Sunday, July 8, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 14


CHAPTER FOURTEEN


         NAALIMPUNGATAN si JiYeon ng marinig nyang may nag-bukas ng pinto.  Naaninag nyang lumabas si MinHo kaya naman dali-dali syang bumangon sa pag-kakahiga para sundan ito. Mabuti na lang at naabutan nya ito sa may hagdanan. Kung hindi ay baka nag-pagulong gulong na ito doon.


       Hinawakan nya ito sa braso para pigilan pero nagulat sya ng bigla syang hatakin ni MinHo palapit saka niyakap ng mahigpit. Ikinagulat iyon ni JiYeon. Hindi nya inaasahang gagawin iyon ni MinHo. Ang higpit ng mg yakap nit na halos hindi na sya makagalaw pa.


       "HaRa."sambit ni MinHo. Pinilit pumalag ni JiYeon pero hindi talaga sya makawala.


       "MinHo ano ba!? Hindi ako si HaRa!"saad nito habang nag-pupumilit na kumawala sa mga yakap niya. "Ako si JiYeon!"pakilala nito. Ilang saglit pa ay kumawala si MinHo pero hawak parin nya ang mga braso ni JiYeon. Tinitigan nya ito sa mga mata. Kitang kita nito ang affection sa mga mata ni MinHo kahit dim light lang. May mga luha ang mga mata ni MinHo at may pag-mamakaawa na expression. Pag-kuway bigla na lamang itong hinalikan ni MinHo.


       Hindi naka-react si JiYeon, ilang saglit pa ay napaluha na ito. Alam nya kasi na ginawa iyon ni MinHo hindi dahil sa mahal sya nito, kundi dahil sa sobrang nami-miss na talaga nito si HaRa to the point na pati sya ay napag-kakamalan na nitong si HaRa.


       Ang kaninang soft kiss ay unti unting naging malalim. Hindi na rin kasi napigilan ni JiYeon ang sarili. Mahal din nya si MinHo, mahalaga sa kanya ang halik na iyon kahit pa hindi sya ang nasa isip ni MinHo habang ginagawa nila yun. Masaya sya dahil sa unang pag-kakataon ay nahagkan nya ang mga labi ni MinHo na noon ay sa picture nya lang nagagawa. Ngayon ito na. Totoo na ang lahat. Pakiramdam nya para syang si Cinderella na nakasayaw ang prinsepe kahit sa panandaliang panahon lang. Na ano mang oras ay matatapos na ang kaligayahan nya.


        Ganun nga ang nang-yari ng humiwalay ang mga labi ni MinHo sa mga labi nya. Umiiyak parin si MinHo, nag-punas ito ng luha at napailing. Tiningnan nito si JiYeon na may awa sa mga mata bago umalis pabalik sa kwarto nito. Doon lang napaupo sa lapag si JiYeon na para bang bigla itong nang-hina, namanhid. Hindi na nga nit napapansin na panay rin ang tulo ng mga luha nito. Para sa kaniya, iyon na ang isa sa pinaka-dramatic na pang-yayari sa buhay nya.


       KINABUKASAN, kailangang mag-panggap ni JiYeon na parang walang nangyari sa nag-daang gabi at harapin si MinHo kahit pa nahihiya sya. Di bale na, hindi rin naman kikibo si MinHo. Gaya ng araw araw nyang ginagawa. Mag-luluto sya para dito at ihahatid doon sa kwarto. Ang labas nga ay para syang katulong ni MinHo.


      Laking gulat ni JiYeon na wala sa kwarto si MinHo pag-bukas nya. Nag-sisigaw sya habang tinatawag nya si Lin pag-baba nya. Taranta namang lumapit sa kaniya si Lin.


      "Ano ba yun? Bakit nag-sisisigaw ka dyan?"anito.


      "Si MinHo po kasi e."nang-gigilid na ang luha ni JiYeon at hindi na nito masabi ang gusto nitong sabihin.


       "Ano si MinHo?"lalong nataranta si Lin.


       "Si MinHo po."para itong naiihi na ewan.


       "Ano nga si MinHo!"napasigaw na si Lin.


       "Wala po si MinHo sa kwarto nya!


       "Ano?! Diyos ko naman! Saan naman nag-punta ang batang iyon!"ngayon ay problemado na si Lin. "Tiningnan mo na ba ang buong bahay?"


       Nilibot nila ang kabuuhan ng bahay peo ni isang sign ni MinHo ay wala silang nakita. Natatakot at nag-aalala na si JiYeon dahil baka kung ano na ang nang-yari dito o baka kung ano na ang ginawa nito. Hindi nya mapapatawad ang sarili kung may mang-yaring masama kay MinHo.


      Minabuting tawagan na ni JiYeon si Onew para ipaalam ito ang nang-yayari dahil mahigit isang oras na ang nakalipas pero hindi parin nila nahahanap si MinHo. Kaya tuloy napa-rush ng punta si Onew kahit pa nasa kalagitnaan ito ng recording. Nang-dahilan na lang ito na may masakit dito. Ipinaalam din ni Onew sa iba pang kasama nila ang nang-yari pero si MinHo na lang ang pumunta dahil nga kailangan nilang tapusin ang recording. Ang bukod tanging walang alam sa lahat ay ang manager nila.


      Mas pinili ni JiYeon na mag-hanap muna sa labas ng bahay habang wala pa si Onew. Kanina pa sya nag-palibot libot pero wala talagang MinHo na lumabas. Minamalas pa dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. kahit umuulan ay hindi tumigil sa pag-hahanap si JiYeon. Para na itong sira na nag-hahanap habang naiyak. Hindi na nito alam ang gagawin, para na itong mababaliw. Saan nya hahanapin si MinHo? Pinasok na nya ang kakahuyan at paulit ulit na tinatawag si MinHo peo walang sumasagot.


      Lalong lumakas ang ulan na halos wala na syang makita pa. Napapatid na sya sa mga malalaking ugat ng puno hanggang sa madapa sya. Sa pag-tumba nya ay sumabit ang baso nya sa isang putol na sanga kaya tuloy nasugatan nanaman sya. Nag-halo ang dugo at ulan sa katawan nya. Iyak na sya ng iyak  hindi lang dahil sa hindi nya makita si MinHo kundi dahil din sa hapti ng sugat nya. Sa tagal nyang nag-hahanap sa ilalim ng ulan ay unti unti nang sumusuot sa kalamnan nya ang lamig. Namumutla na ang mga labi nya at ano mang oras ay pwede na syang matumba. Pinilit parin nya ang sarili. Kaya lang wala talaga. Nag-pasya na lang muna syang umuwi, mag-papahinga muna sya tapos ay muling mag-hahanap.


      Hinang hina na sya ng makabalik sya sa bahay. Walang tigil sa pag-dugo ang sugat nito. Mukhang malalim ang pag-kakatama nito. Naabutan nyang nasa labas sina Lin, Onew at. . .MinHo? "JiYeon!"tawag ni Onew. Dali dali nya itong nilapitan samantalang napasapo naman sa bibig si Lin. "Anong nang-yari sayo?"alalang saad nito.


      "Sandali kukuha ako ng tuwalya at gamot!"singit ni Lin saka ito tumakbo papasok sa loob.


      "Si MinHo-"nang-hihina nitong wika. "Saan-saan nyo na-kita?"para itong nag-hihingalo.


      Galit na nilingon ni Onew si MinHo. "Tingnan mo ang ginawa mo! Halos ibuwis na ni JiYeon ang buhay nya paa lang hanapin ka tapos ikaw ano? Nasa attic ka lang na kahit rinig mo na ang tawag nila hindi ka man lang sumasagot! Nasisiraan ka na ba!? Mag-pasalamat ka dahil pinag-tya-tyagaan ka ni JiYeon!"sigaw nito. First time itong nagalit ng ganoon.


      "Ano?"gusto nitong ipaulit ang sinabi ni Onew.


      "Hindi ko sinabing hanapin nya ko. Hindi ko sinabing pag-tyagaan nya ko! At lalong hindi ko sinabing ibuwis nya ang buhay nya para lang sa akin!"galit na sagot ni MinHo dito.


      Napipi si Onew sa mga narinig. Hindi nya malaman kung ano ang magiging reaksyon dito. Ito pa ang may ganang magalit samantalang ito na nga ang may kasalanan sa lahat. Natawa na mapait si JiYeon. Nasaktan ito sa mga sinabi ni MinHo. Tama si Onew, ni hindi man lang nito na-appreciate ang lahat ng ginawa nya. Tapos sa huli si JiYeon pa ang may mali? Parang sobra na naman yata yun para kay JiYeon. Hindi na matanggap ng kaluluwa nya yun. Sya na nga itong nag-mamalasakit sya pa ang lumalabas na may kasalanan.


      "MinHo."mahinang saad nito. "Pagod na ko."pag-kasabi nun ay nahimatay na si JiYeon. Mabuti na lang at naging maagap si Onew dahil agad nya itong nasalo. Gulat ang reaksyon ni MinHo pero ni hindi man lang nito nagawang tulungan si Onew. Naroon lang ito nakatitig sa kanila. Nag-tatatakbo na lumapit si Lin sa kanila at ito na lang ang tumulong kay Onew.


      Hindi malinaw kung ano ang ibig sabihin ng binitawang salita ni JiYeon na pagod na sya. Saan sya pagod? Sa pag-hahanap kay MinHo? Sa pag-aasikaso dito? Sa pag-unawa dito? O pagod na syang mahalin ito?



4 comments:

  1. ano bah yan.. nkakaiyak nman ate.. wag mo na kasing pagtyagaan si minho Jiyeon..hahambalusin na tlga kta minho.. ayoko na sa kanila.. Taemin akin ka na lng!.. haha

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  2. anong ngyri kei jiyeon! stressed? skit? waaaaaaah!!!!!!

    ReplyDelete
  3. hala! pagod na si jiyeon! ikaw naman kasi minho! makailang beses ka nang nananakit ng puso niya ha! hmp ka!

    ReplyDelete
  4. shocks tumatagos sa puso ko.. haha nakakaiyak.!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^