Monday, June 25, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 3


CHAPTER THREE
       
         Hindi alam ni JiYeon kung paano nya io-open sa ate nya ang biglaang pag-hired sa kaniya bilang Road Manager ng grupong SHINee. Knowing her ate, talagang magagalit ito kapag pinag-palit nya ang pag-aaral nya para sa trabaho na three months lang ang kontrata. Napag-desisyonan na kasi nyang i-give up muna ang pag-aaral nya sa hindi lang para maging Road Manager kundi para makasama si MinHo at iparamdam dito na naroon sya sa tabi nito. Gusto nyang i-comfort ito ngayon dahil nga sa balitang narinig nito sa kaibigang si Mina. Isa pa iyon sa pino-problema nya ngayon. Nasi-stress na sya sa kakaisip. Maya maya pa ay dumating na si Eun.


       "Oh? Kanina ka pa? Kamusta yung Meet and Greet?"bungad agad ni Eun. Nakahanap agad ng tyempo si JiYeon.

 
        "Ano kasi-"nauutal pa ito. "Unni."tawag nya sa kapatid.

 

        "Ano ba yun?"

        "Kanina kasi may biglaang trabaho na in-offer sa akin. Road Manager ng SHINee."paunang saad nya. Natahimik lang si Eun. Mukha kasing alam na nito ang isasagot ng kapatid. "Kasi unni-"

 
        "Tinanggap mo yung trabaho, alam ko."wala talaga syang maitago sa kapatid nya dahil kahit hindi sya mag-salita ay alam na nito ang sasabihin nya. Si JiYeon naman ang natahimik. "Paano ang pag-aaral mo? Diba gusto mo maging Fashion Designer? Ang layo ng Road Manager sa Fashion Designing. Anong balak mo ngayon?"hindi inaasahan ni JiYeon na kalmante ang ate nya ngayon.

 
        "Napag-desisyonan ko na hindi muna ako mag-e-enroll ngayong first semester. Three months lang naman yung contract ko. Substitute lang naman kasi ako. At least kahit papano makakapag-ipon ako ng pang-tuition ko."paliwanag ni JiYeon. Inamo pa nito ang kapatid sa sweldong iipunin nito sa pagiging Road Manager.

 
        Bumuntong hininga si Eun. "Gusto mo ba talaga yang pinasok mo?"seryosong tanong nito.

        Sa totoo lang pumayag sya dahil kay MinHo hindi dahil sa gusto nya ang trabaho. Pero kailangan nyang patunayan sa kapatid nya na may good thing din sa naging desisyon nya although she sacrifice even her study para lang makasama si MinHo. At ang pag-iipon nga ng sweldo nya ang mag-papatunay nun.

 
        Tumango si JiYeon sa tanong ni Eun. "Alam mo parang writer ang pag-de-desisyon. Pag may naisip kang idea, hindi naman agad agad isusulat mo, kailangan pag-iisipan mo muna kung ano ano ang mga pwedeng mangyari at kung ano ang magiging resulta ng idea mong yun sa huli."makabuluhang saad ni Eun. "Pag-isipan mong babuti hindi yung tanggap ka ng tanggap agad. Isipin mo muna kung makakabuti ba sayo o hindi. At kung maganda ba ang kalalabasan nito sa huli."anya ng ate nya na ngayon ay nag-hahain ng makakain nila. "Once na nasimulan mo na yan hindi ka na pwedeng bumalik pa. Dalawa lang naman ang laging resulta ng peg-de-desisyon, ang isa ay success at ang isa naman ay failure. Lets see kung ano ang magiging resulta ng sayo."nang-hahamong wika ng ate nya. Sinabi iyon hindi para i-down si JiYeon kundi i-challenge ito na kailangang patunayan nito na hindi ito mabibigo sa desisyon nito.


        Masaya naman si JiYeon dahil sinoportahan sya ng ate nya kahit na alam nyang gustong gusto nitong mag-aral sya. Ngayon ang dapat nya na lang gawin ay mapatunayan na talagang tama ang naging desisyon nya kahit na seventy percent na dahilan nito ay si MinHo. Marahil nga nahihibang na sya for sacrificing everything. Pero iyon ang ikasisiya nya. Kaya wala na syang pakialam kung ano pa ang sabihin ng iba. Ang mahalaga malapit sya kay MinHo at maipadama nya dito na nariyan lang sya sa tabi nito.

 
        Hindi makapaniwala ang mga tingin nila Aiko at Mina sa kanya nang mag-kita ang mga ito sa coffee shop kinabukasan bago dumiretso si JiYeon sa dorm ng SHINee.

 
        "Grabe! Makakasama mo na ang SHINee araw araw! Ang swerte mo naman!"saad ni Aiko na may ingit sa tono ng boses.

 
        "Pero, girl. Worried lang ako sayo. Mahirap umasa. Baka masaktan ka lang sa huli."malungkot na singit ni Mina.


        Sumangayon naman si Aiko. "Oo nga. Kasi parang hindi na pag-hanga yang nararamdaman mo sa kanya e."sabi ni Aiko saka higop sa frappuccino nya.


        "Ano ba kayo! Idol ko lang talaga sya! Diba sinabi ko naman sa inyo gusto ko lang maging isa sa mag-co-comfort sa kanya at isa pa gusto ko rin yung trabaho ko."deep inside ay hindi naman iyon ang nararamdaman nya. Hindi nya alam bakit naging denial queen sya ngayon. Marahil nahihiya syang umamin sa dalawa tungkol sa totoo nyang dahilan.


        "Okay. Pero worried lang kami na baka nga umasa ka at sa huli masaktan ka."muling paalala ni Mina.


        "Hinanda ko na sarili ko dyan. Promise. Sa one hundred days na pag-sasama namin hindi ako mai-in-love sa kanya. Pero gusto ko sya. Alam ko masasaktan ako pero carry yan te. Dont' worry."nangako pa ito.


       "Promise mo samin yan hu? Baka naman hindi ka nga kay MinHo ma-in-love pero kay Key Oppa naman pala?"nakuha ng mag-biro ni Mina. Nag-katawanan naman sila ni JiYeon.


       "O kaya naman kay TaeMin Oppa ka ma-in-love!"parang nag-mamakaawa si Aiko na wag iyon gawin ni JiYeon. Tinapik sya nito sa braso.

     
       "Ano ka ba! Ilang taon ka na ba? Ang bata bata pa ni TaeMin! Child abuse ka!"biro naman ni JiYeon kay Aiko.


       "Eighteen pa lang naman ako e!"depensa pa nya sa sarili.


       Nang matapos ang bonding nilang tatlo ay dumiretso na si JiYeon sa binigay na adress ni Mr. Kim ang manager ng SHINee. Hindi kasi sya masusundo nito dahil may mga aasikasuhin ito ngayong araw. Pero sabi niya ay naroon naman ngayon sa dorm ang SHINee. Isang oras lang ang byahe mula sa pinanggalingan nya hanggang sa dorm. Actually hindi sya matatawag na dorm. Isa syang bahay na hindi naman kalakihan. May pinta itong combination ng pink and yellow. Ito ang pinaka-makulay na bahay sa lahat nga naroon sa lugar nila. May wood gate bago ka makapasok sa loob. Tapos ay may garden ito sa tapat ng mag-kabilang ng bahay. Makikita mong glass house ang pader sa baba at sa taas ay may malawak na balkunahe.


      Pinindot nya ang doorbell, nagulat pa sya ng may mag-salita sa maliit na speaker. "Sino yan?"masayang tanong ng lalaki. Mukhang si TeaMin iyon.


      "Si-si JiYeon 'to."nahihiya pa syang mag-pakilala.


      "Noona! Sandali lang!"mas lalong sumaya ang boses ni TaeMin. Ilang saglit pa ay bumukas na ang gate. Dahan dahan syang pumasok, napa-pikit nya ng may sumalubong sa kanyang tubig galing sa hos. Nabitawan nya ang hawak na maleta sa bigla.


      "Noona-"natigilan si TaeMin ng makitang basa si JiYeon. Agad syang napatingin kay MinHo at sa hawak nitong hos. Nang mapansin ni MinHo na nakatingin sa kanya ang lahat ay binitawan nya ang hos at umarteng wala syang alam sa nang-yari.


      "Ano bang ginawa mo?"natatawang tanong ni JungHyun sa kanya. Kinuha ni Onew ang tuwalyang naka-patong sa balikat nya saka lumapit kay JiYeon at ipinatong ang tuwalya sa likod niya tapos ngumiti.


      "Pasensya ka na kay MinHo. Hindi ka lang siguro nya nakita."ito na ang humingi nga pasensya para kay MinHo.


      "Ayos lang."sagot nya, ang totoo na inis sya. Pero si MinHo yun e. Kaya nyang patawarin ito ng paulit ulit.


      "Pasok ka muna sa loob. May inihanda kaming kaunting makakain para sayo."yaya naman ni Key, nag-patiuna pa itong pumasok sa loob kasunod si Onew, JiYeon at TaeMin. Natatawa namang napailing si JungHyun kay MinHo bago sumunod sa lima. Niwan namang blangko si MinHo.


       Nag-handa nga sila ng pag-kain para kay JiYeon. Na-touch naman dun si JiYeon. Karapat dapat talagang tawaging idol ang mga ito dahil hindi lang sa camera umaarteng mababait ang mga ito kundi maging behind the  scene ay ganun sila. Lalo nya tuloy hinangaan ang SHINee. Pero si MinHo kaya? Ano kaya ito pag hindi sya nakaharap sa camera? Mabait din ba sya tulad ng mga 'to? Masayahin din ba 'to gaya ni TaeMin? Gano kaya ka-totoo yung nabalitaan nya kay Mina na may kakaiba kay MinHo ngayon? Iyon ang gusto nyang malaman.


        Pumasok si MinHo na kumakain na ang lima. Walang imik lang itong naupo sa tabi ni JungHyun katapat ni JiYeon. Tiningnan pa ito kay JiYeon bago kumuha ng kakainin nito.


        Sa ginawang iyon ni MinHo ay biglang nakaramdam ng paninikip sa dib dib si JiYeon. Hindi sya makahinga, iba talaga ang charisma ni MinHo. Nawawala sya sa sarili, kaya tuloy hindi nya napansin na maanghang pala ang sauce ng rice cake na kinain nya. Napasamid sya sa anghang.


       "Ang anghang!"anya. Nakita nyang natawa si MinHo sa kanya, agad namang tinikman ni Key at JungHyun ang rice cake na kinain nya. At ganun din ang naging reaksyon ng dalawa.


       "Okay ka lang noona?"wika ni TaeMin, ito na lang ang nag-bigay ng tubig sa kanya. Hindi nakasagot si JiYeon, maanghang kasi talaga ang nakain nya. Natigilan si JiYeon ng abutan sya ng tubig ni MinHo pero si JungHyun ang kumuha nga baso. Medyo nainis ni JiYeon dahil para sa kanya dapat iyon. Pero ayos lang kasi kahit paano ay nag-pakita ng concern si MinHo sa kanya. Gusto sana nyang mag-pasalamat pero hindi sya makapag-salita.


        "Naku! Pasensya na. Mukhang naparami ang lagay ko ng chilly paste."pag-hingi ng pasensya ni Onew.


        "Aist! Hindi ka talaga mapag-kakatiwalaan sa pag-luluto!"inis na sabi sa kanya ni Key. Ngiti lang ang sinagot ni Onew kay Key.


       "Ikaw ang mag-hugas ng plato kasi kasalanan mo kung bakit hindi makain ang rice cake."nagulat si JiYeon dahil nakakapag-biro naman pala si MinHo at nakakangiti naman. Ano yung sinasabi ng mga fans nila na may kakaiba sa kanya ngayon. Bigla tuloy siyang naguluhan. Minsan O.A talaga ang mga fans. Mukhang okay naman si MinHo. Halata namang wala syang dinadamdam ngayon. At least, masaya na si JiYeon na makitang okay naman si MinHo.


       Matapos nilang kumain ay nilibot si JiYeon ng mga ito sa loob ng bahay hanggang sa kwarto nya. Napagigitnaan ni Onew at MinHo ang kwarto nya samantalang mag-katabi naman sina Key at JungHyun. Katabi naman ni TeaMin si Onew. Bukod tanging si MinHo lang ang walang katabi. Hindi rin kasi sya sanay na may katabi.


      Si JiYeon na ang pinaka-maswerte sa lahat ng fans na nag-aasam na makasama ang SHINee kahit sa sandaling panahon lang. Samantalang sya 1oo days nyang makakasama angg SHINee. Nakaramdam sya nga awa sa mga ito pero wala syang magagawa. Dahil isa rin naman sya sa nag-asam ang kaso lang ay sya ang napag-bigyan. Walang humapay ang pasasalamat nya sa Diyos sa diary nya kinagabihan. Masayang masaya talaga sya. Una dahil nalaman nyang okay si MinHo. Pangalawa ay naroon sya ngayon nakatira sa iisang bahay kasama ang SHINee at syempre kasama si MinHo. Hindi na nya mahihintay pa ang bukas para muling makta si MinHo.


      Napalingon sya sa kaliwa nya. Iniisip nya kung ano na kaya ang ginagawa ni MinHo ngayon sa kwarto nya? Ano kaya ang itsura nito kapag tulog na ito? Napangiti pa sya ng ma-imagine nya ito sa isipan.


      Tahimik lang na nakaupo sa bench ng balkunahe si MinHo  habang nakikinig ito sa kabilang linya ng kanya cellphone. Halata ang sakit sa mukha nito, parang gusto ng bumagsak ngg mga luha nyang nag-gigilid. Napasapo sya sa ulo ilang saglit pa ay tuluyan na ngan bumagsak ang mga luha nya.







1 comment:

  1. ang swerte q nmn tlga! hwahhhhahahahha! sna 22o n lng 2!! sna mging roadie aq ng shinee!!!!! lhat ggwin q mangyri lng tlga un! hahhahahah!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^