nariyan naman si Ate Lin. Sya na bahala sa inyong dalawa."itinuro pa nya ang may edad nang babae na kanina pa nag-hihintay sa kanila sa labas ng mansyon. Ngumiti pa ito sa kanila.


        "Ipag-hahanda ko muna kayo ng makakain. Mukhang gutom kayo e."wika pa ni Lin. Nag-mamadali itong pumasok sa loob.


        "Sige po Mr. Kim. Salamat."aniya ni JiYeon sa sinabi ni Mr. Kim. Tuluyan na ngang umalis si Mr. Kim at sa loob lamang ng ilang minuto ay si JiYeon na at MinHo ang mag-kasama. Bumuntong hininga muna si JiYeon bago nag-salita. "Ang ganda dito no? Maraming punong kahoy kaya nakaka-refresh."pero hindi sya pinansin ni MinHo. Lumakad lang ito papasok sa loob ng mansyon na hindi man lang binitbit ang maleta nito. Si JiYeon tuloy ang nag-dala para sa kaniya.


         Mag-hapon lang na nasa loob ng kwarto si MinHo. Ni hindi ito lumalabas , ilang beses itong niyaya ni JiYeon para kumain pero hindi sya nito iniimik. Pag-dating ng gabi ay sinubukan paring yayain ni JiYeon na kumain ngunit wala talagang ipekto. Naroon lang ito nakahiga sa kama. Talagang sobrang naapektohan ito sa nakitang pag-tataksil sa kaniya ni HaRa. Masakit talaga para kay MinHo iyon lalo pa at si HaRa ang first love nya.


         Sa mga oras na iyon ay gugustuhin na lang ni MinHong mawala sa mundo. Hindi nya lubos maisip kung bakit ba nagawa sa kaniya iyon ni HaRa. Ibingay nya naman ang lahat dito. Naging mabuting boyfriend naman sya dito pero bakit ganun? Sa huli ang pinili parin ni HaRa ay ang ex nitong niloko lang ito. Muli nanaman itong napaiyak sa isiping iyon. Dali dali nyang pinunasan ang mga luha ng may kumatok. Si JiYeon iyon may dalang medicine bag.


        "MinHo. Natutulog ka na ba? Sandali lang. Lilinisan ko lang yung mga sugat mo."masayang wika ni JiYeon. Kailangan nyang maging masaya para kay MinHo.


        Bumangon sa pag-kakahiga si MinHo, doon lang pumasok sa loob si JiYeon. Naupo ito sa tabi nya at inumpisahan ng alisin ang mga gauze na puno ng dugo. Natatawa naman si JiYeon sa reaksyon ng mukha ni MinHo sa tuwing tatanggalin nya ang gauze. Dahil napapapikit si MinHo at napapailag. Sa inis ni MinHo ay hindi na nito napigilang mag-salita.


        "Ano bang tinatawa tawa mo? Masakit na nga e!"reklamo nito.


        "Wala, nakakatawa lang kasi yung mukha mo."aniya ni JiYeon.


        "Haist!"yun na lang ang nasabi ni MinHo. Nang matapos si JiYeon ay sinubukan nya uling yayaing kumain si MinHo.


        "Ayaw mo bang kumain?"


        Parang batang bumalik ito sa pag-kakahiga at isiniksik ang sarili sa kama. "Ayaw kong kumain. Pwede ka nang lumabas sa kwarto ko kung tapos ka na."anito. Bumuntong hininga na lang si JiYeon at sinunod ang gusto nya.


        Malungkot si JiYeon ng pumasok ito sa kwarto nito. Iniisip nya kasi kung paano nya maibabalik sa dati si MinHo. Nami-miss na nya ang ka-sweet-an nito, ang mga ngiti nito. Inaalala nya din ang naiwang career nito. Hinihiling nya lang na sana makabalik na ito sa dati. Na sana maka-bangon ito sa pag-subok na dinadanas nito ngayon.









3 comments:

  1. gaya ng feelng ni jiyeon d2 s story, gnun din ang nrrmadaman q! ope evrything will all be fine!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^