Tuesday, June 26, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 5


CHAPTER FIVE


         Pauwi na sila galing sa huling schedule nila ng may madaanan silang isang Amusement Park. Noon pa lang ay pangarap na ng SHINee na pumunta sa ganun kaso lang ay hindi nila maga dahil sa sobrang sikat na nga sila at isa pa ayaw sila payagan ni Mr. Kim.


      "Wow! Kelan kaya tayo mamapunta dyan? Gusto kong sumakay sa Roller Coater tsaka Ferry's Wheel."parang bata na saad ni TaeMin.


      "Asa ka pa. Hindi ka makakasakay dyan na may mapayapang buhay. Not unless mag-shoot tayo dyan."wika naman ni JungHyun.


       "Ang huling punta ko dya noon pang three years old ako."nalulungkot namang singit ni Key.


       "Tagal na nun ah!"natatawang sabi ni JungHyun.


       "MinHo hyung! Diba gusto mo ring pumunta dyan? Sabi mo dati gusto mo sumakay sa Roller Coaster."baling ni TeaMin kay MinHo na napansin ni JiYeon na gustong gusto rin nitong pumunta sa Amusement Park. Bigla syang nakaisip ng idea. Since wala naman si Mr. Kim. Bakit hindi nila samantalahin ang pag-kakataon?


       "Tara! Punta tayo dyan!"masayang yaya ni JiYeon. Sabay sabay na napalingon ang lima sa kanya. Napabangon si Key sa pag-kakahiga sa likuran katabi si JungHyun at TaeMin. Napagigitnaan naman si JiYeon nila Onew at MinHo.


       "Paano?"halos sabay sabay nilang tanong. Ngumiti ng pilya si JiYeon.


       Makalipas ang trenta minutos ay isa-isa na silang lumabas sa sasakyan. Mabuti na lang hindi pa naibababa ang mga wig at costume na nasa likod ng sasakyan na nakita ni JiYeon kaya may nagamit sila para mag-disguise. Excited ang mga ito habang papasok sa loob ng Amusement Park. Agad silang nag-yaya sa Roller Coaster. Napaatras si JiYeon dahil takot syang sumakay doon.


      "Noona! Sumama ka na! Ikaw ang nag-treat sa amin dito kaya dapat kasama ka sa lahat ng sasakyan namin."pakiusap ni TaeMin sa kanya.


      "Pero kasi-"mag-sasalita pa sana si JiYeon kaya lang ay hinatak na sya si TeaMin papuntang ticket booth. Walang gustong maupo sa unahan kundi si MinHo habang ang apat pa ay naka-pwseto na sa likuran ni MinHo. Si TaeMin at Onew ang mag-katabi, si Key at JungHyun naman ang nasa likuran nila Onew. Wala nang choice si JiYeon kundi ang maupo sa unahan katabi si MinHo.


      Hindi pa man umaandar ang Roller Coaster ay todo na ang dasal ni JiYoen. Halatang halata talaga dito na takot ito. Ni hindi nga ito dumidilat. Natatawa syang nilingon ni MinHo.


       "Bakit ka naka-pikit? Hindi mo makikita yung dadaanan pag nakapitkit ka."saad nya pero parang hindi sya naririnig ni JiYeon. Concentrate lang ito sa pag-dadasal. Napailing na lang si MinHo sa kanya pag-kuway bigla nitong kinuha ang kamay nya saka hinawakan ng mahigpit. Napamulat si JiYeon sa ginawa ni MinHo. Napatitig sya dito na may pag-tatanong sa mga mata. "Hawakan kita para hindi ka matakot."sabi pa ni MinHo. Unti unti namang napangiti si JiYeon.


      Parang magic na bigla nya na lang nawala ang takot nya. Pakiramdamn nya ay safe sya habang hawak ni MinHo ang kamay nya. Ang lambot ng mga palad nito. Parang kamay ng isang prinsepe. Hinihiling nya na sana habang buhay na lang silang nakasakay sa Roller Coaster para habang buhay din nyang hawak ang kamay ni MinHo. Ilang saglit pa ay umandar na ang Roller Coaster. Lalong napahigpit ang kapit ni JiYeon sa kamay ni MinHo. Kasabay ng pag-pagsak ng tren paibaba ay ang hiyawan nila.


      Matapos ang Roller Coaster ay sumakay din sila ng Anchor's Away. Para nang babaliktad ang sikmura ni JiYeon, gusto na nyang bumaba. Panay ang sigaw nya na gusto na nyang bumaba pero baliwala dahil kailangan tapusin ang ride. Naluluha na sya at talaga namang umuiikot na ang paningin nya. Bigla tuloy syang nag-sisi kung bakit pinag-bigyan nya ang hiling ng mga ito. Kung hinayaan nya na lang sanag mag-laway ang mga ito sa Amusement Park e di sana tahimik ang buhay nya ngayon sa dorm nila. Nagawa pa nyang sisihin ang sarili sa mga oras na iyon.


     Natapos na nilang sakyan lahat ng intense na rides kaya naman naisipan muna nilang mag-pahinga at kumain. Natutuwa si JiYeon dahil sa simpleng ginawa nyang iyon ay napasaya nya ang grupong ito lalo na si MinHo na ngayon lang nya nakitang ganun kasaya. Walang humapay ang tawa nito at wala ring kasing kulit. Huminto sila sa isang ice cream shop na nadaanan nila. Nag-alangan si JiYeon na payagan silang bumili dahil bawal sa kanila ang mga ganung pag-kain sabi ni Mr. Kim, makakasira daw kasi iyon sa boses nila. Kaya lang hindi na napigilan ni JiYeon nang patakbong pumasok sa loob si Key. Nag-sisunuran na rin sina MinHo, JungHyun at TaeMin. Inakbayan ni Onew si JiYeon saka inakay na rin ito papasok.


      "Okay lang. Minsan lang naman yan e. Hindi naman malalaman ni Mr. Kim."wika pa ni Onew. Pag-pasok sa loob ay nakapila na ang apat. Pumila na rin silang dalawa. Kaso hindi pa man nakakapili ng flavor si JiYeon ay inabutan na sya ni MinHo ng talong layer ng ice cream na may flavor ng chocolate, straberry at cheese. Nagugulat si JiYeon sa mga kinikilos ni MinHo. Kung dati ay napaka-cold nito sa kanya ngayon ay parang napaka-friendly at sweet na nito. Bigla tuloy syang nag-worry para sa sarili. Baka kasi hindi nya mapigilan at mahulog sya dito. Hindi pwede! Nangako sya sa kaibigan nyang si Mina at Aiko at nangako din sya sa sarili nya.


      "Wag ka na pumila. Hayaan mo na sila dyan!hinatak nya si JiYeon papunta sa lamesa. Pinag-hatak pa sya nito ng upuan saka pinaupo. Pakiramdam nya prinsesa sya at si MinHo ang prinsepe nya. "Prinsesa, kumain na po tayo ng ice crea."aba! Tumama ang nararamdaman nya. Tumama din kaya ang naisip nyang baka nahuhulog na si MinHo sa kanya? Imposible! Kelan lang sila nag-kita? She's being too assuming. Kailangan na nyang alugin ang ulo nya ng magising sya. "Oh!"biglang sambit ni MinHo. Kinuha nito ang puting panyo sa bulsa. Napahinto si JiYeon ng bigla na lang punasan ni MinHo ang gilid ng labi nya. "Ayan, wala na yung dumi."ngumti pa ito ng sobrang tamis.


      "OH.MY.GOD! What's wrong with this guy? Bakit bigla na lang naging sweet 'to?"bulaslas ni JiYeon sa isipan. Pigil na pigil ang kilig nya. Ayaw kasi nyang mahalata iyon ni MinHo. Pero the more na nagiging sweet ito the more na kinikilig sya. Baka mamaya dumating sa point na patulan nya na rin ang ka-sweet-an nito. "JiYeon! Please! Control yourself! Siguro way of thanking lang yung ginagawa nya dahil pinag-bigyan mo sila sa hiling nilang pumunta dito."paki-usap nya sa sarili, ganun na lang ang iniisip nya kaysa naman mag-expect sya sa isang bagay na sa huli ay hindi naman pala ganun.


       Huli nilang sinakyan ang Ferris Wheel. Pang-dalawahan lang iyon kaya ang usual na mag-partner ang mag-kasama. JungHyun at Key, Onew at TeaMin, syempre JiYeon at MinHo. Kalmado na ang mga pakiramdam nila sa mga oras na iyon. Nakangiting pinag-mamasdan ang view ng mga ilaw na kumikislap sa gabi. Ang sarap sa pakiramdam ng ganun. Parang wala kang problema lalo na kapag nasa itaas ka kasama ang taong nag-papasaya sayo. Iyon ang nasa isip ngayon ni JiYeon. Kaso naputol yun ng mag-salita si MinHo.


       "Naalala mo ba yung umagang nakita mo ko na namamaga ang mata?"tanong ni MinHo pero wala kay JiYeon ang atensyon nya. Naroon ito sa mga ilaw na kumikislap.


       "Oo."simpleng sagot ni JiYeon.


       "Tinanong mo ko nun kung umiyak ba ako, pero tumanggi ako."natawa pa sya sa sinabi. Tahimik lang na knkikinig si JiYeon sa kanya. "Ang totoo, umiyak talaga ako nun."pag-amin ni MinHo. Hindi na kinagulat pa ni JiYeon iyon dahil iyon na naman ang hula nya noon pa lang na nakita nya ito.


       "Alam ko naman."sabi ni JiYeon. Napatingin sa kanya si MinHo, pag-kuway tumawa ito.


       "Talaga?"paninigurado nya pero hindi na nya hinitay ang sagot ni JiYeon sa halip ay nag-patuloy ito sa pag-sasalita. "Hindi ko alam kung dapat kong sabihin 'to sayo. Pero pakiramdam ko naman mapag-kakatiwalaan kita."muling binaling ni MinHo ang paningin sa mga ilaw na kumikislap. Napayuko si JiYeon, hinahanda na nya ang sarili nya dahil mukhang nahuhulaan na nya ang gustong sabihin ni MinHo. "Si Hara, ang totoo may relasyon kami."tama nga si JiYeon. Iyon ang inaasahan nyang isasagot ni MinHo. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman, hindi nya ma-explain. Basta parang may kutsilyo na humihiwa sa puso nya kaya kumikirot ito ngayon. Pero kailangan nyang itago iyon sa harap ni MinHo at mag-kunwari na walang nang-yayari sa loob nya.


        "Bakit itionanggi nyo sa interview?"tanong ni JiYoen. sinusubukan nyang maging yaos ang tono ng boses nya.



        Natawa si MinHo. "Pag nalaman daw kasi ng mga tao hindi nila titigilan ang pag-tatanong. Magiging komplikado lang ang laha kaya kailangan naming itagao kahit sa sarili naming mga ka-grupo. Kaya lang minsan pakiramdam ko wala na syang nararamdaman sa akin. Minsan kasi tinataboy nya ako. Minsan ayaw nya akong makita. Hindi ko na sya maintindihan."halata nga sa mukha nitong naguguluhan ito. "Dumating pa ako sa puntong naisip ko na baka hindi na nya ako mahal at may iba na sya."tumingala si MinHo at napabuntong hininga. Pinipigilan nitong tumulo ang mga luha.


       Kung nasasaktan si MinHo dahil kay Hara ay mas nasasaktan naman si JiYeon dahil sa kanya. Ayaw ni JiYeon na nakikitang ganun si MinHo. Mas okay na lagi itong masaya kaysa ganun.


       "Pero-"muling ngumiti si MinHo pero nakatingala parin ito. "Nung makita nya tayong mag-kasama sa canteen nakita ko na nag-se-selos sya."saka ito tumingin kay JiYeon. Pinilit na tumawa ni JiYeon.


       "Talaga? Ibig sabihin lang nun may nararamdaman parin sya sayo. Mahal ka aprin nya."punong puno ng pag-kukunwari nitong saad kay MinHo.


       "Tama ka. Kaya nga gusto ko talagang mag-pasalamat sayo."hinawakan pa ni MinHo ang dalawang kamay nya. Nawala ang bigat sa dib dib ni JiYeon ng muli nyang maramdaman ang mga kamay ni MinHo. ito ang nag-sisilbing comfort zone nya sa tuwing matatakot sya o may bumabagabag sa kanya. Walang ibang nakakagawa nun sa kanya kundi si MinHo lang. Ayos na sya sa ganun. Ang importe ay ang motto nya, "Masaya na ako kung masaya si MinHo."


        Nang makababa sila ng Ferris Wheel ay pina-alalahana ni MinHo si JiYeon. "JiYeon! Yung sekreto natin hu! Wag ka mo sabihin kahit kanino!"nakuha naman agad ni JiYeon ang ibig sabihin ni MinHo.


        "Anong secret naman yun?"curious na tanong ni TeaMin.


        "Pambihira! Pinag-katiwalaan mo pa ang hindi member ng SHINee!"pabirong reklamo naman naman ni Key na ikinatawa nila. 


       Ngayon ay uuwi silang lahat na masaya. Hinding hindi nila makakalimutan ang araw na ito. Lalong lalo na ni JiYeon. Kahit na may mga scene na nasaktan sya pero para sa kanya ito parin ang pinaka-the best na araw para sa kanya, para sa kanila ni MinHo.









2 comments:

  1. owmagash!!! ang ganda po tlga!

    ReplyDelete
  2. haha! so nagselos ang members kay jiyeon? ahahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^