CHAPTER NINETEEN
MABUTI na lang at hindi at malapit lang ang market sa dorm nila kaya nakarating agad si Onew. Hinintay nya si TeaMin sa may cashier. Malayo pa lang ay tanaw na ni Onew ang kakaibang ngiti ni TaeMin habang kasama si Jasmine. Natawa pa sya at napailing sa maknae ng grupo nila dahil iyon ang unang beses na nakita nya itong may ganun katamis na mga ngiti. Kumaway sya kat TeaMin ng makita nyang nag-hahanap ito sa kaniya. Agad syang nilapitan ni TaeMin kasama si Jasmine.
"Hyung! Kanina ka pa dito?"tanong nito.
Umiling si Onew na may mga nakakalokong ngiti sa labi. "Hindi naman. Ngayon ngayon lang."aniya.
"Ano bang tawa yan?"inis na wika ni TaeMin sa kaniya, nang sulyapan nya si Jasmine ay nag-bago agad ang mood nya. "Ah! Hyung si Jasmine pala yung-"si Onew na ang tumapos ng salita ni TaeMin.
"Yung babaeng nag-punta sa practice room natin. Girlfriend mo."muli itong ngumit na nakakaloko. Napatingin naman ng may kwetyonableng mukha si Jasmine sa kaniya.
"Ah-hindi-"pinigilan sya ulit ni Onew ng ibahin nito ang topic.
"Iyan na ba lahat ng binili mo? Ako na mag-babayad."nangi-ngiti nitong saad. Nawalan na tuloy ng pag-kakataong idepensa ni TaeMin ang sarili. Nahihiyang nilingon ni TaeMin si Jasmine. Mukhang hindi naman nito iniisip ang sinabi ni Onew pero kahit na. Para kay TaeMin ay nakakahiya parin iyon. Baka mamaya isipin ni Jasmine kung ano ano sinasabi nya sa mga hyung nya.
Inip na inip na sina JungHyun at Key habang hinihintay ang dalawa. Naroon sila sa salas na para bang wala ng mga buhay. Nakahiga sa sofa si JungHyun habang nakaupo naman sa lapag si Key. Inis na bumangon si JungHyun mula sa pag-kakahiga.
"Hay! Nasaan na ba sila? Nagugutom na ko eh!"anito.
"Sana tayo na lang pumunta ng market."nakangusong saad naman ni Key. Ilang saglit pa ay dumating na ang dalawa. Agad silang sinalubong ng dalawa ring nag-hihintay sa mga ito.
"Ano ba kayo! Bakit ba ang tagal tagal nyo?"galit na tanong ni JungHyun.
"Marami kasing tao sa market."dahilan ni Onew bago pasimpleng nilingon si TaeMin at kinindatan ito. Dumiretso sila sa kusina para ihanda ang mga binili nilang mga pag-kain.
SAMANTALA, nag-lalakad na pauwi sina Minho at JiYeon ng may madaanan silang isang bangketa na may tinderang matanda. Marami itong tindang mga ipit at mga accessories. Napahinto si JiYeon dahil sa napahinto rin si MinHo. Sinundan nya ang tinitingnan nito.
"Bakit?"kunot nuong tanong ni JiYeon.
"Naalala ko yung lola kong namatay sa kaniya."wika ni MinHo, nilingon nito si JiYeon saka nginitian tapos ay hinawakan nya ang kamay nito at hinila palapit sa matanda. "Hi! Mag-kano 'to?"kinuha niya ang isang ipit na may hugis puso.
"Mura lang yan iho. Limang piso lang. Bulhin mo na. Bagay yan sa girlfriend mo."tuloy tuloy na sabi ng matanda. Natigilan sailang dalawa at nag-katinginan. Nakaramdam ng ilang si JiYeon, wala namang naging reaction si MinHo.
"Hi-"pinutol ni MinHo ang sassabihin nya.
"Talaga? Bagay ba talaga sa girlfriend ko 'to?"anito. Napatingin si JiYeon kay MinHo. Ayaw nyang isipin nya sya ang tinutukoy na girlfriend ni MinHo dahil malamang ang tinutukoy nito ay si HaRa. Nakaramdam sya ng lungkot pero wala na syang magagawa. Kaibigan lang talaga ang turing ni MinHo sa kaniya.
"Oo. Subukan mo."sagot ng matanda. Dagling nag-isip si MinHo saka binaba nito ang mga hawak na pinamili nila. Pinihit nya paharap sa kaniya si JiYeon. Marahan nyang inayos ang buhok nito pag-kuway inipitan nya ito. Pinag-masdan nyang mabuti si JiYeon bago sya nag-salita.
"Wow! Bagay nga.'anito. Dumukot ito ng pera sa bulsa. Isang buong one thousand iyon. Iniabot nya ang pera sa matanda. Alangan na inabot ng matanda ang pera.
"Naku iho! Wala ka bang limang piso lang?"wala kasing panukli ang matanda. Dudukot na sana sa bulsa si JiYeon pero pinigilann sya ni MinHo.
"Iisipin ko na lang na branded yung ipit."nginitian ni MinHo ang matanda, hinmas pa nya ito sa likuran na para bang ito ang lola nya bago muling hinawakan ni MinHo ang kamay ni JiYeon at lumakad na palayo.
"Salamat iho!"pahabol pa ng matanda.
Tahimik lang si JiYeon habang nag-lalakd sila, hawak parin ni MinHo ang kamay nya. Kanina pa sya may gustong itanong dito pero hindi nya alam kung paano sisimulan. Siguro ay napansin iyon ni MinHo kaya ito na ang naunang mag-salita.
"May itatanongg ka ba?"gulat namang napatingin sa kaniya si JiYeon.
"Hu? Ah-oo."bumuntong hininga si JiYeon, kinuha nito ang ipit sa binili ni MinHo sa buhok nya. Nag-tataka naman syang tiningnan ni MinHo. "Para kay HaRa 'to diba?"sabi nya, inioabot pa nya ang ipit kay MinHo. Hindi agad nakasagot si MinHo. Nabigla ito sa sinabi nya. Ilang saglit ay kinuha nya ang ipit na inabot ni JiYeon.
"Hindi ko girlfriend si HaRa. Kinalimutan ko na sya at girlfriend sya ni MinWoo. At ito?"muling ibinalik ni MinHo angg ipit sa buhok ni JiYeon. "Binili ko 'to para sayo talaga."ngumiti ito.
Ayaw maniwala ni JiYeon na nakalimutan na agad ng ganun ganun ni MinHo si HaRa. "Bakit binayaran mo sya ng one thousand? May lima naman ako dito bakit mo ko pinigilan kanina?"patuloy nitong tanong.
"Kasi mas kailangan nya ang one thousand sa limang piso."simpleng sagot niya.
"Bakit pinigilan mo rin ako na sabihin sa kaniya na hindi mo ko girldriend?"
"Wala din namang mag-babago kahit sabihin ko man sa kaniya kung girlfriend kita o hindi. Ang importante dun nabigyan ko sya ng tulong na hindi nya naramandam na kaawa awa sya."saad ni MinHo. "Iisipin nya na kaya ko sya binayaran ng ganun kalaki dahil sa girlfriend ko hindi dahil sa kaniya."paliwanag nito.
"Ibig sabihin hindi naman talaga ang tinda nya ang pakay mo kundi ang matulungan sya?"natuwa naman kahit paano si JiYeon dahil nakita nya ang ganung side ni MinHo.
Ngumiting muli sa kaniya si MinHo. "Bagay talaga sayo yang ipit."saad nito saka nag-patiunang lumakad. Naiwan namang natawa sa kaniya si JiYeon.
MAAGANG nagising si JiYeon dahil ngayon na ang finishing touch ng design nila at next week na ang dedline nun. Paalis na sya ng salubungin sya ng ate nya sa pinto.
"Sandali, napag-desisyonan mo na ba yung scholar na sinabi ko sayo? Kailangan mo nang mag-madali. Limited slots lang daw yun. Sayang naman kung palalampasin mo yun."paalala ng ate nya tungkol sa scholarship.
Ang totoo ay nag-dadalawang isip si JiYeon. Bukod kasi sa okay naman ang quality ng turo sa school nila ay ayos na sila ni MinHo. Naroon nanaman kasi ang nararamdaman nyang gusto lang na laging nasa tabi ni MinHo. Nabuhay nanaman ang katagang 'martir' sa sistema nya kaya nagdadalawang isip sya ngayon kung tatanggapin ba nya o hindi ang scholar.
"Tatapusin ko lang muna 'tong project namin bago ko sabihin sayo ang desisyon ko unni."wika nya bago umalis. Iyon ang laman ng isip nya hanggang makarating sya sa school. Sa lalim ng pag-iisip nya hindi na nya napansin na kasunod na nya si MinHo. Napapiglas sya ng biglang may mag-salita sa tabi nya.
"Ganyan ka ba pag nami-miss mo ko? Wala ka sa sarili?"dalawang araw kasing nawala si MinHo. Kaya dalawang araw na walang sumusunod sunod sa kaniya.
"MinHo!"gulat na wika nito.
"Hay~hindi yan ang gusto kong marinig sayo. Wala bang 'MinHo! Welcome back! Na-miss kita!'"anito na ginagaya pa ang boses ng isang babae.
Natawa naman si JiYeon. "Hindi kita na-miss."biro nya. Ikinabagsak naman yun ng balikat ni MinHo. Pero muli itong nabuhayan ng makitang suot ni JiYeon ang binili nitong ipit.
"Pag malakang ang kita ng album namin na ilau-launch next week babalik ulit tayo dun sa matanda para bigyan ulit sya ng tulong."tinapik pa nito ang ipit sa ulo ni JiYeon bago lumakad paatras. Taka syang sinundan ng tingin ni JiYeon, kumaway sya. "Sige, dumaan lang ako dito para makita ka. Baka kasi matagalan nanaman bago tayo mag-kita ulit."paalam nito saka tuluyang lumakad na palayo. Wala ng nasabi si JiYeon napangiti na ito.
Gumaan na ang pakiramdam ni JiYeon ng matapos nila ang mga damit. Masaya sya maging ang classmates nya dahil nakita nila ang resulta ng pinag-paguran nila. Napakalaking accomplishment din iyon param sa larangan nya dahil napatunayan nya sa sarili na iyon talaga ang forte nya. Walang mapag-lagyan ang kaligayahan nya nadagdagan pa iyon ng makita nya sa phone na natawag si MinHo. Pasimple syang lumabas ng room para sagutin ang tawag.
"Hello? MinHo?"sagot nito.
"Congratulation!"paunang bati nito na ikinakunot ng nuo ni JiYeon.
"Pano mo nalaman-"natigilan ito ng mag-salita muli si MinHo.
"Ikaw pala ang designer namin para sa album namin."anunsyo nito na talaga namang ikinagulat ni JiYeon.
"Anong ibig mong sabihin?"hindi sya nalinawan sa sinabi nito.
"Kayo ang nag-design at nag-tahi ng susuotin namin para sa stage performance namin."pag-ii-laborate nito.
"Ibig sabihin kayo ang susuot nitong ginawa namin?"sasabog na satuwa si JiYeon. Gusto nyang tumalon sa kinatatayuan nya kung wala lang mga student na dumadaan.
"Uhmm. Excited na akong suotin yan! I'm sure maganda yan!"halata nga sa boses nito ang excitement.
"Ang saya-saya ko."malayong sagot nya.
"Kung ganun mag-celebrate tayo mamaya. Kita na lang tayo mamaya. Sige, bye."busy na linya na ang sumunod. Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ni JiYeon. Hiling nya lang na sana mag-tuloy tuloy nang ganun ang mangyari.
Ilang saglit pa ay nakatanggap sya ng text galing kay MinHo. "Kita tayo mamaya sa park malapit sa inyo. May surprise ako sayo. MinHo."lalong lumuwang ang mga ngiti ni JiYeon.
Hindi nya alam pero sobrang kinikilig sya ngayon dahil sa mga sweetness na pinapakita ni MinHo. Kaya lang bigla syang nag-alala baka kasi ginagawa lang iyon ni MinHo dahil sa guilt. Ayaw nyang mag-assume na may gusto ito sa kaniya. Dahil mukhang hindi naman iyon mang-yayari. Kahit pa sinabi ni MinHo na nakalimutan na nito si HaRa.
kinikilig aq s mga gingwa ni minho! ang sweet!
ReplyDeletehla nmn ang ngiti q hbng binbsa 2! abot hanggang langit! kyaaaah!
ReplyDelete